Crimson Academy: The Hidden C...

By imperial_gem

3.9K 1.4K 447

Isang daang taon ng hindi nabubuksan ang akademya ng arizon. Isang daang taon ng nakakulong ang mga maze sa l... More

Introduction
Chapter 1: The Beginning
Chapter 2: Arizon
Chapter 3: Enlightenment
Chapter 4: History of Arizon
Chapter 5: The Portal
Chapter 6.2: Academy
Chapter 7: Gabriel Archane
Chapter 8: The Royal Elites
Chapter 9: The Mission
Chapter 10: Dark Mage
Chapter 11: Who is she?
Chapter 12: Trap Inside
Chapter 13: Special Guide
Chapter 14: The War
Chapter 15: Between Mages
Chapter 16: Safe and Sound
Chapter 17: Plan

Chapter 6.1: Crimson

148 81 24
By imperial_gem

Chapter 6.1: Crimson

Binabalot ng makakapal na usok ang paligid dahilan upang hindi ko matanaw kung nasaan ako. Ang malamig na hangin at ang pag bugso ng ulan na nararamdaman ko sa arizon kanina ay nawala nang ako'y nakapasok na sa portal. Na tila ba nasa ibang dimensyon na ako.

Ayoko rin namang mag conclude na nasa akademya nga ako hanggang sa hindi ko pa nasisiguro at nakikita ang kabuoan ng paligid.

Huminto naman agad ako ng maramdamang unti-unti ng nawawala ang mga usok na nakapaligid sa akin. I breathe heavily and wait quietly to see the environment that surrounds me and there. I saw!

Ang malalaking puno na nakapalibot sa bawat sulok ng lupain. Ang malaking water fountain sa gitna at sa 'di kalayuan naman ay ang malaking kastilyo na pinapasukan ng mga taong naka uniporme.

Humakbang ako ng ilang metro upang makita ang kastilyo at napasinghap ng mabasa ang nakasulat sa itaas.

"Crimson Academy."

Clifford's Point of View

Pagpasok ni Alison sa loob ng portal ay agad akong tumakbo ng mabilis pabalik sa village. Kailangan kong sabihin kay ama at sa ama ni Alison na nakapasok na siya sa portal.

Ilang metro na lang sana ang tatakbuhin ko ng makita ko ang mga aionang nakatingin sa gitna. At pagtingin ko ay nandoon sila. Si ama, kasama ang hari at ang iba pa nilang kasamahan. Nakapalibot sa isang libro habang may sinasambit na orasyon.

Tama nga ang hinala ko, nagsisimula na nga sila!

"Clifford! Nakita mo ba si Alison?" rinig kong tanong ng isang babae sa likuran ko.

Tiningnan ko naman ito at nakita si Brianna na nag-aalala kasama si Ryler na papalapit pa lamang sa akin.

Hindi ko na lamang sinagot ang tanong niya at tiningnan ko na lamang muli sina dad kasama ang iba pang council head na sinsambit pa rin ang orasyon. Kailangan na nilang malaman 'to.

Ilang segundo lang din ng natapos sila kaya agad na akong lumapit. Naramdaman ko namang sumunod ang dalawa sa akin kaya pinabayaan ko na lang.

"Dad!" I muttered at nakita ko namang napatingin sila sa akin.

"Brianna! Nasaan ang anak ko?" tanong naman ng mommy yata ni Alison sa kanya ngunit umiling lamang siya.

"Brianna sa'yo ko ihinabilin si Alison." seryosong wika ni haring Ignacio at nilapitan kami. 

"Kaya bakit hindi mo siya kasama?" takang tanong niya.

"Haring Ignacio pasensya na. Nagpaiwan si Alison sa ilog kanina at akala ko ay susunod agad siya sa akin. Binalikan ko naman siya pero pagbalik ko ay wala na siya doon. Kanina pa namin siya hinahanap pero wala siya. Hindi namin siya nakita." pag-aalalang usal ni Brianna.

"Ano! Hanapin natin siya Ignacio!" nababahalang utos ng mom ni Alison kaya nagsalita na ako.

"Huminahon na po muna kayo. Ako po ang kasama ni Alison kanina at-" hindi ko pa natatapos ang sinabi ko ay nagsalita na agad si haring Ignacio.

"Nasaan ang anak ko? Anong ginawa mo sakanya?" nababahalang tanong niya kaya napatahimik kaming lahat.

"Anak." rinig ko namang nagtataka ang aking ama.

I sighed. "Nasa ilog kami kanina at pabalik na sana kami dito ng bigla naming nakita ang mga puno sa gubat na parang may ipinapahiwatig na simbolo. Na para bang may direksyon silang itinuturo. Sinundan naman namin iyon ni Alison hanggang sa nakita namin ang isang portal. Naisip namin kanina na baka iyon ang portal papasok sa akademya. At iyon nga nakapasok nga si Alison. Hindi naman ako nakapasok kaya nagmamadali na lamang akong bumalik dito para ipaalam sa inyo." sabi ko at huminga ng malalim.

"Ano? Pinapasok mo siya ng mag-isa?" takang tanong ng asawa ng hari kaya napayuko agad ako.

"Hindi mo dapat siya hinayaang makapasok! Hindi niya pa alam na ang makakapasok sa loob ay hindi na makakalabas pang muli hanggang sa hindi makita ang susi ng akademya!" singhal sa akin ng hari.

"Ignacio!" rinig ko namang pinipigilan ni ama ang hari kaya tiningnan ko naman sa mata si ama.

"It's okay dad." I muttered.

Kasalanan ko nga naman dahil padalos dalos ang desisyon ko. Hinayaan ko siyang pumasok ng mag-isa sa loob knowing na mayroon pa kaming dapat malaman. Kasalanan ko nga. Napayuko na lamang ako at napailing.

Kasalanan ko nga ba?

Alison's Point of View

Isang minuto na akong nakatayo sa pwesto ko habang tinitingnan pa rin ang buong paligid. Naghahalo-halo rin ang emosyong nararamdaman ko.

"Nakita ko na ang akademya dad. Nakapasok na ako." I whispered.

Napatingin naman ako sa likuran ko at nakitang wala na ang portal. Malaking tarangkahan na lamang ang nakikita ko. Ito ba 'yong sinasabi nilang ayaw magbukas?

Tiningnan ko naman ang mga malalaki at matataas na brick wall na kasing taas din ng mga puno na nakapalibot sa buong academy. Sa itaas ng mga brick wall na iyon ay makakakita ka ng para bang may bumabalot na malaking barrier sa buong academy.

Kung hindi mo titingnan ng mabuti ay hindi mo talaga iyon makikita. Pero kung susuriin mo ng matagal makikita mong may transparent barrier na nakapalibot sa buong academy. And that's why hindi sila nakakalabas.

Tiningnan kong muli ang kastilyo at ang mga estudyanteng labas masok sa loob. May nakita rin akong mga matatanda na. Mga guro siguro iyon ng akademya.

Nalula naman ako bigla ng mapagtanto na ang laki pala ng kastilyo. Sa sobrang laki nito eh parang nasa loob na lahat ng kailangan mo.

Maganda rin ang simoy ng hangin dito sa loob kumpara sa labas. Makikita mo rin ang mga maliliit na paruparo na masayang lumilipad sa mga bulaklak 'di kalayuan. Huminga naman ako ng malalim bago tinahak ang daan patungo sa kastilyo.

Isang daang taon na ang nakakalipas. Pero 'eto pa rin ang akademya. Nakatayo pa rin ito at ang mga estudyante at guro ay parang normal lang na nag-uusap na para bang hindi sila na trap dito sa loob.

It's weird na para bang normal lang ang lahat para sa kanila. This is not what I expected to see. Pero, nah! Atleast I am here. Gagawin ko ang best ko upang mabuksang muli ang akademya.

Sa bawat hakbang ko patungo sa kastilyo ay para bang may nagsasabi sa aking tumigil ako. Pero deep inside eh gustong gusto ko talagang pumasok sa loob at alamin kung ano na ang nangyari sa kanila simula nang magsara ang akademya.

Nadaanan ko na rin ang malaking fountain sa gitna at kung titingnan mo ang ilalim ng tubig nito ay may makikita kang mga brilyante na kumikininang dahil sa sikat ng araw.

Ilang hakbang na lang din sana ang lalakarin ko ng makaramdan ako ng kakaibang emosyon. Tiningnan ko ang paligid at nakitang pinagtitinginan na pala ako ng mga estudyante.

Napatingin naman ako sa itaas ng kastilyo at nakitang sumisilip na rin ang iba. Hindi ko alam, pero hindi ko gusto ang mga titig nila. Na para bang papatayin ka sa bawat galaw na ginagawa mo.

Huminto ako sa kinatatayuan ko at huminga ng malalim. Napatingin naman ako sa isang estudyante na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napatingin ako sa damit ko at nakitang wala namang problema. Nakasuot ako ng isang black wavy dress na knee length, isang rubber shoes na crissa at ang itim na leather jacket na bigay sa akin kanina ni Clifford. Kaya anong problema sa istura ko?

Nakita ko namang nagbulong-bulongan sila.

"Sino siya? Ba't ngayon ko lang siya nakita?"

"Tingnan mo ang suot niya. Ngayon pa natin 'yan nakita."

"Sa tingin mo sino kaya siya?"

Rinig na rinig ko ang mga bulongan nila kahit malayo naman kami sa isa't-isa. Nakita ko na ring nagsilabasan na ang mga estudyante at ang mga mage na ka edad lang rin nila dad at mommy.

"Tumabi nga kayo!" rinig kong sabi ng isang maarteng boses sa unahan ko.

Nakita ko namang nagsi alisan na sa gitna ang mga mage at nagpa-iwan naman ang iilang estudyante. Tiningnan ko naman kung sino ang tinitilian nila at nakita ang dalawang babae at tatlong lalaki na maangas na papalapit sa akin.

Kung susuriin ay parang ka edad ko lamang sila. Tumigil naman sila sa harap ko at tiningnan ako ng mabuti.

"Siya na ba?" cute na tanong ng isang babaeng naka ponytail sa lalaking katabi niya.

"Siguro?" kibit-balikat na sagot naman ng lalaki sakanya.

"Lead tanungin mo kaya siya." rinig ko namang bulong nang lalaking kinausap ng babaeng naka ponytail kanina sa katabi niyang lalaki.

Ano ba 'yan? Para namang wala sa harap nila ang pinag-uusapan nila. Napatingin naman ako sa lalaking humakbang ng kaunti papalapit sa akin. Tinawag siyang lead ng lalaki kanina.

"Ikaw ba si Alison?" tanong niya pero hindi ako sumagot. 

Hindi dahil sa ayaw kong sumagot kung hindi dahil tinatanong niya ako pero hindi ko naman nakikita na gumagalaw ang bibig niya.

"Ikaw ba si Alison?" tanong niyang muli sa akin kaya napatango agad ako.

"Saan ka nanggaling?" tanong niyang muli pero hindi ko pa rin nakikita na gumagalaw ang bibig niya.

"Kinakausap kita sa pamamagitan ng ability ko. Kaya kong kausapin ang isang mage sa pamamagitan ng pagpasok sa isipan nila." rinig kong usal niya kaya napasinghap naman ako.

Napahawak agad ako sa ulo ko na para bang hindi makapaniwala. Dahilan upang mapatawa ang mga mage na nakapalibot sa akin. I breathe deeply at inayos ang sarili ko.

"So you can hear me?" tanong ko pero hindi ko ginagalaw ang bibig ko. Ginagamit ko lang din ang isipan ko.

"Oo, I can hear you." he said kaya napatango akong muli. 

Okay!

"So saan ka nga nanggaling?" tanong niyang muli.

Kung titingnan mo siya ay para bang wala lang siyang ginagawa. Naka poker face lang din ang mukha niya. Pero ang totoo niyan kinakausap na niya ako.

"Nanggaling ako sa labas." tipid na sagot ko sakanya ng makitang pinagtitinginan pa rin ako ng mga iba pang estudyante.

"Labas?" tanong niya kaya napatango naman ako.

"Oo! Galing ako sa labas. Sa Arizon." sagot ko at nakita ko namang napa kunot noo siya.

"Bakit lead may problema ba?" tanong ng lalaking katabi ang isang babae, ito 'yong babaeng may maarteng boses kanina. 

Napansin na rin kasi yata nila na para bang nagbago ang ekspresyon ng lead nila.

"Sumama ka sa amin." utos niya sa akin and this time nakita ko ng gumalaw ang bibig niya.

Narinig ko namang napasinghap ang ilan pagkarinig nila sa sinabi niya. What?

"Halika!" bibong aya ng babaeng nakaponytail sa akin kaya wala na akong nagawa kundi sundin na lamang sila. Ayoko naman kasing maiwan sa labas at usisain ng ibang estudyante. 

***

Continue Reading

You'll Also Like

10.9M 491K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
9.9K 1.4K 11
A story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL AUGUST 2024
24.6M 990K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
21.7M 783K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...