Not So Boy Next Door (COMPLET...

By aril_daine

3.4M 76.1K 6.6K

If you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz More

Not So Boy Next Door
Chapter 1: So freaking wrong!
Chapter 2: Maybe
Chapter 3: Dyosa
Chapter 4: I won't go chasing
Chapter 5: Chess Master
Chapter 6: Feeling Superhero
Chapter 7: Seriously?
Chapter 8: Weakness
Chapter 9: Good Old Days
Chapter 10: Love is...
Chapter 11: I hate her
Chapter 12: Help me
Chapter 13: Bwisit ka talaga!
Chapter 14: Tsismosa
Chapter 16: ...
Chapter 17: Weird
Chapter 18: I waited for nothing
Chapter 19: 'Kay
Chapter 20: Pain Pain Go Away?
Chapter 21: Buti nga!
Chapter 22: Drunk
Chapter 23: Ten
Chapter 24: Meanie
Chapter 25: Bwisit
Chapter 26: Broken Rule
Chapter 27: Valid or void?
Chapter 28: Midnight Phone Call
Chapter 29: Ewan! Ewan!
Chapter 30: You're Annoying
Chapter 31: D and his Game
Chapter 32: That was so embarrassing!
Chapter 33: Hormones
Chapter 34: 2 seconds
Chapter 35: Only one
Chapter 36: Clingy
Chapter 37: Happy birthday to me
Chapter 38: Thief
Chapter 39: Stop
Chapter 40: Baliw
Chapter 41: Damn Medicine
Chapter 42: Suhol
Chapter 43: Amazing
Chapter 44: Katahimikan
CHAPTER 44 Part 2: Bun in the Oven
CHAPTER 45: FLASHBACK
CHAPTER 46
Chapter 47: Party
Chapter 48: Assuming
CHAPTER 49: Fine!
CHAPTER 50: END

Chapter 15: Goodnight

54.5K 1.6K 136
By aril_daine

Chapter 15: Goodnight

 

 

Pag-uwi ko ay nangangamoy pagkain ang buong bahay. Ano naman kaya ang trip niya at nagluto siya bigla. Normally, bumibili nalang kami ng kanya-kanya naming pagkain sa gabi o kaya naman kakain nalang sa labas.

“Nandito ka na pala. Kumain ka na?” Creepy. Sandali nito akong tinignan at nginitian. Bakit ba ako nginingitian ni Damian? Feeling ko tuloy ay kinilabutan ako. May masamang espiritu yatang sumanib sakanya?

Naka-sando na rin siya at shorts ngayon. Siguro ay kanina pa siya nakauwi. Bakit ba ang aga niyang umuwi? Dapat nagstay muna siya sa girlfriend niya. Kawawa naman ‘yung babae.

“Hindi pa.” Pinakita ko sakanya ang plastic na hawak ko na binili ko kanina bago ako umuwi.

“Itapon mo na ‘yan. Mas masarap ang niluto ko.” Pagmamayabang nito.

Dumiretso ako sa kusina at hindi ko siya pinansin. Kumuha ako ng paglalagyan ng ulam na binili ko at saka kumuha na rin ng plato.

“hoy. Sorry na.” Umpisa niya. “Peace offering. Pinangluto kita ng paborito mo.” Binigyan niya ako ng isang mangkok ng niluto niyang chopseuy at ikinuha niya ako ng juice.

“Damian.” Nakatitig lang ako sakanya. Ayaw ko man aminin pero ang laki talaga ng ipinagbago niya mula noong umalis ako sa lugar na ito. Sobrang nagbago ang hitsura niya kaya lang sumsablay siya sa porma niya na parang sinasadya nalang niya minsan dahil ang OA na as in.

“Hmm?” Mukhang hindi naman niya papansinin kapag sinabi kong tumigil na siya.

“Hindi mo naman kailangan gawin ‘to. I’m fine now. Nadala lang ako kanina dahil sobrang badtrip ako sayo kagabi.”

“No! I said something terrible to you. Nagalit kita. It’s not okay, JL.” Mahinang sabi niya bago tumayo at kumuha pa ng isa pang pinggan at pumwesto siya sa harapan ko. Napakamot tuloy ako sa noo ko dahil sakanya. Ini-stress talaga ako ng nilalang na ito.

“Okay na nga. Nalabas ko na nga ang inis ko kanina.” Huminga ako nang malalim bago ko pa itinuloy ang sinasabi ko. “Kaya huwag ka na ngang makulit. Nakakairita lang, e.”

Nanahimik naman siya habang kumakain kami. Siya na nga rin ang nagpresintang maghugas nang matapos kami. Siguro ay sinisipag talaga siya.

Umakyat nalang ako sa kwarto ko at naligo. Nag-compute sandali ng grades bago humiga.

Boring.

Ang boring talaga.

“Jeling.” Bwisit! Agad kong tinakpan ang tenga ko ng unan at pumikit. “Jeling?”

“Damn it Damian! Don’t call me Jeling!” Naiirita kong sigaw saka bumangon at binuksan ang pintuan ko pero bigla akong napaatras dahil sa hitsura niya ngayon. But damn! His hair is wet and messy yet he looks... okay. HOT. Nakasabit din ang twalya sa balikat niya kaya napansin kong wala rin siyang damit pang-itaas at naka gray jogging pants lang siya. Damn! That look! Bakit ngayon lang niya pinakita saakin ang katawan niyang ‘yan. Jesus Christ! The abs! Hindi ganoon kabato pero ayos na rin naman.

JL! What the hell? Stop it!

“W-what?” Tanong ko habang nakatingin pa rin ako sa abs niya.

“May gamot ka ba para sa kinagat ng insekto? Ang kati kasi, e.” Paliwanag niya saka niya hinawakan ang collarbone niya na namumula na.  “Ito pa, o.” Dagdag pa niya saka ipinakita niya saakin ang likod niya. “Ito.” Hirap niyang inabot yung parteng sinasabi niya.

Fudge! Napapalunok nalang ako dahil kahit hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako ng katawan ay ito naman ang unang beses na masyadong malapit saakin ang isang lalaki na nakatopless! Feeling ko bumibilis tuloy ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

“T-teka!” Ayusin mo yung pananalita mo JL!

Agad akong tumalikod dahil ramdam kong umiinit na ang mukha ko. Hinanap ko na rin kaagad yung cream na hinihiram niya.

“Oh.” Pagkaabot ko nito sakanya ay kaagad kong isinara ang pintuan na kaagad din naman niyang naharang.

“Bakit ka nagmamadaling sarahan ako? Inaantok ka na ba?”

“Baka mahawa ako sayo!” Palusot ko pa.

“Hindi naman nakakahawa ‘to. Kagat lang naman ‘to ng insekto. Dapat alam mo yan.”

“Madumi ka kasing tao.” Palusot ko pa ulit.

“Hah? Kakaligo ko nga lang.” Inamoy-amoy pa niya ang sarili niya samantalang naamoy ko pa nga ang sabon na ginamit niya sa ganitong distansya. All this time ay nakatingin lang ako sa floor dahil hindi ko yata kayang tignan siya ngayon! JL! Isipin mo nalang yung mga outfit niyang lagi mong nilalait!

Imposible talagang si Damian ang kaharap ko! Baka may hidden kambal siya? Gees! What am I thinking?

“Palagay lang ako nung sa likod ko. Hindi ko kasi makita.”

“Tumalikod ka.”Utos ko pagkaangat ko ng mukha ko pero nagulat ako dahil bigla niyang pinakiramdaman ang noo ko. Ang lambot pa rin ng palad niya.

“May sakit ka ba?... Mukhang wala naman pero namumula ka.”

“T-tumalikod ka na nga lang kasi!” Sht! Ilang beses na ba akong nautal?

Pagkatalikod niya ay agad ko naman inapply ang cream sa bahaging kinagat daw ng insekto. “Maghubad ka pa para kagatin ka pa ng lahat ng insekto sa buong bahay.” Sarcastic kong sabi pero tumawa lang siya nang mahina.

“Sus. Gusto mo lang akong makitang nakahubad.”

“Yuck! Magtigil ka nga! Kinikilabutan ako sayo.” Ibinigay ko sakanya ang cream pagkatapos saka ko na isinira ang pinto.

“Goodnight!” Masigla niyang bati.

“Goodnight mo ang mukha mo!” Sagot ko naman na halatang na-eenjoy naman niya dahil sa mga reaksyon ko. Badtrip talaga ‘yang taong ‘yan! “Huwag mo akong tinawawanan! Siraulo! Pangit ka pa rin!” Pahabol ko pa dahil rinig na rinig ko pa rin ang tawa niya.

Siraulo talaga.

*****

AN: AYAN! *O* Pero bakit ang dami ko talagang silent readers? okay okay. wala akong makitang mapagdedic-an nitong chappie. nalimutan ko kasi yung username at tinatamad akong bumalik sa prev chap XDDD

sana na-enjoy niyo mwehehe

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 97.1K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
628K 25.2K 42
[X10 Series: KRISTOFFER MIGUEL TAN] Ikakasal na sana si Toffer kung hindi lang sana umatras ang bride niya. Nalaman din niya na may kinalaman ang pin...
22.8K 867 47
Ipinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkas...
24M 371K 70
Published under Summit - Pop! Fiction. Dirham series #2