Mafia Boss 3: My Bodyguard

By ateEmp

924K 32.3K 3.1K

|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. Mafia Boss 3: My Bodygua... More

My Bodyguard
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
THANK YOU!
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)

Chapter 5

18.8K 676 120
By ateEmp

Nagising ako nang dahil sa ring ng cellphone ko. It's Ali. I took a quick glance sa time na nasa cellphone ko at 8am na ito.

"Yes Ali?" tanong ko rito.

"Makakapasok po ba kayo ngayon Ma'am?"

"Yes, I'll be there. May problema ba?"

"Wala naman po. Sure po bang okay na kayo?"

"Yes I am, Ali."

"Sige po, Miss Amira." 

"Okay. Do I have an early appointment for today?" I asked.

"Yes Ma'am, may pinasa po sa akin si Jacy. Isang client po it's Mr. Enriquez. Dito nalang daw po sa restaurant kayo magmeet at 9 am."

Jacy is Dad's secretary sa wine company namin. Whenever Dad couldn't meet the clients or someone ako ang naka-assign sa lahat ng mga iyon. Kahit naman na may restaurants na ako around Asia ay hindi ko rin naman napapabayaan ang talagang business ni Dad na itinayo niya at ng kanyang Ama sa mahabang panahon na. After all ako lang din naman ang magmamana ng mga iyon someday. If only I have siblings then I'll let them manage it, kaso I'm an only child kaya sa akin lahat. I just can't turn my back to the one I'm really passionate about though and that is to cook, to have restaurants na pinangarap ko back when I was still a kid. Kaya ganito nalang ako ka-busy araw-araw, but I don't mind. Masaya naman ako sa ginagawa ko and as long as I'm happy there will be no problem about that.

"Okay Ali." Tapos pinatay ko na ang tawag. Napaupo naman ako sa kamang hinihigaan ko. Napatingin ako sa lalaking natutulog pa rin hanggang ngayon sa sofa nitong kwarto. Nakapatong ang ulo niya sa braso nito.

Now I have the time to check him. He has this dark brown medium length hair hanggang balikat siguro, hindi na kasi iyon naka-ipit, thick eyebrows and eyelashes matangos ang ilong, manipis na labi, strong jawline at may mga stubbles din ito. He looks... he looks so damn hot at ang gwapo din nito to be honest, I was literally joking when I said he has the ugliest face, naiinis lang talaga ako sa kanya.

Ang kinis pati ng kutis. I wonder if mayroon talagang ganito kagwapong nilalang na ang gusto ay maging bodyguard lang. He can be a model, for sure pasok siya agad. Ano ba ang trabaho niya by the way?

Pero kung anong ikinagwapo ng mukha iyon din naman ang ikina-pangit ng ugali. Naiinis pa rin ako, at hindi na siguro magbabago yun. Bwiset na bwiset pa rin ako sa lalaking 'yan!

Teka ano bang personal background nito? Ni wala akong alam bukod sa pangalan niya. 

I tried to turn my eyes away from him pero parang may magnet ito at hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Bakit pati sa pagtulog ang gwapo rin niya? Bakit kahit nakabend ang knees dahil hindi siya kasya sa couch ay ang hot pa rin ng dating?

Damn Amira!

Nakakangalay ang pwesto niya pero parang sanay na siya dito. Napa-higa nalang ulit ako, five minutes pa at uuwi na ako ng bahay.

Hinawakan ko ang unan na nasa ilalim ng ulo ko, confirming kung unan nga ito. At totoo nga. Yung dalawang unan na binato ko sa lalaking nakahiga sa couch ay nandito at ginamit ko pala. Wait did he put these pillows under my head nung tulog na ako?

Sa hindi malamang kadahilanan ay ngumiti ako habang nasa harap ko ang isang unan.

"Baliw.." 

Doon napawi ang ngiti ko at lumingon sa nagsalita. Ah yeah the devil himself in his morning look.

"Anong sabi mo?"

"Sinasapian ka ba sungit?" Kumunot ang noo ko. "Umagang umaga nakikipag nginitian ka na diyan sa unan. Anong meron?" He walked near me at inusisa ang unan na hawak ko.

"May nakikita ka bang hindi ko nakikita? O sadyang baliw ka lang talaga?" He asked. Oo nga naman para akong tangang nakangiti kaharap ang isang unan, nakakainis ano bang meron sa unan na 'to? Hinambalos ko nga ng unan. Bwiset!

"Lumayas ka nga sa harap ko!" Sigaw ko.

"Good morning, too." He showed his perfect set of white teeth. 

Ang simple lang ng ginawa pero ang gwapo lalo niya sa paningin ko. Kung gwapo lang din sana ang ugali eh tsk. Asal kanto!

"Hindi mo ba ako narinig? I said get out of my sight!" Tumawa lang siya.

"Sa ayaw at sa gusto mo Miss Sungit, makikita at makikita mo ako. Bodyguard nga diba? Alangan namang ilang kilome-"

"Shut up!" Inirapan ko siya at tumayo na sa kama. Umagang-umaga namimilosopo na naman, nambubwiset na naman. Argh I can't stand this kind of person! This is the very first time that I have encountered someone who annoys me this much.

"Bat ba ang sungit mo?" He asked. He just wouldn't shut up.

"Bat ba napaka pakialamero mo?!" I hissed.

"Eh bakit ka nga kasi ganyan? You should be honored na makasama ang isang katulad ko. Yung iba nga eh nagkakandarapang makasama ako." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Ha! And who do you think you are para matuwa pa akong kasama ka? Tsaka doon ka sa kanila huwag ka sa akin." I rolled my eyes and crossed my arms on my chest tsaka ako bumaling sa ibang side.

"You won't believe me if I tell you." 

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. Aba malay ko ba sa lalaking iyon? Sino ba siya sa akala niya? Eh pang-asal kanto naman ang pinapakita edi malamang he lives somewhere kung saan maraming asal kanto! Adik nga ata siya eh.

Pero akalain mo nga naman, meron bang ganito kakinis at kagwapo at ka-hot na taong naninirahan lang sa tabi-tabi? Pinagpala nga namang tunay ang isang ito. He even has color hazel eyes na nakaka-hipmotismo pero dahil mas pinapangunahan ako ng inis sa kanya ay swerte nalang at hindi ako nahuhulog sa mga matang iyon.

Hinayaan naman ako ng Doctor na tumingin sa akin na umalis, Dad took care of the fees. I just really stayed in the hospital for a night para umiwas sa media na naghihintay daw sa akin sa labas ng hospital sabi ni Dad kagabi.

"Sigurado ka bang marunong kang mag-drive?" I asked Ozi dahil pumwesto na siya sa harap ng pinto ng driver's seat.

"Anak ng tupa, eh kung sumakay ka nalang kaya?" Ang bastos talaga ng bodyguard na 'to. Kung ako lang ang naghire sa kanya papatalsikin ko na siya sa trabaho niya agad.

"I am just making sure. I don't know you, malay ko ba kung marunong kang magmaneho." I crossed my arms and arched my eyebrow.

"Bakit ba napaka-dami mong satsat? Oo na alam kong magmaneho okay? At kung gusto mong makilala ako edi magtanong ka, ang simple simple hindi magawa." Eh siya rin naman ah andaming sinasabi. He really has an answer for everything.

"Hoy wala ka ba talagang respeto sa anak ng nagbigay sayo ng trabaho?"

"Okay lang anak ka lang naman." Sagot nito.

"Ano?!"

"Biro lang Ma'am Suarez, okay na?" Pinagdiinan niya pa talaga yung Ma'am na tila ba labag pa sa kalooban niyang sabihin iyon.

Sasakay na sana ako sa backseat pero hinuli niya ang kamay ko bago ko man buksan ang pinto ng sasakyan. I looked at him, nagtatanong. Ano na namang kalokohan ang pinag-iisip niya?

"What?" I asked irritated. Ilang oras ko palang siyang kasama inis na inis na ako. Seriously siya lang talaga ang bodyguard na ganito.

"Hindi mo ako driver kaya sa passenger seat ka umupo." Tumaas ulit ang kilay ko. At may gana pa siyang utusan ako. Leche.

"Hoy wala kang karapatang utusan ako okay? I can sit whichever seat I want."

"Pwede ba sumunod ka nalang. Ang sakit mo sa lalamunan." Inis niyang sabi. Humalukipkip naman ako sa harap niya.

"Eh kung ikaw kaya ang sumunod? Akala mo ba natutuwa akong makipag bangayan sayo ha?" Umirap pa ako.

"Fine! Get in. Tigas ng ulo mo." Padabog niyang binuksan ang pinto at isinara din ito. Wala talagang hiya ang lalaking ito. Nagdabog pa sa harap ko.

Pumasok na rin ako sa loob.

"Ayusin mo lang ang pagda-drive mo Ozi, malilintikan ka talaga sa akin." 

He looked at me and smirked.

"Naks kilala mo na pala ako Miss Sungit." Umirap lang ako.

"Just your name. Malay ko ba sa buo mong pagkatao para i-hire ka agad ni Dad." Binulong ko yung last line pero parang narinig niya pa rin ata kasi tumawa siya ng mahina.

"Kung gusto mong malaman edi magtanong ka lang. Tsaka bakit ba ang sungit sungit mo sa akin?" 

Humalukipkip ako habang deretso ang tingin ko sa gilid ng bintana.

"Dahil ikaw lang ang taong tumawag sa akin ng tanga back when those kidnappers were chasing us. You even called me bobo. Ikaw lang din yung may ganang kumausap sa akin ng ganito. Sino kayang hindi maiinis sa iyo, kapal ng mukha mo." 

"Hoy excuse me ha, hindi ko naman sasabihin lahat ng 'yon kung hindi totoo. Nakaka-hurt ka naman ng feelings." Sabay hawak pa sa dibdib niya na kunwari nasasaktan. After that ay tumahimik na siya. Mabuti naman.

I didn't wait him to open the car's door for me. Dumeretso na ako sa loob ng bahay when the car stopped.

Nakita ko si Dad sa dining room, reading newspaper at may kape sa harapan niya just like he usually does every morning. The breakfast is ready too. Nag-angat siya ng tingin at ngumiti sa akin. Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Morning, Dad."

"How are you feeling? I'm sorry at hindi na kita nasamahan sa hospital, Daddy took care a lot of things as usual. Mabuti nalang at napakiusapan ko si Ozi na bantayan ka kagabi kaya kahit papaano ay panatag naman akong walang mangyayaring masama sa iyo." Paliwanag nito.

He really has a big trust to that Ozi. Kilala na ba siya ni Dad dati pa?

I sat on one of the chairs. "Daddy bakit siya?" I asked. Napatingin naman sa akin si Dad saying why-not-him?

"Just because." He simply said. I rolled my eyes mentally. Kung alam mo lang Dad kung paano ako pakitunguhan ng lalaking 'yon. That's why I don't have a choice kundi sungitan ito. Sumimangot ako.

"Wala siyang galang Daddy!" I said ng pabulong.

"I doubt that, baka naman kasi sinusungitan mo anak. Stop being a brat." Tinawanan ako ng tatay ko. Brat?! I glared at him and he just smiled at me.

"Oh Ozi, come here at sabayan mo kami sa breakfast," pag-aaya ni Dad. Seriously? I mean siya lang ang bodyguard na may special treatment dito sa bahay ah.

Akala ko tatanggi siya pero sadyang makapal talaga ang mukha kaya hindi siya nagsalita at umupo na sa upuang kaharap ko. What's with this man?

"Umagang-umaga pwede ng kabitan ng hanger yang nguso mo." 

Aba at may gana pang pagsabihan ako ng ganyan sa harap ni Dad! Tumingin ako kay Daddy saying 'see that? I told you". Natawa lang siya sa sinabi ni Ozi. Napairap nalang tulooy ako.

"She's always like that," sagot ni Dad tapos tumawa sila pareho. Oh no what the heck is going on here? "Ganyan siguro kapag tumatandang walang jowa." Dad added. Like what? Pati ba naman 'yon kailangan niya pang sabihin?

"Dad!" Pinandilatan ko ng mata ang matanda.

"What?" Tapos tatawa-tawa pa siya. Tumingin naman ako kay Ozi at tatango-tango lang siya habang naka-ngisi it's like nalinawagan siya sa isang bagay.

What's with these two men? Nakakainis ha hindi ako makarelate!

So Ozi teases me the whole ride. This man really is talking nonsense and it's non stop. It irritates and annoys the hell out of me, pasalamat siya at hindi ko pinapatulan ngayon lahat ng mga sinasabi niya dahil I need to relax I'm meeting one of the biggest clients that my father has at ayokong maibuntong sa kliyente ang inis ko dahil sa asungot na katabi ko.

AKALAIN mo yun, si Amira Suarez ang masungit kong amo ang may ari pala ng De Light Restaurant. Nakita ko na ito sa mga magazines dati pa, pero hindi ko iyon binigyan ng atensyon.

Nasa likod lang ako ni sungit, ilang metro ang layo sa kanya habang nakikipag-usap siya sa isang lalaking naka-executive suit. Base sa nakikita ko eh parang kliyente iyon o business partner.

Naramdaman ko namang pure business ang pinag-uusapan nila kaya iniwan ko siya doon at namasyal sa restaurant niya.

Napahanga ako sa ganda, linis at laki nito. Maraming customers na rin ang kumakain kahit maaga pa. Nagtungo ako sa kitchen kung saan busy ang lahat ng chefs na nagluluto sa iba't ibang klaseng orders.

"S-sir." 

Tumingin ako sa isang babaeng nakatulala sa harap ko. Napangisi nalang ako, alam ko namang gwapo ako kaya ganyan kong makareact ang karamihan sa kababaihang nakakaharap ko. Si Sungit lang naman ang walang epekto sa taglay kong kakisigan at kagwapuhan pero sigurado akong hindi magtatagal ay bibigay din 'yon.

"Hi." Bati ko at ngumiti. Namula siya sa kilig.

"Sir, bawal po kayo rito. This area is for restaurant's personnels only," paliwanag niya. Isinara niya ang pinto at iginaya niya ako sa labas.

Tumango tango lang ako at lumabas na rin agad. Tsaka ko lang naalala na kagabi pa pala itong suot ko, paano ba naman hindi na ako nakauwi sa apartment simula nang maihatid ko ang brat na yon sa bahay nila hanggang dito.

"May cr ba kayo rito na pwede akong maligo?" I asked the girl named Ali, at sa baba ng nameplate na iyon ay Manager. So she's the Manager of this restaurant pala. Tinignan naman niya ako at nagtataka. Ngumiti lang ako at kumindat.

"S-seryoso ba kayo, Sir? I mean why here? This is a restaurant Sir, we have fancy comfort rooms yes, pero wala po kaming bathrooms." Ngumiti pa siya ng alanganin.

"Halika rito," sabi ko. Hinawakan ko siya sa braso niya, bahala kang mangisay sa kilig pero kailangan ko na talagang makaligo, lalo na at ang arte ni Amira baka sabihing hindi ako malinis sa katawan. Hindi naman ako makauwi dahil kailangan ko siyang bantayan. Badtrip.

Itinuro ko si Amira sa kinaroroonan niya. Nasa pinakasulok ito ng restaurant kasama iyong businessman na kausap niya pa rin hanggang ngayon.

"Nakikita mo ba ang babaeng iyon?" Tumingin sa akin si Ali at tumingin doon sa tinuturo kong babae. Tumango-tango siya.

"Boss ko, Sir. She's Miss Amira Suarez the owner of De Light Restaurants."

"I know. Sa kasawiang palad Boss ko rin siya. Ako nga pala ang bodyguard niya. At kasalanan niya kung bakit ako naghahanap ng banyo kung saan ako pwedeng maligo. So can you tell me where I could find a bathroom?" I winked at her.

"Pasensya na talaga, but I just can't let you in sa office niya. Malalagot po ako kay Miss Suarez."

"Huwag kang mag-alala magsho-shower lang ako. Tsaka wala akong intensyong masama. Bodyguard niya ako at ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya okay?"

"Sige Sir, pero pwede ba munang kausapin ko si Miss Suarez? Ipapaalam ko muna sakanya about dito. She'll transform into dragon spitting fire kapag wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari."

Gusto kong tumawa dahil sa sinabi niya. But she's a dragon everytime, akala ko sa akin lang sa iba rin pala.

"Oh, hindi rin niya siguro gustong maistorbo sa meeting. Ako na ang bahala magsesend nalang ako ng message. You can trust me." Tumango nalang siya na parang naniniwala na talaga ito sa akin. Pero hindi dapat ganito ang empleyado niya, paano kung ibang taong nagpapanggap ang gawin ang ginawa ko at hahayaan niya lang na pumasok sa opisina? Maling-mali. Mabuti nalang at ako ang papasok at hindi ibang tao.

"Anyway, have we met before? Ano pala ang pangalan mo?" Pang-uusisa niya habang titig na titig sa mukha ko. Oh-oh not good.

"Maybe. Maybe not. Ozi Buenaventura nga pala. Kaka-hire lang sa akin ng kanyang Dad na si Senator Suarez kahapon." Tumango-tango siya at kinikilatis pa rin ako ng mabuti.

"You really look like that guy, how possible it is. Pero baka nga kamukha mo lang mas pogi nga lang siya at sobrang yaman," bulong niya. 

Tumaas ang kilay ko dahil doon pero hindi ko na pinansin. Paano nangyari 'yon? Paanong nagkaroon ako ng pictures sa kung saan? Sinigurado kong walang mag-leleak sa mga iyon, sa taglay ko ba namang kagwapuhan baka bente kwatro oras ay nakaantabay sila sa bahay ko. Tsk.

"Ahmm so pwede bang ihatid mo na ako sa office ng Ma'am mo? Kung gusto mo pwede mo naman akong bantayan." 

Namula siya dahil sa sinabi ko. Hays napapadalas ang kilig ng isang 'to, samantalang si Sungit ni hindi manlang tablan ng kilig. Ilang kalyo ba ang nababalot sa katawan non? Manhid.

"S-sure. Ah este sige Ozi, ihahatid kita don. Naniniwala naman ako sa sinasabi mo and you look harmless at all."

Nagpaalam muna ako para kunin saglit yung gamit ko sa kotse.

Mabuti nalang at may dala akong extra bago ako pumuntang ospital para bantayan si Amira sungit. Tinungo ko ang sasakyan na gamit namin kanina at kinuha ang gamit ko.

Pagkapasok ko ulit ay inihatid na ako ni Ali sa office ni Amira. Kung anong ikinaganda niya ay ganon din ang restaurant at office nito. Mahilig ata sa puting pintura ang Amira Suarez dahil sa pintura ng restaurant niya at pati office halos lahat ng gamit ay puti.

Isa siyang workaholic na babae kaya siguro ang sungit-sungit non at walang lovelife. Tsk.

Muntik nang nakidnap, inatake ng asthma lahat-lahat ay kinabukasan parang walang nangyari at trabaho na naman ang inaatupag. At ang kanyang office ang naging basehan dahil para na rin itong isang maliit na condo unit, may banyo at kwarto. Siguro dito na siya tumitira ng madalas.

Hays iyong babae talagang yon!

Nagtype ako ng message sa kanya. Binigay sa akin ni Senator Suarez ang number niya kagabi. Buti nalang may cellphone ako kahit touchpad lang tsk.

Hi baby, let me use your bathroom here in your office.
-Ozi


Continue Reading

You'll Also Like

27.6K 924 27
Alleris Family. Isang sikat na pamilya sa buong syudad ng Liebe. Kilala sila dahil sa angking yaman ng mga ito at magagandang itsura ng mga ito, mada...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
13.6K 430 20
Leviticus is a notorious lunatic vampire in their clan. He is also feared by many and at the same time despised and cursed by most of his family. Lev...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.