It Started in the Elevator✔️

By JFstories

30.8M 532K 62K

All that Cynthia ever wanted was to find a rich man to be her husband, but she started falling for Leo who wa... More

PROLOGUE
Leo Montemayor Saavedra
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
14
15
16
17
18.
19
20
21
22
23
24
Book II
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Last Chapter
Epilogue
New Story Alert: Ain't No Other
Raphael's story

Chapter 6

769K 12.7K 1.3K
By JFstories

Chapter 6


MADALING ARAW na nang makatapos sila sa pag-aayos ng mga gamit ni Cynthia sa kanyang condo. He didn't expect na ganoong oras sila matatapos although kaunti lang naman ang mga gamit ng dalaga.


Siguro dahil naglandian pa sila habang nagliligpit na nauwi rin lang naman sa wala. Natagpuan na lamang nila ang mga sarili na kumakain sa sala at nakaupo sa sofa.


"Magkano ba ang upa mo rito, Leo?" tanong nito sa kanya habang ang mga mata nito'y nakatingin sa malaking flat screen TV.


"Ah..." Paano ba sya magsisinungaling? "S-sa kaibigan ko lang ang condo na 'to. Pinahiram lang sa'kin..." napakamot pa sya sa ulo.


"Talaga? Ang suwerte mo naman sa kaibigan mong 'yan..." ngayon ay nakatingin na ito sa kanya. "Sino ba yang kaibigan mo? Hindi lang kotse ang kayang ipahiram sa'yo, pati condo."


Damn! Hindi sya handa sa Q.A. nito. "Ah... haha. M-mayaman kasi yun at may mataas na posisyon... W-wala lang sa kanya ang magpahiram ng kotse at condo..."


She moved closer to him. "Alam mo curious na ako dyan sa kaibigan mo."


Bakit ba lalo pa itong lumapit? Iyan tuloy kandautal sya. "A-ako rin curious sa k-kaibigan ko, eh."


"Ano?"


"I-I mean curious din ako sa kanya kasi-" think Leo, think! "Okay fine!" Maybe this was the right time to tell her the truth about him.


"Okay, fine, ano?!" Tumabi na ito sa kanya.


Shit! Paano ba sya magsisimula? "Kasi-" Nablangko na sya. "CEO..." iyon lang ang lumabas sa bibig nya.


"Ahhh..." napahalakhak ito sabay hampas sa balikat niya. "Alam ko na, Leo!"


Hay, thank God! Mukhang na-gets nito agad. Hindi na sya mahihirapang magsinunga—


"Iyong kaibigan mo - CEO ng company natin. Pero sinabihan ka nito na 'wag ipapaalam sa iba lalo na sa mga kapwa mo empleyado, tama ba? Kasi, ayaw nitong magmukhang bias."


His eyes widened. "A-ang galing mo... you're right!" Oh, very good! Ginatungan nya pa!


Napatili ito. "You mean... kaibigan mo ang CEO ng company natin?"


Napatango na lang sya kahit labag sa loob nya. "W-why?.."


"Oh, please! Please... ipakilala mo naman ako sa kanya, oh..." Para syang sinasamba nito kung makapag-makaawa ito.


"Ah, kasi..." 


What the heck?! Lalo tuloy naging magulo ang lahat!


"O-okay. K-kapag hindi sya busy dadalhin kita sa kanya..." And mas magulo pa.


"Thank you!" Nayakap sya nito.


Napalunok si Leo.


"B-bakit pala gusto mong makilala si Mr. CEO?" Maya-maya ay tanong nya ng magbitiw ito ng yakap sa kanya kahit hirap pa syang mag-move on.


Bahagya itong napaisip. "Gusto ko kasing makapangasawa ng mayaman..."


Napatigagal sya sa sagot nito. Maya-maya'y natawa sya. "At target mo si Mr. CEO ng company natin?"


"Puwede ba? Wag ka muna magselos, I can explain!" Sa tono nitong nagbibiro.


He pretended to laugh, although deep inside, he was feeling ver uneasy. "No need to explain, I'll just ask you."


Huminga muna ito nang malalim ngunit nakangiti pa rin.


Tumingin sya nang tuwid dito. "Bakit mo ko sinagot?"


"Sinagot kita kasi kailangan kita." Diretso rin ang sagot. Isa ito sa mga nagustuhan nya rito, walang paliguy-ligoy. Totoo sa mga sinasabi at hindi nagsisinungaling.


"I see." Napatango na lang sya. Pero bakit parang ang sakit?


"Oops! Baka palayasin mo na ko, ah?"


"Of course not!"


"Whew! Kinabahan ako doon." Nagkatawanan sila.


H's right, kailangan nga sya nito at sasamantalahin nya 'yon.


"So meaning, kapag hindi mo na ko kailangan - you'll break up with me?" He asked her again.


Cynthia nodded. "Kaya kung ako sa'yo, habang kailangan pa kita eh, - sulitin mo na ko."


Napalunok naman sya sa sinabi nito. "Talagang susulitin kita." Kunwari'y biro pero ang totoo'y naninikip na ang pantalon nya.


Nagkatawanan ulit sila. "Pero alam mo, guwapo ka naman. Bakit hindi ka na lang maghanap ng matandang babae na mayaman?"


"Then what? Papatayin ko para yumaman ako?" natawa siya ulit sa sinabi ni Cynthia.


Pero sa 'di niya malamang dahilan ay may kung anong matalim na bagay na parang sumugat sa puso niya-for the first time.


Napangisi naman ang magandang dalaga.


"So, 'yan ba ang dahilan kung bakit mo gustong makilala si Mr. CEO?"


"Pero wala akong balak na patayin sya, ha..."


"Well, good luck! Galingan mo para mapansin ka ni Mr. CEO."


"Basta tulungan mo ako kay Mr. CEO, gagalingan ko promise. Apir!"


Sabay apir naman nya rito. Tanda iyon marahil ng kanilang kasunduan. But he will assure na bago pa ito makakita ng mayamang mapapangasawa ay sisiguraduhin nyang masusulit nya ito. He will risk everything, matikman nya lang ito. By hook or by crook, kailangang maikama nya ito.


"By the way, fly away..." may inabot itong post card sa kanya. "...nakita ko ito sa kwarto natin."


Natin talaga? Why not huh?


"Sa'yo yata ito, oh..."


Biglang sumimangot ang mukha nya nang makita ang inabot nito. Hindi nya tinanggap iyon.


"'Wag mo ng pansinin iyan." Post card iyon galing sa kanyang Daddy Adam. Hindi nya kasi tinutugon ang mga emails nito sa kanya kaya nagpadala iyon nito. Pagkatapos ay naglakad na sya patungo sa shower room.


Naiwan namang tigagal si Cynthia. Siguro'y nagtaka ito sa biglaang pagbabago ng mood nya.


***


NAKATANAW NGAYON si Cynthia kay Leo na nakahiga sa sofa. Mahimbing na pala itong nakatulog, dahil na rin siguro sa pagod. Pagkatapos ay lumapit pa sya rito at malalim na pinagmasdan ang mukha nito.


Aminado sya na attracted talaga sya rito, sino bang hindi? Lintek, eh sa itsura nito. Guwapo pa nga yata ito sa mga artistang napapanood nya sa TV. Pero ang pagka-guwapo nito, may pagka-pilyo. Pati ngisi nito, ang naughty.


Hindi nya napigilang kumutan ito, mukha kasing giniginaw. Ewan pero parang hinaplos nito ang puso nya. Akalain mong sa oras na kailangan nya ng tulong, narito ito. Wala man syang kadugo na nariyan sa kanyang tabi, pakiramdam naman nya'y mayroon isang taong itinuturing syang isang pamilya.


Kulang ang salitang salamat. Sobra nyang na-appreciate ang pagpapatuloy nito sa kanya dito sa condo.


Tiwala rin pati sya rito dahil mukhang hindi naman ito manyak kahit nga medyo naughty. Sana lang ay maunawaan nito ang ugali nya kahit nagmumukha na syang cheap. Ganito yata talaga kapag walang kinalakhang magulang ang isang tao.


Napatitig muli sya sa guwapong mukha ni Leo. Sayang, kung nagkataon nga lang na mayaman itong si Leo eh, ito na sana ang perfect boyfriend para sa kanya. Eh, ang kaso, ordinaryo lang din itong empleyado. Sadyang suwerte lang sa kaibigan.


Pagkatapos ay muli nyang kinuha itong postcard na napulot nya sa kwarto. Galing yata ito sa father ng binata dahil nabasa nya ang print name nang nagpadala nito sa left bottom part.


Daddy Adam.


Sa likod naman non ay may nakasulat na exact address sa USA. Ito marahil iyong adress kung saan nakatira ang parents ni Leo. May nakasulat pa kasi sa harap bukod don. Siguro ay OFW ang mga magulang nitp.


Visit us, son.


Natigilan sya. Visit? Bakit, hindi ba makauwi ang mga magulang ni Leo? Hindi kaya TNT ang mga ito sa ibang bansa? Siguro nga ay ganoon ang kaso, kaya naman si Leo na ang pinapapunta ng mga ito. 


Ang kaso, nong ibinigay nya ito sa binata, nagbago ang mood nito. Nakita nya ang lungkot sa mga mata nito. Bakit kaya? Hindi bale. Itatago nya muna ang postcard na ito kesa itapon.


***


NAPABALIKWAS NANG BANGON si Leo kinabukasan, tanghali na pala. Nakatulog pala sya sa sofa. Bumungad sa kanya si Cynthia at agad syang hinila nito.


"Bangon dyan dali!"


"What time is it?" halos hindi pa sya makatayo.


"Tanghali na! Maligo ka na at may lakad tayo."


"Huh? Where are we going?"


"Kay Melanie. Engagement party nya ngayon." Tulak-tulak na sya nito papasok sa banyo.


"Melanie, yung nagpalayas sa'yo?" Nasa loob na sya ng shower room nang magtanong. Natatandaan nya si Melanie na pinsan ni Cynthia. Doon dati nakitira at dalaga at iyon ang nagpalayas dito.


"Oo! Maligo ka na bilis! Dun na tayo kumain."


Wala na syang nagawa kundi sumunod dito. He just canceled his meetings. Samantalang si Cynthia pala ay nagpaalam na sa opisinang hindi ito makakapasok.


Isang oras lang ang nakalipas ay nasa sasakyan na sila at papunta na sa party nung Melanie. Napansin nyang walang imik ang nobya.


"Bakit parang malungkot ka?" He asked while his eyes still fixed on the road.


"Eh, kasi, naiinggit ako kay Melanie." Malungkot ang tono nito.


"Why? Because she's getting married?"


"Dahil makakapangasawa sya ng mayaman." Malungkot pa rin. "Akalain mong sa baho ng hininga nya eh, nakabingwit pa sya ng MMMM."


"MMMM?" Saglit niya itong sinulyapan.


"Matandang. Mayamang. Madaling. Mamatay." Napabuntong-hininga ito. "Kaya nya siguro ako inimbitahan ay para inggitin ako..."


Leo just smiled.




MINUTO nga lang at narito na sila sa engagement party ni Melanie. Isa yung maliit na rancho sa labas ng Maynila. Maraming bisita, naroon din ang mga kapatid at kamag-anakan nitong Melanie. Lumapit agad sa kanila ang babae.


"Mabuti't nakarating kayo, Cynthia!" Taas-kilay pa si Melanie na sumalubong sa kanila.


Hindi naman ito nginitian ni Cynthia. "Nagugutom na kami Melanie. Nasaan ang pagkain?"


"Bago kayo kumain ng syota mo..." she looked at him. "...ipapakilala ko muna kayo sa mapapangasawa kong MAYAMAN." talagang may-diin yung word na 'mayaman'.


Sabay dating naman ng isang lalaking sa tingin nya'y nasa edad singkuwenta na. Kalbo ito at maliit lang. Pero kita sa pananamit nito na mayaman nga ito.


"Ito nga pala si Junjun." Pakilala dito ni Melanie. "Junjun Montemayor."


Really? Nagulat sya. Montemayor? Maging si Cynthia ay napatigagal.


"Isa kang Montemayor?" tanong agad dito ng dalaga.


Kinamayan naman ng lalaki si Cynthia. "Yes. I'm a Montemayor." Lumagkit ang tingin nito dito. "'Di mo sinabi Melanie na - may kapatid ka palang maganda."


"Hindi ko sya kapatid!" angal agad ni Melanie. "At isa pa, maganda lang yan pero cheap ang babaeng 'yan. Kumbaga, walang class."


"Ahem!" tumikhim na sya bago pa magkagulo.


Napatingin sa kanya ang lalaking kalbo. "Sino ito?" kunot-ulo ito, este, kunot noo.


Inilahad nya ang kamay nya rito. "Hello, I'm Leo. Cynthia's boyfriend"


Kinamayan naman sya nito. "Leo? Leo what?"


Nagkatinginan muna sila ni Cynthia bago sya nakasagot. Shit! Yari!


"L-Liwayway..." Kusa iyong lumabas sa bibig nya.


Napahigik si Melanie. "Ano ba yang apelyido mo, masyadong feminine..."


Natawa rin si Junjun. "Aba, guwapo itong BF mo Cynthia..." Nakangisi ito. "Ang tanong, eh... may laman ba ang bulsa?" sabay halakhak nang mapabitiw ito sa kanya.


Damn this bald!


"You know what..." natatawa pa rin ito. "...I never heard that surname - Liwayway." Parang pinangangalandakan pa nito sa mga bisita. "Well, kami kasing mga Montemayor ay walang time para tumingin sa mas mababa, dahil ayaw naming malula. Tuktok na kami, eh."


What the heck! This guy's a fake! Kailan pa pinagyabang ng isang Montemayor ang apelyido nila. Isa pa, kilala nya lahat ng Montemayor. Samantalang ang lalaking ito, ngayon nya lang nakita.


Napapayuko si Cynthia, hindi ito makapalag ngayon.


Tinapik pa sya sa balikat nitong kalbo. "I don't wanna see you again after this party, okay?" Bulong nito sa kanya.


Tumango na lang sya habang kuyom nya ang kanyang kamao.


Habang ang lahat ay nakamata sa mapagpanggap na si Junjun, lahat ay may paghanga sa mga mata. Lalo na si Melanie, proud na proud dito. Hindi nya rin namalayang nawala na pala sa tabi nya si Cynthia, nasa isang sulok na pala ito at malungkot na kumakain.


"Are you alright?" Lumapit sya sa kasintahan.


Bumuga ito ng hangin. "Hindi mo naman sinabi sa'kin na ang apelyido mo pala ang brand ng gawgaw; Liwayway?"


"You never ask. I thought you knew already."


"Wow, ha! Sa tingin ko ang common ng apelyido mo sa isang lalaki para malaman ko? Pinarusahan ba ang pamilya nyo at binigyan kayo ng ganyang apelyido?"


At anong masama sa apelyidong Liwayway sa isang lalaki? It's cute though.


"Sorry..." Nakatitig ito sa kanya.


"Sorry for what?" parang hinaplos nito ang puso nya.


"Hindi man lang kita naipagtanggol kanina." Sabay peace-finger nito.


Napahalakhak na lang sya.


"Nakakainis kasi itong si Melanie. Akalain mong nakabingwit pa ng malaking isda." Halos padabog itong kumakain.


Lalo tuloy syang natawa. "Malaking isda ba talaga ang nabingwit nya?"


Napahalukipkip ang dalaga. "Montemayor ba naman, aba! Malaking isda talaga!"


"Really?"


"Ay, sus! Kung makapag-react ka naman, eh parang wala kang kaibigang Montemayor. Si Mr. CEO ay isang Montemayor 'di ba? Juice colored! Nasa alta-sociedad ang mga Montemayor! Palaging lamang ng magazine! Lahat yata ng negosyo sa Pinas ay may kinalaman ang angkang iyon!"


Napasandal sya sa kinauupuan.


"Alam mo, kahit batang palaboy kilala ang mga Montemayor. Lintek naman kasi, halos ariin na ng mga ito ang buong bansa!" Napapailing pa ito. "Napaka-suwerte talaga nitong si badbreath..." si Melanie ang tinutukoy nito. "...sana lang lagi na syang magmumumog. Kapag kinasal na sila malamang afford naman na nya siguro ang bumili ng maraming mouth wash..."


Pinipigil na lang nyang matawa. "Anyway, I have to go to the washroom. Maiwan muna kita rito..."


Tinanguan lang sya nito. Bigla nya kasing naalala kung sino talaga itong si Junjun.


Sakto namang naabutan nya si Junjun sa loob ng CR.


"Oh, Mr. Liwayway..." Natatawa pa rin ang kalbo nang makita sya.


"Oh, Junjun..." he greeted him.


"Just call me, Mr. Montemayor..."


"I rather not."


Napasimangot ang lalaki. Napikon ito.


"You know what? I'll better decline your proposal about Bliss Homes." Isang proposal project ang tinutukoy nya.


Napamaang naman ang bibig ni Junjun. "H-how did you know about that?"


He smirked.


Junjun guy took a step back. "You're kidding me, right?"


"I'm afraid not." Humakbang na sya papalabas.


Pero inawat sya nito. "W-what's your name again?"


"Leo." Nilingon nya ito. "I'm Leo Montemayor-Saavedra."


"Holy cow!" natutop ng lalaki ang sariling bibig.


"Now, let me give you an advice." Lumapit sya rito. "Don't you ever use our name in you own purpose. You wouldn't like us if we get mad at you. And please, lahat ng lalaki sa lahi namin ay matatangkad at guwapo ... we have a very good genes." Nginisihan niya ito. "Wala kaming kapamilyang punggok, malaki ang tiyan at...- Nevermind."


Tatango-tango lang ito. Biglang umamo ang mukha nito. "Y-yes, Sir..." namumutla ito.


"Don't use the Montemayor's name again, understood?"


"Understood!" alerto nitong tugon. Nawala lahat ng kayabangan nito sa katawan.


Tinapik nya ito sa balikat. "I don't wanna see you again after this party, okay?"


Tumango lang ito. Palabas na sya ng pinto nang awatin siya nito. "Ah, sir... how about my proposal? The Bliss Homes Project?"


Hindi na nya ito nilingon. "No and it's final..." pagkatapos ay tuluyan na syang lumabas ng pintuan.


Napaupo na lang si Junjun, tila nanlata. Ang project na yun kasi ang magsasalba sa palugi nitong negosyo. Ngayon ay wala na.


JF

Continue Reading

You'll Also Like

9.8M 385K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...
209K 3.9K 21
Dice and Madisson
46.3M 1.2M 62
Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Montenegro, the mafia prince who fears ghos...
616K 22.3K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...