Marked Series 5: My Baby's Mo...

By iamyourlovelywriter

2.9M 52.6K 2.3K

"You don't have any choices at all, you need to be my baby's mommy and my wife..." Dale is living his life to... More

Marked Series 5: My Baby's Mommy
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Epilogue
Extra #1: Love and Happiness
Extra #2: Baby Dress

Chapter Nine

141K 2.5K 83
By iamyourlovelywriter

HINDI na niya kinibo pa si Dale habang patuloy itong nagmamaneho, naka-upo na rin siya ng maayos sa tabi nito. She didn't say anything after he said his sorry at mas lalong hindi naman ito nagsalita para sabihin sa kanya kung para saan talaga ang sorry nito. Hindi na rin siya pamilyar sa lugar mukhang nasa malayo na sila and this is the worst kapag hindi pa niya napupuntahan ang isang lugar ay mawawala at mawawala talaga siya.

He was answering some calls and texts for a while now and it seems like a distraction for him. She wanted to sleep pero hindi pwede baka kasi hindi na siya magising pa kagaya ng nasa movies. Maybe his sorry is for ridding her forever, mabuti nalang at nahalikan niya si Damon she will miss that child kapag--- eh?

Huminto sila sa isang hindi gaano kalakihang bahay pero hindi sapat ang laki noon upang hindi nito ipakita ang ganda ng buong paligid. It's like a mini-farm kapag dito lumaki si Damon for sure masisiyahan iyon. Kapag nag-asawa na rin si Dale magandang lugar iyon para magsimula ng pamilya, the idea hit her hard. Mawawala lang ang sakit na nararamdaman niya ngayon kapag nakita na niyang settled na nga ang dalawa.

Si Damon at si Dale. Kapag nakita na niyang pwede na niyang iwanan talaga ang dalawa then be it, katulad rin naman ito sa nangyari noon. Masakit noong nakita niyang kinakasal sa iba ang first love niya pero nakakamove on din naman siya. The only permanent thing in this world is changes, meaning everything changes. Kahit na ang nararamdaman niya ay magbabago din.

"Bakit tayo nandito?" she asked silently.

"We need to talk."

"Kung usap lang ang gusto mong mangyari pwede naman sa coffee shop hindi naman ako madamot sa usap Dale." Hindi siya nakatingin dito because she is still busy admiring the entire place, kung may camera lang siguro siya kanina pa siya nagkukuha ng pictures.

"In private."

"Ano ang pag-uusapan natin?"

"Don't be like that." Taas ang kilay na tiningnan niya ito. "I know I was wrong I jumped into conclusions."

"Pinapatawad na kita." Agap niya pero mas lalo pa yata itong nainis sa sagot niya. Ano ba kasi ang problema sa lalaking ito?

"No."

"Ayaw mong patawarin kita?"

"Hindi iyan ang ibig kong sabihin."

"Eh di pinapatawad na kita." Asar na sinuklay nito ang buhok nito gamit ang mga daliri nito at saka inis na hinablot ang braso niya upang makapasok sila sa loob ng bahay na iyon. Hindi nalang siya nagpumiglas pa at hinayaan nalang kung saan siya kaladkarin nito.

Kung naamazed siya sa ganda ng lugar sa labas ng bahay mas maganda din ang loob, halatang pinag-isipan ang interior.

"Mas uunahin mo pa ba ang pagtingin sa loob ng bahay keysa kausapin ako?" inis na pakli nito upang makuha ang atensyon niya.

"Ang kulit mo naman kasi. Look, if you dragged me here for forgiveness then go I already forgiven you. Please lang ihatid mo na ako sa city I still have to-."

"Hindi ka na babalik sa lalaking iyon at gagawin ko ang lahat hindi mo nalang makita ang Ramon na iyon."

"His name is Roman."

"Whatever." Nagtagis ang bagang nito habang tinititigan siya. At dahil nakakastress sa legs ang heels kaya naghanap siya ng upuan and luckily may nakita siyang pang-isahang couch at doon siya umupo. Tinanggal niya ang heels niya kaso sa dami ng straps doon nahihirapan na siya akala niya ay matagal pa siyang makikipagbuno sa suot niyang heels pero natagpuan nalang niya si Dale na nakaluhod sa harap niya na parang prinsipe at kinalas ang straps ng kanyang suot na sapatos. He took it effortlessly.

"Dale." Nang matanggal na nito ang sapatos niya ay bahagya pa nitong minasahe ang mga paa niya. He is doing it greatly kaya nga napakagat siya ng labi upang hindi makagawa ng ungol, paano ba naman kasi parang nanulay sa buong kalamnan niya ang kiliti ng pagdaiti ng balat nito sa balat niya.

"Rayleigh paano mo ba ako mapapatawad?" bakas sa magandang boses nito ang lungkot.

"I did."

"Alam kong hindi ganoon kadali ang patawarin ako Ray. Please tell me how to make up for you."

"Return me home and let me leave, huwag ka na ring magpakita sa akin." Maingat na binitiwan nito ang paa niya na para bang kapag basta nalang nitong binitiwan ay mababasag iyon. Nagtama ang kanilang mga mata and curse to God, kung pwede lang sana kung may kakayahan lang siguro siya ay buong puso na niyang inangkin ang lalaking ito. She can see Damon once he grew kaya nga siguro hindi niya napigilan ang mga daliri at bahagyang sinuklay iyon sa buhok nito.

"I am not convinced na napatawad mo na ako."

"How will I convince you then?"

Confusion is now visible on his handsome face, alam niyang naguguluhan din ito. She is good at reading people's emotion and she knew it would be hard for him to do that. Hinawakan niya ang baba nito at itinaas iyon upang magtama ang kanilang mga mata.

"You don't have to do this Dale, I am not that important in your life. Sapat na sa akin na malaman na pinagsisihan mo na ang nagawa mo. Isipin mo nalang na isa ako sa mga babaeng dumaan sa buhay mo. Hindi ba people come and go in our lives and I am one of them. Don't fuss yourself over me." He gripped the cloth covering the sofa as he stared at her with an unknown expression on his face.

"You are important Rayleigh."

"I know." She just said because she herself doesn't believe na importante siya. Ito naman ngayon ang humawak sa kanya at hinaplos ang pisngi niya.

"I need you in my life."

She chuckled. "In what way Dale?" may double meaning iyon, he crunched his nose when he realized what she means.

"I am serious." He insisted. "Huwag ka ng bumalik sa London."

"Dale ang mabuti pa ay umuwi ka na."

Sumimangot ito. "I'll make sure na hindi ka na aalis."

"Hindi mo ako mapipigilan Dale kailangan ako doon."

"Pero mas kailangan kita dito." Sigaw na nito.

"It doesn't matter Dale."



NAPAKURAP siya ng ilang beses dahil kanina pa siya hinihila ng antok, nasa hospital siya ng mga oras na iyon. Pagkatapos kasi nilang mag-usap ni Dale ay tinawagan siya ni tita Yuri at ganoon nalang ang takot niya ng malaman na nasa hospital si Damon dahil inaapoy ito ng mataas na lagnat. Pareho sila ni Dale na hindi mapakali mabuti nalang at bumaba na ang lagnat ng bata pero hindi pa rin siya mapakali. Kanina pa dapat ang flight niya papuntang London but she needs to postpone her trip.

"Matulog ka muna hija baka ikaw naman ang magkasakit." Untag ni tita Yuri sa kanya. She smiled at her and then she shook her head.

"Kapag po sinabi na ng doctor na okay na po si Damon saka nalang po ako uuwi." Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya dito.

"He will be okay hija nandito naman kami para bantayan siya. Magpahinga ka na." gusto pa sana niyang magprotista kaso nakalimutan niyang hindi pala siya talaga part ng pamilya ng mga ito. Na isa lang pala siyang saling pusa at kahit anong gawin niya she will never be Damon's mommy.

"Sige po." Hinanap niya ang bag niya at tumayo na rin. Medyo nahilo pa nga siya ng tumayo siya good thing she already steadied her walk. "Paalam po tita Yuri."

"Ipapahatid na kita kay Dale."

"Naku, okay lang po ako. Kaya ko na pong umuwi at baka po tumuloy na rin po ako sa airport. Kanina pa po dapat ako umalis." may sasabihin pa sana ito pero hindi na nito itinuloy bagkus ay ngumiti lang ito sa kanya.

"Ingat ka hija at saka pagbalik mo bisitahin mo ako." Inayos nito ang magulong buhok niya.

"I'd love that po."

"Alam ko namang hindi ka matutuloy." Napatingin siya dito dahil may narinig siyang sinabi nito kaso dahil medyo bulong iyon kaya hindi niya alam kung may sinabi nga ba ito o wala.

"Po?"

"Huh? Ah, wala ingat ka hija."

"Salamat po."

Naghihikab na siya ng makalabas na siya ng hospital, tamang-tama naman na kadarating lang ni Dane, ang kapatid ni Dale at ni Reigan iyong pinsan ni Yelena na nagpanggap na asawa nito.

"Aalis ka na Rayleigh?"

"Oo, eh. I need to catch the next flight to London."

Nagkatinginan ang dalawa na para bang may alam na hindi niya alam. "Ganoon ba? I-ingat ka ha."

"Salamat."

"Bye." Paalam ni Reigan sa kanya she just smiled at them. Before she walk away ay may narinig pa siyang usapan ng dalawa.

"Kuya naman eh sabi namang hindi ako interested makipagdate." Ungot ni Dane.

"Mabait ang bestfriend ko."

"Kahit na siya ang susunod na santo papa."

"You know he is good and kind."

"Sino ba iyan?"

"Ruther Jake San Jose, I call him Rooke." Saglit na natigilan si Dane and then she heard her answer Reigan silently.

"Please... no."

Hindi na niya narinig pa ang usapan ng dalawa dahil nakapasok na ito sa room kahit medyo worried siya sa sagot ni Dane ay hindi siya pwedeng makialam. Sarili nalang muna niya ang papakialaman niya.

Nasa labas na siya ng hospital at naghahanap ng taxi na masasakyan ng may humintong kotse sa harap niya. She releases a tight sigh ng umibis mula sa sasakyan si Dale. Akala ba niya ay umalis na ito kanina.

"Saan ka na naman ba pupunta?" tanong nito.

"Ichecheck ko lang ang gallery ko sa London." Nag-isang linya ang mga labi nito.

"Sakay ka na ihahatid na kita sa airport." Tinaasan naman niya ng kilay ang binata hindi kasi siya sgiguradong sa airport nga siya nito dadalhin. "Come on Rayleigh promise sa airport kita ihahatid." Alam niyang kahit anong gawin niya ay hindi naman ito magpapatalo kaya mabilis na tumalima nalang siya at sumakay sa kotse nito.

"Just make sure sa airport mo ako ihahatid at-." Napaatras siya sa kanyang inuupuan ng bigla nitong kinalas ang seatbelt nito at lumapit sa kanya.

"I'll just buckle your seatbelt Rayleigh don't worry I won't touch you yet." Sinamaan niya ito ng tingin making him chuckle. Somehow his chuckle eases the stress she is feeling at the moment. Hinayaan nalang din niyang ikabit nito ang seatbelt niya, he is already done with the belt ng hindi pa rin ito umalis. Their distance is away from the safe zone she can smell his enticing scent.

"Dale." May pagbabanta sa boses niya pero hindi man lang ito tuminag bagkos ay hinawakan ang chin niya at itinaas iyon upang maglapat ang kanilang mga mata. "Ano-." She was trapped. Kahit saang banda niya ibaling ang ulo niya ay hindi na siya makakatakas pa kay Dale, she wanted to close her eyes but that will only mean na nag-aanticipate siyang halikan nito. Kahit na ilang beses ng may nangyari sa kanila ay naiilang pa rin siya.

"Rayleigh." He whispered her name with too much passion she almost lost it. "Cara mia" he said using his endearment to her. Napaawang ang kanyang mga labi dahil maging siya ay biglang nahirapang huminga sa lapit nila. Bakit ba kailangang maging sobrang gwapo nito sa kanyang paningin? "Ray..." and the next thing he did, he is kissing her lips lightly, the lightest kiss he had ever give to her. Mukhang hinihintay nitong itulak niya but hell with that, mukhang kinain na niya ang sinabi niya dati na hindi siya katulad ng mga babae nito. Because here she is, she is more than willing to give everything she has.

She sighed when she felt his tongue probing her own lips and coaxing it to open which she gladly accepted. Kung ito man ang huling halik na matitikman niya then she is more than happy to accept it at kung pwede ibabaon niya iyon sa isip at puso niya. His fingers are now massaging the back of her hair helping her to relax and loosened up from the kiss they are sharing. The kiss lasted for a minute or two hindi niya alam kung paano nangyari iyon pero mukhang ganoon yata talaga.

"Your lips." He whispered. "I am addicted to it."

She blushed when he said that because she is also addicted to his lips. She cleared her throat and tilted her head to ease the foggy thoughts inside her brain.

"I need to go now Dale, I need to catch up the next flight." She changed topic, tumango naman ito at pinaandar uli ang kotse. Ilang sandali pa ay nasa kabihasnan na sila, may kausap ito sa phone kaya nanahimik nalang siya pero binalingan na siya nito.

"The next flight is three in the afternoon, do you want me to book it for you?" noong una ay ayaw niyang maniwala sa sinabi nito pero wala naman siyang mabasang kung ano sa mukha nito.

"Yes, please." Binalikan nito ang kausap at sinabi ang mga details na kailangan nito for the booking.

"We need to take the short cut para makaabot ka sa airport before three okay lang ba?"

"S-sure."

Bigla silang nag-u-turn at dumaan sila sa isang hindi masyadong pamilyar na kalsada. Wala namang kaduda-duda sa part niya because she is the last person on the universe na makakaalala ng kalsadang dinadaanan niya.

Napatingin siya sa suot niyang wrist watch, twenty minutes nalang before magthree and for some reason kahit mabilis ang pagpapatakbo ni Dale sa kotse nito ay hindi siya nakaramdam ng kaba.

"Shit!" napatingin siya sa kasama ng biglang nagcurse ito ng malakas.

"Bakit?" takang tanong niya lalo pa at biglang huminto ang kotse nito sa gitna ng kawalan.

"It stopped."

"Ha? Hindi pwede malelate na ako sa flight ko." He looked at her worrying about her.

"I'm sorry Rayleigh, don't worry we still have time I can fix this." Lumabas na ito ng sasakyan at binuksan ang hood ng sasakyan. Unlike sa mga nakikita niya sa movies wala namang mga usok at kung anu-anong amoy na naamoy siya. Is it because the car is expensive kaya kapag nasira ay walang amoy o usok? She isn't familiar with cars dahil wala naman siyang sasakyan na sa kanya. Hindi dahil sa hindi niya kayang bumili it's just that she is damn too lazy to drive.

Napatingin siya sa suot na relo at napabuntong-hininga, late na siya para sa sunod na flight niya. Lumabas na rin siya at tinawag si Dale.

"Dale, I think hindi na ako makakaabot pa. Is it possible to book me to the next flight?"

"Ha? Uh, sige. Excuse me muna." Isinara nito ang hood ng kotse nito na para bang may tinatago sa kanya. Crazy, as if naman may alam siya sa mga sasakyan. Tiningnan niya ang buong paligid, wala talaga. Kapag sila nawala dito ilang taon kaya bago sila makabalik sa bahay niya. Tiningnan niya ang hawak na cellphone upang sana ay tawagan si Bree kaso walang signal.

"Ray, walang signal."

"Ako din walang signal." At walang katao-tao din doon. "Paano na ito?"

"Don't worry I will manage this, I am really sorry." Sincere na hingi nito ng tawad.

"Walang may kasalanan at saka gusto mo lang namang tumulong." Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya dito. "Are you familiar with this place?"

"Yes, ang problema ay walang kotseng dumadaan dito. Malapit lang ito sa apartment ni mama dati."

"Malayo pa ba? Baka may signal na rin doon pwede natin silang tawagan."

"Medyo, kaya mo bang maglakad pa?" tiningnan niya ang sarili na may suot na heels.

"I can manage ang mahalaga ay makaalis na tayo dito baka abutan tayo ng malakas na ulan mukhang uulan pa naman." Sabay tingin sa langit.

"Sabihin mo lang sa akin kung pagod ka ng maglakad pwede naman tayong huminto."

"Sure." Kinuha niya ang mga gamit niya at nagsimula na silang maglakad. And true to his words, medyo malayo nga. "Shit!" she cursed when the rain starts to pour. "Umuulan na." reklamo niya dito.

Tinanggal niya ang suot na sapatos dahil hindi naman siya nakakalakad ng maayos dahil sa sapatos na iyon.

"Here." Umuklo ito at iminuwestra ang likod nito. "Piggy back kita."

"Mabigat ako."

He chuckled. "We both know that I am used carrying you and I know for sure I can carry you." Namula siya sa sinabi nito, ang sinabi kasi ni Dale na 'I am used carrying' ay may double meaning sa kanya. "Rayleigh halika na, baka magkasakit ka pa."

"Hindi na-."

"Isa."

"Huwag na sabi."

"Dalawa."

"Alright then." A satisfied smile is already visible on his handsome face when she climbed at his back. She could feel how hard are his muscles when they flexed to adjust her weight, pasimple niyang pinunasan ang gilid ng mga labi niya dahil baka naglalaway na siya baka mapansin nito.

"Hold on cara." Natawa siya dahil kahit na nahihilam na ng basa ng ulan ang mukha nito ay may time pa rin itong maglandi. "I can feel your breast on my back kapag gumagalaw ka and swear if you won't stop I'll take you anywhere here."

"Ang halay mo talaga Dale!" sita niya dito.

"If you only knew Rayleigh. You have that effect on me."

Umismid siya. "Every woman has that effect on you, isa kang malanding lalaki Yue Dale Monterde." Hindi napigilang sabi niya. Nabigla nalang siya ng biglang nanahimik ito at hindi na nagkomento. She bit her lips dahil baka na-offend niya ito o ano, minsan talaga hindi na niya napipigilan ang kung anumang lumalabas sa mga labi niya. Nakalimutan niyang hindi lahat ng tao ay katulad nina Bree at Ayeth na kayang tumanggap ng wild comments mula sa kanya.

She sighed as her guilt is eating her big time.


RE-UPLOADED: OCTOBER 25, 2019

<<3 <<3 <<3

a/n: finally tapos na rin ang periodical test ng mga bata at hindi ko sila makikita next week kasi sembreak na nila tapos balik sila sa oct. 27, hindi man lang isinaktong Nov.3 ang alanganin lang. Kung masaya sila na sembreak na mas lalo naman akong masaya kasi hindi ko sila makikita. Makakapagpahinga na rin ako sa wakas ng mga isang linggo pero forms and cards na naman. Okay lang... sana may break din kami.

Dahil nga sa finals ko na bukas sa masters ko kaya nag-update na ako baka kasi sa sunday pa ako makapag-update muli dahil nine pm ang last class ko tomorrow. Babawi talaga ako kapag okay na ang lahat.

Thank you for waiting and dito nalang muna ang a/n ko mag-aaral pa po muna ako.

Continue Reading

You'll Also Like

997K 11.8K 13
Eight Evil Torturer Book 4 @MyJaff WARNING: SPG Demon Hades Fame "The ruthless Master ... Desperate to own you .."
1.8K 115 16
she was accused by someone she loved
754K 37.9K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
232K 3.4K 30
"I was broken and lost, but you've found me. You will always be the best of me." Currently on revision for future publishing. If you want a hard cop...