In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [6]

148K 4.4K 822
By chiXnita

-6-

"GUSTO KO nang umuwi, B!" Matagal akong nag-isip kung magsisinungaling ako kay Brix. Kilala niya ako kaya wala rin 'yong k'wenta. Siya ang nakabunggo ko.

Tumingala si Brix habang pinipisil ang batok niya. Nakita ko ang paggalaw ng kanyang Adam's apple kaya sigurado akong lumunok siya. Hindi kaagad siya sumagot. Ibinalik niya ang titig sa 'kin.

Nilabanan ko siya ng tingin kahit na hindi naman siya galit or something. Nag-aalangan kasi siya. Kahit hindi ako makiusap alam na niya ang emosyong makikita sa 'king mga mata.

"Hindi ka pa pinapauwi ni mom, pero sige... ihahatid kita," mahinang sambit niya.

Malawak akong napangiti. Napatalon pa ako't niyakap siya nang mahigpit. "Thank you, B. You're the best!"

Natawa na lang siya pero pakiramdam ko hindi talaga siya natutuwa. Inakbayan niya ako't pumasok kami sa loob ng clinic. Tinanguan niya ang guard na kunot na kunot ang noong nakatitig sa 'kin. Takang-taka kung paano ako nakalabas. Eh, malamang... sa inaantok siya.

"Saan ka galing, B?" tanong ko. Nakasuot kasi siya ng kulay taupe long-sleeved polo na nakabukas ang dalawang butones.

Dumiretso kami sa loob ng pinanggalingan kong k'warto, nang hindi siya sumasagot. Umupo siya sa sofa na 'di kalayuan sa kama. Inilagay niya ang magkabilang siko sa kanyang nakabukakang legs. Tumingin siya sa mga mata ko. Seryosong-seryoso. Nabura tuloy ang ngiti ko.

Kinuha ko ang mansanas na binabalatan ko kanina na hindi ko naubos. Kinagatan ko 'yon kahit nagiging dark na ang kulay dahil sa exposure sa hangin. Nataranta ako sa paraan ng pagkakatitig ni Brix sa 'kin. "W-What's wrong?" kiming tanong ko.

Ngumiti siya. Obviously, made in China. Ano'ng problema niya? "Musta?" Napataas naman ang kilay ko sa tanong niya.

Kinilatis ko siya. Nang wala akong mahanap na sagot at konklusiyon, saka ako sumagot, "Okay lang ako, B. Pero sa tingin ko ikaw ang hindi okay."

Umiling siya nang sunod-sunod. Napabuga ng hangin at sumandal sa sofa. Nakaharap ang kanyang mukha sa puting kisame. Pumikit siya't hinilot ang bridge ng ilong niya.

"B, okay ka lang?" Inilapag ko ang hawak na mansanas sa mesa. Nilapitan ko siya pero nagulat na lang ako nang hilahin niya ang kamay ko kaya napaupo ako sa tabi niya.

Tumigil ako sa paghinga.

"I'm okay, Xhai. Ikaw ang hindi okay," panggagaya niya sa tono ko. Dumilat siya't hinawakan ng dalawang palad ang mukha ko. Hindi naman malamig ang kamay niya pero nagtayuan ang aking mga balahibo. Tila hinahalukay ang aking sistema sa mga titig niya. Hindi ko napigilan ang mapalunok. "Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?"

Hinawakan ko ang mga kamay niya para sana tanggalin sa mukha ko. Hindi niya hinayaang magawa ko. "A-Ang alin?" Hindi ko siya maintindihan. Titig na titig ako sa kanyang may pagkachinitong mata na pinaghalong color gray and touch of brown na bumagay sa ilong niya't hubog ng mga labi. 'Yong mata na ang dull yet expressive.

Umiwas ako ng tingin kasi hindi ko siya kayang labanan sa titigan. Para niya akong pinagbibintangan kahit hindi ko alam kung ano ang aking kasalanan.

"Stop it, Xhai... 'wag mo nang pagtakpan si Grant. Bakit hindi mo sinabi sa 'kin ang ginawa niya sa 'yo?" Ngayon ko lang siya nakitang nagalit nang ganito. Kulang na lang mabasag ang salamin sa gilid ng pinto sa sigaw niya. Nagtatangis ang mga bagang niya. Ang higpit rin nang pagkakahawak sa mukha ko.

"B, masakit!" Agad niya namang tinanggal ang mga palad. Nakita ko pa kung paano niya ikunuyom ang mga iyon.

Gumalaw ang bibig niya. Nabasa ko ang pagbigkas niya sa 'fvck' kahit na walang tunog. Nag-iwas siya ng tingin. Umisod ako papalayo. Walang umiimik sa 'min. Ang naririnig lang sa loob ng silid ay ang mabilis niyang paghinga, ang malakas na tibok ng puso ko at ang pagtunog ng wall clock sa ulohan namin.

"Hindi mo naman kailangang magalit kay Grant," basag ko sa katahimikan. Kailangan kong sabihin sa kanya para hindi na siya mag-alala. "Hindi mo rin ako kailangang tanungin kung okay lang ako. Of course, B, masakit. Sobrang sakit. Pero mahal ko siya. Kaya kahit si Grant pa ang pinakagagong tao sa mundo sa paningin ng ibang tao... hindi ko pa rin siya isusuko."

Naramdaman ko ang titig niya kaya hindi ko na ginawang salubungin. Nilalaro ko ang apple sa mga palad. "Mahal na mahal ko siya, B. Alam mo 'yon. Kahit na ano pa man ang gawin ng taong mahal mo, kung mahal mo talaga siya, handa mo siyang patawarin, 'di ba? Kasi siya ang buhay mo. Hindi ka magiging kumpleto kung hindi siya magiging sa 'yo."

Hinawakan niya ang isang kamay ko. Pinisil niya 'yon. "Xhai—"

"Don't say anything," putol ko sa kanya. "Kahit naman ano'ng sabihin mo. Ako pa rin ang magdedesisyon sa sarili ko dahil buhay ko 'to."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Wala na yata siyang balak na pakawalan. Hindi na nga siya muling nagsalita. Ganyan naman siya palagi, bata pa lang kami, sinusunod niya lahat ng mga sinasabi ko. 'Di ko nga matandaan kung may hindi siya ginawang pabor para sa 'kin.

"How's Grant?"

"Hindi kami nagkikita at nag-uusap," sagot niya.

"Liar!" Nakakasiguro akong kay Angel niya nalaman ang ginawa ni Grant. Siya rin ang pinagkakatiwalaan ni Grant sa lahat. Alam kong may communication sila. "Hindi ko alam kung ilang araw na ako dito kaya gusto kong malaman kung ano'ng ginagawa—"

"He's fine. Last day, ipinatalsik niya lahat ng mga guards sa safe house na kinaroroonan ni Xy at nagdagdag ng mga security. Pumasok kayo ni Angel doon, 'di ba?" Napaanggat ako ng tingin. Hindi ko alam ang expression ng mukha niya ngayon. Nakatingin lang din siya sa 'kin. "May balak pala kayong gawin 'yon. Bakit hindi n'yo man lang ako sinama?"

Nanlaki ang mga mata ko. "H-Ha?"

Ngumiti siya. "Gusto ko lang na nandoon ako sa oras na makita mo ulit si Xyrene. Okay lang kahit na bugbugin ako ni Grant. Wala na rin naman siyang magagawa kung tapos na," pagbibiro niya. Alam ko namang pinapagaan niya lang ang tensyon na bumabalot sa 'min.

Sinapak ko ang braso niya. "Adik ka. Aagawan mo pa si Gel sa pagiging action-star niya."

Nagtatawanan pa rin kami nang biglang pumasok si Tita Brenda. May hawak siyang mga papel na nakaipit sa pinagsalikop na braso niya. Nakasuot siya ng puti. Nakatali ang medyo maiksing buhok. Natahimik kami ng tiningnan niya kami ni Brix nang pabalik-balik.

"Mom, stop staring like that!" saway ni Brix. "Mukha kang tarsier."

Hindi naman nakakatakot ang titig ni Tita Brenda. Para ngang nanunukso. Teka nga! Napabalik ang tingin ko kay tita pero nakatalikod na siya. Inilalapag ang mga papel na hawak katabi ng mga hindi pa nababalatang mansanas.

"You're shooting dagger stares at my back, Brix Vincent!" Napairap si tita sa ere nang muli siyang humarap sa 'min. Ang cute talaga ng mag-inang ito. "What are you doing here, anyway?"

"Visiting Xhai, obviously!"

"Not me?" Napalabi si tita.

"Mom, palagi tayong nagkikita!" Gumalaw ang kamay ko kaya napatingin ako doon. Hawak-hawak pa pala ni Brix. Nanginginig nang bahagya ang kamay niya. Nagpapawis na rin. Hindi ko alam kung sa 'kin ba o 'yong sa kanya. "P'wede ko na ba siyang iuwi?"

"Sa bahay natin?"

Natawa ako. Napabitiw tuloy si Brix. Napangiti rin si tita pero agad ding nawala. Kaya tumigil na rin ako sa pagtawa.

"You're too obvious, Son! But you're fighting a losing battle in a war field that whatever tactics you may do... sa huli, ikaw pa rin ang talo." Napakurap ako. Bago ko pa maproseso ang sinabi ni tita binawi na niya agad. "Humuhugot lang. Sige, p'wede mo nang ihatid si Xhai. Sapat na ang pitong araw para makapagpahinga siya."

Nanlaki ang mga mata ko. Pitong araw akong nandito?

"Magpalit ka na muna." May inabot sa 'kin si Brix na paper bag. Napatingin ako sa 'king damit. Nakasuot pa pala ako ng puting dress.

"Thanks." Inabot ko 'yon saka pumasok na sa maliit na CR.

Binuklat ko ang laman ng paper bag. Plain royal blue na sleeveless dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba at isang black doll shoes. Agad na akong nagbihis dahil gusto ko na rin naman talagang umuwi.

"You know her condition." Natigilan ako sa paglabas mula sa CR nang marinig ko ang sinabi ni tita.

"Yes, mom, I know exactly her condition is." Hindi ko alam kung sino ang pinag-uusapan nila pero may bumubulong sa 'kin na makinig muna.

"You should know too that you can't love her." Hindi ko nakikita ang mukha ni tita pero bakas sa boses niya na seryoso siya. Hindi na muling sumagot si Brix. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko maisipang lumabas.

Nadatnan ko na nakaupo pa rin sa dating posisyon niya si Brix. Nakayuko.

Ngumiti si tita. "Take care of yourself, honey." Lumapit siya't hinalikan ang magkabilang pisngi ko. "Brix, bantayan mo si Xhaiden. Ingatan mo rin sana ang sarili mo," baling niya kay Brix.

Hindi nagkomento si Brix. Hinawakan niya ang kamay ko. "Let's go," aniya nang hindi pa rin ako tinitingnan.

Ano na namang problema niya?

"Alis na po kami, Tita. Thank you sa pag-aalaga sa 'kin ng isang buong linggo."

Ngumiti siya at tinanguan ako. "Anytime, honey."

Lumapit si Brix sa mommy niya at hinalikan ito sa pisngi. Saka nagpaalam.

"Who is she?" tanong ko kay Brix pagpasok namin sa loob ng kotse niya. Tumingin siya sa 'kin, nagtatanong ang mga mata. "I mean, 'yong babaeng sinasabi ng mommy mo na hindi mo p'wedeng mahalin?"

Curios na curious ako. Sa tagal na ng pagkakaibigan namin never pa siyang nag-open up sa 'kin na may nagugustuhan siyang babae. Minsan nga naiisip ko kung nagkakacrush ba siya... kasi pagdating sa ganyan, masekreto talaga siya.

Kung sino man ang babaeng 'yon... ang s'werte niya. Bukod sa ang g'wapo ni Brix, mabait pa.

"N-narinig mo?"

"Hindi naman lahat, doon lang sa part na 'yon. Pero sino nga? Ipakilala mo sa 'kin, B..." panunukso ko. Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. May pumatak na pawis sa gilid ng kanyang noo. Air-conditioned naman 'tong kotse niya. "Don't tell me, si Angel—"

"No!" Muntik na akong matawa sa sobrang bilis ng sagot niya. Imposibleng si Angel. Inaasar ko lang siya. G'rabe kaya silang magbangayan. Dinaig pa ang pusa at daga. Isa pa, mayayari si Brix kay Kuya Xyrus kapag pinatos niya si Gel.

Hindi siya mapakali. Panay ang pagtap ng mga daliri niya sa steering wheel.

"Eh, sino nga? Si Aleza? Si Isabela? Si Fiona? Si Kyla? Si Sarah?" Kumunot noo niya. "Si Luzviminda?" Pagpapatuloy ko pa. "O baka naman si Aling Dionisia?" Hindi ko na napigilan ang mapahagalpak ng tawa nang makita ko ang naging reaksiyon niya. Para siyang nasusuka.

"Stop it... Xhaiden Heather Roa!" Okay, ititigil ko na. Seryoso na siya dahil tinawag niya ako sa buong pangalan ko.

"Eh, sino nga kasi?" Sinusundot ko ang tagiliran niya gamit ng hintuturo ko. "B, hindi ako titigil hangga't—"

"Ang manhid mo, Xhai. Ikaw, okay?" Napabuga siya ng hangin. "Ikaw..."

Naistatwa ang kamay ko na susundot pa sana sa braso niya. Muntik na akong mabulunan. Natigilan din siya't nanlaki ang mga mata. Hindi niya siguro inaasahan na lalabas 'yon sa bibig niya. Napahawak siya sa ulo't sinabunutan ito nang bahagya.

Hinampas niya ang manibela kaya napaigtad ako sa gulat. "Look, Xhai, that's not what I—"

"B..." Hinawakan ko ang braso niya dahil sobrang natataranta siya. Kulang na lang lumabas siya ng sasakyan at iwan ako sa loob. "B, look at me!" Hindi niya ako sinunod.

"Xhai, hindi naman—"

"B, don't... please." Napapikit siya nang sabihin ko iyon. "Hindi kita kayang saktan. Ayaw kitang masaktan. Your mom was right. You can't love me. You shouldn't love me because..." Tiningnan ko siya pero nakapikit pa rin siya. Napalunok ako bago itinuloy ang dapat na sasabihin ko, "I can't love you back. No... I love you. Mahal kita... pero I really love—"

"Yes," he interjected me. "I know that. You don't need to slap that on my face, Xhai."

"I'm sor—"

Nginitian niya lang ako. Pinaandar ang sasakyan at hindi na muling nagsalita. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana kahit na tila pinaparusahan sa bigat ng pakiramdam.

Ewan ko ba kung paano namin natagalan ni Brix ang mahigit kalahating oras na ang tanging bumabalot sa 'min... "ilangan". Kaya gano'n na lang ang pasasalamat ko nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ni Grant.

"So—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang lumabas si Brix, pinagbuksan ako ng pinto. Napabuntong-hininga na lang ako bago lumabas. "Thank you." Hindi siya umimik. Hindi ko naman siya pinipilit na magsalita. Pero hindi ako sanay na ganito siya. "B—"

"Alis na ako. Mag-ingat ka," aniya bago muling tumalikod. Hindi ko na nagawa ang sumagot.

"Brad!" Sabay kaming napalingon ni Brix at nakita ko siya.

"Grant..." Lumapit ako sa kanya para salubungin siya. Nilagpasan niya ako. Natigilan ako sa puwesto ko't tumungo. Ineexpect ko na ito kaya napangiti na lang ako nang mapait. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tumigil siya sa harapan ni Brix.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Sa dalawang magkaibigan na nakatayo sa harapan ko. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.

"Musta?" tanong ni Grant kay Brix. Nakita ko pa ang marahang pagtapik niya sa balikat nito.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Natutop ko na lang ang bibig nang suntukin ni Brix si Grant sa panga gamit ang kanang kamao niya.

"Oh God, Brix Vincent! Tumigil ka!" Kandapaos na sigaw ko.

Humarang na ako sa pagitan nila nang akma na naman niyang susuntukin si Grant. Pumikit ako para hintayin ang kamao niya sa mukha ko. Dumilat lang ako nang wala akong naramdaman na kahit ano. Nabungaran ko ang nanginginig na kamao niya na dahan-dahan niyang ibinaba. Tikom ang bibig at halatang nagtatangis ang mga bagang niya.

"Xhai, umalis ka diyan," nakikiusap ang mga namumulang mata ni Brix.

Sunod-sunod akong umiling. "'W-wag mo siyang sasaktan! Wala naman siyang kasalanan."

Siya naman ang napailing. Humakbang siya patalikod. Ihinilamos ang mga palad sa mukha. "Walang kasalanan? Sht!" Sinipa niya ang sahig. Siguro kung may lata lang doon ng soft drinks, hindi ko alam kung saan na iyon nakarating. "Hindi ko kailangan isa-isahin ang mga kagagohang ginawa niya para maalala mo ang mga kasalanan niya sa 'yo, Xhai!"

May humawak sa balikat ko. Muntik na akong mapatalon. Hindi sa dahil nagulat ako kundi dahil alam kung si Grant ang humahawak sa 'kin ngayon.

Nilingon ko siya pero kay Brix nakatuon ang tingin niya. Hindi ko mabasa ang aura ng kanyang mukha. Ang alam ko lang, kung magpapa-BP ako, masisira ang stethoscope sa sobrang bilis ng pintig ng pulso ko.

Pinalis niya ako sa harapan niya. Humakbang siya papalapit kay Brix. "Suntukin mo ulit ako kung gusto mo. Hindi ako papalag," aniya. Bago pa ako muling pumagitna sa kanila, nasuntok na ulit siya ni Brix.

"Ang gago mo!" Muling sinuntok ni Brix si Grant. Hindi nila pinapansin ang kandapaos na pagsigaw ko. "Alam kong mahal mo si Xyrene pero hindi mo kailangang gawin 'yon kay Xhaiden."

Galit na galit si Brix. Kulang na lang maglabas siya ng baril at tadtarin ng bala ang katawan ng kaibigan niya. Samantalang si Grant, napaupo sa sementadong pathway sa harapan ng gate. Hindi siya tumatayo. Wala yatang balak na gumanti ng suntok.

May dugong pumatak sa kaliwang kilay ni Grant. May cut na ang gilid ng labi. Bahagyang namaga at naningkit ang ibaba ng mga mata. Gustuhin ko man siyang lapitan, nanghihina ang mga tuhod ko. Isang hakbang lang siguradong matutumba ako.

"Ang gago mo!" Napahawak si Brix sa bridge ng ilong. "Mahal na mahal ka ni Xhai. At mahal ko siya. Alam na niya pero ikaw pa rin ang pinipili niya. Gano'n ka niya kamahal. Tapos hindi mo man lang pinapahalagahan ang nararamdaman niya? Gago ka!"

Napalapit ako kay Brix at napahawak sa nanginginig na braso siya. "I... I am sorry. I'm sorry, B..." Hindi ko alam kung naririnig niya ako. Lumapit siya kay Grant. Hinila ito patayo. Sumikip ang dibdib ko dahil baka kung ano'ng gawin niya.

"Kahit na kaibigan kita, gusto kitang bugbugin hanggang sa matauhan ka." Ikinuyom ni Brix ang kamao sa tapat ng mukha ni Grant. Nakatingin lang si Grant sa kanya na handang tanggapin ang suntok na ipapaulan niya. Ibinaba niya ang kamay at tinulak si Grant. "Isang taon nang hindi nagigising si Xyrene. Alam kong umaasa ka pa na magigising siya pero sa tingin mo ba magiging normal pa siya kung sakali man na magising siya matapos ang nangyari sa kanya? Brad, hindi na!"

"B, tama na—"

"Noon pa lang mahal ka na ni Xhai. Kahit na noon pa lang gustong-gusto ko na siya pero hindi siya pwedeng maging akin dahil nandiyan ka." Muli niyang ihinilamos ang mga palad sa mukha. "Nandiyan ka pero mahal ang kakambal niya. Alam kong mahirap turuan ang puso. Dahil kung oo, matagal ko na 'yong ginawa para nakawin ang pagmamahal ni Xhaiden para sa 'yo."

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

Napatingin ako kay Grant na bahagyang nakaawang ang bibig. Tulala. Nakatingin siya kay Brix. Hindi niya naman ako matingnan.

"Tama na, B. T-tumigil ka na, p'wede ba?" Napapiyok ako. "Please naman, oh. Makinig ka—" Natigilan ako nang bigla siyang umupo. Hindi! Lumuhod siya kaya nabitiwan ko ang braso niya.

Natutop ko ang bibig. Lalong lumakas ang paghikbi ko. Si Grant napahawak sa kanyang ulo.

"Hindi ko hinihiling na mahalin mo rin si Xhai. Dahil marerealize mo rin ang halaga niya sa 'yo. Pero habang hindi pa, p'wede bang hilingin na 'wag mo na ulit siyang sasaktan?"

"B, naman. B-bakit mo ba ito ginagawa?"

"B-brad..." ani Grant na halatang hindi makapaniwala. Nakahawak pa rin siya sa ulo niya't sunod-sunod na umiling.

"Hindi ko siya magawang tingnan ngayon dahil umiiyak siya. Ayoko siyang i-comfort dahil gusto kong ikaw ang gumawa niyon para sa kanya." Napahigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Brix. "Brad, alam kong gagawin mo rin ang bagay na ito kung si Xyrene ang nasa sitwasyon niya. Kaya alam kong naiintindihan mo ako. 'Wag mo na ulit siyang sasaktan. P-parang awa mo na."

"Tama na! Tama na! Tama na!" sigaw ko na nagpatigil kay Brix. Niyugyog ko ang braso niya. Sinusuntok ko rin ang dibdib. "Tama na!" Hinawakan niya ang mga braso ko para matigil ako. Hinapit niya ako para yakapin. "I'm so sorry. I'm sorry, B." Sumubsob ako sa dibdib niya. Naririnig ko ang malakas na tibok ng puso niya.

"'Wag kang humingi ng tawad sa 'kin, Xhai." Hinimas niya ang likod ko. Lalo naman lumakas ang pag-iyak ko. "Hindi mo naman kasalanan na minahal kita."

Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa harapan ni Grant na ngayon ay natutulala pa rin. Mahigpit ang pagkakahawak ni Brix sa 'kin. Para bang ito na ang huling beses na mahahawakan niya ang kamay ko.

"Brad, alam kong hindi naging akin si Xhai para ipaubaya ko siya sa 'yo." Garalgal ang boses ni Brix. Hinawakan niya ang isang kamay ni Grant. Dinala 'yon sa hawak niyang palad ko. Huminga siya nang malalim. "Hindi mo siya kailangang mahalin. Ang sa 'kin lang pahalagahan mo ang nararamdaman niya para sa 'yo. Dahil sa totoo lang napakaswerte mo dahil ikaw ang taong mahal niya. Kaya 'wag mo na ulit siyang sasaktan."

Tumingin si Brix sa 'kin. Ngumiti siya pero hindi umabot sa malungkot niyang mga mata. Hinalikan niya ako sa noo bago tinalikuran kami.

Mabibigat ang mga hakbang niya papalayo. Gusto ko siyang habulin. Pakiusapan na bawiin niya ang sinabi. Kung gagawin ko ba 'yon, gagawin niya? Kaso nagtatalo ang pagkatao ko. Hindi ako makapag-isip nang matino.

Tumigil siya sa tapat ng sasakyan. Lumingon siya. Kay Grant bumagsak ang mga mata.

"Sa oras na bitiwan mo siya, tandaan mo na nandito lang ako para saluhin siya. 'Wag kang umasa na ibibigay ko ulit siya. Hinding-hindi na ako magpapaubaya." 'Yan ang ang umalingawngaw sa pandinig ko hanggang sa mawala na ang sinasakyan niya sa paningin ko.

Brix!

Continue Reading

You'll Also Like

36.5K 342 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
16M 74.7K 21
Available na po sa bookstores. NATIONWIDE. Grab your copy now! :) Price: P175.00 175 pages Taglish Psicom Publishing Book 1: Sadist Lover (published...
284 110 45
[ON HOLD] LIFE ARC SERIES #2 "While trying to survive in her own little made up cruel world, comes a man having control in his own overtaxing dysfun...
68.3K 1K 68
Kevin wants his wife to have her own sense of individuality. He wanted her to spread her wings and achieve her own dreams. He's happy to see her happ...