Marked Series 5: My Baby's Mo...

By iamyourlovelywriter

2.9M 52.6K 2.3K

"You don't have any choices at all, you need to be my baby's mommy and my wife..." Dale is living his life to... More

Marked Series 5: My Baby's Mommy
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Epilogue
Extra #1: Love and Happiness
Extra #2: Baby Dress

Chapter Eight

134K 2.6K 95
By iamyourlovelywriter

"NASA iyo na si Damon anong plano mo ngayon?" tanong ng mama niya ng bisitahin niya ang mga ito. Actually naiinip na siya sa malaking bahay niya na siya at si Damon lang ang nakatira gusto sana niyang puntahan si Rayleigh pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya at mas lalong hindi niya alam kung ano ang gagawin. Alam naman kasi niya na siya ang mali pero nahihiya siya.

Sa loob ng isang buwan nilang pagsasama for sure she turned his life upside down, hindi na siya tulad ng dati na may kabi-kabilang babae. He can't... he can't imagine himself sleeping with other woman now dahil habang tumatagal ay mas lalo siyang nadedepende sa babaeng iyon. Sa babaeng ilang beses na niyang ininsulto at sinaktan.

"Anak?"

"Huh? Ahm, palalakihin ko siya." Tiningnan niya ang anak niya, ilang araw na rin siyang hindi makatulog mabuti pa ang batang ito tulog na tulog. Kapag umiiyak ito at hindi niya mapatahan ay sinasabihan lang niya na pupunta sila kay Rayleigh kapag tumahan na ito and Damon will.

"Hindi ka ba mag-aasawa?" nabigla siya sa tanong ng mama niya hindi naman kasi ito nagpipilit na makasal siya. Hinahayaan lang siya nito sa gusto niya pero hindi naman maiaalis ang mga pangaral nito. "Hindi naman sa minamadali kita anak gusto ko lang na may mailagay na pangalan na mama sa birth certificate ni Damon."

Hindi siya agad nakaimik, two weeks from now ay binyag na ni Damon and hell, he also want to place a name on his son's birth certificate. Alam niyang nararapat lang na ilagay ang pangalan ng tunay na mama nito sa birth certificate nito pero he doesn't want his son to think that he is different.

"Hindi ko alam, Ma. I am not planning though." He said as he laid his son on his stroller nagpupumiglas na kasi ito kung nakakalakad lang ito ay kanina pa ito gustong umalis.

"About Rayleigh." Mabuti nalang at nailapag na niya si Damon sa stroller dahil bigla siyang nanghina ng marinig ang pangalan nito. "I know what you did." Namutla siya sa sinabi ng mama niya. Kung takot siya sa Papa niya mas lalo siyang takot sa mama niya, his mother rarely gets mad but when she does kahit Papa niya ay tiklop.

"Anong ibig niyong sabihin?"

"Huwag mo ng ikaila sa akin."

"Sinabi niya?"

"No, she doesn't have to tell me just one look on her face I know you've hurt her. Hindi kita pinapakialaman sa gusto mong gawin at sa mga ginawa mo pero alam mong ayoko sa lahat ay ang nananakit ka ng babae." Nanuyo ang lalamunan niya sa sinabi nito. May alam nga ang mama niya.

"Mama-."

"I don't need your explanations son dahil pareho nating alam na ikaw ang may kasalanan dito." May inilapag ito sa harap niya, ang susi ng kotse na ibinigay niya kay Ray. "Hindi siya ang tipo ng babaeng sinasaktan anak, siya ang tipo ng babaeng pinapahalagahan. Kung may babae man akong gusto mong makatuluyan siya na iyon. I love that child like my own, me and your father loves Rayleigh because she deserves to be love. Mabait siyang bata, kahit na labag sa kalooban niya ay tinulungan niya kaming mapalapit ka kay Damon. You invaded her personal space and you weren't even close. Sa lahat ng babaeng nakilala ko isa siya sa pinakarare na nakakaintindi sa iyo. See, that's how rare she is and I don't want you to regret dahil pinakawalan mo siya." Inilapag nito ang isang brown envelope sa ibabaw ng mesa. Nagtatakang kinuha niya iyon at binasa ang laman.

"This is..."

"The contract. Hindi nagbibiro ang Papa noong sinabi niyang ibibigay niya ang kalahati ng mamanahin mo. Kung hindi mo kayang harapin ang responsibilidad sa anak mo hindi mo rin magagawang harapin ang mas malaki pa. Pinilit namin siyang tanggapin ang plano namin nang Papa mo kahit na labag sa kanya. Pumirma siya sa kontrata pero ayaw niyang tanggapin ang makukuha niya at kung hindi ka man magtagumpay ay sa charity niya ibibigay ang kalahati ng mana mo."

Ang baba ng tingin niya sa kanyang sarili ng mga oras na iyon. Sa dami ng insulto at pananakit na ginawa niya kay Rayleigh kulang pa yata ang isang sampal sa kagaguhan niya.

"I am not suited to love, mama. Hindi ako katulad ni Allyxel at ni Yael."

Ngumiti ang mama niya sa kanya. "You weren't like them because you are just like your father Dale, you are full of reservations and you are scared to fall in love dahil hindi ka pa nasasaktan. It's part of evolution anak, iyong masaktan at makasakit. Hindi naman natin matatanggal iyon sa nature dahil kahit na iwasan natin na makasakit, makakasakit at makakasakit pa rin tayo. Pero dahil sa kaiiwas natin na masaktan nakakasakit na rin tayo.

Your father and me, hindi kami nagsimula sa girlfriend and boyfriend relationship. Pero hindi ko masasabi na hindi ako nasaktan because swear to God I was badly hurt by him dahil sa katorpehan niya. I already have you when he decided to confessed and marry me." Hinawakan ng mama niya ang pisngi niya. Napatingin siya sa walang kupas na ganda nang kanyang mama.

"Let me think about it mama."

"Ang binata ko daddy ka na. Salamat at binigyan mo ako ng apo pero mas masaya ako kung makita kang nakasettle down na." tinapik nito ang pisngi niya. "Go, hanapin mo ang Papa mo I think it's time for you and your father to talk." Tumango siya at tumayo niya. Naglakad siya papunta sa second floor kung saan nakalagay ang library nito. He is about to open it when he heard familiar voice, and the voice makes his heart skip a beat.

"Nandito po iyong credit cards and cash na ibinigay niyo sa akin noong nagpunta po kayo ni tita Yuri sa apartment ko tito." Boses nga iyon ni Rayleigh, nandito na naman siya the last time he eavesdrop ay nagulo ang isip niya at agad siyang nagjump sa conclusion and in the end he end up taking her virginity due to his anger. "Hindi po ako kumuha ng kahit isang cash at hindi ko rin po ginamit ang credit card. Masyado po yatang mataas ang pride ko sorry po."

"You don't have to apologize hija kami nga ang dapat humingi ng tawad sa iyo dahil sa pang-aabala namin sa iyo. Kung hindi kami nakiusap na alagaan si Damon-."

"Ang pag-aalaga po sa apo niyo ang isa sa pinakamasayang bagay na nagawa ko."

"My son." Napaigtad siya.

"I think he is now capable of raising Damon, Tito. Nakikita ko sa kanya na tanggap na niya ang anak niya and that's all that matters now. Hindi ko rin maaatim na ibigay agad siya kay Dale kung alam kong hindi pa niya kaya napamahal na rin sa akin si Damon."

His father sighed. "My son hurt you?" hindi agad sumagot si Ray kahit siya ay hindi na namamalayan na nagpipigil na rin ng hininga. Kung aaminin man ni Rayleigh sa ama ang ginawa niya ay handa siyang tanggapin ang galit ng kanyang Papa.

"Hindi po, Tito." He bit his lips and clenched his knuckles. She shouldn't lie, he hurt her.

"I know you are lying, hija."

"Wala po talaga Tito, not that I haven't experienced it before. Iyong pananakit at pang-iinsulto nang anak niyo naranasan ko rin iyan dati kaya sanay na ako. Sa mga tulad kong nag-iisa nalang sa buhay lahat ay kakayanin ko ho. There is no pain I haven't experienced before, I am used to it." At sinabayan pa nito iyon ng isang mahinang tawa. "I need to go na po magkikita pa kasi kami ng mga kaibigan ko. I need to check on some things before I fly to London kailangan ko rin pong asikasuhin ang gallery ko doon."

"Nagpunta na kami nang asawa ko sa gallery ko. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ayaw mong tanggapin ang perang inaalok namin sa iyo. Your talent is making you a self-earned millionaire."

Hindi niya alam ang tungkol doon. "Tinulungan ho ako ng mga kaibigan ko para itayo ang gallery. Hanggang ngayon ho ay binabayaran ko pa rin iyon."

Nakita niya ang pride sa mukha ng ama niya para sa babaeng kaharap nito. Kahit na siya ay ganoon din ang nararamdaman.

"Hindi ba pwedeng manatili ka nalang dito?"

"I don't have any reasons to stay, naibigay ko na si Damon sa tatay niya now it's time for me to get lost. Sige po Tito, salamat din po." Gusto niyang umalis sa harap ng pintuan pero hindi niya kaya. He want to stay there and blocked her way upang hindi na ito makaalis. He wanted her to stay, he wanted to apologize.

Bumukas ang pintuan and he was there staring at her, napakurap siya ng makitang ibang-iba ang hitsura ng may-ari ng boses sa babaeng kaharap niya ngayon. But he knew he is her, he knew he is Rayleigh. Mukhang nagulat ito ng makita siya, nagtama ang kanilang mga mata and all he could see is someone he shouldn't let go.

"Excuse me." Nanlamig ang buong katawan niya at lumakas ang tibok ng puso niya. He wasn't expecting to see her, mas lalo namang hindi niya inaasahan na makita ang hitsura nito. She was wearing a pale pink dress that hugs her curves and a killer shoes Yelena would die to have emphasizing her sexy figure everytime she walks. Her hair is curled and she applied light make-up on her face and a pink lipstick.

"Tititigan mo lang ba siya Dale?" untag ng papa niya.

"Papa." Her father slightly pushed him waking him up from his reveree.

"Kung ayaw mo siyang mawala siya sa iyo sundan mo siya. Kung anuman ang plano para makuha siya you know who to asked for help."

"Papa." Wala sa sariling sabi niya.

"Yes, son?"

"Why does she have to be painfully beautiful?" narinig niya ang pagtawa ng malakas ng ama niya.

"And that beauty will be out from your reach kapag hindi mo pa siya sinundan." And that's his cue to finally follow her. Marami pa siyang gustong sabihin dito. Luckily and unluckily naabutan niya ito sa labas ng bahay ng parents niya na papasok sa kotse ng lalaking nakita niyang kasama nito sa coffee shop dati. Are they having a date?

Biglang nagdilim ang paningin niya ng maalala na niyaya pala nang lalaking iyon ng date si Rayleigh. Mabilis niyang nabuksan ang pintuan ng kotse at mabilis na tinanggal ang seatbelt ni Rayleigh na mukhang gulat na gulat sa pagsulpot niya. Even the guy didn't move an inch especially when he glared at him.

"T-teyka lang!" sa wakas ay natauhan na rin ito, he sneers at himself as he walks towards his car. Mariin niyang hinawakan ang beywang ni Rayleigh na nasa balikat niya at pumasok na sila sa kotse niya. "Dale ano ba?" he is crazy.

Hindi niya pinaupo si Rayleigh sa passenger seat kundi sa mismong lap niya and he doesn't mind staying that way and besides she is as light as a feather. He started the engine making her grip his shoulder.

"Nababaliw ka na ba Dale?" nanginginig ang boses nito sa takot lalo pa at binilisan niya ang takbo ng kotse. His car's window is tinted kaya alam niyang hindi sila makikita, he adjusted her position so he can pressed on the pedals easily. "Stop the car ayoko pang mamatay." This woman is lethal she was wearing a sweet Victoria secret perfume and her breast so supple and is hitting him big time.

"Easy cara mia everything is okay just relax."

"Paano ako makakarelax?" he chuckled.



SHE is staring at her empty place, days ago parang buhay na buhay ang maliit na lugar na iyon and now everything is very imperfectly perfect. She hugged herself as she tried not to remember what just happened.

"Dale, Damon." She said and a faint smile is curving on her lips. Masasanay rin siyang muling mag-isa gaya ng dati. Tiningnan niya ang invitation card na nasa ibabaw ng mesa niya katabi ang mga pictures na gagamitin niya para sa contest. Those are the best pictures she had taken so far, it shows what happiness and love really means pero nagdadalawang isip siyang ipasa ang mga iyon.

She is torn between winning the contest and study abroad or not. Kinuha niya ang invitation card, it's Bree's invitation card para sa bagong bukas na gallery nito. Her friend is a painter and her husband Allyxel is an excellent inspiration booster.

"Should I go?" may nakasulat sa likod ng sobre. "Bring a date." Baliw talaga ang babaeng iyon. She got up and decided to stop sulking because nothing will happen if she wallow her miseries. She called Roman and asked him if he can accompany her to the event good thing he agreed without questions.

She raided her closet feeling empty as she look at the empty side, dati nandoon ang mga damit ni Dale... bakit ba kasi niya naiisip pa ang lalaking iyon. She needs to go on with her life. She immediately chose a nice dress to wear, kahit naman para siyang taong grasa minsan she knew hot to make herself pretty.

She curled the ends of her hair for a sexy wave before she slip on her pale pink dress which enhances her skin. Dahil isang buwan din siyang wala sa field kaya bumalik na ang kulay niya, she pulled the hem dahil pakiramdam niya ay umiksi iyon. A pair of nude high heels na ibinigay ni Ayeth sa kanya dahil hindi naman siya mahilig doon ay sinuot niya.

Ayeth will probably throw a fit once she saw her in curls, it's her bestfriends dream to re-invent her too bad she can always find some excuses to save her dear self. Ngayon lang talaga niya napagtripan na magpaganda, wala lang. Maybe this is what brokenhearted do, changed themselves.

Brokenhearted? Without a doubt. Dapat talaga hindi siya maattach ng sobra sa isang lalaki o sa isang tao kung ayaw niyang masaktan.

After applying her make up and make sure she is good to go saka niya nasulyapan ang susi ng kotse na nasa ibabaw ng dresser niya. Maaga pa naman ibabalik muna niya ang lahat ng naiwan ng mga Monterde sa bahay niya. She wanted to say thank you and bid good bye to the old Monterde couple.

Kailangan niyang i-drive ang kotse na ibinigay ni Dale sa kanya para maibalik niya iyon sa mag-asawa. Halatang mamahalin ang kotse pero wala iyong amor sa kanya. Nang makarating na siya sa bahay ng pamilya Monterde ay agad na pinuno ang mga mata sa magandang tanawin. Baka iyon na ang huling punta niya doon.

Pinapasok siya nang mga katulong dahil nakilala na siya ng mga ito. Sinalubong siya ni Tita Yuri at nag-usap saglit habang hinihintay na matapos ang sinagot na tawag nang asawa nito. Pagkatapos nilang mag-usap ni Tito Dwayne ay nagpaalam siyang umalis. Pagkabukas niya ng pinto ay natagpuan niya ang sarili niyang nakatingin kay Dale, she silently pulled herself to sanity dahil ng oras na magtama ang kanilang mga mata muli na namang bumalik ang sakit sa dibdib niya.

The words he said to her and the way he treated her from the past. She covered her heart with the ice wall. Pain doesn't bother her anyway.

"Excuse me." Hindi ito gumalaw kaya napilitan siyang isiksik ang sarili sa maliit na space sa pagitan ng katawan nito at ng pintuan. Nadaanan niya pa si tita Yuri niya na hawak si Damon at instinct na rin siguro, lumapit siya sa maglola at tinitigan ang bata. She missed him, pinugpog niya ng halik ang mukha ni Damon at kahit na mabigat sa dibdibd ay nagpaalam na siya. She called Roman to fetch her since along the way na rin naman ito.

"Wow, you look beautiful Rayleigh." Manghang saad nito habang nakatingin sa kanya.

"Thank you." He opened the door for her. Papasok na sana ito ng biglang may humila sa kanya, nabuksan ni Dale ang pintuan sa tabi niya at nakalas na ang seatbelt niya. Sa bilis ng mga pangyayari hindi na siya nakaumang pa. Bigla siyang binuhat nito na parang sako ng bigas kaya bigla siyang natauhan.

"T-teyka lang!" aniya ng matauhan na. "Dale ano ba?" sigaw niya pero hindi ito sumagot at bagkos ay inayos nito ang upo niya sa lap nito, kung upo nga kung maituturing ang ginawa niya. Her legs were on his sides and before she can pull out herself he started driving. They were not wearing any seatbelt kaya napahigpit ang kapit niya sa mga balikat nito.

"Nababaliw ka na ba Dale?" natatakot na wika niya ng mapansin na halos lagpas na speed limit ang andar nila. Pero hindi man lang ito natinag at bagkos mas lalo nito siyang hinila hanggang sa wala na talagang space sa pagitan nila. "Stop the car ayoko pang mamatay." Gusto niyang sapukin ang binata dahil sa halip na ayusin ang pagdadrive ay sininghot pa siya nito. She can hear him sniffing her and then she blushed when she realized that her chest is already on his nose.

"Easy cara mia everything is okay just relax." Ang bruho!

"Paano ako makakarelax?" he adjusted her arms and now it's tying around his neck and the hell with him! He is even kissing her neck slowly and biting the fresh flesh, sucking it. Sigurado siyang mamaya ay may kiss mark na siya doon. "Dale, tama na please." Pero tila bingi ito sa mga pakiusap niya.

"Stop moving cara mia mababangga tayo. I want you to behave." His voice is raspy as if he is making love---no fucking the brain out of her. She bit her lips and settled on her position ayaw niyang malagay ang buhay nila sa kapahamakan. Kung siya lang okay lang since wala naman siyang pamilya pero ito may anak ito, may pamilya ito. Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito.

She closed her eyes as she tried to calm her senses. Hindi niya alam kung ano ang pakay ni Dale sa kanya, hindi pa ba ito tapos sa paghihiganti daw nito sa kanya? Mariin niyang kinagat ang kanyang labi at pilit na pinigil ang hikbi sa kanyang mga labi. Akala niya ay matatapos na ang pananakit nito sa kanya.

Naramdaman niyang huminto ang sasakyan at niyakap siya nito ng mahigpit.

"I'm sorry Rayleigh." He whispered.


RE-UPLOADED: OCTOBER 25, 2019

<<3 <<3 <<3

a/n: ohla! noong nakaraang tatlong araw sobrang init tapos ngayong pagising ko, umuulan... okay, basa na naman ang daan. Mag-aagawan na naman sa pag-sakay. Pero okay lang dahil less stress ngayon dahil periodical test na at hindi lahat ng mga bata ay pupunta sa school kapag umaga, hati kasi sila. Kaya here chill2x mamaya na ako kikilos tutal wala namang flag ceremony. mwaahahahahaha... ako lang ba ang ayaw ng flag ceremony? Opkurs not! Nakakapagod kayang tumayo under the heat of the sun tapos kakanta kahit sintunado at iyong teachers ay hindi magkandaugaga sa pagsabay sa mga aalon2x na boses ng mga bata.

Mamaya na uli baka kasi may matapos akong isang chapter at maipost ko later tonight, pero hindi po uli ako mangangako. Peace yow!

STATUS UPDATE: Uy,, masarap palang isabay ang pancakes then tuna sa umaga? Try niyo... weird ng taste buds ko. Fave ko na ito ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 49.1K 20
"You can never hate me Yvonne, you can never hate the one you love. That's my curse and that's the deal. Don't deal with the devil." Yvonne is alread...
6.6K 391 39
Everything about her screams perfection, aphrodite herself might feel overshadowed if they stood side by side. - Kivriel Lew Mercer If you can't reme...
24.4K 665 39
Converted Story #pordee
1.1M 23.3K 23
For the men Grace Zapata sleeps with, she's a woman without a name. Convenient 'yon para sa trabaho niya kung saan may dalawa lang siyang rules na ma...