4. Holding on and letting go.

91.7K 1.4K 643
                                    

                                        4. HOLDING ON AND LETTING GO.

“PLEASE, eat”, tinapat pa ni Angelo kay Arianna ang kutsarang may lamang pagkain.

 

“Wala talaga ‘kong gana”, sagot niya.

And that did it.

Angelo muttered a curse under his breath, put the tray away then stood up.

 

“Please naman, Arianna”, nagtitimping humawak sa magkabilang bewang si Angelo. “Kain-tulog-iyak na nga lang ang ginagawa mo, babawasan mo pa ng isa? Jesus. I don’t want you dead!”

Napapikit siya.

Ngayon lang siya sinigawan ni Angelo matapos ang mga pangyayari. He was always the calm and understanding one. Siguro kasi, lahat nga naman napapagod. Kung siya nga, pagod na pagod na.

 

“I’m not gonna die, Angelo. I just don’t feel like eating.”

 

“Bullsh-t. Ano ba’ng kinain mo kanina? E, tinikman mo lang ‘yung sopas! At agahan pa ‘yun, Arianna! Hapunan na ngayon. Pwede ba’ng lumampas naman sa limang subo ang kainin mo? Kagagaling mo lang sa trangkaso, gusto mo bang bumalik na naman?”

She shook her head.

 

“Don’t yell.” The words slipped her mouth nervously, almost afraid.

 

“I’ll not yell if you will just take care of yourself. Look at you. You’re bone skin, Arianna. Sobrang lumaglag ang katawan mo.”

Parang bata kung sermunan siya ni Angelo. She can tell, nag-aalala na nangsobra  sa kanya ang asawa niya.

 

“Okay, I’ll eat”, she finally said. Para lang hindi na siya sigawan ni Angelo. She’s had enough of the yelling from her parents, twin, and friends.

 

“No. You’ll eat after we talk. You weren’t hungry anyway, right? Now, let’s talk.” Mukhang naubusan na ng pasensya si Angelo.

Ano’ng pag-uusapan nila? Damn, she’s going to be sick just thinking of her arguing with Angelo.

Alam niya... Alam niyang nakita ni Angelo ang pagluhod niya kay Troy. Pero lumipas ang ilang linggo na hindi nito binanggit sa kanya ‘yon.

[BME 3] : BE MY ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon