Worthless (Published Under MP...

By jonaxx

95.9M 2.3M 1.4M

Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga b... More

Worthless
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes

Kabanata 4

1.4M 35K 15.4K
By jonaxx

Kabanata 4

Appreciate Attention

"You okay?" Everlyse asked.

"Yeah." Nabasag ang boses ko.

Hindi na ulit siya nagtanong pa. Mabuti na lang at dahil wala na akong maisagot pa. I just want to shut up, stop talking, and think. That was the worst scene of my life so far. Ang sakit!

Sinundo ako ng driver namin ilang sandali ang nakalipas. Hindi ko inasahan iyon dahil buog akala ko bukas pa ako uuwi pero dahil may importanteng dadaluhan ang mga magulang ko at kailangan kong sumama. Palagi kasi nila akong sinasama sa events.

I saw my dad talking to Everlyse, pababa ako ng hagdanan. Inisip ko ay sinumbong ni Everlyse iyong nangyari. Tiningnan ko siya at walang bahid na guilt sa mukha ni Everlyse. Ayokong malaman ni daddy ang nangyari kanina. That was bad enough.

Paalis kami ni dad ay binulungan ko muna si Everlyse.

"What did you say?" Tanong ko.

"Nagtanong lang sa mga hilig mo nitong mga nakaraang araw, sinagot ko lang." Aniya.

Tumango ako at sumunod kay daddy.

Sa labas ay nakaabang na ang driver namin, pinagbubuksan si dad. Pumasok agad si dad sa loob kaya ginawa ko rin iyon. Kinuha ng driver ang bag ko at nilagay sa likod.

"Pupunta tayo sa isang grand opening sa Chinese restaurant ng tita mo." Ani daddy at nilingon ako.

"Okay." Tumango ako. Hindi niya ako tinantanan sa titig.

"Everlyse told me that you like this certain boy..."

Nilingon ko agad si daddy. Ang akala ko ba ay nagtanong si daddy sa kanya na ano ang kinahihiligan ko? Well, siguro nga. At sinagot niyang si Noah ang kinahihiligan ko.

"I'm a fan, dad." Sagot ko.

"Elizalde, right?" Nagtaas ng kilay si daddy.

Tumango ako. "Yup." Alam kong kilala ang mga Elizalde kaya malabong hindi ito kilala ng pamilya ko.

"I expect it's the middle brother. I forgot his name. Magaling 'yon sa business. I encourage you to connect with him." Ani daddy.

Tumango ako at tumingin sa labas.

I'm lucky to have parents that aren't that strict when it comes to boys. Siguro ay dahil masyado na rin silang abala para tingnan pa kung anu ano ang pinag gagawa ko.

Mabilis na lumipas ang summer. My family went to Camarines Sur. Iyon ang naging trip namin sa Summer na ito, dalawang linggo kami doon. Pagkabalik ko naman ay naging abala ako sa pag aaral ulit ng piano. That's what my mom wanted and I've got time to waste so I did it.

Nang bilihan na naman ng mga notebook para sa sumunod na taon ay naexcite naman agad ako. Ngingiti ngiti pa ako sa National Bookstore habang pumipili ng binder at kung anu-anong mga ballpen at papel. Nagkitaan pa kami nina Everlyse at Stan sa National Bookstore, namimili din sila ng gamit.

Niyakap ako ni Everlyse at nagtawanan kami. Kinwento ko sa kanya 'yong naging trip namin sa Camarines Sur. Lahat ng tanawin ay inisa isa ko. Sinabi ko rin na gusto kong mag swimming kasama ang mga Butanding sa Oslob kaya lang baka sa sunod na taon ko na iyon gagawin dahil tapos na ang bakasyon.

"So... anong balak mo sa mga club?" Tanong niya. "Alin ang sasalihan mo this year?"

"'Yon parin." Sabi ko habang namimili ng magandang ballpen.

"'Yon parin?" Tanong niya.

"Oo. Marami na akong naiisip na pwedeng gawin nga pala para sa Zeus. Bukod sa keychain, gusto ko ring magpagawa ng mga ballcaps. Hindi ba maganda 'yon?" Ngiti ko.

Kumunot ang noo ni Everlyse sa akin. "You are still at it?"

Hindi ko alam kung bakit niya pa tinatanong iyan pero nagpatuloy ako sa pag eexplain sa kanya sa mga plano kong gawin.

Naging totoo lahat ng ito nang nakabalik na ako sa school at sinabi ko sa mga kasamahan ko 'yong gagawin. Nagustuhan nila iyon. Nagkaroon na rin ng bagong designs sa mga t-shirt at ang iba don ay ako pa ang nag disenyo.

Tuwing dumadaan naman si Noah sa tapat ko ay ganon parin naman ang nangyayari. Normal na deadma lang at hindi naman ako umaasang lilingunin niya ako dahil unang una, hindi naman kami magkaibigang talaga.

Halos mapapikit ako nang biglang may dumaang bola ng basketball sa harap ko habang naglalakad ako sa school grounds. Naagaw ng bola ang atensyon ko kaya tinakbo ko ito at kinuha para ipasa sa lalaking hinihingal at naghahabol nito.

Ngumiti siya sa akin pagkabigay ko ng bola. He's one of those half-foreign seniors. Sobrang tangkad at magandang tingnan ang set ng ngipin pero nagawa ko paring lingunin ulit ang buong banda ng Zeus na naglalakad sa school grounds at nilalagpasan ang isang babaeng may umaalong buhok habang nag lalahad ng isang supot ng hindi ko alam.

"Uhm, thanks!" Sabi nong lalaking nagulat ako na hindi pa umaalis.

"You're welcome." Sabi ko nang di siya nililingon.

"Uhm, you're Maria Georgianne, right?"

Napalingon ako sa kanya. "Yup. Why?" Gulat na kilala ako.

"I'm Ysmael." Sabay lahad niya ng kamay. "I always see you at the cafeteria during lunch time..." Nagkibit balikat siya. "Wanna go grab lunch sometime?"

He is hitting on me obviously. Nginitian ko ang gwapong si Ysmael. Kapag talaga Fil-Am ay maganda ang lahi. Hindi ko iyon maipagkakaila. I've seen so many of these males in New York. This isn't my first time.

"Sure." Ngiti ko. "But right now, I need to go... Sorry." Sabi ko at umambang aalis na para tingnan 'yong babaeng hindi gumagalaw sa kinatatayuan niya pagkatapos baliwalain ni Noah.

Nakita kong nilingon ni Stan 'yong babae at may sinabi pa siya kay Noah. Nilingon din ni Noah 'yong babae pero binalewala niya lang ito.

Lalapitan ko na sana 'yong babae pero may humarang sa daanan ko. Sumipol siya at pinasadahan pa ako ng tingin. Ngumiti siya at unang sulyap pa lang ay nakilala ko na agad.

"Oh you are gonna play hero? She doesn't need to be saved." Anang kapatid ni Noah.

Nilingon ko ang babaeng nakatalikod sa amin at tinatanaw parin si Noah. "Nakita kong ibibigay niya sana 'yong dala niya kay Noah. Di siya pinansin. Noah can at least receive the gift o kung ano man 'yon."

"He doesn't like the girl, bakit mo pipilitin. He doesn't aim to please." Nagtaas ng kilay 'yong kapatid niya sa akin.

"It's also good to make other people happy. It's just a simple gesture. I'm sure hindi siya masasaktan sa simpleng gesture na iyan." Sabi ko at nilingon iyong babae na umaalis na at medyo malungkot.

Uminuwestra ng kapatid ni Noah 'yong babae. "He knows Coreen. She's my sister's bestfriend. She liked him since grade school pero pag ayaw ng tao, hindi mo mapipilit."

Hindi na ako nagsalita. Mabilis akong naglakad patungo kina Stan. Ayokong manghimasok pero may gusto lang akong tanungin kay Noah. Nilingona agad ako nina Warren nang nakitang papalapit ako. Huling lumingon si Noah na agad kong tinitigan ng mariin.

"Nakita mo ba 'yong babae, si Coreen?" I asked.

Nagtaas lang ng kilay si Noah na parang walang narinig. 

"May ibibigay sana siya sa'yo pero di mo siya pinansin." Sabi ko.

"Meg, stop this." Sabay harang ni Stan sa akin.

"Tsss..." At naglakad palayo si Noah. Sinamahan pa siya ni Joey.

Si Warren at Stan ay nanatiling nasa harap ko. Alam kong sasabihin ni Stan sa akin na sana ay huwag na lang akong manghimasok. I know he's right. Naaawa lang ako don sa kay Coreen.

"Meg, hayaan mo na si Noah. Don't be bossy." Sabi ni Stan.

"Oo nga, Meg. It's his problem. At isa pa, ganon talaga siya sa mga babaeng hindi niya gusto. 'Yong mga gusto niya lang 'yong pinapansin niya." Ani Warren.

"That is not healthy for your group. Paano kung may mga fan girls siya, hindi niya ba sila ngingitian man lang?" Sabi ko at napagtantong hindi ko na kailangang mag tanong sa kanila. I guess they are right. I should stop this.

Tinalikuran ko na lang silang dalawa at iniwan doon. It's none of my business anyway. Kaya naman ay nang dumating ako sa classroom at naabutan ulit 'yong babaeng si Coreen kasama yata 'yong kapatid ni Noah sa labas ng classroom ay hindi ko na naman naiwasan ang pag oobserba sa nangyari.

Papasok na rin sina Stan kasama ang kabanda, nagtatawanan pa at nag bubulungan kahit si Noah. Umayos ako sa pagkakaupo sa aking desk at kumuha ng libro para makapag aral sa Biology na siyang susunod naming klase pagkatapos ng lunch break. Luminga ako para kay Everlyse na nasa cafeteria parin yata nang umupo sina Noah sa harap ko. Doon kasi siya nakaupo. Pare pareho silang umupo sa desk, nagtatawanan, at nag hahigh five.

Napanood ko kung paano hinila nong kapatid ni Noah si Coreen papasok sa classroom. Dala dala niya parin 'yong supot na tingin ko ay may lamang mga pagkain at kung anu-ano pa. Tahimik ko lang silang pinanood.

"Kuya..." Maliit ang boses nong kanyang kapatid.

"Reina... why are you here?" Ilang sandali pa bago nakita ni Noah ang kapatid sa likod nina Warren.

"Andito kasi si Coreen. Galing kasi silang Ilocos. May dala siya para sa'yo. Pasalubong." Ani Reina, 'yong kapatid ni Noah.

Nanginginig ang mga kamay ni Coreen at hindi siya makatingin kay Noah habang inilalahad niya ito sa harap nila. Tahimik sina Stan. I even saw that evil smirk on Stan's face while he's watching them.

Tinanggap ni Noah 'yong binigay ni Coreen. Very good, Noah.

"Thanks." Dagdag niya pa. Halos napatango ako sa kinauupuan ko at tumikhim.

Ngumiti si Coreen sa ginawa ni Noah at hinila na si Reina. "You're welcome." Sabi niya.

Pinanood kong tinitingnan ni Noah 'yong nasa loob ng binigay ni Coreen. Kahit paalis ay pinanood din ni Coreen na tinitingnan iyon ni Noah. Nagulat ako nang hinampas niya 'yong supot sa dibdib ng tumatawang si Stan. "Sa'yo na 'yan."

"Oh? Bakit? Dislike sweets?"

Nalaglag ang panga ko lalo na nong nakita kong natigilan si Coreen. Napanood niya ang nangyari!

Tumalikod si Noah habang si Stan naman ay tinitingnan ang iba't ibang klaseng pagkain na nasa loob non.

"I don't care." Malamig na sinabi ni Noah habang lumipat sa upuan na malapit sa bintana.

Napakurap kurap ako. Dahil lunchbreak pa ay wala pa gaanong kaklase sa loob. Ako, tatlong nerd na kaklase, at ang banda lang ang naroon. Sa pintuan ay nakita kong hinihila na ni Reina ang mangiyak ngiyak na si Coreen. Tumayo ako at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pagkaalis nina Coreen at Reina ay talagang nag alab na ang galit ko kay Noah.

"Why are you so insensitive, Noah?" Umalingawngaw ang sigaw ko.

Nilingon niya ako na para bang malaking effort sa kanya ang ginawang pag lingon kaya dapat akong magalak. Nagtaas siya ng kilay nang nakitang nakakunot ang noo ko at hindi man lang nasiyahan sa paglingon niya.

"Kaibigan 'yon ng kapatid mo! You know each other!" Sabay turo ko sa pintuan kung saan nakatayo kanina si Coreen at Reina.

"Bakit ba ang hilig mong makealam?" Tanong ni Noah.

"Kasi baluktot ang prinsipyo mo. Mali ang trato mo sa mga taong nakaka appreciate sa'yo!"

"I didn't ask for their appreciation." Tumayo siya at nakita ko ang pagiging iritado niya sa akin. "Hindi ba dapat masaya ka? You like me. And you've seen me reject other girls, you should be damn greatful!"

Napasinghap ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit makitid ang ulo niya minsan at minsan naman ay napakamature. Noah's one bipolar cold-hearted guy.

"Yes! I like you! Pero hindi ibig sabihin non na ako lang dapat ang magkagusto sa'yo! May iba ring nag kakagusto sa'yo, Noah. And they deserve your attention. Kahit maliit na atensyon lang. They deserve it. That was your sister's friend."

"So what if she's my sister's friend. I don't like her." Mariin at matigas niyang sinabi, halos pandidiri.

I can't believe I like this monster. Tingin niya sa ibang tao ay walang halaga. Ngumuso ako at hindi na nagsalita. I can't believe him. Nakita kong ang nakatitig niyang mga mata sa akin ay nag iwas ng tingin at bumalik ulit ilang sandali. Parang nag isip.

"What do you want me to do then? Enjoy reading her love letters? Huh?" Sarkastiko niyang sinabi.

I find him ridiculous. Pero tuwing nasa entablado siya, bumabalik 'yong pagkakagusto ko sa kanya. Tuwing tahimik siya at mukhang may malalim na iniisip ay bumabalik ang lahat sa akin. Gumagapang.

Habang nag e-exam kami sa Biology ay tahimik ang lahat. Nag iisip ako ng sagot sa essay, huling parte ng exam, nilingon ko kung saan siya nakaupo at nakita kong pinag lalaruan niya lang ang kanyang ballpen habang kinakagat kagat ang labi, nakatingin sa labas ng bintana... nawala na ako sa aking iniisip. Damn it, Noah!

Iyon ang naging kwento ko sa kanya sa huling loveletter na hinulog ko sa kanyang locker. Nakalagay sa sulat na iyon ang pagso-sorry ko dahil sa panghihimasok ko sa kanya nong nakaraang linggo. Pinalipas ko muna ang nangyari bago ako nagsulat muli.

"Noah, 'yong sulat ko inaapakan mo." Sabi ko nang napanood na kinuha niya 'yong kay Coreen.

"Oh... You're asking me to read something disgusting?" Tanong ni Noah.

Nalaglag ang panga ko. "M-Maayos 'to kanina nong di mo inapakan." I stuttered.

Ngayon unti unti na naman akong kinakabahan at nagagalit. Why is he so harsh to me?

"Make another one. It's disgusting." Sabi niya at tinalikuran ako.

Bumuga ako ng hininga at nagsalita. "I know you want me pissed because of what I did to you last week, Noah."

Nilingon niya ako. "Ikaw ang nagsabi I should appreciate other people's efforts. Do you want me to appreciate you too? Huh? Megan? You are playing hero. Pero ang totoo, gusto mo lang naman na mapansin kita."

His piercing eyes made me so weak. Umiling siya na parang disappointed sa akin at naglakad palayo.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Damn it!

Continue Reading

You'll Also Like

104K 7 1
A feisty teenage girl receives an alarming threat from someone called Black Cat, hinting at a mysterious accident from the past that caused a chain r...
214K 3.6K 20
SEEN ON TV5'S WATTPAD PRESENTS (03/16-20/2015)! Published under LIB/PASTRYBUG! (Be sure to grab your own copy! Two special chapter are in there!) Now...
9.7K 65 5
Wattpad Story Titles is right here!!!!
604K 21.8K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...