Rodavlla Samiera University:...

By BraveJoan01

20.8K 2.1K 153

June 13, 2020 Rank #1 Unreliable June 3, 2023 Rank #1 wpawards Amira had always been close to any tr... More

CAST AND CHARACTERS
Prologue
CHAPTER 1: Hello Philippines
CHAPTER 2: Mall
CHAPTER 3: First day of trouble
CHAPTER 4: Demonic Eye Gang (D.E.G)
CHAPTER 5: Meet Kevin Steeford
CHAPTER 6: Fight or Trouble?
CHAPTER 7: Infirmary
CHAPTER 8: Chester & Arzi
CHAPTER 9: S. Fire
CHAPTER 10: Ace of Spade (You're Dead)
CHAPTER 11: Dangerous way
CHAPTER 12: Invitation
CHAPTER 13: Punishment
CHAPTER 14: The truth
CHAPTER 15: Acquaintance Bloody Party
CHAPTER 16: In Hospital
CHAPTER 17: Blush
CHAPTER 18: Gangsters Group
CHAPTER 19: With them
CHAPTER 20: I miss you!
Ms. BraveJoan01's Note
CHAPTER 21: History
CHAPTER 22: Volleyball
CHAPTER 23: New Group of Gangsters
CHAPTER 24: Under the Rain
CHAPTER 25: Underground Battle
CHAPTER 26: Star Bravierz
CHAPTER 27: Star Bravierz vs. Black Angel
CHAPTER 28: Boyfriend
CHAPTER 29: DIE
Chapter 30 : Tape
CHAPTER 31: Looking for Amira
Chapter 32: Poor Amira!
Chapter 33: I'll court you!
Chapter 34: Date
Chapter 35: James & Joanna
Chapter 36: Christoff
Chapter 37: Death Threat
Chapter 38: Star Bravierz vs. Red King Warrior
Chapter 39: Finding Joanna
Chapter 40: Lover's Quarrel ( Jealous )
Chapter 41: Star Bravierz vs. Demonic Eye
Chapter 42: Suspicious
Chapter 43: Big Reveal
Chapter 44: Take the chance
Chapter 45: Letting go
Chapter 46: Keychain
Chapter 47: Kienna in danger
Chapter 48: Painful
Chapter 49: Debut
Chapter 50: The Bloody Clash
Chapter 51: Her Last word
Epilogue
Miss BraveJoan01's Note

Chapter 52: After a few days

282 17 0
By BraveJoan01

Sandy's POV

One week..

One week after what happened inside of R.S. University.

After ng masayang kaarawan ni Amira na pinalitan ng takot, kaba, kalungkutan at pighati.

One week ng nagluluksa ang pamilyang naiwan ng mga nasawing estudyante.

Wala na. Sira na ang mga pangarap nila. Sira na ang kinabukasan nila.

Alam ko ang mga pinagdadaanan ng mga pamilya ng mga nasawi. Nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman nila dahil hindi lang naman sila ang nawalan. Nawalan din kami. We lose a friend too.

Ang ilan sa mga matatapang na gangsters ng R.S. University ay iniwan na rin kami. Si Floey, Frank, Chelsea at Pink.

Alam niyo na siguro ang nangyari kay Floey at Frank. Ikinwento lang din samin nina Thea ang nangyari sa kanila.

Si Chelsea naman ay binaril ng mga gangsters ng CorFord University. Nakalaban din kasi namin sila habang hinahanap namin si Amira. Maliban sa mga nakaitim na tauhan ng Karlo na 'yon ay nakipagsapalaran din yung mga gangsters nila. Kesyo poprotektahan daw nila ang Headmaster nila na si Karlo.. yung g*gong t*rantadong dad ni Kevin.

We got a lot of wounds from them. Pero hindi kami nagpatalo. May nasaksak pa nga ako sa kanila eh.. yung lalaking mukhang manok. May kulay red sa buhok.

Pero si Chelsea, napakagaling at tapang niya nung time na 'yon. Para kay Frank daw. Ang dami nga niyang napatay na tauhan pati CorFord gangster eh pero nakakalungkot lang dahil siya din pala mawawala. Kahit galit ako sa grupo nila Chelsea, ayoko pa rin na gano'n ang mangyari sa kaniya.

I'm so sure na napakasakit para kay Thea nung nangyari sa dalawang kaibigan niya. Maybe, sinisisi niya ang sarili niya dahil hindi niya naprotektahan ang dalawang kaibigan niya. Wala pa nga akong balita sa kanilang dalawa ni Sophy eh.

Si Pink naman, tumama ang ulo niya sa bato. Napalakas siguro kaya bumigay agad siya.

Lahat kami ay tumalsik nung time na 'yon pero mas malala ang natamo ni Pink dahil na rin marami ng dugo ang nawala sa kaniya. Umabot pa siya sa hospital pero bumigay rin siya.

At ngayon? Nandito pa rin ako sa hospital.. under recovering.

Katabi ko ngayon si Jeff, Kiel at Mike. Wala naman silang gaanong sugat na natamo.

Naghihintay kami ngayon ng resulta tungkol sa mga kaibigan namin at ng ibang gangsters na nandito.

Hanggang ngayon kasi hindi pa rin sila nagkakamalay. Napasama rin kasi yung pagkakatalsik nila dulot ng malakas na pagsabog ng University.

Si Niel, Lance, Jack, Nike Ezza, Cath at Zils. Wala pa rin silang malay. Pati si Kienna. May mga nakakabit na swero sa kanila.

Si Kevin at Zach hindi namin alam kung nasaan sila ngayon.

Si Kevin.. alam na niya na si Amira at Jaine ay iisa. For sure, nagsisisi 'yon sa mga ginawa niya. Lalo na sa pagtraydor niya kay Amira.

Nung nagising si Kevin ako ang nagpaliwanag kung bakit nilihim ni Amira na siya si Jaine. At pagkatapos nun pinuntahan niya si Amira sa room nito. Wala pa ring malay nun si Amira. Ewan ko kung anong pinagsasasabi ni Kevin dun. Hindi na ako ako nakinig. I gave him privacy.

Nakakalungkot lang kasi kung kailan niya nalaman na si Amira pala ay si Jaine na matagal na niyang hinahanap eh huli na ang lahat.

Mula dito sa pwesto namin ay tanaw ko si Zils sa loob ng room habang may mga nakatusok na karayom at nakalagay na swero sa kaniya. Sa ngayon, siya ang may pinakamalalang kondisyon na pasyente dito.

Nandito kami sa labas ng room niya. Salaming bintana ang nakaharang sa amin.

Pero maya maya lang ay biglang nangisay si Zils.

"What happened? DOC."

"Zils."

Agad namang naging alisto ang mga nurse at tinawag ang doctor.

"Doc, yung kaibigan namin. Anong nangyayari? Nangisay na lang siya bigla." nag aalalang pahayag ko.

"Kami na ang bahala sa kaniya."

"Doc, gawin niyo lahat please.. kahit magkano.. Doc, please.. yung kaibigan ko... Zils.." umiiyak na sabi ko.

"Sshh.. Sandy, calm down.. matapang si Zils kaya niya 'yan."

Unti-unting bumabagal ang pagtibok ng puso ni Zils. Nakikita ko 'yon sa pamamagitan nung line. Unti-unting nag i-straight yung line.

Hanggang sa kinuha nung doctor yung parang plantsa para i-revive si Zils.

"Zils? ZILS.. ZILS LUMABAN KA PLEASE.. ZILS.. WALANG IWANAN 'DI BA? ZILS NAMAN H'WAG KANG GANIYAN.." umiiyak at sumusigaw na ako dito pero wala akong pakeelam.

"Wala na nga si Mirs eh.. iniwan na tayo.. pati ba naman ikaw.. iiwan mo rin ako.. pano na ako n'yan? Zils, please don't leave me. Hindi na kita aawayin.. minsan na lang.. ARZILA.." iyak lang ako ng iyak habang nirerevive si Zils.

Mas nadagdagan yung takot ko ng tumigil na yung doctor at tumingin sa wrist watch niya tapos nagsalita..

Napatingin ako dun sa may line. Naka-straight line.

*Tooooooott

"NO.. ZIILLLLLSS.."

Sinalubong ko yung doctor sa pinto.

"I'm sorry, we do our best but---"

"NOOOO.. ulitin niyo.. ulitin niyo doc.. i-revive niyo ulit siya.. please" sobrang nagmamakaawa na ako sa doctor. Ngayon ko lang ito ginawa.

"Sandy.. tama na."

"Nooo.. Zils... Lord, please.. we need your help.. save Zils..please.." sabi ko habang umiiyak at hawak hawak ang kamay ni Zils.

Ngayon lang ulit ako hihingi ng favor, Lord. Please, save my bestfriend.

Hindi ko na maintindihan yung nararamdaman ko sa sobrang sakit. Simula bata palang magkakasama na kaming tatlo nina Amira at Arzila. Hindi ko akalain na ngayon yung araw na magiging mag isa na lang ako. Hindi ko kaya.... Hindi ko kaya.

*Toot *toot *toot *toot

Napatingin ako dun sa line kung saan nagkakaroon ulit ng number 'yon. At nag a-ups and down na ulit.

"Zils? Zils.. thank God!"

Tinawag nina Mike yung doctor at chineck nila ang condition ni Zils.

"Don't worry, your friend is now on stable. She's still fighting.. So brave. It's miracle." sabi ng doctor at umalis na siya.

Napaiyak na naman ako pero dahil sa tuwa.

***
Kevin's POV


Ilang araw na simula nung huling kita ko kay Amira.

Ilang araw na simula nung nalaman ko na siya pala si jaine.. na siya yung childhood bestfriend ko na matagal ko ng hinahanap.

Kung hindi niyo naitatanong.. Jaine is my first love. Even though I'm so young that time, I know she special to me.

The first time I saw her, na love at first sight na agad ako sa kaniya. She's so gorgeous that time. At nung naging magkaibigan na nga kami eh mas lalo pa siyang gumaganda. Habang tumatagal mas gumaganda siya sa paningin ko.

At nung sinabi sa 'kin ng parents ko na pupunta kaming States at doon na kami maninirahan at doon na rin ako mag aaral, nilihim ko 'yon sa kaniya dahil ayokong makita siyang umiiyak sa pag alis ko. Ayoko na ang maging huling ala-ala naming magkasama ay maging malungkot.

That's why I'm so shock when I saw her nung time na paalis na kami. Bigla siyang sumulpot tapos hinabol yung sasakyan namin. Hindi sana ako bababa nun pero hindi siya tumigil sa pagtakbo hanggang sa madapa siya.

Kaya bumaba ako at nilapitan ko siya. She's crying that time, so I can't take my tears down from my eyes. I cried also.

She gave me keychain and I still taking care of it 'til now.

Infact, hawak ko ngayon yung keychain at yung kapares ng necklace na ibinigay ko sa kaniya noon.

Wala lang. Pinagmamasdan ko lang. I'm just reminiscing our past.

Letter R ang pendant nito at nakaukit ang pangalan niya dito.

"Jaine."

Iyong binigay ko sa kaniya ay letter J at nakaukit dun ang pangalan ko na Rylie.

I didn't expect na dalawang beses pala akong ma-lolove at first sight sa babaeng 'yon.

The first time that I saw Amira at the campus.. nung nabunggo niya ako.. I admit na natulala ako sa kaniya noon.

Ilang segundo pa kaming nagkatitigan that time. And my heart beats fast. Nung time na 'yon na-attract talaga ako sa kaniya. Hindi ko inamin noon pero nagandahan talaga ako sa kaniya.

Kaya nung babaliwalain niya ako.. nung aalis siya agad after na mabunggo niya ako eh nainis ako bigla. Transferee siya pero hindi sapat na dahilan 'yon para hindi niya ako makilala.

At hindi ko matanggap na hindi niya ako kilala dahil sikat nga kaming D.E.G. sa R.S. University. Heartthrob nga 'di ba?

Matapang siya at pinahanga niya ako lalo dahil nagawa niyang patumbahin yung mga estudyante na sumugod sa kaniya.

And that day, she gave me a reason to know her more. I actually stalked her. I'm just curious of who she is. But that was a secret.

Minsan ako mismo ang gumagawa ng dahilan para mapansin niya.

Para kaming aso't pusa noon. Pero naiinis din talaga ako sa kaniya minsan. Mas naging close na close pa nga sila ni Niel eh.

After nung naglaban kaming dalawa tapos sinakal ko siya, hindi ko makakalimutan yung itsura niya that time.

At nalaman ko pa na may asthma siya. Nakonsensiya ako, and I admit it.

Pero dahil kay dad, nagbago ang tingin ko kay Amira. Pinigilan kong h'wag mahulog sa kaniya. I used her.. and dad used me.

Pero hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kaniya. Laro lang dapat 'yon eh. And consider that that was a game.. I'm game over.

And now, nalaman ko na ang lahat. My own dad fool me.

I hurt the person I loved.

I'll understand if she will not forgive me. Because even me, I can't forgive myself.

I sighed.

Kamusta na kaya siya ngayon? Kamusta na kaya yung taong mahal ko? I hope she's okay. Hope that she's happy.. even without me.

I just miss her.

Ba't gano'n?

Iniwan ko siya noon.. at siya naman ang nang-iwan sa 'kin ngayon.

Required ba talaga ang salitang iwanan? Ba't kailangang may mang iwan? Ba't kailangang may maiwan?

Yes, you heard right. Iniwan kami ni Amira. Iniwan niya ako.

Iniwan niya ako.. habang ako? Heto.. Naguguluhan pa rin sa mga nangyayari. Hinaharap ko na yung kaparusahan ko.

Hindi ko na nga alam kung nasaan si dad. Nakatakas siya nung sumabog yung University. Itinakas siya nina Tyron.. yung mga CorFord gang. Wala pa akong balita sa kaniya hanggang ngayon.

Si Kienna naman nasa hospital pa. Hindi pa daw nagigising sabi ni Jeff. Pati si Niel, Cath at yung ibang gangsters member. Si Arzila din malala daw ang kondisyon.

Si Mommy, pinuntahan ko sa mental hospital na sinasabi ni Kienna pero wala akong nakitang bakas ni mom. Sabi ng mga empleyado wala daw Jezna Cortez doon.

I messaged tita Jezma and tito Cymon kung may alam sila sa mga nangyayari, pero nagulat lang din sila sa sinabi ko. Pinaiimbestigahan na rin nila yung tungkol kay mom at kung ano na ba ang nangyari kay dad.

Si Jeff at Kiel sinasamahan si Sandy sa hospital. Gusto nila akong puntahan pero hindi daw nila maiwan si Sandy at Arzila. Ano bang magagawa ko? Eh, tinamaan ng lintik yung dalawang 'yon eh. Pag ibig nga naman. Parang ako lang ah.

Si Zach naman hindi ko alam kung saan ng lupalop napunta 'yon. Wala pa kasi akong balita sa lalaking 'yon simula nung araw na iwan kami ni Amira.

Binuksan ko yung panibagong bote ng wine at nilagyan ko yung baso at ininom 'yon.

Ano nang nangyari sa pamilya ko?

Mag isa na lang ako.

"F*CK."

Ibinato ko ng malakas yung baso dahilan para mabasag 'yon.

Eksakto namang bumukas yung pinto ng kwarto ko at iniluwa si Jeff at Kiel.

"Kev, tama na 'yan. Ang dami mo nang nainom."

"Oo nga, bro. Baka magkasakit ka na n'yan."

I ignored them at tinungga yung bote na may wine pero inagaw 'yon ni Kiel.

"Kev, ano ba?" tiningnan ko siya ng masama. "Magbaso ka naman."

Tumawa naman si Jeff. "Akala ko naman papatigilin mo nang mag inom."

"Hindi ah. Baka mamaya batuhin ako n'yan ng bote eh."

Tumawa silang dalawa pero tumahimik din agad ng marealize nilang seryoso pa rin ako.

"Ang tagal ko siyang hinanap pero nand'yan lang pala siya. Nakakasalamuha ko na pero hindi ko pa nakilala."

"Sige, magsalita ka lang. Makikinig kami." sabi ni Jeff.

"You know guys kung gaano siya kahalaga sa 'kin. Alam niyo yung paghihirap ko para mahanap siya. You know what? I'm not giving up.. kung hindi ako nakinig kay dad.. Sana nakilala ko agad siya. Sana nakapag-sorry ako dahil iniwan ko siya noon. Sana nakabawi ako sa kaniya. Sana naiparamdam ko sa kaniya kung gaano siya kahalaga sa 'kin. Edi sana.. hindi ito nangyari.. Sana nandito siya.. Sa magkasama kami ngayon. Pero hanggang sana na lang ata 'yon.."

Hindi ko na napigilan yung luha.

"Bakit ba kasi hindi agad niya sinabi? Alam na pala niya pero hindi niya man lang ipinaalam sa 'kin. Maybe, she's mad at me. I promise her na babalikan ko siya pero wala na akong inabutan nung bumalik ako."

Uminom ulit ako ng alak.

"Kaya pala.. kaya pala parang familiar yung mga mata niya. Kailan ko kaya ulit makikita yung mga matang 'yon?"

"Madami ka namang picture ni Amira. Doon mo na lang tingnan. Meron ka pa nga sa phone mo eh.. i-zoom mo na lang."

Gusto kong batukan si Kiel pero inunahan na ako ni Jeff. Buti pa si Jeff seryoso ngayon. Malamang naiintindihan niya ako.

"T*nga ka. Wala na 'yong phone n'yan ah. Sa laptop mo na lang tingnan. Nakasave naman sa usb mo eh."

"Oo nga pala. Bili na ng bago."

Mas lalo akong naiyak dahil sa dalawang ito. Natatawang naiinis na naiiyak ako. Dinadamayan ba talaga nila ako? Sarap pag untugin eh.

"Pinapagaan lang namin loob mo, Kev. Ang drama mo kasi masyado."

"Oo nga. Tsaka para namang hindi na kayo magkikita ni Amira. Eh, nasa iisang mundo pa rin naman kayo. Nasa ibang bansa nga lang siya. Kung maka-emote ka parang patay na siya ah."

"Sana nga.. maayos na siya. Ano bang balita sa kaniya?" tanong ko. Nasa Canada kasi si Amira kasama family niya. Doon siya pinapagamot. Malala ang kondisyon niya kaya nag aalala ako.

Wala na ang R.S. University. Malamang sobrang nanghihinayang ang mga Salvador lalo na si Master JM.

"Sabi ni kuya Mike, sabi daw sa kaniya ni Tito Michael malala pa rin daw ang kondisyon ni Amira pero lumalaban daw si Amira. Malakas 'yon eh. Si Amira pa ba?" sabi ni Jeff.

"Si kuya Mike lang ang nandito sa Pilipinas dahil sa kaniya muna iniwan yung Salvadorial Company. Hindi pa kasi ligtas dito ang mga Salvador dahil nga nakatakas si Tito Karlo. Hindi mo ba talaga alam kung sino yung kasabwat ng dad mo? Sure ako na may kasabwat 'yon." tanong ni Kiel.

"Kung alam ko lang, ako mismo ang magpapabagsak sa hayop na 'yon," sabi ko.

Nagkaroon ng katahimikan.

"Cheers!" biglang sabi ni Kiel. "Para sa mga iniwan," dagdag niya pa sabay tawa.

_____ _ __ _

07-12-19

Thanks for the votes and comments!

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 112 11
it's requested story and guys about story that u had to read come do some efforts 😉
2.1K 118 20
Completed ✅ When I was four years old, I saw a woman die. I didn't understand what was happening at the time. I didn't know why she was lying on the...
142K 4.5K 34
MAGIKÄ’ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESSES (BOOK 2) Enchant World: Zanaira has discovered who she is. Jade Yzada Slytherin is her name. A demigod who h...
521K 14.9K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?