[BME 3] : BE MY ESCAPE

By witcheverwriter

2.5M 33.8K 12.5K

The very thing I hate to lose is my everything. And the cruelest thing in the world is the truth. In desperat... More

~ Troy ~
2. Selfish indeed.
4. Goodness' sake!
3. Love, lies, and lives.
4. The Numb. The Martyr.
5. Every place and every face.
6. She's back. He's not.
Zecrets...
~ Arianna ~
1. Every possibility.
2. Who knew.
3. It hurts.
4. Holding on and letting go.
5. Where does this leave us?
6. Ticking time bombs.
7. What happened to moving on?
8. Haunted hearts.
9. Surprise, surprise.
10. Once upon a night.
11. The miserable ones.
12. Forgive and forget.
13. Not too soon.
14. F-ck promises.
15. The Great Wall of Arianna.
16. Home alone.

1. His promise.

154K 2K 393
By witcheverwriter

                                                     1. HIS PROMISE.

HALO-HALOng emosyon ang nararamdaman ni TJ sa mga oras na iyon.

Sobrang nasasaktan pa rin siya sa ginawang pagtataboy ni Yanna sa kanya. Pero sobrang mahal niya pa rin ang dalaga.

Gusto niyang magalit. Sobrang gusto niyang magalit.... pero hindi niya magawa. Mahal na mahal niya si Yanna. Sobra... Pero gusto niyang makalimutan ang sakit. Gusto niyang kalimutan para sa sarili niya ang sakit. Pero paano? Kung kabiyak ng pangalan ng mahal niya.... ay ang sakit na dinulot nito sa kanya?

Ang bigat.... Sobrang bigat ng pakiramdam niya. Kinakabahan siya. At hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya.

Mahigpit na hawak hawak niya ang cellphone niya. Please, Helen... Please... tumawag ka. Isang salita mo lang, babalik agad ako... Babalik agad ako sa’yo, ang kanina pa dasal ng isip niya. Isang tawag lang. Isa lang....

 

*Oh~oh~oh~oh~patoots, saranghae. Ah~ah~ah~ah mani—*

Her voice.... Pigil ang hiningang napatingin siya sa screen ng cellphone niya.

Incoming call

Sexypatootie

Hindi na niya pinatapos ang ringtone na nirecord ni Yanna at agad na sinagot ang tawag nito.

 

“Troy!”

 

“Arianna!” hindi siya makapaniwala. Ang asawa niya.... Tinawagan siya ng asawa niya!

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Lalo na nang sambitin nito ang mga katagang magpapabagong talaga sa desisyon niya.

 

“Troy..... h’wag kang umalis.”

Totoo ba? Totoo ba ang narinig niya? Hindi siya makapagsalita. Parang taon ang hinintay niya para lang marinig ang pagpigil nito sa kanya! Iyon lang.... Iyon lang hinihintay niya. At sa wakas....

Nag-uulap na ang mga mata niya. Hanggang sa marinig niya ang hikbi ni Yanna sa kabilang linya. Agad na naglaglagan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

Tumingin siya sa rear view mirror ng kotse. “Stop the car”, utos niya sa driver. Oo. Nasa kotse pa lang sila. Pero iniwasan lang siya ng tingin ng p*ta!

 

“I said stop the car! B*llshit!” hindi niya na napaigilang sigaw. Pero hindi pa rin siya pinansin nito! Binalingan niya ang totoong ama niyang si Gabriello sa passenger seat pero isang saglit na sulyap lang ang ibinigay nito sa kanya.

Nagsimula na siyang magpanic. Sinubukan niyang buksan ang pinto ng kotse pero naka-lock  iyon. “Ah, shit! Tanggalin n’yo ang lock!!!” pinagkakalampag niya pa ang pinto.

Pero wala. Hindi man lang tuminag ang mga ito.

 

“Shit...! P*tangna, palabasin n’yo ‘ko rito!!!” Nangigigil na siya. Nagsisimula nang magdilim ang paningin niya.

 

“Stop the f*cking car! Damn, it!!!” Nagliliyab na ang mga mata niya sa galit. Wala ba’ng naririnig ang mga ito?!

Binitawan niya ang cellphone niya at gamit ang dalawang kamay ay hinawakan niya ang leeg ng driver. Pasakal... “PALABASIN N’YO AKO, KUNG AYAW N’YONG MAGKA-LETSE LETSE TAYO!!!!”

Halatang nataranta ang driver at agad napahinto. At dahil sa sobrang galit, hindi niya napigilang higpitan ang pagkakasakal dito. Magkaka-letse-letse nang talaga.

Binalingan niya ang nasa harap na ama niya sa nanliliyab na tingin. Hindi niya pinagtuunan ng pansin kung ano ang nais ipahiwatig ng ekspresyon ng mga mata nito pero nang sensyasan nito ang driver, agad na inalis na niya ang tingin dito.

The driver unlocked the car and he immediately stormed outside bringing only his phone with him.

Agad na tinignan niya ang cellphone niya at ganoon na lang ang tuwang naramdaman niya nang hindi pa rin pala tinatapos ni Yanna ang tawag.

 

“Hello? Arianna??? Arianna!!”

 

“Troy!”

Agad na lumuwag ang paghinga niya nang marinig ang boses nito. “God...! Your voice.... I missed you so much!” hindi niya napigilang bulalas. Ang boses na iyon... Akala niya, hindi na niya muling maririnig ang boses ng mahal niya.

 

“Troy... H’wag mo ‘kong iwan... Please?”

Biglang napahinto siya sa paglalakad niya. Tuloy tuloy na naman ang agos ng mga luha mula sa mga mata niya.

 

Hindi, Arianna. Hindi mo na kailangang magmakaawa pa. Isang salita mo lang, hindi na ako magdadalawang isip na balikan ka. “I won’t.” I won’t, Arianna... I won’t.

And from that moment, that was his promise.

 

“Nasaan ka??! Pupuntahan kita!” sigaw niya sa pag-aalalang hindi marinig ng asawa ang boses niya dahil sa ingay ng mga busina ng sasakyan.

 

“Infinitree”, humihikbing sagot ni Yanna.

Parang dinudurog ang puso niya sa tuwing naririnig na umiiyak ang mahal niya.

 

“Don’t move. Wait for me, I’ll be there.”

 

“I will. Come back, fast... Please?”

Pagkarinig na pagkarinig noon, agad na kumaripas siya ng takbo. Para siyang hari ng kalsada sa walang pakialam na pagtakbo niya papunta sa kabilang kalsada. Lahat ng sasakyang nagdaraanan, humihintong bigla nang dahil sa kanya.

 

“TJ! Okay ka lang ba?!” naririnig niya ang pag-aalala ni Yanna mula sa kabilang linya dahil hindi niya tinatanggal ang cellphone niya sa tenga niya. “TJ!” muling tawag nito.

He chuckled. How he missed her voice. “Parating na”, at mas lalo siyang nagmadaling tumakbo sa gilid ng daan. “Alam mo bang ang saya ko? Akala ko, hindi mo na ako pipigilan! Akala ko, matitiis mo ako!” hindi napawi ng pagkahingal niya ang mga luhang naglabasan mula sa mga mata niya.

 

“I’m sorry, Troy! I’m sorry for that night! But, please........ come back to me. Please?”

Hindi niya talaga makayanang marinig ang pag-iyak nito. Lalo siyang hindi makapaghintay na puntahan ang asawa at siya mismo ang magpatahan dito.

Saglit na lang.... “Hintayin mo ako dyan. Don’t cry, please? I don’t want you to cry. Stop crying.”

 

“H’wag mo na ‘kong intindihin! Umiiyak ka rin, stupid!”

Natawa siya sa sinabi nito. Alam din pala nitong umiiyak siya. “Ikaw kasi, e. Alam ko namang namiss mo lang ang gwapo kong mukha”, biro niya.

 

“Oo na! Miss na miss na kita! Nakakainis ka, sobrang miss na kita kaya dalian mo na lang dyan!”

Lalo siyang natawa kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. “Almost there.”

Kinapa niya ang isang bagay mula sa bulsa niya at inilabas iyon. Ang kwintas na hindi na niya naibigay kay Yanna noong gabing itaboy siya nito.

Agad na napangiti siya. Ngayon, maibibigay niya na kay Yanna iyon.

Patawid na naman siya sa kabilang kalsada nang isang motorsiklo ang biglang sumulpot mula sa gilid ng daan. Muntik pa siyang mabangga ng isang motorsiklo! Buti na lang at nakagilid siya.

“Helen!” tawag niya ulit kay Arianna.

“TJ? Ano’ng nangyari?”

“Akala ko nawala ka na sa linya!”

“No! Nandito lang ako. Just take your time, okay?”

“Wait for me.”

“I will.”

Nang dahil sa pagmamadali niyang makabalik kay Yanna, hindi na niya binigyang pansin pa ang muntik na pagkakabangga sa kanya. Tumawid na lang siyang muli sa kabilang kalsada.

Ang saya niya, grabe. Magkakasama na ulit sila ni Yanna. Hindi niya mapigilan ang saya niya.

"Helen!"

"Troy!"

Natawa siya. "Mahal na mahal kita!"

At alam niya, na-imagine niya, nakangiti si Yanna. "Mahal na mahal din kita, Troy."

Kuntentong napangiti siya. Tumakbo ulit siya. Doon naman siya biglang napahinto nang nasa gilid na siya ng daan.

Ang kwintas! Nawawala ang kwintas! Ang kwintas na may pangalang Helen, nawawala! Tumakbo agad siya kung sa'n siya muntik mabangga ng motorsiklo.

Agad na nilinga niya ang lugar kung saan muntik na siyang masagasaan ng isang motorsiklo. And there on the road, he saw the necklace.... "Oh, shit." Muntik niya nang maiwala ang kwintas! Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang kwintas.

 

"Troy? Ano'ng nangyari? Troy?"

Nilapitan niya ang lugar kung nasaan ang kwintas. Walang mga sasakyang nagdaraan kaya matulin siyang nakalapit. He smiled as he approached. “Nothing, baby. Did I mention that I love you?”

 

Hindi na. Hindi na ‘ko papayag na magkahiwalay ulit tayo, pangako niya sa sarili niya. Pinulot niya ang kwintas. Kuntentong napangiti siya. "I love you so much...." Pero sa gilid niya, papalapit na ilaw at papalakas na busina ang palapit sa kanya. His eyes widened as his grip at the necklace tightened. It was like everything slowed in motion. The car approaching him... Him being frozen at his spot... No... "...Helen--"

He held his breath and was about to avoid and flee from the spot but everything.... went fast.....

 

*EEEEEEEEEEENGK!!!*

 

BLAAAAG!

 

          “DON!” nanlaki ang mga mata ng driver ni Don Gabriello nang makita mula sa rear view mirror ng sasakyan ang buong pangyayari.

Napatingin si Don Gabriello sa driver niya. He was in deep thoughts and how dare his driver yell at him?

 

“Ang anak n’yo....”

Sa sinabi pa lang iyon ng driver niya ay napatingin agad siya sa rear view mirror ng sasakyan. At ganoon na lang ang kabang bumundol sa buong katauhan niya nang makita ang mga taong nagkukumpulan sa gitna ng kalsada, malayo sa kanila.

Agad agad na napalabas siya ng sasakyan.

 

Anak....

Parang nanghihina ang mga tuhod niya. Hindi... Hindi maaaring anak niya iyon.

Sa nanghihinang mga tuhod, humakbang siya papunta sa lugar kung nasaan ang kumpol ng mga tao.

 

“Don...” tawag ng driver niya sa kanya pero hindi niya iyon pinansin at sa isang iglap ay bumilis na lang ang lakad niya hanggang sa tinakbo na niya ang kinaroroonan ng mga tao.

Walang pakialam na hinawi niya ang mga taong nagkumpol sa pwesto. Hanggang sa.... nakita niya ang anak niya.

Bulagta at.... duguan.

 

“Ano’ng nangyari?” “Lasing ang nakabangga.” “D’yos ko po....” “Pigilan n’yo ang driver, baka tumakas!” “Tumawag kayo ng ambulansya!”

Nagpapasukan ang mga bulung-bulungan ng mga tao sa tenga niya pero lumalabas din agad sa kabila. Maang na nakatunghay lang siya sa anak niya. Tila ayaw paniwalaan ng sarili niya ang nakikita ng mga mata niya.

 

“Anak....” bigla na lang niyang nilapitan ang anak niya. At doon, naglaglagan na lang bigla ang mga luha mula sa mga mata niya.

 

“Anak...! Gumising ka, anak!” Hindi ito maaari. Hindi pa niya nakakasama man lang ng matagal ang anak niya... Hindi.... Hindi ito maaari! “Tumawag kayo ng ambulansya! Madali!” sigaw niya.

Ang anak niya... Ang tila walang buhay na na anak niya... “MADALI!!!”

 

Hindi.... Hindi ito maaari!

Hanggang sa dumating ang ambulansya at madala sa pinakamalapit na ospital ang anak niya. Idiniretso ang anak niya sa emergency room at doon ay nakapasok siya.

 

God... Iligtas n’yo po ang anak ko....

 

“Troy... Troy....!” Napalingon siya sa tinig ng babaeng iyon na bigla na lang pumasok sa loob. Ang kasintahan ng kanyang anak.

Ang kasintahan ng anak niyang tila anumang oras ay bibigay na rin... Ang mga kamay niyang puno ng dugo ng anak niya... Ang mukha ng anak niya... Hindi na niya kaya ang mga nakikita niya pero kailangang tatagan niya ang sarili niya.

 

“Clear!”

Nagpalipat-lipat sa life support machine at sa duguang mukha ng anak niya ang tingin niya.

 

God... please...!

 

“Clear!”

But then.... that hateful beep sound filled the room.

 

Beeeeeeeeeeeeeee.

Nanlaki ang mga mata niyang napatingin siya sa unti-unting pagdiretso ng linya sa life monitor ng anak niya. Doon halos malaglag ang puso niya.

 

“Eight o one.”

 

“No....”

 

“TROOOOY!!!”

His eyes landed at his lifeless son and then... at the girl. The girl who after screaming his son’s name, was slowly trying to catch her breath but ended up.... passing out.

 

“Miss...! Miss!” Napatingin siya sa lalaking kasama ng kasintahan ng anak niya. Hanggang sa buhatin nito ang dalaga at dali-daling inilabas.

Halos hindi na siya makahinga. Muling nagbalik ang tingin niya sa walang buhay niyang anak.

 

No.... This can’t be...

Bigla na lang siyang napaluhod mula sa kinatatayuan niya. “No..... Anak..... Anak....”

Hindi.... Hindi maaari.... Ang anak niya. Ang anak niya.....

Pinabayaan niya na ang anak niya sa nais nito... Pinabayaan na niya pero hindi para mamatay ito! No... This can’t be... No....!

Nahihirapan na siyang huminga. Hindi.... Hindi ito totoo....

 

“Doc...!”

Hindi niya napansin ang sigaw ng isang nurse. Nahihirapan na talaga siyang huminga. Hindi matanggap ng sarili niya.

 

“Oh my god...!”

Pero hindi niya alam kung ano’ng meron sa bulalas na iyon na bigla na lang nagpaangat ng tingin niya.

 

“The line is back! Madali kayo!”

                                                                   ***

A/N:

E, kasi, dapat talaga mas mahaba ito. Kaso nga, tinatamad pa ako. Haha. So 'yung part two, gagawin ko nang chapter two. Meheh. Sa Sat pa kasi dapat 'to kaso ang dami n'yo nang naghihintay so ayan, pagtyagaan po muna. :)

Guys, babalik tayo sa nakaraan. Pero bago tayo bumalik sa kasalukuyan, hahandugan ko muna kayo ng katatawanan sa mga flashbacks. Dahil promise, nahihirapan akong magpasok ng funny moments dahil intense na ang plot nito. Kaya nga, h'wag n'yong asahan ang sobrang katatawanan. Flashbacks lang talaga ang pag-asa nating tumawa rito. Malalaman n'yo kung bakit hindi na nila kayang tumawa katulad nang pagtawa nila noong high school pa lang sila. Sana maappreciate n'yo ang makakayanan ko. Omg. Ang drama ko. :D

Opo, 3rd person POV na 'to. H'wag nang magreklamo, masasanay din kayo dyan. :) Mahaba ang book 3. Hindi ko alam kung gaano kahaba pero mahaba. As in...

 

Naranasan n'yo na ba'ng mabangga? Ako, oo. Ng tricycle habang nakabike ako. Miracle na ni galos, hindi ako nagalusan pero yupi ng bongga ang bike na gamit ko. Iyong maliit na aksidente na 'yon, sobrang kinatakutan ko, ang nangyari pa kaya kay Troy? Kaya alam ko na higit pa roon ang naramdaman ni Troy(kahit hindi siya totoo). :)

 

Hahabaan ko na talaga ang mga next chapters. Ipinaalam ko lang sa inyo na gaya ng sabi-sabi na "Helen is the reason for the fall(death) of Troy", si Helen(kwintas) nga talaga ang dahilan kung bakit nangyari ang mga nangyari... Joke. OO NA! SISIHIN N'YO SI TADHANA A.K.A WITCHEVERWRITER! KALOKA! Hahaha. XD

Love youuuuuus :*

Continue Reading

You'll Also Like

9.4M 286K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
1.3M 30.5K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
98K 4.8K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...