Brother's Obsession [EDITING]

By EiseuPalansaek

910K 14K 1.9K

Warning: Mature content. Not suitable for very young readers. What will you do if you found out that your bro... More

BO - Prologue
BO - Chapter 1
BO - Chapter 2
BO - Chapter 3
BO - Chapter 4
BO - Chapter 5
BO - Chapter 6
BO - Chapter 7
BO - Chapter 8
BO - Chapter 9
BO - Chapter 10
BO - Chapter 11
BO - Chapter 12
BO - Chapter 13
BO - Chapter 14
BO - Chapter 15
BO - Chapter 16
BO - Chapter 17
BO - Chapter 18
BO - Chapter 19
BO - Chapter 20
BO - Chapter 21
BO - Chapter 22
BO - Chapter 23
BO - Chapter 24
BO - Chapter 25
BO - Chapter 26
BO - Chapter 27
BO - Chapter 28
BO - Chapter 29
BO - Chapter 30
BO - Chapter 31
BO - Chapter 32
BO - Chapter 33
BO - Chapter 34
BO - Chapter 35
BO - Chapter 36
BO - Chapter 37
BO - Chapter 39
BO - Chapter 40
BO - Chapter 41
BO - Chapter 42
BO - Chapter 43
BO - Chapter 44
BO - Chapter 45
BO - Chapter 46
BO - Chapter 47
BO - Chapter 48
BO - Chapter 49
BO - Chapter 50

BO - Chapter 38

6.9K 137 11
By EiseuPalansaek

CHAPTER 38


[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

Hingal na hingal kami matapos ang pagniniig namin sa huling pagkakataon.

Yes. We did it. Again.

At ngayon, inabot kami ng alas-singko nang umaga dahil ilang beses din namin ito ginawa ngayon. Hm. Maybe apat o lima? I don't know. I lost count.

Kasalukuyan pa rin siyang nakabaon sa akin habang tinatanggal ang ilang hibla na nakatabing sa mukha at mga mata kong nakatitig pabalik sa kanya. Hindi ko inaalis ang mga titig ko sa mga mata niya mula nang mag-umpisa kaming magtalik pagkatapos ng candle light dinner namin ng alas-diyes nang gabi. Gusto kong imemorize ang facial features ni kuya. Baka kasi, hindi na kami i-allow ng parents namin na magkita. Nakakalungkot man isipin pero baka kung magkita ulit kami ay hindi ko na ulit maramdaman ang pagmamahal niya. Or worst, baka magmahal siya ng iba. Pero huwag naman sana.

Humiwalay na siya sa akin at nagkasya na lang sa pagyakap sa akin habang nakatakip pa rin ng kumot ang aming mga katawan. Humarap ako sa kanya at naabutan ko siyang nakangiti habang nakatitig sa akin.

"I love you." Malambing niyang saad.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Mahal din kita."

"Walang iwanan, ah?" Hindi ako nakasagot kaya ngumiti na lang ako at niyakap ko na lang siya pabalik.

Hindi na siya nagsalita pa at sinuklay na lang ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

Maya-maya lang ay naramdaman ko nang tulog na siya.

Hindi ko na naman maiwasang maluha.

Walang iwanan, ah?

Sinabi niyang walang iwanan. Pero ang hirap lang dahil hindi ko matutupad 'yan.

Hindi ko alam kung hanggang kailan kami sa states nila mommy. At hindi ko rin alam kung ano ang reaksyon niya sa amin ni Darko. Sigurado akong alam na niya ang tungkol sa amin. Kinakabahan ako. Mahalaga sa akin ang parents ko, pero hindi ko na macontrol ang nararamdaman ko. Nasasaktan lang akong isipin na ganito ang kinahinatnan namin ni Darko.

Kung sana, hindi kami pinanganak na magkapatid.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at muling tinitigan ang natutulog niyang mukha. Mukha siyang anghel kapag tulog. Haha. Hinaplos ko ang hintuturo ko mula sa mga sharp almond eyes niyang nakapikit, sa pointed nose niya, sa nude lips niya from his thin upper lip up to his thick lower lip. Ang mga labi niya na unang umangkin sa labi ko.

Mamimiss ko siya.

"Promise, Darko. Babalik ako. Aayusin ko ang sa atin. Hahanap ako ng paraan para hindi na tayo hadlangan nila daddy." Halos pabulong kong saad, hoping na hindi niya naririnig kahit tulog siya.

Oo. Hahanap ako ng kahit anong paraan. Pero sa ngayon, hindi ko pa alam kung paano ko hahanapin ang dahilan kung bakit nararamdaman namin itong pareho sa kabila ng pagiging magkapatid namin. Kasi baka may possibility na... kaya siguro namin ito nararamdaman.

Nang maramdaman kong mahimbing na ang tulog niya ay huminga muna ako nang malalim bago ko dahan-dahan na inalis ang braso niyang nakayakap sa akin.

It's time.

Pagkabangon ko mula sa pagkakahiga ay hindi na ako nag-abalang takpan ang hubad kong katawan. Dumiretso na ako sa cabinet para kumuha ng maisusuot ko. Pinili ko na lang ang unang nakita ko na pwede kong suotin. White long dress. Maliit pa lang naman ang baby bump ko dahil tatlong buwan pa lang naman ito.

Pagkasuot ko nito ay naglakad na ako papunta sa pinto ng kwarto. Atsaka ko narinig ang pagdating ng helicopter, hudyat na dumating na sila daddy.

Pagkarinig ko nun ay hindi ko na naman naiwasang mapaluha at mapahigpit ang hawak ko sa door knob.

Naninikip ang dibdib ko. Talaga bang iiwanan ko na siya?

"Love?" Nahold ko ang breath ko nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin.

Kinakabahan akong nilingon ang kinahihigaan niya. At nakita ko ang pagtataka kasabay ng pangamba sa mga mata niya.

"Saan ka pupunta?"

Napahawak ako nang mahigpit sa bestidang suot ko nang marinig ang tanong niya.

Ang dali lang ng tanong niya pero bakit ang hirap sagutin?

Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto, at paglingon ko sa taong nagbukas ay bumungad sa akin si..

"D-daddy."

"Halika na, Dara. Aalis na tayo." Saad niya at pagkatapos ay hinawakan ako sa braso.

"Wait. Dad!" Napalingon ulit ako kay Darko nang marinig ang panic sa boses niya.

Nakita ko siyang agad na sinuot ang boxer niya na nasa kama lang din.

"Anong ibig sabihin nito?!" Nabalik ang paningin ko kay daddy nang marinig ang galit sa tinig niya.

Alam kong alam niya na may nangyari sa amin ni Darko. Sa pagkakita pa lang niya ng mga kinilos at itsura nito eh.

Pero ano naman kung meron? Alam naman niyang mahal namin ang isa't-isa. Bakit hindi na lang niya kami hayaan sa kung saan kami masaya?

"Dara?!" Nag-iigting ang panga niyang nilingon ako. Pero iniwasan kong ipakita ang emosyon kong naiinis na sa sitwasyong 'to. "Answer me. May nangyari na naman ba sa inyo ng kuya mo?!" Talagang diniin niya ang salitang kuya pero hindi na lang ako sumagot.

"Yes, dad." Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni kuya. "Dara, love, anong sinasabi ni dad na aalis kayo? Hindi mo naman ako iiwan, diba? Bubuo pa tayo ng pamilya dito. Magsasama nang haba–" Napatili ako nang suntukin ni daddy si Darko.

Pipigilan sana ako ni daddy pero agad ko nang nilapitan si Darko na ngayon ay hawak na ang labi niyang nagdugo na.

Inis akong napatingin ulit kay daddy Naiinis ako. Naiinis ako sa kanya dahil sinaktan niya si Darko.

"Dad, stop it! Huwag mo nang saktan si Darko please!" Pero hindi niya ako pinansin bagkus masama niyang tinapunan ng tingin ang anak niyang sinuntok niya.

"Tar*nta*o ka, Darko!" Dinuro niya ito. "P*ta*ng 'na mo! G*go! Ano bang nangyayari sa'yo at nahihibang ka na?! Tigilan mo 'yang mga pinagsasabi mo! Hindi mo na kailanman makikita ang kapatid mo!"

Naiiyak na ako dahil una, kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni daddy. Pangalawa, magkakahiwalay na kami ni Darko.

"Let's go, Dara!" Hindi ako tumayo bagkus nakatingin lang ako sa kanya habang sunud-sunod na ang paghinga ko nang malalim. "Dara! I said, let's go!" Umiling ako.

"I'm sorry, dad. I-I will stay with him." Buong kumpyansa kong sagot.

"Damn it! Don't push my limit! We had a deal." At hindi na ako nakapalag pa nang hilahin niya ako patayo.

Oo nga pala. May deal nga pala kami na hindi niyo din alam kung ano. Tanging kami lang ni dad ang nakakaalam. Maging si Darko ay hindi 'yun alam.

At dahil sa deal na 'yun, nalaman ko kung ano ang totoo.

"No, dad!" Agad akong hinawakan ni Darko sa kabilang braso. "Hindi mo siya pwedeng isama. Hindi siya aalis! Dito lang siya. Sa tabi ko!" Narinig ko na ang pagmamakaawa sa boses niya.

"Damn you, Darko! Naririnig mo ba ang sarili mo?! Nababaliw ka na ba?! Kapatid mo si Dara. Hindi kayo pwede!" Hinayaan ko na lang sila ang magsalita.

Tutal, alam ko naman kung ano ang totoo eh.

I'm sorry, Darko. Kung kailangan natin pagdaanan ito.

Napasinghap na lang ako nang lumuluhang napaluhod na siya. "N-nagmamakaawa ako sa'yo, dad. H-huwag mong ilayo sa akin si Dara. Ikamamatay ko 'pag nawala siya sa akin. Please. Mahal na mahal ko siya!"

Napahilot na lang sa sentido si daddy. "Tigilan mo na 'to, Darko. Magkapatid kayo. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Ha!?"

"Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba! Huwag niyo lang siyang ilayo sa akin!"

Hindi pa rin ako binibitawan ni Darko pero hinayaan ko na lang siya. Gusto ko man siyang yakapin pabalik pero hindi ko na ginawa.

Kailangan niya akong pakawalan pansamantala.

"Daddy, o-okay lang po ba kung mag-usap po muna kaming dalawa?" Pakiusap ko kay daddy.

Huminga siya nang malalim bago tumango na tila naiintindihan ang gusto kong mangyari.

Pagkalabas ni daddy sa kwarto ay umupo ako kapantay niya at saka ko siya hinawakan sa pisngi para pahirin ang mga luha niya.

Tch. Kahit kailan, iyakin talaga.

"Tara na, love. Tumakas na tayo." Bulong niya sa akin.

Akmang aakayin na niya ako pero umiling ako. "I'm sorry. Pero kailangan natin maghiwalay."

Pagkasabi ko nun ay nakita ko ang gulat sa mga mata niya na para bang hindi 'yun ang inaasahan niyang lalabas sa bibig ko.

"No, love. Hindi!" At saka niya ako niyakap nang mahigpit. "Hindi ka aalis. Hindi mo ako pwedeng iwan." Pagmamakaawa niya. At saka niya binaon sa balikat ko ang ulo niya. Kaya naramdaman ko ang mga luha niya. "You promised! Please. Huwag naman gan'to oh. Huwag mo 'kong iwan." Halos pabulong na niyang saad.

"Pero tama si daddy. H-hindi magwowork out ang relasyon natin. Please p-pakawalan mo na lang ako." Masakit man pero tinuloy ko pa rin ang kailangan kong sabihin. "M-marami pa naman dyang iba eh."

"Pero ikaw lang ang mahal ko, Dara. K-kung hindi mo na ako mahal, gagawa ako ng paraan para mahalin mo ulit ako. Parang awa mo na, huwag kang umalis!"

Ang higpit pa rin ng yakap niya sa akin. At hindi ko na alam ang gagawin ko. Nanlalambot na ako sa mga sinasabi niya at sa yakap niya pero kailangan kong labanan ang nararamdaman ko sa yakap niyang nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.

"Babalik naman ako eh. Sandali lang naman ako doon." Oo. Sinasabi ko ito dahil 'yun naman talaga ang plano ko. At para na rin hayaan niyang umalis ako.

"Hindi eh. Hindi ka na daw babalik eh."

"Ako na ang nagsasabi sa'yo. Babalik ako para sa'yo. Kaya hayaan mo muna na isama ako nila daddy."

Narinig ko ang buntong-hininga niya, at saka na siya humiwalay ng yakap sa akin. Kaya naman, kita ko na naman ang mga pisngi niyang basa sa luha.

"Saan ba kayo pupunta? Susundan na lang kita doon."

Hindi ko maiwasang mapangiti ng lihim nang marinig ang sinabi niya.

"Huwag na. Dito ka na lang. Babalik din ako dito, okay?"

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at pagkahalik ko sa noo niya ay nagsunod-sunod na naman ang pagpatak ng mga luha niya.

"Bakit kailangan mo pang umalis?" Napabuntong hininga ako sa tanong niya pero hindi ko na ito sinagot.

"I love you." Pagkasabi ko nun ay tumayo na ako at tinalikuran ko na siya.

Nagsimula na akong maglakad at hindi na ako lumingon pa ulit sa kanya.

Iniwan ko siyang luhaan habang nakaluhod.

Babalik ako, Darko. May kailangan lang akong ayusin.

Pagkalapit ko kay daddy na naghihintay sa tapat ng helicopter, "Daddy, okay lang ba ipadala mo si manang dito para may mag-aasikaso sa kanya. Baka po kasi mapabayaan niya ang sarili niya."

"Huwag mo nang alalahanin pa 'yun. Bahala na ang mommy mo doon. Dahil may ipapadala naman na siyang makakasama dito ng kuya mo."

Nakahinga ako nang maluwag.

-

[THIRD PERSON's P.O.V.]

Narinig niya ang tunog ng helicopter, hudyat na umalis na si Dara kasama ang daddy nila, iniwan na siya nito.

Pero ilang minuto na ang lumipas nang umalis ito ay hindi pa rin siya tumatayo mula sa pagkakaluhod, inaasahang magbabago ang isip ni Dara, at babalikan siya.

Hindi niya rin namamalayan ang patuloy na pagpatak ng mga luha mula sa mga mata niya. Para na siyang tao na walang buhay. Nararamdaman niya ang paninikip ng dibdib niya kaya inilabas niya ang sakit nito sa pamamagitan ng pagsuntok ng kamao niya sa sahig.

Nagdugo ang kanyang kamao. Pero hindi na niya maramdaman ang kirot nito dahil mas nararamdaman niya ang sakit sa puso niyang parang pinipiga.

Walang emosyon ngunit patuloy ang luha niya, habang tinitingnan ang kamao niyang nagdugo.

"Kuya, pasaway ka talaga. Halika nga at gagamutin ko na 'yang kamay mo." Narinig niya ang boses ng mahal niyang si Dara mula sa likod niya.

Paglingon niya ay nakita niya itong nakaupo sa kama nila habang nakakunot noong nakatingin sa kanya.

Pagkakita dito ay tila bumalik ang sigla niya. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaluhod para lapitan ito.

"Dara, mahal ko. Sabi ko na nga ba, hindi mo ako iiwan eh." Nakangiti niyang saad habang naglalakad papalapit kay Dara.

Inirapan lang siya nito na tila inis na inis na kaya hindi niya maiwasang matawa sa inasta nito. Kahit na anong ekspresyon talaga ang ipakita nito ay nagagandahan pa rin siya dito.

Pagkalapit at pagkaupo niya sa tabi nito ay nagsimula na namang magpatakan ang mga luha mula sa mga mata niya.

At saka siya nagpalingon lingon sa buong kwarto, hinahanap kung nasaan na ang mahal niya.

Dahil biglang naglaho ito sa mga paningin niya.

Naisip niya na baka pumunta ito sa banyo na hindi niya namalayan. Kaya naman tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama para katukin doon ang dalaga.

"Dara? Love? Nandyan ka ba?" Nagsimula nang lumukob ang kaba sa dibdib niya nang wala siyang marinig na kahit ano mula sa loob ng banyo.

Nasa isip niya na baka ano nang nangyari sa dalaga. Kaya naman pagkatapos niya kumatok ng tatlong beses, binuksan na niya ang pinto pero pagpasok niya ay wala doon si Dara.

Kaya naman, hindi na siya nagdalawang-isip na pumunta sa walk in closet para tingnan sa cabinet kung naroon pa ba ang mga gamit ni Dara. At nang makitang wala na doon ang mga gamit ng dalaga ay napaupo na lang siya sa sahig habang nakasandal sa cabinet kasabay ng pagsabunot niya sa sariling buhok.

"Hindi! Hindi ito totoo!" Hindi na niya maintindihan ang sarili. Natatawa na naiiyak na siya sa mga nangyayari. "Hindi niya ako iniwan. Alam kong nandito lang siya. Hahaha! Oo. Tama! Hindi niya ako magagawang iwan. Mahal ako ni Dara. Mahal niya ako."

"Dara ko, huwag ka nang magtago." Napangiti siya dahil alam niyang gusto lang makipagtagu-taguan ni Dara. "Lumabas ka na diyan. Namimiss na kita eh." Pumatak ang luha mula sa mga mata niya.

-

Matapos ang ilang minuto niyang pag-upo sa sahig habang nakasandal sa cabinet, tumayo na siya para pumunta sa kusina at ipagluto ng agahan ang mahal niyang si Dara.

Naisip niyang lalabas din 'yun sa tinataguan kaya minabuti na lang niya na ipagluto ito para pagbalik ng dalaga ay kakain na lang ito.

Niluto niya ang paborito nitong umagahan. At nagtimpla na rin siya ng buko juice para sa dalaga.

Matapos niyang magluto ay inihanda na niya sa lamesa ang mga kakainin nila ni Dara. At siya naman ay nakangiti lang habang pinagmamasdan ang mga pagkain na inihanda niya.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin dumarating na Dara. Maya't-maya na ang pagtingin niya sa relong pambisig niya. Napansin niyang mag a-alas-otso nang umaga siya naghanda ng kakainin nila at ngayon ay mag a-alas diyes na pero wala pa rin si Dara. Nakakaramdam na rin siya ng pagkalam ng sikmura. Tiniis niyang hindi kumain muna hangga't wala ito. Gusto niyang kasalo ito sa pagkain.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa dining chair para tingnan kung nasa likod ba ito ng villa house na binili niya para sa bubuuin nilang pamilya.

Pagdating niya sa likod, nakita niyang doon ay nakaupo sa recliner ang mahal niyang si Dara. Hindi na naman niya maiwasang mapangiti nang makita ang nakakarelax at nakakabighani nitong kagandahan.

"Love naman, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh." Nakangiti niyang saad habang naglalakad papalapit dito. "Kanina pa naka-prepare sa kitchen ang breakfast natin." At saka siya umupo sa katabi nitong recliner.

Bumilis ang tibok ng puso niya nang gumanti ito ng ngiti sa kanya. Napangiti siya lalo nang maramdaman niya ang paghaplos nito sa pisngi niya.

"Darko," Narinig niya ang malamyos nitong tinig na nagpapagaan ng kanyang pakiramdam dahilan para mapapikit siya upang namnamin ang malambot nitong kamay na humahaplos sa pisngi niya. "Paalam na. Babalikan kita, pangako."

Napadilat siya nang maramdaman ang pagdampi ng labi nito sa noo niya.

Ngunit pagdilat niya ay hindi niya namulatan ang dalaga.

Muli, ay nagpalingon lingon siya sa paligid. Walang kahit na anong bakas doon ni Dara.

Napakapit siya nang mahigpit sa recliner para doon ibuhos ang sakit na nararamdaman niya.

Sa mga oras na 'yun, wala na siyang pakialam sa mga nagsasabi na bakla ang lalaking umiiyak. Dahil napagtanto niya, hindi lang naman babae ang may karapatang umiyak 'pag nasasaktan. May damdamin din silang mga lalaki. May damdamin din silang nasasaktan. At dahil sa labis na sakit na nararamdaman niya ay hindi na niya kayang pigilan ang sarili.

Nagsunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha niya.

Umiiyak siya dahil nasasaktan siya.

Umiiyak siya dahil sa isang babae.

Umiiyak siya dahil kay Dara.

Buong buhay niya, wala siyang ibang iniyakan. Tanging si Dara lang.

Buong buhay niya, hindi siya nakaramdam ng takot at kaba. Tanging pagkawala lang ni Dara sa piling niya ang naging dahilan ng pagkakaroon niya ng takot at kaba.

Buong buhay niya, wala siyang mahanap na dahilan upang maging masaya. Tanging si Dara lang ang naging dahilan ng mga ngiti niya.

At ngayong iniwan na siya nito, ano pa bang dapat niyang gawin?

At sa mga planong namumuo sa isip niya, hindi niya hahayaan na lumipas ang isang linggo na wala siyang ginagawa para muling makita si Dara.

Oo. Nangako ito sa kanyang babalikan siya. Pero hindi siya 'yung tipong maghihintay lang habang walang ginagawa para makasama at makita ulit ang gusto ng puso niya.

Napangiti siya dahil anuman ang mga nangyari at mangyayari, alam niyang makikita niya ulit ang dalaga.

"Hahahahaha! Oo tama! Magkikita tayo ulit, Dara ko. Hahanapin kita, mahal ko. At 'pag nahanap kita, hindi ko hahayaang mawala ka ulit."

At maya-maya lang ay tumulo na naman ang mga luha niya. "Dara, ilang beses mo na akong iniiwan. Hindi ka ba napapagod iwanan ako?" Naibulong na lang niya sa kawalan.

"Mahal ko naman siya. Bakit niya ako laging iniiwan?" Hindi niya maiwasang itanong sa sarili.

Maya-maya lang ay nagpunas siya ng mga luha at umayos ng pagkakaupo.

Huminga siya nang malalim. "I need to find her now. Alam kong mahahanap ko siya. If I need to roam around the world, then so be it. Mahanap ko lang siya. Mahanap lang kita, mahal ko." At saka siya determinadong tumayo at naglakad pabalik sa loob ng villa house para maghanda na papaalis.

Subalit pagpasok niya ay napakunot-noo siya dahil bumungad sa kanya ang isang taong nakaupo sa sofa na nasa sala.

"Who are you?!"

Sino ito? At anong karapatan nitong pumasok sa bahay nila ng babaeng mahal niya?

Continue Reading

You'll Also Like

15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

117K 3.1K 46
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
21.7M 705K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
334K 17.5K 41
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...