Chapter 16: ...
Nightmare.
Tama! Isa ‘yung nightmare! Imposible talagang si Damian ‘yon. Hindi nga niya ako matingnan ng diretso kaya bakit naman magiging si Damian ‘yun?
Pinagmamasdan ko ngayon na mataranta si Damian dahil mukhang may mga hinahanap siya. Gulong-gulo na nga ang buong bahay dahil sakanya. Ngayon naman nasa kusina naman siya.
“Jeling! Hindi pa ba hinahatid yung laundry?”
“Masasampal na talaga kita! Huwag mo nga akong tawaging JL sabi, e! Saka hindi naman tamang sa kusina hanapin ang nalabhang damit.”
“Wala na kasi akong masuot kahapon pa.” Dahilan nito.
“Pakialam ko? Edi umuwi ka sainyo.”
“Hindi pwede. Tumawag si lola kagabi. Sabi niya mag-eextend daw sila ng dalawang linggo.” Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Napahinto rin ako sa pagkain ko ng cereal dahil bakit sakanya sinasabi imbes na saakin?
“Ikaw ba ang apo? Laging ikaw ang tinatawagan! Dapat yata ay hindi na ako bumalik dito tutal nandito ka naman na tumitingin sa lola ko.” Gee. Nagmadali akong ubusin ang cereal at pagkatapos ay tumayo na. Pero imbes na umalis na ako ay humarap pa ako sakanya. Nakakapagtaka lang na kahapon pa siya parang nag-iba. “Hoy! Nagtataka lang ako, noong isang araw ay hindi mo ako matitigan tapos ngayon nakakatitig ka na saakin at hindi ka na rin nauutal.”
Nagkibit balikat lang siya at pagkatapos ay bumalik nanaman siya sa paghahanap ng kung ano man ang hinahanap pa niya. Lokong ‘to! Hindi man lang ako pinansin.
I can’t believe it! He’s ignoring a seductress! What the hell??? Is he even a man?
“Wala ka talagang kwentang kausap!” bwisit na bwisit kong sabi.
Pagkaakyat ko ay napansin kong bukas ang pinto sa kwarto ni Damian. Pumasok na ako tutal nasa baba pa naman siya. Nagkalat ang mga damit niya sa kama niya. Ibang-iba noong unang pinasok ko. Sobrang kalat talaga ngayon.
Pumulot ako ng ilang damit niya. Hindi pa naman gamit at maayos naman ang mga ito kumpara sa mga ginagamit niyang pamasok.
“Magdala ka nalang ng kahit ano.” Rinig kong sabi ni Damian. Malamang may kausap siya sa telepeno. “Sige na. Basta kahit anong hindi maayos.” Sabi pa nito. Wirdo bakit naman hindi maayos ang ipapadala niya? “Aish! Daming arte ng batang ‘to.”
Nakatayo lang ako sa kwarto niya nang pumasok siya. Hindi naman siya nagulat, napakamot lang siya ng ulo niya na para bang isa ako sa mga nagkalat niyang damit.
Leche! Mapanot sana siya!
“Sabi mo wala kang maisuot.” Umpisa ko dahil mukhang wala siyang balak na pansinin ang kagandahan ko.
“Masamang pumapasok ka sa kwarto ng lalaki. Baka pagalitan ka ng lola mo, Jeling.” Nakangisi nitong sabi habang naghahanap pa ng damit. Sa totoo lang ay nag-uumpisa na talaga akong mainis sakanya. Nagsisinungaling siya sa lahat ng bagay at nahahalata ko na ‘yon. At ang pinakakinaiinisan ko ay lagi niya akong tinatawag na Jeling kahit hindi naman dapat! Subukan niya akong tawaging Jeling sa harapan ng co-teachers namin at baka kalbuhin ko siya ng wala sa oras.
“Pwede akong pumasok dito dahil---
“bahay naman namin ‘to.” Tuloy niya sa sasabihin ko na may halog pang-aasar. “Isip bata ka pa rin.” Nakangiting pahabol nito.
“What?” Nakapamewang na ako ngayon at nakataas na rin ang mga kilay ko. Ako? Isip bata? “Baliw ka ba talaga?” Nanggagalaiti na talaga ako swear! Oh ghad! Where is my patience when I need it the most?
“Sinasabi ko lang naman ang napansin ko. Saka isa pa, ganito ka rin noon, medyo mas mataray ka lang ngayon. Tabi dyan.” Aba’t sumosobra na siya ah!
“Heh! Maayos man o baduy ang pananamit mo-”... “pangit ka pa rin. Tumaba ka sana! Kapal ng muta mo bwisit ka!” Sabi ko sakanya at nagmartsa na ako palabas ng kwarto niya. Bahala siya sa buhay niya.
***
“Ang kapal talaga ng mukha niya.” Napakamot nalang ako ng ulo dahil wala na bang peaceful na lugar ngayon? Maski sa faculty room ay nagrereklamo saakin si Leonna. Paano nalang ako kakain ng maayos kung may isang bitter na bitter sa tabi ko? “Pumunta pa talaga siya dito! Kakalbuhin ko talaga ang Pauline na iyon. Umaarte nanaman siyang inosente.”
“Baka naman inosente lang talaga. May ganyan akong kakilala. Nakakabwisit talaga sa una.” Kumento ko saka muling sumubo.
Bakit ko pa ba siya sinasagot? Hindi nanaman siya matatapos sa kakasalita katulad kaninang umaga.
“Tapos ‘yang Carding na ‘yan! Ibinalik pa yung maayos niyang porma. Por que nandito ang babaeng ‘yon? Pahalata! Nakakainis.”
“Wala raw siyang damit.” Sagot ko at tinikman ang biniling pagkain ni Leo. Kahit papaano may silbi naman pala siya.
“Kahit pa! Ngayon pa na nandito si Pauline! Naiinis talaga ako!” Sandali niya akong tinignan at bigla niyang inagaw ang kutsara ko. “Hoy! Tama na! Wala na akong kakainin, e.”
“Huwag mo na kasi silang pakialam. Kung gusto pa nila ang isa’t isa edi hayaan mo sila. Kung hindi talaga sila, edi magbibreak din sila.” Naiinis na ako kaya kung anu-ano nalang ang sinasabi ko. Sana naman kahit dito lang sa school ay hindi na nila ako kausapin tungkol kay Damian.
Sawang-sawa na nga ako sa pagmumukha niya! Tapos idagdag pa na parang bumalik na ang nakakairitang ugali niya. Naka-adjust na yata siya sa pagbabago ko kaya ganun na ulit siya umasta ngayon saakin.
“I heard them talking.” Hindi na ako nagtaka sa paghina ng boses niya. She’s really upset. Actually, i’m used to it na, yung tipong kinukwento nila ang mga kadramahan nila sa buhay and it’s all because of Lance. Kung hindi siguro siya madrama noong iniwan siya ni Miyuki ay baka hindi pa rin ako sanay sa mga madramang tao ngayon.
“And?”
“Sinundan siya ng babae dito. Diba ang baba masyado ng ginawa niya? Sinusundan pa niya talaga si Carding!”
“Hey! Stop it. Ginawa ko rin ‘yan noon. Saka isa pa sinusundan mo rin naman si Damian ngayon.” I said rolling my eyes. Seriously, mahirap kayang sumunod-sunod sa lalaking wala naman pakialam sayo. Ilang beses din dapat lunukin ang pride para lang sundan ang lalaking gusto mo.
“O baka naman nagkakagusto ka na kay Carding? Hindi pwede JL!”
“Excuse me? Kahit ilang libong beses pa siyang magtopless sa harapan ko at ipakita saakin yung...yung abs niya, hinding-hindi pa rin ako magkakagusto sakanya.”
“Wait... did you just say abs?” Namimilog ang mga mata niyang tanong saakin.
“Bye Leonna. Break’s over.” Nginitian ko pa siya ng nakakaloko dahil sa totoo lang may limitasyon din ako pakikinig ng mga bagay-bagay. Kung medyo walang kwentang problema na katulad ng kay Leo, naiinip na ako. Bakit kasi wala akong ibang mapuntahan sa school na ito? Sana naman kasi may secret place dito na wala nang makakasunod saakin para magkaroon naman ako ng peaceful na buhay kahit dito man lang.
I hope Leo will hate me para naman hindi na niya ako kinakausap.
Dahil wala akong pakialam sakanilang tatlo.
Wala.
As in!
*****
A/N: Na-touch ako. nagbabasa pala ang friend kong si Jaymie dito. Labyu friend! Miss na kita >:D< T.T
Salamat sa mga nagbabasa nito kahit ang bagal ng progress ng story. bwahahahaha! at mejj mabagal ang update! :))) Labyu guysssss!
wala akong maisip na update at taaaytoool hahahahhahahahha! bahala na! kung saan-saan ako dinadala ng mga daliri ko sa pagta-type! :)
sa mga nagbabasa ng AN ko, sipag niyo friends mahal ko na kayo XD
Bili kayo ng sadist lover book at picture of you na book ah? SL3 nabago as in. POY nabago rin! :)