Crimson Academy: The Hidden C...

By imperial_gem

3.8K 1.4K 447

Isang daang taon ng hindi nabubuksan ang akademya ng arizon. Isang daang taon ng nakakulong ang mga maze sa l... More

Introduction
Chapter 1: The Beginning
Chapter 2: Arizon
Chapter 3: Enlightenment
Chapter 4: History of Arizon
Chapter 5: The Portal
Chapter 6.1: Crimson
Chapter 6.2: Academy
Chapter 8: The Royal Elites
Chapter 9: The Mission
Chapter 10: Dark Mage
Chapter 11: Who is she?
Chapter 12: Trap Inside
Chapter 13: Special Guide
Chapter 14: The War
Chapter 15: Between Mages
Chapter 16: Safe and Sound
Chapter 17: Plan

Chapter 7: Gabriel Archane

154 74 13
By imperial_gem

Chapter 7: Gabriel Archane

"I am so useless!"

"Aaaah! Bakit ba kasi hindi ko magawa!"

Napamulat ako bigla ng marinig ko ang isang boses na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Napatingin naman ako kay Britt na natutulog ng mahimbing sa higaan niya.

"What? Gabi na pala?" I muttered ng masulyapan ang madilim na paligid sa labas ng bintana 'di kalayuan sa higaan ko.

Napatingin naman ako sa orasang nasa side table. It's 11:29 pm already. Hindi ko alam na sa sobrang pagod ko pala ay nakatulog na pala ako ng mahimbing at matagal pagkatapos naming mag-usap ni Britt kanina.

"You're so stupid Gab! Stupid!"

Wait- What?

"If I can just find that fckn key!"

Napatayo naman ako ng marinig ko ang singhal niya sa isipan ko. I know that voice at iisa lang ang alam kong kayang kumausap sa 'kin gamit ang isip ko.

Lumapit naman ako sa may bintana at dumungaw doon. Makikita mo ang mga malalaking puno na kapantay na ang buong kastilyo. Tiningnan ko ang nasa ibaba pero wala akong gaanong makita dahil gabi na. Napahawak naman ako sa dibdib ko ng maramdaman na may kakaibang mangyayari.

"Aaaaaaaah!"

Rinig kong sigaw niyang muli at ramdam ko na nasasaktan siya. Kaya walang pagdadalawang isip akong lumabas sa dorm at tumakbo ng mabilis palabas sa hallway.

Hindi ko rin naman alam kung saan siya hahanapin pero kusa na ring gumagalaw ang mga paa ko. Na para bang dinadala ako ng hangin sa kung saan.

Ilang minuto pa akong tumakbo hanggang sa nakita ko na lamang ang sarili kong nakatayo sa harap ng gubat. Hindi ko alam na may gubat pala dito sa loob ng academy. Pero hindi ko naman talaga maikakaila na malawak ang buong lugar kaya hindi na siguro ako magtataka kung mayroon pa akong ibang makita bukod sa kastilyo.

Ang gubat ay makikita sa likod ng kastilyo kaya hinihingal pa akong nakatayo dito sa pwesto ko habang hawak hawak ang mga tuhod ko. I calm myself and breathe deeply while searching something around the place.

Nang masigurado ko nang normal ng muli ang heartbeat ko ay lumakad na ako papasok sa loob ng gubat. Madilim at hindi gaanong nakikita ang daan pero naaaniag ko naman ito.

Ilang hakbang lang din papasok sa loob ng gubat ay makikita mo na kaagad ang isang lalaking nakatayo sa 'di kalayuan. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi niya pa ako nakikita.

Dahan-dahan naman akong lumakad papalapit sakanya ng may biglang tumunog. Tiningnan ko naman ang naapakan ko at nakita ang isang maliit na kahoy na wasak na dahil sa pagtapak ko.

Agad naman akong dumungaw sa kanya at napalunok ng makitang nakatingin na pala siya  sa akin. Anong nangyari sakanya?

Wala siyang pang itaas na damit. Tanging pantalon lang at tsinelas ang suot niya. At ang mga mata niya ay namumula. Napatingin naman ako sa mga kamay niyang nakakuyom na ngayon ay nagdudugo na.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko sa isipan ko at lumapit sa kanya pero pinigilan niya ako.

"Huwag kang lalapit sa'kin." madiin niyang usal sa isipan ko kaya napahinto agad ako.

"Pero ang kamay mo!" pag-aalala kong wika sakanya dahilan upang mapatawa siya. 

Pekeng tawa.

"At sino ka sa tingin mo upang sabihin sa akin 'yan? Hindi mo ako kilala kaya bakit parang pinapakita mo na nag-aalala ka sa 'kin!" aniya at tinalikuran ako kaya cue ko na iyon para lapitan pa siya ng mas malapit.

Pero mali yata ang ginawa ko dahil agad kong naramdaman ang panganib na bumabalot sa buong katawan ko.

"Sabi ng huwag kang lumapit eh!" sigaw niya at hinarap ako.

Mabilis ang pagkilos niya kaya hindi ko namataan ang ginawa niya. Isang malakas na pwersa ang pinakawalan niya patungo sa akin. Wala naman akong nagawa. Tanging pagtaas lang ng mga kamay ko na parang otomatikong gumalaw ang nagawa ko.

Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko at ang dahan-dahang pagpikit ng mga mata ko dahil sa malakas na impact na ginawa niya. Hindi ko naman alam kung anong pwersa ang pinakawalan niya. Basta ang alam ko, nanghihina ako.

Huli kong nasilayan ang mga mata niyang nag-aalala at ang bahid ng pagkabigla sa mukha niya. Hanggang sa tuloyan ko na ngang naipikit ang mga mata ko.

***

"Hmmm.." I groaned.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na bumungad sa akin ang madilim na kalangitan na pinalilibutan ng mga bituin na syang nagbibigay ilaw sa buong paligid.

Napahawak naman ako sa ulo ko ng maramdaman ang sakit nito. Ano bang nangyari? Napabangon ako mula sa pagkakahiga ko at inalala ang huling nangyari sa akin bago ako nahimatay.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ng isang maskuladong boses sa likuran ko.

Napatingin naman agad ako sa likod ko at nakitang nakatayo siya habang hawak hawak ang isang basong gawa sa kahoy.

Napasulyap naman ako sa likuran niya. At nakita ang maliit na lawa na pinalilibutan ng mga magagandang bulaklak. Ang ganda! Sa sobrang linaw ng tubig, kahit na madilim ay makikita mo parin ang mga maliliit na brilyante sa ilalim nito.

Nasaan ba kami? Inilibot ko naman ang paningin ko at nakitang nasa gubat pa rin yata kami.

Akala ko ay dinala niya ako sa clinic or sa pagamutan. Pero nandito pa rin pala kami. Nakita ko namang inilagay niya ang basong dala niya sa damohan. Napasinghap naman ako ng bigla itong naglaho.

"Hindi na kita dinala sa hospital ng chamber dahil ayokong magtaka sila sa kung ano ang mga nangyari at para maiwasan na rin nating dalawa na ma report kay headmaster." aniya sa isipan ko kaya napatahimik naman ako.

"Bawal na kasing lumabas ng academy ng hating gabi. Kapag nalaman nilang hindi natin sinunod ang rules ay bibigyan nila tayo ng punishment at sa tingin ko hindi mo gugustohing mamalagi dito ng isang lingo na may punishment." he said.

Hindi na ako sumagot sa sinabi niya at iniwas na lamang ang tingin sakanya. Inayos ko ang damit ko at napagtantong nasa malaking bato pala ako nakahiga.

I remember, ano nga bang nangyari kanina?

"Iyong tungkol kanina nga pala, pasensya na." mahinang aniya kaya doon lahat nag sink in sa utak ko ang mga nangyari kanina.

Naalala ko na nagalit nga pala siya sakin kanina kasi nagpumilit nga akong lumapit sakanya dahilan upang mahimatay ako dahil sa pwersang inilabas niya patungo sa akin. So it's understandable naman kung ba't niya ginawa iyon at hindi naman ako napuruhan.

Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay nakaupo narin sa isang maliit na bato 'di kalayuan sa akin. Wala parin siyang suot na damit. Hindi ba siya giniginaw n'yan?

"Hindi ka ba giniginaw?" bulaslas kong tanong. 

Napatingin naman siya sa katawan niya at napangiti ng bahagya.

"Hindi." matipid niyang usal kaya nagkibit balikat naman ako. 

Okay?

"Kaya ng katawan kong labanan ang lamig na nakapaligid sa akin. My main ability is to control fire and it helps me warmth my body." sabi niya dahilan upang maalala ko kung ano ang ginawa niya kanina.

Mabilis ang pagkilos niya kaya hindi ko namataan ang ginawa niya. Isang malakas na pwersa ang pinakawalan niya patungo sa akin. And I think he just use his power against me! And it just hit me.

"Bakit mo ginawa 'yon! What if namatay ako? Napuruhan?" bulaslas ko ng mapagtanto ang lahat ng nangyari. 

Nakita ko namang napakurap siya ng mabilis sa sinabi ko.

He touch his dark wavy hair and shrug. "Hindi ko sinasadya. Ikaw kasi sabi ng huwag mo'kong lapitan, pero lumapit ka pa rin talaga and besides hindi ka naman nasaktan." he said and smiled at me.

Napahinto naman ako at napatitig sa kanya. I gulp. His nice jaw, kissable lips, dark eyebrows, his cute nose and his dark wavy hair just compliment his fair complexion very well.

I laughed silently. Why do I find him interesting? I calm myself and put the so-cold-expression look bago siya tiningnang muli.

"Pero kahit na! What if hindi mo napigilan ang ability mo edi pinaglalamayan na sana ako ngayon!" I said and leer at him.

Nakita ko namang napahinto siya. 

"Eh hindi ko nga napigilan ang ability ko." he murmured.

"Akala ko nga ay mapupuruhan ka  natalaga ng malala, lalo na't hindi mo pa alam kung ano ang kapangyarihan mo." he continued.

"So paanong hindi ako nagkasugat or nasaktan man lang ng malala? I mean nanghihina pa rin ang katawan ko pero it's bearable." usal ko naman.

Hindi ko naman gustong masaktan ako pero nagtataka lang ako.

"Hindi ko alam. Akala ko nga ay alam mo na ang kapangyarihan mo. I just- I don't know." he said and bow his head.

"I just saw you raise your hand and my ability just stopped automatically before it harms you. Mayroon pa rin namang impact kasi nahimatay ka but it is not what I expected to see. I think my ability will not work in you." he continued.

Natahimik naman kaming dalawa saglit. 

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko sakanya.

"Hindi yata gumagana ang kapangyarihan ko sa'yo. Look!" aniya at itinaas ang kanang kamay niya.

Ipinakita niya sa akin ang apoy na lumalabas sa kamay niya at wait... wait... wait! Anong ginagawa niya?

"Stoooooooop!" I yelled ng makita kong mabilis niyang inihagis ang fire ball sa kamay niya papunta sa akin.

Napapikit agad ako pero ilang segundo lang ay wala parin akong naramdamang kakaiba. I blink and there I saw how that fire vanished in front of me.

"See?" he pointed.

Napalunok naman ako. Hinawakan ko ang katawan ko pero wala naman akong sakit na nararamdaman.

"Oo nga noh!" I murmured.

"I wonder kung ano nga ba ang special ability mo." he said in whisper. 

Pero naririnig ko pa rin dahil hindi naman siya gaanong malayo sa akin. 

I sigh. Hindi ko pa nga pala alam kung ano ang ability ko. Bigla namang nag sink-in sa utak ko ang nangyari sa kanya kanina. Napatingin ako sa kanya at nakitang nawala na ang sugat sa mga kamay niya.

"Ang kamay mo." I muttered.

Napatingin naman siya sa kamay niya. 

"Ang tubig ng lawa ay mayroong lunas na pwedeng magpagaling ng mga pisikal na sugat sa katawan mo. Kaya 'wag kang mag-alala maayos na ako. Atsaka pinainom din kita niyan kanina kaya hindi na gaanong masakit ang impact na nagawa ko kanina." he said kaya napatango na lamang ako. Simbolo na naiintindihan ko.

"Ano ba kasing problema mo? Bakit ka nandito sa gubat ng hating gabi at bakit ka nagkaganon kanina?" tanong ko dahilan upang mapahinto siya.

He sighed. "I-I was just, I feel pressured!"

"Hindi naman nila ako pine-pressure sa responsibilidad na hawak ko. Napaisip lang kasi ako na wala pala talaga akong silbe. I am the leader, the top student in the academy pero wala man lang akong nagawang paraan para mahanap ang susi upang mabuksan ang akademya." he said and I feel the eagerness of his voice.

"Hindi mo naman kasalan na nawala ang susi ng academy. It's been a decade. So you should not say that wala kang silbe. See? Ikaw na mismo ang nagsabi. You are the leader and hindi ka naman magiging leader kung wala kang silbe hindi ba?" I said and jokingly tease him dahilan upang mapatawa kaming dalawa.

Napasuri naman ako sa kanya at naalalang hindi ko pa nga pala alam ang pangalan niya.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" I asked out of nowhere and he grins.

"Hindi mo pa nga pala alam." he said at nilapitan ako.

"I am Gabriel Archane." yumuko siya sabay abot ng kamay niya sa akin.

Tinitigan ko naman ito. 

"And I am Alison Spade." I said at inabot ang kamay niya.

Hindi ko alam pero ng magdampi ang balat naming dalawa ay para bang may dumaloy agad na kuryente sa buong katawan ko. That is weird. Kaya agad ko namang binitawan ang kamay niya. Nakita ko namang napangiti siya. 

"What?" I furiously asked.

"I will call you Ali." he paused.

"I just like it when I call you Ali." he continued.

Napayuko naman ako dahil hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko. Nagpipigil rin akong mapangiti dahil ayokong mag-isip siya ng kung ano-ano. Lumayo naman siya at tiningnan ang buong kalangitan.

"Names have powers Ali. Like magic spells." he said and with that I was left dumbfounded.

Not because of what he said but because of the connection I felt.

***

Continue Reading

You'll Also Like

61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
20.9M 766K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
478K 34.3K 53
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...