The Wiseass Obsession

By harlenefrances

536 8 2

OBSESSION 2 "Memories are stocks of golds that we have inside our souls---it can make us happy nor sad. It c... More

Synopsis
Prologue

Chapter 1 : Hey yow neighbor's!

74 2 0
By harlenefrances

CHAPTER 1
HEY YOW NEIGHBOR'S!

Flabbie's Pov

"Madam ayos lang po kayo dito?"

Inilibot ko muna ang tingin ko sa paligid bago ko ito tinuon kay manang.

"Manang ayos na po ako dito...malinis naman ang bahay yun nga lang sira yung tapakan sa labas,meroon po bang mag-aayos nun?"

Inaalala ko kasi na baka mamaya pag may nagkamaling tumapak dun sa hagdan sa labas nitong bahay ay baka maaksidente pa...

Ang tanda tanda na kasi nitong bahay nila lola tapos gawa pa sa kahoy...kaya ito parang inaamag na.

Plano ko ngang ipaayos ang kusina hangang sa terrace para naman kung may bisita ako maging komportable sila.

"Ah sige itatanong ko kay pareng nio kung may kakilala siyang karpintero na pwedeng umayos ng hagdan"

Nginitian ko si manang bago ako tumayo

"Tara na po manang hatid ko na po kayo"

Tumango lamang ito saakin bago naunang maglakad.

"Tagal mo ng hindi umuuwi dito iha,buti naman at nakadalaw ka ngayon.hindi naman kasi kita masisisi masarap ang buhay sa siyudad lalo na sa ibang bansa tapos may trabaho ka pa at ang ganda pa ng trabaho mo"

Si manang talaga hindi nila alam kung gaano ko kagusto na magbakasyon dito sa bahay kubo nila lola.

Kumpara kasi sa siyudad masarap at payapa ang manirahan sa probinsya,maganda yung sa umaga imbes na busina ng sasakyan ang gigising sayo matinis na tilaok ng manok ang magpapabangon sayo tapos iinom ka ng mainit na kape at eenjoyin ang ganda ng paligid...

Hayysss excited na akong gawin lahat ng yun.

Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng oras na bumisita dito dahil ngayon lang ako nakapag file ng vacation leave.

5 months na bakasyon...masyado nga daw mahaba pero pambawi narin siguro dahil nung nakaraang fiesta dito sa baranggay ni hindi man lang ako nakapag bakasyon dahil sa kailangan ng mas maraming staff  sa hospital.

Yep sa hospital ako nagtratrabaho bilang isang nurse.

Palipat lipat minsan sa ibang bansa at minsan naman ay dito sa pilipinas,alam kong mas kailangan ng bayan natin ng mga nurses pero syempre kailangan kong kumita ng malaking pera para sa mga magulang kong nasa maynila.

"Naku manang mas gusto ko na dito tumira kesa sa siyudad"

Tumawa lamang si manang sa sinabi ko bago ito tuluyang umalis kaya naman ay Naiwan akong mag-isa sa terrace naming gawa din sa kahoy at iilang simento.

Saan kaya pwedeng mamasyal dito?

Meroon pa kayang lawang malinis dito na pwedeng pagliguan?

Sana naman meroon,miss ko ng maligo sa mga lawa o kaya talon.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at napahinto ang tingin ko sa katabi kong bahay...nasa terrace din ang isang lalaki na nakaupo sa kahoy na upuan nito.

Mukang pagod na pagod ito at kagagaling lang sa trabaho.
Balot na balot kasi ng mga natuyong piraso ng simento at putik ang katawan nito pero yung muka niya...kitang kita ko,hindi maikakailang gwapo at matikas ang lalaki.

His pointed nose,visible jaw line,straight eye brows and those long eye lashes...

Isama narin yung manipis niyang labi.

Sh*t flabbie ang swerte swerte mo at itong nilalang na to ang kapit bahay mo---magagawa mo ng mamboso ng hindi nabibisto dahil kapit bahay mo lang ito!

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng bigla itong dumilat at tumuon saakin ang tingin ng kulay asul nitong mga mata,kulay asul!?

Bakit kulay asul ang mga mata niya!?may lahi ba siya!?

"H-hi kapit bahay!"

Nag aalangan kong bati sakanya akala ko ay hindi ako nito papansinin ngunit laking gulat ko ng tumayo ito atsaka nito pinagpag ang mga nakakapit na simento sa katawan nito.

Double sh*t! Ngayon medyo nakikita ko na ang pangitaas na katawan nito dahil kahit papano napagpag na niya ang mga simentong nakakakapit sa katawan niya!

At base sa nakikita ko masasabi kong...pwede na akong magkape habang nakatitig sa katawan nito meroon lang naman kasi itong anim na pandesal at Nakakatakam na V line!

Noooo flabbie mag hunos dili ka!
Dumating ka dito na mahinhin at hindi balasubas...umarte ka ng normal!

Tinignan ako nito at ilang minuntong tinitigan bago ito tumango at pumasok sa bahay.

Ay ganun lang? Hindi siya masyadong palakaibigan huh?

Bahala na nga turn off na ako snobber kasi eh.
Sayang naman ang itsura at katawan kung ganoon ang ugali.
Ni hindi man lang ako binati!

Nagkibit balikat nalang ako bago ako pumasok ng bahay para ayusin ang mga gamit na dala ko.

~°~
THIRD PERSON'S POV

AGAD  na napahiga si volt sa papag niya ng makapasok siya sa kwarto  sa maliit niyang kubo.

Hindi man kasing lambot ng kama niya ang papag na meroon siya pero sapat na ito para tangayin siya agad ng antok.
Masyado kasi siyang napagod sa trabaho niya ngayon bilang isang construction worker.

Kasalukuyan nilang ginagawa ang bahay ng mga Salazar---ang pinakamayaman na pamilya na nakatira dito sa sta.rita,masyadong masungit at strikto ang boss nila kaya naman sa tuwing nasa trabaho siya ay wala siyang oras para magpahinga kahit konti man lang.

"F*ck"

Mura ni volt ng magising siya. Dahil sa sobrang init---bago nito kinuha ang pamaypay sa gilid atsaka niya pinaypayan ang sarili,mahirap man ang buhay sa probinsya mas gusto parin niya ang manatili dito...mas nakakapag isip at nakakapag relax siya ng maayos sa tuwing nasa gitna siya ng bukid at nagmumunimuni kumpara pag nasa opisina siya.

Napatigil si volt sa pagpaypay at napatitig sa kahoy niyang kisame...yung bago niyang kapit bahay,ngayon niya lang iyon nakita at sa unang pagkakataon naagaw ng isang babae ang atensyon niya.

Gusto niyang lapitan sana ito at itanong kung sino ito...pero napangunahan siya ng hiya lalo na at napakarumi pa niya,hiyang hiya naman siya kung tatabi siya dito.napaka kinis ng balat nito at napakaganda nito...

Sobrang ganda...malayo sa ganda ng mga babaeng nakikita niya sa siyudad at sa ibang bansa.

She looks like an angel every time she smiles...nang matitigan niya ang mata ng babae ay agad na nagkukumahog sa pagtibok ang puso niya na parang kailan lang gusto ng magpahinga...

His hands are trembling and his temperature is rising,isang pangyayari iyon na bagong bago sakanya lalo na yung pakiramdam na gustong gusto niyang lapitan ang babae at pakiusapan ito malaman lamang niya ang pangalan nito.

Ipinilig ni volt ang ulo bago siya tumayo at bagsak balikat na nagtungo sa banyo---kinuha niya ang timba bago siya nagtungo sa poso kung saan nasa likod lamang ng kubo niya.

Napatigil si volt sa paglalakad ng makitang nasa poso ang bago niyang kapit bahay.

Mukang nahihiripan itong magtimba base narin sa expression ng muka nito habang tinitikwas nito ang bakal ng poso.

Lihim siyang napangiti bago niya ito nilapitan,napatigil pa ang babae sa pagtitikwas atsaka siya nito nginitian ng sagad.

"Ikaw muna sige,mabagal talaga akong magtikwas"

Magiliw na sabi nito sakanya bago siya nito binigyan ng espasyo para makapagtikwas akmang iaalis na nito ang timba ng bigla niyang tikwasin ang bakal ng poso dahilan para lumabas ang tubig.

"Ako ng magtitikwas at maglalagay niyan sa bahay mo"

Walang emosyong saad niya sa babae habang titig na titig siya dito.

Napapantastikuhang tinignan siya nito mula ulo hangang paa.

"Hindi ka Pipe o bingi?"

Napakunot ang noo niya dahil sa tanong nito,bakit naman kasi naisip nitong pipe siya o kaya naman binge?

Dahil ba hindi siya makapagsalita?

D*mn kaya lang naman hindi siya makapagsalita ay dahil sa prisensya ng babaeng ito!

Pakiramdam nga niya ay hindi na niya kilala ang sarili lalo na sa ginagawa niya ngayon para dito.

"So-sorry hindi ko naman sinasadyang isipin na ganun ka,hindi ka kasi na-"

Hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita agad niyang tinikwasan ang poso at pinuno ang balde ng babae.

"Ah sige salamat"

Akmang kukunin na nito ang timba ng unahan niya ito.

"Nakakahiya naman ako n-"

"Ako na hindi mo kaya to,mabigat to"

Kitang kita ni volt ang pag aalangan sa mula ng babae bago ito tumango.halos mawala na sita sa tamang wisyo ng tumalikod ang babae sakanya kaya naman nilipad ang iilang hibla ng buhok nito at tumama iyon sa muka niya---her scent can be compared to a rose,a lovely rose...

Napakabango nito at nakakaadik ang amoy,hindi siya agad nakalakad at nakatitig lamang siya sa bulto nitong papasok na sa bahay nito.

Paulit ulit na minura ni volt ang sarili ng maramdaman niya ang mabilis ma pagtibok ng puso niya,he's palpitating just because of that beautiful woman!

He can't believe it!

Napahigpit ang pagkakahawak niya sa hawakan ng timba habang matiim parin siyang nakatitig sa babae.

'sh*t i should know her name! Everything about her! Her family background and her work!'

Sigaw ni volt sa isip niya bago siya naglakad para sundan ang babae.

Matagal ng walang tao ang bahay na katabi ng sakaniya akala niya ay wala ng may nagmamay-ari nito kaya naman laking gulat niya ng mabalitaang magkakaroon na siya ng kapit bahay.

"Ilagay mo nalang diyan,salamat ah!"

Rinig niyang sigaw nito mula sa kusina.inilapag niya ang timba at akmang aalis na siya may maalala siya.

Gusto niyang malaman ang pangalan ng babae...pero ayaw niya itong tanungin.

Ayaw din niyang pilitin itong sabihin sakanya ang pangalan nito kaya naman paano niya ito malalaman!

"Oh nandito ka pa pala...may kailangan ka ba?"

Hindi makapaniwalang tanong sakanya ng babae ng makitang nakatayo parin siya sa harap ng banyo nito.

Napapikit ng mariin si volt at agad din nagmulat ng tingin bago siya bumuntong hininga.

"Nice to meet you"

Yoon lang ang sinabi niya bago siya tumango dito at umalis sa bahay nito.

He badly wants to know her name...he is Voltaire Emmanuel elevano a smart ass who can know everything in just a snap of his gorgeous fingers!

He can have her name using his own smart and applauding ways...

Agad na naligo at nag ayos si volt bago siya tahimik na lumapit sa bahay nito,bahay lang naman nilang dalawa ang nasa parteng ito ng baryo.

Napapaligiran ito ng malalaking puno at meroon din bakod na gawa sa tinik kaya naman siguro siyang walang makakakita sa gagawin niyang kabaliwan.

At dahil nakapasok na siya sa bahay ng babae alam niya kung saan nakalagay ang sala at banyo at base sa obserbasyon niya nasa banyo ngayon ang babae dahil sa tunog ng tubig.

Pumunta si volt sa likurang pintuan at walang kahirap hirap niyang nabuksan ang pinto gamit ang alambreng hawak niya.

He was about to open the door when he realized what he was doing...he's doing this thing just to know her name!

This is crazy!

Pero kahit anong utol ng isip niya parang may sariling buhay ang katawan niya nagtuloy tuloy siya sa pagpasok sa bahay ng babae.

Tahimik at maingat ang bawat galaw niya...ni isang kaluskos ay walang maririnig.

Agad siyang pumunta sa sala at dahil iisa lang ang kwarto sa kubo hindi siya nahirapan na malaman kung asaan ang kwarto ng babae.

Titignan lang naman niya ang id nito...yung id lang talaga ang kailangan niya!

Nang makapasok siya sa kwarto ay puro kalat kalat na damit ang bumungad sakanya,miski ang underwear nigo at mga bra ay nakaka kalag sa sahig at sa maliit na papag nito.

Kung hindi niya nakita ang may ari ng bahay paniguradong pagkakamalan niya itong balahura at burara.

Napabuntpng hininga si volt at akmang lalapitan na niya ang kulay itim at maliit na maleta ng marinig niya ang yabag ng babae,malapit na iyon sa kwarto at mukang papasok ito!

Napamura si volt bago siya naghanap ng pagtataguan.

                          ~°~
                FLABBIE'S POV

Sa wakas na preskuhan narin ako! Kanina ko pa gustong makaligo kaya lang nahihirapan akong mag igib at magtimba.

Nasanay na kasi ako sa gripo at matagal tagal narin simula ng makapag buhat ako ng mabigat kaya ito lalampa lampa ako.

Laking pasasalamat ko talaga kay kapit bahay na pogi!

Hindi ko pa alam ang pangalan niya,nakakahiya kasing ako pa ang unang magtatanong?

Babae parin ako at siya ang lalaki kaya dapat siya ang unang magsabi ng pangalan niya!

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay napatigil ako sandali.

Nakakalat ang mga damit ko sa paligid---hindi ko pa kasi alam kung saan ko ito ilalagay,sira ang aparador at kung ilalagay ko naman ito sa maleta ko siksikan na.

Siguro mamaya ko nalang ito aayusin pagkauwi ko.

Baka kasi magalit saakin sila lauren---inaya lasi ako ng mga ito na magliwaliw sa dati naming tambayan,balita ko ay bukas lang pupunta na ito sa pampanga para mag aral ng college.

May isa kasing mabait at mayaman na tao na nag volunteer para pag aralin siya.

Dati pa talaga gustong makapag aral ni lauren ng college kaya lang kapos sila sa pera kaya naman isang taon din siyang tumigil sa pag aaral.

Mas bata saakin iyon ng limang taon kaya naman ok pa na mag aral ulit siya dahil bata palang naman siya.

Walang pakundangan kong inalis ang nakatapis na tuwalya sa katawan ko,wala namang ibang tao dito kundi ako lang...

Kumuha ako ng damit at lahat ng mga kailangan ko atsaka ko ito sinuot.

Continue Reading

You'll Also Like

230K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
378K 10.7K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
3M 186K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...