My Love Lies 2U Again [BoyXBo...

By PrimoDonyo

246K 7.9K 455

I'll find the way home to your heart. To where my love lies. More

Pagbati!
Love Lies 2U Again - 01
Love Lies 2U Again - 02
Love Lies 2U Again - 03
Love Lies 2U Again - 04
Love Lies 2U Again - 05
Love Lies 2U Again - 06
Love Lies 2U Again - 07
Love Lies 2U Again - 08
Love Lies 2U Again - 09
Love Lies 2U Again - 10
Love Lies 2U Again - 11
Love Lies 2U Again - 12
Love Lies 2U Again - 13
Love Lies 2U Again - 14
Love Lies 2U Again - 15
Love Lies 2U Again - 16
Love Lies 2U Again - 17
Love Lies 2U Again - 18
Love Lies 2U Again - 19
Love Lies 2U Again - 20
Love Lies 2U Again - 21
Love Lies 2U Again - 22
Love Lies 2U Again - 23
Love Lies 2U Again - 24
Love Lies 2U Again - 25
Love Lies 2U Again - 26
Love Lies 2U Again - 27
Love Lies 2U Again - 28
Love Lies 2U Again - 29
Love Lies 2U Again - 30
Love Lies 2U Again - 31
Love Lies 2U Again - 32
Love Lies 2U Again - 33
Love Lies 2U Again - 34
Love Lies 2U Again - 35
THANK U NEXT! (Next time ulit!) 😂✌🏼
Love Lies 2U Again - 36
Love Lies 2U Again - 37
Love Lies 2U Again - 38
Love Lies 2U Again - 39
Love Lies 2U Again - 40
Love Lies 2U Again - 41
Love Lies 2U Again - 42
Love Lies 2U Again - 43
Love Lies 2U Again - 44
Love Lies 2U Again - 45
Love Lies 2U Again - 46
Love Lies 2U Again - 47
Love Lies 2U Again - 48
Love Lies 2U Again - 49
Love Lies 2U Again - 51
Love Lies 2U Again - 52
Love Lies 2U Again - 53
Primo say's THANK YOU! 💙
Love Lies 2U Again - 54
Love Lies 2U Again - 55
Love Lies 2U Again - 56
Love Lies 2U Again - 57
Love Lies 2U Again - 58
Love Lies 2U Again - 59
Love Lies 2U Again - 60
Love Lies 2U Again - 61
Love Lies 2U Again - 62
Love Lies 2U Again - 63
Love Lies 2U Again - 64
Love Lies 2U Again - 65
Love Lies 2U Again - 66
Love Lies 2U Again - 67
Love Lies 2U Again - 68
Love Lies 2U Again - 69
Love Lies 2U Again - 70
POLL 💯
Love Lies 2U Again - 71
Love Lies 2U Again - 72
Love Lies 2U Again - 73
Love Lies 2U Again - 74
Love Lies 2U Again - 75
Love Lies 2U Again - 76
Love Lies 2U Again - 77
Love Lies 2U Again - 78
AUTHOR'S NOTE!
Love Lies 2U Again - 79
Love Lies 2U Again - FINALE
MARAMING SALAMAT! ❤️
New Story! Coming SOON!
GOOD NEWS! 🍑🍑🍑

Love Lies 2U Again - 50

2.5K 90 0
By PrimoDonyo


Huli kong nilapitan ang table ng mga kalalakihan.

"Happy Birthday Timothy! Tanda mo na!" biro sakin ni Cholo.

Tumawa naman ako sa sinabi nito.

"Wow! maka-matanda ka dyan eh' mas lamang ka nga ng isang taon sakin" react ko sa sinabi nya.

Tumawa rin naman ang loko.

Binati rin ako isa-isa ng mga tropa.

Nagulat pa nga ako ng biglang mag-abot ng gift si Luke sa akin.

"Ano to? Nag-abala kapa?" tanong ko rito.

Ngiti lamang ang isinukli ni Luke sa akin.

"Gift namin yan ni Ryle para sa'yo. Wag kang mag-alala di naman ganun ka-expensive yan pero sure naman akong magagamit mo kaya sulit narin haha" sabi nito.

Napangiti naman ako sa sinabi nito.

"Awwww, Thank you Luke! Thank you Ryle! Wag kayong mag-alala iingatan ko to!" masayang bati ko.

Tumawa naman ang dalawa dahil sa overwhelmed na pasasalamat ko.

"Oh! Happy Birthday!" abot sakin ni Warren ng red box.

"Salamat, pero ano naman to? Bakit pati ikaw nagbigay pa" naguguluhan kong tanong.

"Tsssss ganyan kaba kapag binibigyan? Tanggapin mo na nangangalay nako oh" hindi ko alam kung naiinis na sabi nito or gusto lang ipamukha sakin na may regalo sya.

"Eh bakit mo kasi pilit inaabot sakin? Ibaba mo kaya sa lamesa?" asar kong sagot.

Umiling naman ito at kinuha ang kamay ko.

"Tssss, ayan na kunin mo na ang dami pang arte eh, halikan kita dyan eh!"

Naalarma naman ako sa sinabi nito kaya agad kong kinuha yung box na binibigay nya.

"Ayan, kukunin din pala eh!" asar na sabi nito.

Bwisit talaga tong bestfriend ko. Namimigay ng regalo sapilitan? May pangba-blackmail pa tssss.

"Anyway salamat dito. Saka pala salamat din dahil pinagka-abalahan nyo pa 'yung pagcecelebrate ng birthday ko" sinsecere na pasasalamat ko sa bestfriend ko.

Medyo nagegets ko na yung huling sinabi nya noon sa akin nang magpunta sya sa office last week. Feeling ko isa si Warren sa nag-abala para mag-set up nito. Alam kong nagawa na nya ito dati nung birthday ni Samantha kaya feeling ko ay ideya nya rin ito. Parehas na parehas kase sa ginawa nya noon, sa nangyari tonight. Although different yung venue, ibang resort ata kasi tong nirent nila ngayon eh.

Kumunot naman ang noo ng mga tao sa paligid ko dahil sa sinabi ko.

Huh? may mali ba akong nasabi?

"Ah nako Timothy mali ka dyan, hindi kami ang may plano nito" iling na sagot ni Cholo.

Tumango naman silang lahat.

"Ideya lahat to ni Pareng Grecko" sagot sakin ni Warren.

Huh? Si Grecko ang nagplano nito?

"Anong-" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil muli na silang nagsalita.

"Oo, sya ang may pakana at nag-organize nitong surprise birthday party mo. Lahat ng expenses, food, rent dito sa event's place, mga photographer, lights & sound sya lahat ang nag-asikaso" paliwanag ni Cholo.

Sumang-ayon naman si Warren.

"Yep, although wala pa ito sa kalingkingan ng efforts ko at ginastos ko sa birthday ni Samantha pero masasabi kong galante talaga si Pareng Grecko. Tsssss nagmana talaga sakin yun!" diko alam kung namumuri o nang-aasar na sabi ni Warren.

Napa-iling naman sina Cholo dahil sa pagyayabang nito.

"Tsssss angas mo naman boy! Edi ikaw na magaling mang-surprise! Baka mabalitaan namin, isang araw masurprise ka rin dahil magiging tatay kana pala!" pang-aasar naman ni Cholo rito.

"Hahaha Gago!" sagot ni Warren sa kanya at nagtawanan sila.

Napatahimik tuloy ako.

Iniisip ko yung sinabi nila.

Si Grecko ang nag-effort para dito?

Pero nasaan sya?

Kanina pa nagsimula ang so called birthday celebration ko pero wala akong makita ni anino nya.

Kung sya nga talaga ang may plano nito bakit wala man lang sya rito?

Gustuhin ko mang itanong sa Tropa kung nasan si Grecko ay parang inunahan ako ng hiya. Baka kasi iba pa ang isipin nila kapag hinanap at binanggit ko ang pangalan nito sa kanila.

Well, kung totoo nga iyon. Gusto ko rin namang personal na pasalamatan sya dahil nag-effort sya para sa event na ito. Natipon rin nya lahat ng mga malalapit na tao sa buhay ko ngayong espesyal na araw ko. Although di man kumpleto at least masaya ako dahil naririto parin ang ilan.

"Nasan na kaya sya?" bulong ng isip ko.

Isa isang nagbigay ng mensahe ang mga kaibigan at mga kamag-anak ko.

Nagulat pa nga ako dahil dumating ang ilan sa mga pinsan ko na ilang syudad rin ang layo sa amin. Well, alam kong traffic kaya nakakataba ng puso dahil pumunta parin sila dito.

Cute na cute ako kay Cody dahil sa 'DIY Greeting Card' na binigay nito sa akin kasabay ng mensahe nya. Nagbigay rin ng mensahe sakin si Mommy ganun narin si Ate at Daddy habang naka-videocall sa facetime.

Hindi ko naman napigilan ang maging emosyonal dahil sa mga sinabi nila. Pero mabuti nalang at napalitan ito, ng nakakatawang biruan dahil narin ayokong isipin nila na hindi ako masaya.

Matapos ang mga pagbati nila ay ako naman ang nagsalita at nagbigay ng mensahe ng kagalakan at pasasalamat. Sana nga ay nandito yung taong nag-abala para daw dito. Para man lang madinig nya rin pasasalamat ko.

Matapos kong mag-thank you at nagsimula narin ang ilan sa pagsasaya. May lights and sound din naman na naririto, para mas masaya nga naman kapag may tugtugan at sounds man lang ang event na ito para di boring.

Nagsisimula naring uminom ang mga tropa at ilan kong mga kamag-anak. Pinayagan ko naman na uminom rin ang mga empleyado ko. Para saan pa ang mga beers at alak na iyon kung di rin naman sila mag-eenjoy. Pero nagpaalala lang akong may pasok parin kami bukas but since birthday ko at dahil mabait ako, late ko nalang io-open ang Resto na sya namang ikinatuwa ng mga staff ko.

Kasalukuyan akong nagchecheck ng mga messages sa phone ko dahil ramdam ko ang sunod sunod na pag-vibrate nito. Lumayo muna ako sa mga bisita para matingnan ito ng maayos.

Puro mga greetings lang rin naman ang narecieved ko. Mga supposed to be imbitado rin daw rito, pero di na raw sila makakapunta due to unfortunate events. I wonder, sino pa kaya ang mga inimbitahan ni Grecko para dito sa surprise birthday party ko?

"Wag ka nang mag-isip dyan! Darating na rin si Pareng Grecko. Nalate lang daw dahil marami pang inasikaso sa Office" biglang sabat ni Warren sa likod ko.

Napalingon ako dito at humarap sa kanya.

"Bakit? Tinanong ko ba kung nasan sya?" react ko rito.

Tumawa ito at kinamot ang kilay nya.

"Tsssss, kunwari kapa. Alam kong kanina mo pa sya hinahanap dahil alam ko ring gusto mo syang makausap para makapagpasalamat man lang" sabi nito.

Tumango ako at nagkibit balikat nalang ako. Well tama rin naman sya, gusto ko ngang personal na makausap ito.

"Oo na, alam ko naman yon. Wag kang mag-alala pagkarating nya rito, magpapasalamat ako sa kanya" sagot ko rito.

Tumawa ito.

"Oh! uminom ka naman dyan, birthday na birthday mo parang nalugi yung mukha mo. Oh! magcheers tayo!" sabi nito sabay abot ng isang bote ng beer.

"Sira ka, haharap pa ako sa ilang bisita wag mokong painumin!" sagot ko.

Umiling ito at umakbay sakin.

"Pleaseeee inumin mo na?" paglalambing nito.

Gusto kong sumuka sa itsura ni Warren, ganito siguro sya magpacute kay Samantha kapag may LQ sila lol.

"Tsssss, amina nga!" sabay kuha ko sa bote.

"Ayan nice! ay teka pakuha tayong picture!" sabi nito sabay tawag sa photographer ng event!

Ngumiti kami ni Warren sa harap ng Camera.

"Oh, speaking of Pareng Grecko, ayan na yung ex mo!" biglang sabi ni Warren matapos naming magpakuha ng litrato.

Agad naman akong nagbaling ng tingin sa mga taong kararating lamang.

Pansin ko ang suot ni Grecko, mukha ngang kagagaling lang nito sa opisina at dumiretso na rito. Kasama rin nya sina Tita Betina at kuya nyang si Gustav.

Sinalubong ako ng ngiti at yakap ni Tita Betina nang ito'y makalapit sa amin.

"Happy Birthday Timothy!" magiliw nitong bati sakin.

Napangiti naman ako doon.

"Thank you Tita, mabuti po't naririto kayo" sagot ko rito.

Tumawa ito.

"Syempre gusto kong maging part ng celebration mo. Ayaw pa nga akong isama nung isa dyan eh' for family members mo lang daw itong party? Eh diba family parin naman tayo?" sabi nito sabay kindat sa akin.

Nanlaki naman ang mga mata ko at akward na ngumiti kay Tita.

Tumawa si Warren ngunit bigla ring nagpigil. Akward naman itong bumati kay Tita Betina at nanahimik na.

Pansin ko rin ang pagtikhim ni Gustav na nasa gilid na tila nagpipigil ng tawa habang sinisiko ang kapatid nitong nakayuko at ayaw ipakita ang mukha sa akin.

"Ah eh... ahm opo" ang tanging na isagot ko nalang.

"Anyway, balita ko ay nandito raw ang mommy mo? Finally magkikita narin kami ng personal!" magiliw na pagbabago ng topic nito.

"Ah, opo. Nandoon po sila sa may bandang harapan, Gusto nyo po ba ihahatid ko kayo?" tanong ko.

"Ay, hindi na. Ako nalang ang lalapit sa kanila, excited nakong makausap ang balae ko" nakangiti nitong pagtanggi.

Nagulat na naman akong muli sa binitiwang salita ni Tita Betina.

Oh My God!

Muli ko na namang napansin ang pagtikhim ni Gustav pati ni Warren na nasa tabi ko parin.

"Ah, oh sige po, make yourself comfortable tita" paalam ko rito.

Isang halik naman sa pisngi ang binigay nito bago kami iwanan.

Matapos tumuloy ni Tita Betina ay agad na lumapit sa akin si Gustav.

"Oh, Happy Birthday Timo!" bati sa akin ni Gustav habang tinanguan naman nito si Warren.

"Thank you Gustav, bakit naman nag-abala kapa? Kahit wala na sanang gift, okay lang naman eh" nahihiyang puna ko rito.

Umiling naman ito.

"Nope! I insist. Saka nabili ko na eh, sayang naman" pagtanggi nito.

Lumapit pa ito at bumulong sa akin.

"Don't worry di na nya pagseselosan yang bigay kong regalo sa'yo dahil wala namang kayo!" sabi nito sa tila nangaasar na tono.

"Nadidinig ko yung sinasabi mo! Gusto mo bang magkagulo ulit tayo ah?!" biglaang pagsingit at asar na singhal ni Grecko sa kuya nya.

Finally nagsalita na rin sya, kanina pa sya tahimik sa may gilid ng kuya nya eh.

Taas naman ang kamay ni Gustav na humarap sa kapatid nya.

"Tssss, pikon ka naman bro, Sorry okay!? haha masyado kang hot eh' chill lang bro!" natatawang sabi ni Gustav.

Tsssss, ano ba'to? Dito pa ata masusundan ang pag-aaway ng magkapatid na ito eh.

"Hahaha mga loko! Tara na nga Kuya Gustav sa loob, wag mong masyadong inaasar yang si Pareng Grecko at baka mapikon yan magkagulo pa kayo rito haha" banat ni Warren sabay hila kay Gustav at iniwan na kaming dalawa rito.

Napailing nalang ako dahil sa dalawang yon.

Tsssss, mga pasaway! hayyy.

Continue Reading

You'll Also Like

99.2K 3.5K 53
Pumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buh...
Threads and Ties By xix

General Fiction

59.8K 4K 59
NOVELA #7 Theos Iedrien Madrigal
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
163K 6.7K 34
Inspired from the bestselling novel and successful Thai TV series 2 Moons, Maybe Love is a story of love, hope, pain, forgiveness and second chances...