OBSIDIAN ISSUE #2 : WOUNDED

By blackpearled

2.4M 82K 77.3K

You met me with death in my mind, a war in my soul. While what caught my sight was the ink in your bones. I... More

WOUNDED
WARNING
DEDICATION
FOREWORD
Untitled
-
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
END
PART II
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR
FORTY FIVE
FORTY SIX
FORTY SEVEN
FORTY EIGHT
FORTY NINE
FIFTY

SEVENTEEN

30.7K 1.3K 1K
By blackpearled

For years, it has always been a struggle for me to earn at least a quarter of the world's approval; Its people, experiences, dreams... I have longed came to grips with the fact that we cannot please everyone, yet I still bear the yearning to make the people to like me.

The weight of these thoughts used to render me sleepless nights and plot my own death threats in my mind. Until last night... Hindi ko alam paano nangyaring tumanggi ang pagbisita ng pakiramdam na iyon sa tuwing pinaliligiran ako ng mga tao. I found myself laughing, toasting beer bottles, lean my body uninhibitedly close to the man beside me. At one point I even thought the behavior was caused by the shots of alcohol tripping in my head, pero nandito ako ngayon at binabalikan ang lahat. Each flash of the memory light shows different scenes; Like a captured photo, my face freezes at each dazed shots, echoes of voices going from mild to loud, warmth touching a space on my skin, and raspy whispers breathing on my hair...

I didn't fail to mention this to Dr. Costello the day after. Patuloy pa rin naman ang iilang sessions ko sa kanya. It was a short phone call. The smile in her voice one fine sunny morning warmed my chest.

"I'm happy for you, Samara. You keep that up, okay?" she said.

Though, I'm not sure if this is right, na masaya akong nasisiyahan siya. Ang dating kasi ay parang ginagawa ko lamang ito sa kasiyahan ng iba, when in fact I should be doing this to myself and not for other people's joy.

Sa bumabagsak kong mga talukap, lumalabo ang mga titik sa aking harapan. Isang kurap ay lumilinaw tapos ay lalabo ulit sa tuwing umaatras ang diwa ko pabalik sa kagabi. Pakiramdam ko nga nagtatagpo ang mga mata ko sa gitna, naduduling.

"Samara!"

"Ate!" Naigtad ako sa tawag ng kapatid. I looked at her in my fully awaked senses now.

"May nahanap ka na ba? Kanina ka pa tulala diyan!"

Binalikan ko ang screen. I'm using my sister's mini Macbook to search for any Photography school. Mag-iisang oras na yata ako sa paghahanap pero nilulugi ko lamang ang oras. As much as how I want to pursue a decision that matters so much to me, I always end up doing the bare minimum. Minsan nang dumaan ang tanong kung ito ba talaga ang gusto ko, o nasanay lang ba na wala akong ginagawa kaya hindi na motivated ipagpatuloy ang hangarin.

Each day, I grew more and more exasperated for it seems that I still don't know what to do with my life! There's not a single day where I don't picture out myself with my dreams fulfilled, ngunit sa tuwing sinisimulan kong tuparin, pinanghihinaan agad ako, nakakaramdam ng pagod. O baka tamad lang talaga ako?

"Mahal, ate."

I'm poor now. I mean, not really but compared to a life in the mansion along with Graciella' Vidaurri's mouth, my rich kid status has toned down into a centavo.

"Gaano ka mahal? Isang milyon?" sarkastikong sabi ni Merewald.

Ang sungit niya ngayon. Dahil ba madaling araw na akong nakauwi? Kahit papaano naman ay mas maaga kesa sa kanya na ngayon lang dumating! Kanina pa kayang alas sais natapos ang shift niya. It's been three hours past noon right now and she is still in her uniform!

Pansin ko rin pagdating niya kanina ay medyo lagpas niyang lipstick. I even caught her trying to wipe it away from his mouth, hiding the traces. Several ideas raced in my head but then thought that It was safer to just keep it to myself.

"Hindi naman..." I yawned and scratched some itch in my head. Inayos ko ang buhok ko pagkatapos at napahikab muli.

She dropped the hand towel in the sink counter. Umikot siya mula sa kabila para lapitan ako at pumuwesto sa aking tabi, halos sa aking likod na at inanggulo ang Macbook sa kanya.

Hindi lang sana short course or workshop ang gusto ko kundi isang full-time course mismo. I found one and it will only take three months. Ang sabi pa ay limited lamang ang slots. They aimed for just twenty people in each class, so I need to submit my form and enroll immediately before it's too late.

"Sa September pa ang klase..." I stated even when she is already reading that part now.

"Full time course for three months?" She guided her tentative gaze towards me. "Why don't you just take Fine Arts then Photography after? I hate to sound like Graciella here, but don't you think your opportunities are limited with only a three month course, Samara?"

"Hindi ba magasto na iyon kung mag-Fine Arts ako?" pangamba ko.

She sighed." Well, kung pangarap na ang pinag uusapan, hindi tayo magtitipid, especially if in the end this will all be worth it for you. Ito ba ang gusto mong gawin?"

Mabagal akong tumango. I'm not sure. I want to pursue this but the financial resources... Hindi na kami kasing yaman ng mga magulang namin. Ayaw ko rin na mapagasto si ate. What if her salary could not keep up with my tuition fee? Not that I am underestimating her head nurse status but this country has its pitfalls that seems to be constructed for her field.

Nagtagal ang titig niya na tila pinag-iisipan ang sasabihin. I levelled it with these patient eyes of mine to let her know that I am willing to listen, whatever her doubts are.

"Iyong pagsusulat mo, ititigil mo na ba talaga? You know... you can take creative writing--"

Isang marahas na iling at yuko ko lang ang tumuldok sa mungkahi niya. Her deep sigh declared the final decision.

"Okay, kung diyan ka masaya..." pagsuko niya at kinuha ang iniwang kape sa kabilang dulo ng island counter para hugasan.

The palpable disappointment in her tone has somehow stroke a slight burn in my chest. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Gaano ko pa man kagustong tuparin ang mga pangarap, kung iniilingan naman ng mga nakapaligid sa akin, hinahayaan ko na lang na maging abo ang isang liyab para magsindi ng panibagong alab kung saan hindi naman ako sisiklaban.

For me, one of the ways of getting people to like me is to agree with them, no matter how bad their opinions are. Pero dati iyon, noong hindi pa ako nabubulagan. These past few days, the feeling that I get to care less about it is gradually starting to reach me.

But these thoughts just wander loosely around my head as my gaze lingered on my sister. Ang isang tanong na lagi kong nakakaligtaan na idaan sa kanya ay biglang naligaw sa isip ko.

"How did you get by, ate? After you know... Mommy."

Hindi nakatakas sa akin ang pagkakatigil niya. After several blinks of her deep almond eyes, she resumed her task and casually answered my random question.

"Si Mamita. She knew how her daughter loathed her to the bones. So out of spite, she took me under her wing at siyang nagsustento sa pag-aaral ko hanggang kolehiyo." Mabilis niyang pinaligid ang mga mata sa bahay bago binalikan ang ginagawa. "She used to live here. Nang magkasakit ay lumipat na sa mansion house niya sa Dalaguete. Then there, near the shores where she has always loved to live in peace, passed away without even earning the forgiveness of her one and only daughter."

Though I didn't really hear much about Mamita. Not even once Mother tried to talk about her. Habang si ate noon, sa tuwing binibisita ako nang palihim sa mansyon ay puro masasayang kuwento ang binabanggit kasama si lola. The always resentful Graciella still blamed her mother for their chaos living way back, with the people throwing stones at them because the late and stunning Ludovica Giordano was a mistress of some rich man here in old town Cebu. A half-Italian mistress who came from crazy old money.

Kinamumuhian nito ang pagiging anak niya sa labas. And her father, my grand father who I have never met and known, did not once acknowledged her.

Kaya may mga minsan na hirap din akong magalit sa kanya sa kabila ng pagtrato sa akin. But I snapped one day and I just forget about the root of her behavior.

Silence dragged on for a hundred hertbeats, tila ba nagbibigay pugay kami sa sumasakabilang buhay nang alaala. I was left alone in the dining when Ate Merewald went to the living room and grabbed something from the couch. Mula roon, hindi ko na tinatanggal ang paningin sa hawak niya hanggang sa nailapag ito sa aking harapan.

"Dumaan pala rito ang 'kaibigan' mo at inabot iyan," she said, with the obvious emphasis of the foreign version of friend.

I stared at the camera she gifted to me some weeks ago. Halos limot ko nang na kay Angelov pala ito. The last memory I have of this was giving it to Davina. Siguro ay binigay niya sa matalik na kaibigan at dito kinuha ang picture kong ginawa niyang ano... iyong sa facebook! It makes sense to me now.

"Friends, huh..." Napailing si Ate at tinalikuran na ako para sa hagdan.

"Naghihiraman naman ng gamit ang magkakaibigan!" habol kong depensa, 'cause it felt like I needed to! And it beats me why seeing her reaction made my cheeks flush!

"Matutulog na muna ako, Samara. I'm tired..." she drawled lazily, I can almost hear her mocking, too! Bawat hakbang niya sa hagdan ay mabibigat o padabog.

I watched the door slammed in her room. At habang pinagmamasdan ang saradong pinto, animo'y isa iyong tanghalan ng mga alaala ay gumitaw sa blanko't puting pintura nito ang kaninang imahe ng pagtatago niya sa lumagpas na red lipstick sa kanyang labi.

I haven't seen Angelov for three straight days.

Sa mga unang limang oras ng pananatili sa Inkspire tuwing bumibisita ako, iniisip ko pang nasa klase siya. But when five turned to eight and he still isn't showing up, iba't ibang hula na ang nagsisimulang sumayaw sa isipan ko, inaaliw ang aking mga pangamba.

The thought about him steering clear of me entertained my fears. Mabilis ko ring winasiwas ang tungkol doon dahil ako itong dapat na umiwas. Hindi ko pa rin malimutan ang sinabi niya. I was left speechless that night which drove me to drink tons and Angelov had to drive a semi-drunk girl home!

"Nauna silang i-dismiss, a? Nag text pa nga iyon sa 'kin na hindi na siya maghihintay dahil may pupuntahan, 'kala ko nga ikaw."

Unang araw na hindi ko siya nasilayan mula ng huling pagsasama namin ay ito ang sinabi ni Charlie. I expected to see Angelov here in the tattoo studio. Though, it wasn't my basic intention to desperately look for him in the first place. I was bored on that day and the studio came to my mind. Noong pinuntahan ay si Charlie ang nadatnan, abala sa pag-piercing ng isang lalakeng customer. Davina arrived later on that afternoon.

Kung kailan unti-unti na akong nagiging kumportable... at saka may usapan pa kami! Dahil dito, nahain tuloy ang pagduruda kung seryoso ba talaga siya sa pustahan. In these kinds of games, it's hard to choose if you'd take it seriously or just treat it as it is, a game. If not, they would resent you. But if you're willing to play, by default you're the one who lose.

So what if he wasn't serious about it, Sam? Dahil ba umasa ka? Ikaw itong tatanga-tanga ngayon na nagpapaniwala sa mga hirit niya?

Would he really do that? After all of what he told me three nights ago...?

I don't mean to invest too much of my mind on it but it has been driving me nuts for days! Lalo pa ngayon na hindi siya nagpapakita!

"Vin, si Lov? 'Di ba kayo nagsabay? Classmates kayo! Bakit hindi mo binabantayan at inaalagaan ang kaklase mo? Kung saan saan tuloy napupunta," biro pa ni Charlie, pangalawang araw ng pagbisita ko.

Nilapag ni Davina ang bag niya sa counter at inangat sa baywang ang bumababang ripped shorts. Hinubad na rin niya ang niluluma nang boots. I could see the relief as she has finally taken them out of her feet.

"Naki-hitch ako pero binaba rin sa Hi-way," aniya habang nagsusuot ng flipflops, still with her thin black stockings. Nilingon niya ako habang ginagawa iyon. "May pupuntahan yata. Hindi mo tinext?"

Umiling ako. Kung binaba niya si Davina sa hi-way at kung posible man, pa-timog ang tungo niya, then I can only think of this leading to that one thing. Parang alam ko na ang punta niya. Papatimog din iyong daan na tinahak ng sinakyan ko noong sinundan siya.

Though a text could have been of help. Pero ayaw ko rin naman manguna. Baka sabihin pa na clingy ako, e, friends lang naman kami.

"Hindi ba siya umuwi?" I tried to ask.

"Iyan ang 'di ko alam. Ikaw, Cha, na-text mo ba? Tsaka kayo lagi magkasama, a?"

Malalim ang salubong ng kilay ni Charlie. "Pumapasok naman siya sa school. At kung itetext naman ay hindi masyadong nagrereply. Tawag kaya gusto nun. Hellooov?"

"Gagu," tawa ni Vin.

I want to tell them that I already have an idea. Halos sampalin ko ang sarili dahil maling-mali ang gawin iyon! What if they ask more questions? Malakas pa naman ang pakiramdam ko na wala pa silang alam tungkol sa Mama niya. But Angelov's mother hasn't been living in that house for... I don't know, for a long time? Hindi ba sila nagtataka?

Iba nga siguro ang kinukuwento ni Angelov sa kanila kaya hindi na siya inuusisa. But they are his close friends! Ba't parang ayaw niya silang pagkatiwalaan?

"Dito ka muna, Sam. Oh ito, upo ka..."

Pangatlong araw, inisang hablot ni Charlie ang papahulog na tela sa counter at pinangpunas naman sa espasyo ng long bench na uupuan ko.

I couldn't stifle a smile because he's just so adorable. Hindi pa siya nakapagbihis sa Business uniform niya. Nakabukas lahat ng butones ng abuhing polo para malantad ang puting shirt niya sa ilalim.

"Ayan...wala nang alikabok." He smile cheekily when he was done wiping.

"Thank you," I said and sat down primly.

Natawa si Davina. "Para kang abno, Cha."

"Mabuti na 'to kesa mapagalitan pa tayo ni Senyorito! Grabe pa naman magalit 'yon, parang lilindol, e..."

Davina laughed harder. Kumunot ang noo ko. At bakit naman siya magagalit? I can sense an inside joke within that laugh and in between them.

"Bakit, paano ba siya magalit?" tanong ko.

Natahimik si Davina at bigla na lang kumaripas sa de-kurtinang silid. Si Charlie ay halos mabulunan sa iniinom na tubig. Napailing siya.

"SPG, Sam. Bawal... wait, eighteen ka na ba?"

Tumango ako.

"Hmm... basta! Dadaan din iyon si Lov dito. Mahal niya 'tong shop, e. Kaya hindi puwedeng hindi niya pupuntahan bago pa man magtapos ang linggo."

Panatag naman ako sa tiniyak sa akin ni Charlie. I watch them getting busy preparing the tools for the next customer. Noong una ay pakiramdam ko pang nakakaabala ako sa kanila, pero ayos lang naman daw na tumambay ako at makinood sa kanilang ginagawa.

It may not seem like it but I really like it here. This may not also be the usual place I go for like coffee shops, bookstores or my mother's squeaky neat clinic, but the vibe that radiates everytime I stay here felt so different. Iyong tipong pinipilit mo na ayaw mo dahil may kadiliman din ang loob, at sa unang tingin ay tila maiingay lamang ang pinapapasok. With their steel stuffs, some antique-looking, dark, haunting and no trace of any femininity in the interior, sino bang katulad ko na pinalaki sa rangya at pagiging perpekto ang mangangahas na pumasok dito at gustuhin na manatili?

Nagsimula na si Davina sa unang customer. Sinulyapan ko ang wall clock sa may counter at nakitang mag-aalas dos pa lamang ng hapon.

It probably has to do with creativity. The hum of the tattoo gun, the muted music in the background, and the art of not judging. It's as though I can do whatever I want to in here without anyone to scrutinize me. Kasi ang mga dumadayo dito ay nakatanggap na rin ng panghuhusga, so I can say that there is a deep understanding in them not to treat other people the way they have been treated before and now.

Sa makailang balik ko na rito, aking natanto na hindi ko masyadong pinagtutuunan ang loob nitong studio. I stunted my observation only up until the superficial details that were easily noticed in just a single glance. Pero aaminin ko, si Angelov lang naman kasi ang sinadya ko noon kaya wala tuloy akong pakialam sa nakapaligid.

The shiny black tiled floor shrieked as I pivoted my foot and stood up. Nanatili ang tingin ko sa itim na counter kung saan nakasulat sa ibaba nito ang logo ng Inkspire. In silver color, it was inscribed in huge and elegant italic cursive font. Unang pasok pa lamang ay iyon na agad ang bubungad dahil nakatapat ito sa bunganga ng studio.

I've already mentioned how the ambience inside evokes walking at the deepest gut of the woods, covered in haze as the countless tears of the gray skies are falling upon you. Even with its white walls which thoroughly contrasted my impression, nasabi ko ito dahil halos takpan na rin kasi ng mga nakadikit sa pader ang pagpapahiwatig ng liwanag at gaan. Bawat panig ay puno ng mga litrato ng tattoo designs nila.

The wall behind the counter were design photos uniformly framed in maroon, and in shapes of rectangles, squares and a few oblongated ones in different sizes each. They were organized in such manner of a puzzle, filling each wide spaces to balance the narrow distance of the frames.

Sa tapat ko naman ay isang arch wall mirror. Umuusli sa ibaba nito ang parihabang wooden wall table na sinadyang ipinako sa pader. Its length was longer than of the mirror by probably three inches. Mas maliit lng din ito nang kaunti kumpara sa isang drafting table. Sa ilalim ng mesa ay isang rack na may mga naka-hanger nang iba't ibang sizes, kulay at disenyo ng tshirt. I quickly figured that those were merch items dahil na rin sa mga mugs sa mesa na may tatak ng logo nila.

Sa bawat gilid naman ng rack ay may mala-beatbox na upuan, at katabi ng isa ay bunton ng mga magazine. Puro tungkol sa tattoo at may nahagip din akong tungkol sa music.

Back to seeing my face on the mirror in front, I got to notice the frames on the wall behind me. Hindi ko namalayan na meron din pala sa panig na ito. I turned, only to find out that this time they were not tattoo designs. As I gazed too close, I realized that they were not pictures. They were paintings! Life-like that they almost looked so real!

"What the..." I whispered in sheer awe, while my heart is booming fast.

Kung sa malayuan titignan ay para silang mga litrato. A portrait of recognizeable faces at that. Hindi katulad ng mga nakasalamuha kong paintings noon ay malalaman na agad dahil sa nadedepinang brushes at strokes. While these ones were extremely neat, or were they digitally painted? But even so. Kailangan ko pang maduling para lang mapatunayan na paintings nga sila! The surfaces looked too soft for a painting instead of the obvious strokes of the brushes and the usual rough edges of abstract.

Inatras ko ang mukha at napailing, medyo natawa. "No way..."

Inisa isa ko ang bawat frame sa nakaawang kong labi. If the ones on the counter were in maroon, the frames on this corner were in black. May napansin ako sa ibaba ng bawat imahe. A thin and longhand signature that I have easily decoded. Angelov.

"No way..." mas seryoso kong sinabi.

He paints! I mean, somewhere far away from today I think I already have an inkling that he can, pero hindi ko naman inasahan na ganito kagaling! Kung hindi lang sinuri nang mabuti ay habangbuhay kong pagkakamalan na printed pictures lang sila at nilagay sa frame. The faces just seemed so real na para bang mga selfie na nilagyan lang ng filter na oil painting para magmistulang ipininta! But no. These ones I'm sure were hand painted! Ramdam ko ang pangangalay ng mga kamay ni Angelov habang ipinipinta ang mga ito!

Sa higpit humawak ni Angelov, kaya niyang pagaanin ang kamay nang ilang oras just to achieve the soft strokes. The soft caress of the brush against the delicate canvass, only maneuvered by his hands, calloused hands... Imagine the control and discipline he has to endure for these masterpieces. Each subtle shadings and bold outlines blended perfectly well to create a realistic and authentic depiction of the images. Kuhang-kuha kahit na ang pinakamaliit na detalye mula hibla ng buhok, emosyon sa mga mata, anino at contour sa mga mukha nila.

"Mga bagong sinabit, tol? Sabihin mo kay Lov magpapapinta rin ako sa mukha ko."

Nakalapit na ang customer ni Charlie bago pa man ako nakalingon. Tumabi siya sa akin, pagkatapos makita ang bagong piercing nito sa tenga ay binalikan ko ang mga frames sa harap.

"Depende kung papayag. Tsaka 'di iyan libre noh!" si Charlie.

"Ba't kayo ni Vin libre lang?"

"Matik na 'yan!" sabay bagsak ng drawer sa counter.

I easily recognized all the iconic faces painted, pero mas kilala ko ang dalawang nasa gitna pa talaga ng grupo ng mga frames. Mula sa pinakamanipis na hibla ng buhok na humarang sa mukha ni Davina, ang contour sa prominente niyang cheekbones, pati transition ng kolorete sa mata niya! Hanggang sa lalim ng dimples ni Charlie at ang eksaktong itim ng mga mata't pilikmata sa tunay na buhay... Angelov didn't miss a beat of even the most imperceptible and faint details of their features.

Hindi ko alam bakit naninikip ang dibdib ko habang tinitigan ang mga iyon. Were these frames already nailed the first time I set my foot by accident in this studio?

"Astig nito, o," turo nung lalake sa isang seductive painting ni Marilyn Monroe sa itaas. " 'Di ba nags-spray painting din siya? Laki rin ng panalo niya dun, a."

Napahinga ako nang malalim. I don't want to underestimate Angelov himself. Pero halos napaka-imposible talaga. With his breathtaking looks? No. There's just no way that he is capable of almost everything and produced only the best of them!

An art himself, creates an art. I don't know which one is the masterpiece now.

Tao pa ba siya?

"Siya na anak ni Lord!" mariing deklara ni Charlie. The guy beside me chuckled.

Kung ang talento minsan ay natutunan at kadalasan naman ay inborn, ang itsura ay hindi naman natututunan, 'di ba? Kaya ngayon tuloy ay halos isipin ko nang nagpa-retoke si Angelov para masabihang total package na siya!

"Saan siya nagpipinta? Dito rin ba?" tanong ko nang makaalis na ang lalake.

Sandaling nag-angat si Charlie mula sa log-book sa likod ng counter. "Iyong bakanteng kuwarto sa bahay nila. Pero naka-lock, isang beses nga lang ako nakapasok dun, e."

I nodded and stared at the framed paintings again. Another deep breath to soothe the bizarre ache in my chest.

Somewhere along the spaces of my billowing daydreams, a wish to be painted like this was sprinkled like pixie dust. Ano kaya pakiramdam? Iyong pinipinta at saulo bawat hubog ng mukha mo? Ang kaliit-liitang mga detalye na kahit ikaw ay hindi mo tantong nabubuhay pala sa iyo... mga detalyeng hindi mo namamalayan pero ang nagpipinta, nagawa itong mabuo.

"Meron pa rito, Sam. Astig din. 'Lika."

Bago pa ako makalingon ay pinasok na ni Charlie ang workroom ni Angelov; Ang pinakaunang silid sa makipot na hallway, katapat na gilid lang ng counter. He looked so excited hopping to his room, habang ako naman dito ay kabado.

Unang apak ko rito sa workroom niya noon ay hindi ko napagtuunan ang paligid. I was too preoccupied by fear when Angelov suddenly pulled me here. But now...

First thing I noticed was the black reclining chair properly settled near the table of tools. Katulad ng sa receiving area, puti rin ang dingding ng workroom niya. The only difference this room evinces was the allusion of vintage. Mula sa mga intricate frames na naglalaro sa itim at ginto na hindi lang mga disenyo ang laman. I saw a painting of a particular Spanish establishment, a haunting image of a woman which mirrored the setting of the 19th century; the Victorian era, a rose painting at lahat nang mga iyon ay sinadya talagang iisa ang tema. Sepia, sa iba't ibang intensidad ng kulay.

Napangiti ako sa painting ng matabang pusa sa gitna. Wearing an emperor's clothes, it's the only humor among the serious group of frames on the white wall.

My eyes fell on the white skull deco on his table. Nakatapat pa sa akin ang mukha ng bungo!! Mabilis kong iniwas ng tingin. Not only this room evokes a vintage air but haunting, too! I should have brought my camera.

"Siya rin ba nagpinta nito?" turo ko sa paksa ng mangha kani-kanina lang.

"Oo, lahat ng iyan! Ito rin, o."

On the other wall were 3D sketches. Tatlong frames lang ang nandoon at sa magkakaparehong hugis at laki. Sa unang larawan ay sketch ng mukha ng isang babaeng lumalabas sa nakabuklat na libro. Pangalawa ay babae ulit, sinusuko ang sarili sa ilalim ng karagatan. Her long dark hair and her thin white dress billowed as they danced along the current of the waves. The ripple above the woman was very detailed which made the image more real.

"Pinakabago 'to," turo ni Charlie sa pangatlo at huling frame.

It was an eye. Just one eye with its long and subtle curl of the lashes. Ang kilay nito ay nakuha ang kalat at ligaw na mga hibla sa itaas at ibaba ng kakapalan, at ang bawat tagpi ng mga hibla ay napakadetalyado. Just from this alone, I can see how imperfect the face of this person was, only that she was drawn perfectly well on this work of art.

From the upperlids down to the slight darkness and pores underneath it, every small details of the pupils and iris makes the eye familar to me. Lalo na ang malaking butil ng luha na sumisilip mula roon.

"Galing noh? Pano pa kaya pag may kulay na? Nakakakilabot siguro."

Nilunok ko ang namumuong hikbi sa lalamunan ko at tumango sa sinabi ni Charlie.

"Oo nga, " I choked and lingered my gaze on the eye sketch. "Para siyang si Davina pag walang make-up..."

"Hm? Talaga?" Nilapit ni Charlie ang mukha niya sa frame at matagal na sinuri. " 'Di ko rin masabi. Hindi ko pa nakikita iyon na walang kolorete. Pero puwede rin."

Speaking of, hindi pa tapos si Vin sa customer niya. The sharp hum of the tattoo gun is still on-going on the other room.

"Actually, marami pa ang mga 'yan. Nakakahalay na nga lang 'yong iba kaya pinigilan namin ni Vin na ilabas ni Lov. Sila lang ang pumasa."

"Halay, like yung... mga nudes?" inosente kong tanong.

Charlie made a face. Para siyang nahihirapan sa gagawin. "Alam mo na 'yon, Sam. Huwag mo nang ipa-elaborate sa 'kin!"

I could see how problematic he was when he walked out, nagkakamot pa sa ulo. Dinig ko ang bagsak ng pinto sa cr habang ako ay nagpaiwan pa rito sa workroom, hindi maiwalay ang titig sa mata. Below the sketch were the cursive words, Fortris in arduis.

The utmost suffering and the plead to be freed within the eye burrowed deep to my bones. Hindi ko akalain na pati ang emosyon na iyon ay kayang makuha ni Angelov sa pagpipinta lamang.

Which made me think... that it's such an irony how he could show different kinds of emotions through the work of his hands. Intense emotions. Yet Angelov... Galit, tawa, ngiti, aliw, pikon, hanggang doon lang. Minsan nga, wala. But give him a pen, and he can introduce you the rest of the emotions that he himself couldn't express.

He bleeds art. I scream for colors. In his monochromatic state of mind, a masterpiece will bend in his favor.

Tumunog ang chimes sa pagbubukas ng pinto. Paglingon ay sumalubong sa katiting na kuryosidad ko ang paghaba ng anino hanggang sa hamba nitong workroom gawa na rin ng panghapong sinag mula sa labas. Thinking it was a new client, binalikan ko ang sketches sa harap, hindi kayang alisin ang tingin sa lumuluhang mata.

At the same time, I was also waiting for Charlie to get out of the washroom. Ngunit ilang matagal na segundo ay isang tahimik at maiingat na mga yabag ang narinig kong papalapit.

"Hi..."

Naigtad ako at mabilis nilingon ang bunganga ng workroom ni Angelov. And there, it was the owner himself, standing gloriously at the entrance!

Sa matagal kong paninitig sa kanya, umalingawngaw pa sa diwa ko ang kakaibang tono ng boses niya. It sounded a bit high-picthed and childish when he spoke but without losing its virility. It's just that it's not the usual baritone that I always hear from him. Tila ba may nalilitong tanong sa dulo niyon dahilan marahil ng pagtaas ng tono.

"Kanina ka pa?" dagdag niya habang unti-unting lumalapit.

"Uhm, oh... oo!"

Pakurap akong nag-iwas ng tingin, but only for my eyes to retreat their delight on him.

Una kong napansin ang pamumula ng mukha niya, lalo na sa pisngi sa ilalim ng mga mata, gawa ng pagbibilad sa araw. Mas nadepina ang nipis at tangos ng ilong niya sa kanyang kulay ngayon. Also, his eyes were more dazed, as if he got drunk from too much exposure from the sun.

Or am I wrong? Kakaiba ang pungay ng mga mata niya ngayon. Nangangapa ang paningin kung totoo ba ako sa kanyang harapan.

With lazy effort, he let the strap of his black bag slid from his shoulders down to his arms then threw it on the nearby chair without stripping his dazed eyes off me. Habang ako ay sandali siyang pinasidahan bago nagbalik sa kanyang mga mata. Like his usual outfits, he's again sporting a loose black muscle shirt, iyong tipong malaki ang pagkakabutas ng armhole para sa isang ihip lang ng hangin ay nahahawi ang bahaging iyon at sumisilip ang nipple at tattoo sa dibdib niya.

Dahil nga sa itim ang suot, kapansin pansin ang long necklace na humihimlay roon at ang pendant nitong tila pangil, paliko sa dulong matulis. Naningkit ang mga mata ko nang tinitigan ito nang mabuti at napansin ang lumalamon sa ibabaw ng puting pangil ang ulo ng leon na kakulay at siyang kumakabit sa chain.

"Hindi ka tumawag, sinabi sanang pupunta ka rito..." sa kalmado na niyang tinig.

Now that he is nearer than intended, I get to see the hint of amusement glazing against his obsidian eyes and at the same time, the unbelievability that pairs with it, stunned to the core that he found me here.

"Kung tumawag ba ako..."

"Aagahan kong pagpunta... rito," agap niya.

Tila napigtas ang pasensiya sa natitira naming distansiya, mabilis niyang kinawit ang braso sa baywang ko at hinila ako. I couldn't hide my gasp for that unexpected move!

I tried to push my way out of him but I only bounced back to his lean and tattooed chest. His arm on my lower back pushing me closer to his rough body was firm and with the determination and rigidity of a steel, now digging on my tailbone. Uminit ang pisngi ko dahil sa kabila ng karahasang pinamalas niya, hindi naman ako nasaktan. Nabigla, oo.

Pakiramdam ko ay mabubulunan na ako sa bugbugang nagpangyari sa aking dibdib. My heart against its calcium-filled jail, paunahan kung alin ang unang mawawasak. And whichever gets to win will rise its way up to my throat just so I could vomit it then lose a part of my body, and lose my words as well. Puro hagap na lamang ako ng hininga para lang pahabain ang aking buhay.

"G-galing saan? Babae?" I couldn't even think of a better reply, as I also couldn't look at him straight in the eye.

Hinapit niya ako lalo at pinirmi hanggang sa inuusungan na ng hangin ang hiya ko.

"Oo, Sam. Babae," mariin niyang sabi at tumatango pa, mas tumingkad ang aliw sa mga mata.

Ngumuso ako at sinubukang ilapat ang mga palad ko sa dibdib niya para dahan-dahang itulak. But even before I could attempt a hard push, as if he could already predict my next move, he tightened his arm on me to pull me closer, not allowing a single narrow exit to exist.

Now chest to chest, I cleared my throat. Pakunwaring interesado muli sa paligid kahit wala nang laman na katinuan ang isip ko. I remember what he told me three moons ago. We didn't have a proper closure for that talk. Now with him doing this, I slowly begin to connect the dots...

Nanuyo ang lalamunan ko sa umuusling napagtanto. I don't want to shape the assumption into words and whisper it to myself. But deep within my consciousness, the truth of it was already established.

"Ang gaganda ng mga gawa mo... painting," parang tanga kong sinabi, hindi nagtugma ang sigla sa aking kilos.

"Sila lang ba ang nakikita mong maganda?" ihip ng mga salita niya sa inaapoy ko nang pisngi.

"Uhm..." I bit my bottom lip as I glanced at him, gave him a quick smile to somehow ease the awkward feeling.

Binalik ko rin ang panunuri sa paligid para maghanap ng lusot at makatakas sa bisig niyang nagkukulong sa akin.

"Ay...gusto ko 'to..." I smoothly eased out of his caging arm when his grip loosened. Lumapit ako sa kanyang working table para kalabitin ang bungo roon.

"Ito rin, gusto ko."

One pull and my back hit his hard chest. My breath hitched. I looked down and there I found his hands already fastened on my stomach, fingers clasping each other which reminded me of two pieces of a broken heart becoming whole once again through filling the jagged cuts from the harsh rip.

"Ah-Angelov..."

Tuluyan na akong hinuhuli. The veins embossed against those potent and slightly hairy tan arms pulsed as if the electrifying current has just made a quick trip when it felt my own intense shivers.

"Hmm...?"

Haharapin ko pa lang siya ay sakto namang lumagitik ang lock sa washroom. The dragging noise of Charlie's slippers was about to pass by the workroom! Taranta kong inaalis ang kamay ni Angelov at nahimigan naman ang kaba ako, siya na ang kumalas sa halip na hayaan akong gumamit ng puwersa.

"Oy, may pizza! Dala mo, Lov?" Binubuksan na ni Charlie ang kahon nang magtanong.

Kinakalma ko ang sarili, at mas aasenso ako kung hindi siya tititigan kahit na hindi ako pinapakawalan ng paningin niya.

"Vin, may pagkain! Yeay," si Charlie ulit.

The buzzing of the machine halted. Pinakiramdaman ang mga kilos sa labas. Sumulyap ako sa likod ni Angelov at nakita ang pagdaan ni Davina kasunod ang kliyente niyang mukhang kuntento naman sa tattoo. Tinakpan ang tanaw kong iyon sa hamba ng madilim na anyo ni Angelov nang humarang. The unforgiving severity in his eyes told me that he isn't pleased at all, though I'm not sure what for.

"Iyong sa pustahan pala..."

The muscle in his jaw moved repeatedly. "Iyon lang ba? Wala nang iba?"

It sounded like he's expecting me to say something else! Ano ba gusto niyang sabihin ko? Na siya pinuntahan ko rito? Parehas na rin naman iyon kung sasabihin ko ang tungkol sa pustahan. He's involved in it, too, so...

At isa pa, alam na niya iyon! Hindi na niya kailangan ipaamin ulit!

"Oo..."

"If so, then magsimula na tayo." He jerked his head towards the reclining chair.

Nilingon ko iyon at ramdam ko ang matagal nang paghihintay nitong mahigaan. As if on impulse, the weight of the paper on my pocket starts to drag one side of my body. Sa kalagitnaan ng paghahanap ko ng eskuwelehan, isiningit ko ang pagsasaliksik ng mga disenyo ng tattoo. Part of it was Sydney warning me how painful it is dahil siya mismo ay meron sa paa. She said it was really painful! But once you get the taste of the pain, you'll crave more of it. Probably the reason why she didn't just end up having only one.

Umupo ako sa reclining chair. I watched Angelov busied himself on the wider spaces before he went out. Pagbalik niya, may dala na siyang piraso ng pizza na nilagay pa sa platito.

"Ihahanda ko pa ang mga gamit. Kumain ka muna. Snacks," aniya habang inaabot sa akin ang pagkain.

"Thank you..."

Sa totoo lang, ang amoy pa lang nito pagbukas ni Charlie kanina ay nakakapanglaway na. Pinipigilan lang ng appetite ko pero sa huli, sumuko rin sa tukso. How long it has been since I ate something like this? Kaya naman sa unang subo ko pa lang at lamon, humahapdi na ang kalamnan ko dahil binibigla ng pag kain. Masarap naman kaya ayos lang.

I contemplated about purging later. May natira pa akong laxative sa bahay pero... sayang din. Parang binabalewala ko lang ang bigay niya kung iduduwal ko lang.

Angelov is now preparing his tools on the table. Dinadahan-dahan ko ang pagnguya--dahil nga sa hindi sanay kumain at sumasakit din ang aking panga--habang pinapanood siya. I saw him wash his hands, then dropped an amount of hand sanitizer before putting on a black disposable gloves.

I am fully aware how safety should be implemented on tattooing. Lalo na't permanente na ang tinta sa balat at ang mga karayom na ginagamit. Malimit pa naman ang HIV ngayon, biglang naalala ang schoolmate ko sa dating pinasukan ang pagkakaroon nito.

Now perusing Angelov's exposed ink on his skin, I began to feel troubled and I can only hope to death that he wouldn't end up in the same dire fate.

He's already laid an aluminum foil on the base table. Naroon na rin ang iilan sa mga importanteng gamit tulad ng tattoo machine at dalawa ring karayom.

"Bakit dalawang tattoo gun? Spare iyong isa?" satinig ko sa napupuna.

His lips pulled to one corner for a left-leaning grin. Bahagya niya akong sinulyapan nang hindi tumitigil sa ginagawa. His hand movements were skillfully fast on binding the grip of the tattoo gun then on twisting it. Pakiramdam ko, kahit nakapikit siya ay kaya niya pa ring magawa ang preparation sa loob ng kaparehong minuto pag dilat. Mabilis din ang mga kilos niya sa paglalagay ng tape sa handle para yata hindi ito mahirap hawakan.

"Para sa lines," aniya at inangat ang isang tattoo gun. "Itong isa, sa shading at mga detalye."

"Ah..." I nodded.

His smile didn't falter by even just a bit. The amusement on his face was too blinding that my cheeks got reclaimed by another heat! Ganoon siya habang patuloy sa paglalagay ng mga gamit tulad ng sharpie, gunting at papel sa working table. Halatang naaaliw sa pagiging ignorante ko, e. But to my surpise, I didn't even feel scared for the upcoming pain despite Sydney's warnings!

"Dala mo design mo?" tanong ni Angelov habang kinukuha na ang mga tinta at nilagay sa mesa, sinunod ang dalawang cups ng tubig.

Dinukot ko sa bulsa ng jeana shorts ko ang papel laman ang disenyo. I couldn't help my eyes but to watch him again and deeply admire even his most casual movements like covering the tattoo power supply and the cords. Sinubukan din niya itong buhayin kung gumagana ba at walang sira bago nagtanggal ng gloves.

Kahit sa pinakasimpleng mga kilos niya at hindi glamorosong gawain, namamangha na ako. Kasabay niyon ay tila pinipiga ang aking dibdib. I don't how it bloomed and when. It's not used to be like this before. Kung dati ay tinatanggi ko pa at iniiwasan, ngayon na ramdam ko ang paglala ay mahirap nang mailagan pa.

Inabot ko sa kanya ang design ko. Since the chair was placed near the table, all it took him was a single reach then gently snatch the paper. His other hand was on his hip as he was frowning down on my design.

I just handed him the symbols that was about to be a part of the rest of my life. And the moment when I did, that was the time where I know, from the still hopeful remnants of my confidence, that I trust him. I will trust, in any way, his touches on my skin. To what end I may have as reasons, and may it be from the shared needles, a wound punctured by his fingertips, red traces of his palm from a tight grip, ashes of his cigarettes falling against my lips, so long as it comes from the manipulation of his hands, I will never worry.

"What does this mean, Samara?" Pinning the piece of paper between his two fingers, he smoothly handed it back to me. "Kung wala itong ibig sabihin sa 'yo, then you better change your mind or better yet, forget about what I said," the hint of irritation lorded over his tone.

Umiling ako, hindi tinanggap ang papel. "Of course it means something to me. It's a Viking symbol just so you know."

Muli niyang sinuri ang papel at sa pagkakabasa ko sa suplado niyang itsura, mukhang hindi niya pa rin mahinuha kung bakit ito makahulugan.

In the end, he sighed then finally looked at me with resignation in his eyes. "Saan mo gustong ilagay?"

I showed him my unscathed wrist. Galing sa tibok ng aking pulso, dinulas ko ang aking daliri pababa, tracing an invisible line.

"Gaano kalaki?"

"Maliit lang, tulad niyan!" Tinuro ko ang mga tattoo sa kanyang daliri. "At may idadagdag din ako. Here!" I pointed at my nape.

Kumuha ako ng papel at ballpen mula sa working table niya at mabilis na iginuhit ang disenyo para sa batok ko. A simple but meaningful two arrowheads both pointing up.

"See? It's easy!" sabi ko pagkaabot ng papel sa kanya.

He tilted his head, intrigued by the simplicity of the symbol.

"And... what does this mean?" Nag-angat siya ang kilay at nanliit ang mga mata.

"Create your own reality."

I shyly smiled at him. Iniwas niya ang tingin at marahan na ngumuso. Saglit niyang kinamot ang kilay, iyong may slit.

Nakayuko, hinihimas-himas ng daliri niya ang ibabang labi habang sinusuri pa nang maigi ang simbolong iyon bago inangat ang papel ng nauna akong disenyo. I easily figured what he meant.

"If you want change, you have to invite chaos," I silently said, my eyes drifted in mild motion towards his awaiting gaze.

I must have been bored, kaya gusto ko may magbago. It could be that I seek the thrill without realizing that I should need it. But the truest of them all, the one I mostly believed to be the root cause behind my conscious effort to change is the fear of being stuck. Kasi tama si Ate, balang araw kung wala pa akong gagawin, pag-iiwanan lang ako ng mundo.

I would loath it more if I have it too early to meet my demise without justifying the reason why am I still given this life. For sure, there is still something else for me to do out there, to accomplish, to contribute so I would die with a living memory instead of just a fading paragraph in a hundred page story. Natanto ko ito sa makailang beses na pagtatangka ay nandito pa rin ako, kahit ako na mismo ang umaayaw.

But I know this change won't happen consciously, and more so, not overnight. Mamamalayan mo na lang ang pagbabago kapag nangyayari na, kapag nagtagal na, at hindi nahihimigan agad sa simula. Mamamalayan mo na lang ang pagbabago kapag ramdam mo na ang paghihirap, ang sakit, ang pagsuko at ang paghiling na sana... hindi ko na lang sinimulan... na kung maibabalik lang ang oras pero... huli na. At kapag nagawa ko nang magtagumpay sa mga bagay na hindi ko magawa noon, na takot akong gawin ngayon...

I want to be ready for it. All of it, the consequences. However cynical I am if I would be able to make it to the end.

And it's not lost on me that I am about to face it right through the man who I just allowed to engrave more sins in the hallowed infirmities of my body.

Ang marahas na kadiliman ang unang pumanaw sa pagkalas niya sa titigan. He nodded slowly, seemingly bothered through the deep but quick meeting of his brows. The tip of his tongue made a fast sweep on the gap of his lips while he's beginning to gather more tools for sketching.

Sa malaking espasyo sa working table, may nilapag siyang stencil paper. Ang unang sheet doon, manipis at blanko, ay pinailaliman ng design paper ko. Angelov leaned forward and crouched his back, his other hand pinning the paper in place. Ang kaliwang kamay, hawak ang lapis, ay sinimulan nang bakasin ang mga simbolo sa tamang laki na gusto kong maukit sa aking balat.

Nanatili ang kagat ko sa piraso ng pizza. Nanatili, iyong hindi ko na inaalis ang ngipin sa pagkain habang pinagmamasdan siya.

I love describing the simpliest things he does because its beauty deserves it. Kahit na tila galit siya, I know it was just his passion flowing to perfect the art, however mediocre it is like a simple line or the most basic shape. Base pa lang sa mga paintings niya, nahihimigan ko na inaalay niya ang buong puso sa mga sining. Ngayon, gusto kong matunghayan kung paano niya ito pinaghirapan. I want to be there with him on his struggles, too, not just on his triumph.

"Left handed ka pala," wasak ko sa payapa, at as if naman hindi ko pa iyon alam tungkol sa kanya.

"Mhm," he hummed without lifting a gaze from his task.

"Puwede rin ba akong mamili sino magta-tattoo sa 'kin?"

Sandali ang pagkakatigil niya. He looked at me only to show how riled up he already is by the idea.

"You're running out of choices now. Busy si Vin, kaya siguradong ako ang magta-tattoo sa ' yo," mariin niyang asik.

Ginambala kami ng isang pagtikhim. Saglit na lumingon si Angelov doon at binalikan din agad ang ginagawa. Davina was leaning on the doorframe, her arms crossed while she's watching us.

"Di ba, Vin? Busy ka?" tanong ni Angelov nang hindi nag-aangat.

"Hindi naman. Kakaalis nga lang nung huli ko, e."

Muli ang pagkakatigil ni Angelov. His indignation, now completely hard and solid.

"Oh, bakit?" inosenteng tanong ni Vin, pati boses ay sadyang pinaliit at naging babaeng-babae kumpara sa may kagaspangan niyang timbre.

Sumilip si Charlie mula sa likod niya, walang kamalay-malay habang ngumunguya at may hawak nang nakaplastic at de-straw na inumin.

"Ikaw mag-tattoo, Vin?"

"Oo, busy si Lov, e. Baka may lakad pa iyan. Oh ano, Angelus?"

"May lakad ka pa?" I asked him, then surveyed the working space he'd already prepared.

"Wala. Huwag kang maniwala sa mga 'yan." His tone, a forced calm before the brewing storm.

"May naghihintay pala sa labas, Lov. Kanina pa 'yan. Alis na raw kayo!" si Davina.

Humahagikhik na si Charlie sa likod ng kaibigan nang halos ibato na ni Angelov sa kanila ang lapis.

"Mga hangal!" Angelov's growl thundered. Umambang susugurin ang dalawa pero hindi pa nakaisang hakbang ay nag-uunahan na silang kumaripas ng takbo.

"Makaalis na nga! Tapos na shift ko. Init ng ulo..."

"Teka sama ako, may dadaanin lang sa bahay!" natatawang habol ni Charlie.

Kinagat ko ang labi ko. Minsan ko lang sila nakikitang magkasama, pero parati namang nag-aasaran.

The chimes tinkled gently even after the door already closes, at kami na lang dalawa ni Angelov ang naiwan. Tahimik niyang tinapos ang pagbabakas ng disenyo. When he was finished, he removed my design paper underneath the first sheet whch now leaves the attached carbon paper under the newly traced design. Sa pangalawang tracing ay ballpen na ang ginamit niya at sobrang diin ng pagkakabakas.

"Start na tayo.Handa ka na ba?"

Tapos na niyang gupitin ang papel ukit ang mga simbolo. Nahimigan ang hindi ko pag-imik, sinulyapan niya ako.

"Masakit 'to Sam. Puwede ka pang mag-back out."

"I won't back out." I supported that with a firm head shake. "Tsaka...maliit lang naman iyan. Wala masyadong shading, 'di ba? Puro lines lang."

The vague spirit of his smirk peeked shyly behind his lips. Tila ba may pinaglalaruan ang ngipin niya sa likod ng kanyang labi at ayaw na itong bitawan. Pailalaim niya akong tinitigan.

"Virgin?"

My eyes widened at his randomness. His lips jerked, parang bumubulaga na aliw tapos ay magtatago ulit.

"First time magpa-tats?" he clarified, sabay pinaligid ang mga mata sa kabuuan ko.

I nodded. "Nasabihan na ako na masakit nga..."

Dahan-dahan niya akong nilalapitan. By the second he overwhelmed the intimate space, he leaned his upper torso forward and nailed his hand on the space near my hip. Ang isa ay tumawid at nilapat sa tabi ng kabila kong hita, tuluyan akong kinukulong. Hindi ako umatras at matapang na tumitig pabalik, sanay na sa mga paglapit niya nang ganito.

Tinagilid niya ang ulo at sandali akong tinitigan. One second, his eyes fell on my lips. I secretely sucked in a deep breath to hush the sharp tingles on my gut and the kick in my heart. On the fifth second, his gaze slid back to mine, narrowed with the spiking glow of mischief.

"Pinakamasakit talaga ang first time," he said raspily. "Expect it. Unang ulos, aaray ka na agad. Lalo na kung ako? Dudugo talaga, Sam."

Pakiramdam ko'y sinasabuyan ng apoy ang buong katawan ko. This doesn't sound innocent to me! Sa pinapahiwatig ng pilyo niyang tingin at gaspang ng boses ay mabubuhusan talaga ng berde ang dugo sa utak ko!

"Oh, ayaw maniwala? Pakita ko sa'yo video."

"Huwag na..."

"Suko ka na?" hamon niya.

"Hindi ako susuko. Sayang preparation mo. Pinaghandaan mo pa naman 'to."

"Ayos lang, ikaw naman ang pagliligpitin... ko..." Halos hindi niya natapos ang sinabi dahil inunahan na ng halakhak at nginig ng balikat niya.

Inangat ko ang kamay para sana umatras siya. I didn't even attempt to push my hand on him but it got already squished by his chest, sumabay sa halos pagkakahiga ko mula sa tulak ng katawan niya. Might be from laughing too much, he lost his strength and as well as his balance.

Expecting for my back to hit the flat surface, and expecting for his body to press against mine, mabilis itong napigilan ni Angelov at gayon din ang pagkakadagan sa akin. His hand on my back pulled me closer to him while the other one was used as a leverage to stop our bodies from falling. Habang binabalik ako sa maayos na puwesto kanina ay naramdaman ko ang kamay na iyon sa aking mga balikat.

He was hugging me, and who knows if this was intentional. I tried to check for his reaction but he just wouldn't move! Humigpit pa nga ang yakap. His harsh breathing, and his now dead laughter made me more curious as to why he's still here yet. Pero hinayaan ko siya, at matagal ko nang tinatanggap kung bakit, ngayon, sa mas buo ko nang pagkakaintindi.

One long tight embrace, he let go.

"Umupo ka na nga. Nanggigigil ako sa 'yo," aniya bago tuluyang lumayo.

Yumuko ako at inaayos ang medyo umaangat kong shirt. A skin of my tummy got exposed a bit from his movement just seconds ago. Iba't ibang imahe ang sunod na lumilikot sa isip ko, hindi matukoy bakit biglang inalala ang mga ipinagbabawal na paintings niya.

I swallowed hard. Huminga ako nang malalim. Friends lang talaga kami, ate.

Sumawsaw muli ang katahimikan sa mga sumunod na minuto. After cleaning the area of my skin where I want my first ink to live forever, nilagyan niya iyon ng Speedstick, pagkatapos ay nilapat na ang transfer paper ukit ang design ko. He damped it with tissue paper. Nang makuntento ay dahan-dahan niya itong kinakalas.

Each second of peeling the paper off me, sinasabayan ng panlalaki ng mga mata ko. Alam kong napakababaw, pero nakakamangha lang.

"Tapos na? Ito na tattoo ko?" sabi ko, titig sa nakaukit na mga simbolo sa aking pulsuhan. "Hindi naman pala masakit."

"Baliw," he teased, sabay na pinadaan ang daliri sa tulay ng ilong ko.

My nose crinkled. "Adik."

"Sa 'yo."

That shut me up. Bahala ka diyan. Hindi ko na alam anong irereact ko sa iyo. Pati mga mata ko ay nag-iinit na sa intensidad ng nararamdaman ko, na para bang dahan-dahan na pinupunit ang dibdib ko sa hapdi nito.

I stole a glance at him only to catch his evading gaze. Marahan na umusli ang mga labi niya, at sa isang apak ng kanyang sapatos sa ibaba ay umugong ang hawak niyang tattoo gun.

Continue Reading

You'll Also Like

13.5K 197 15
This story was originally made by @Topkook_bottomtae I was given permission to make this translation Ang kuwentong ito ay orihinal na ginawa ng @Topk...
4.9K 375 22
(Where I Want To Be Book II: Alex) . "...sino crush mo?" tanong ko. "...pano kung... sabihin kong ikaw?" Hindi ako sumagot. "Joke." habol n'ya. "Per...