Crimson Academy: The Hidden C...

By imperial_gem

3.9K 1.4K 447

Isang daang taon ng hindi nabubuksan ang akademya ng arizon. Isang daang taon ng nakakulong ang mga maze sa l... More

Introduction
Chapter 1: The Beginning
Chapter 3: Enlightenment
Chapter 4: History of Arizon
Chapter 5: The Portal
Chapter 6.1: Crimson
Chapter 6.2: Academy
Chapter 7: Gabriel Archane
Chapter 8: The Royal Elites
Chapter 9: The Mission
Chapter 10: Dark Mage
Chapter 11: Who is she?
Chapter 12: Trap Inside
Chapter 13: Special Guide
Chapter 14: The War
Chapter 15: Between Mages
Chapter 16: Safe and Sound
Chapter 17: Plan

Chapter 2: Arizon

269 105 78
By imperial_gem

Chapter 2: Arizon

Ramdam na ramdam ko naman ang kakaibang ambience na bumabalot sa buong lugar na tila ba nais nang katawan ko na umalis dito pero ang isip ko naman ang parang nagsasabing huwag na muna akong umalis.

Napatingin naman ako kay Clifford na kanina pa rin nakatingin sa tarangkahan kung saan nakasulat ang Arizon na parang may sinusuri siya dito. Tiningnan ko din ang mga taong kanina pa kami tinititigan. Magtanong kaya ako kung nasaan kami? Kanina pa kasi talaga ako gustong gustong magtanong eh pero natatakot lamang ako.

Ays! Deep breathe Alison kaya mo 'yan. Hinugot ko ang buong lakas ko upang magtanong at nilapitan ang lalaking nasa malapit sa akin.

"Hmm, excuse me? Pwede bang magtanong?" sabi ko pero para yatang nabigla siya ng kinausap ko siya dahil napaatras siya.

Nakita ko namang napalunok siya kaya napataas naman agad ang isa kong kilay. Okay lang ba siya? Nagtatanong lang naman ako ah!

"Ah, ano 'yon?" tanong niya kaya napabuga agad ako ng malalim na hininga. Salamat naman at nagsalita siya.

"Ah kasi ano, nasaan ba kami? Anong lugar 'to?" tanong ko na ikinagulat niya.

Nakita ko naman na parang nabigla rin 'yata ang ibang taong nakatingin sa amin kaya nagtaka ako at ang mas lalong ikinataka ko ay agad na nagbubolongan sila sa isa't-isa. Bakit? Ano bang mayroon sa tanong ko?

Tiningnan kong muli ang lalaki at kitang kita mo talaga sa mukha niya na gulat na gulat siya.

"Bakit may problema ba?" tanong ko sakanya pero hindi niya ako sinagot. Nakita ko naman ang paglapit ng isang babaeng ka edad ko rin yata.

"Hindi mo alam kung nasaan ka? Kayo?" takang tanong niya sa akin paglapit niya sabay tingin kay Clifford na papalapit na rin sa amin.

Nag kibit-balikat naman ako bago magsalita. "Hindi talaga namin alam kung nasaan kami at sa totoo lang kanina pa kami naliligaw sa kagubatan hanggang sa napadpad kami rito."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay mas lalo pang nagbulongan ang mga tao sa paligid. Bakit ba kasi?

"Nasa Arizon kayo at imposibleng hindi niyo alam ang lugar na 'to kasi walang ibang nakakapasok dito kung hindi ang mga Aiona lamang." sabi ng babae na ikinataka ko. 

Ano? Ano raw? Aiona?

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong din ni Clifford na nasa tabi ko na.

"Aiona ang tawag sa mga mage na nakatira rito sa Arizon. Ang mga mage ay mga taong may kapangyarihan na hindi tanggap sa mortal na lugar." suhewistyon niya dahilan upang mas magulohan ako.

Anong ibig niyang sabihin? Anong kapangyarihan? Mage? Mortal na lugar? Diyos ko kung panaginip lamang ito please pabalikin niyo na ako!

"At ano namang ibig mong sabihin sa sinabi mong walang ibang makakapasok dito sa lugar niyo kung hindi mga Aiona lamang?" tanong ni Clifford.

Ano ba 'tong lalaking ito? Naniniwala ba talaga siya sa sinasabi ng babaeng ito? Baka gino good time niya lang kami o baka masasama silang tao!

"Baka naman gino-good time niyo kami ah? Hindi ito magandang joke." natatawa kong ani sa kanya pero parang wala siyang alam sa sinasabi ko dahil nakita kong nalilito siya.

"Anong good time? Ano ang joke?" takang tanong niya dahilan upang matahimik kaming dalawa ni Clifford.

"At oo wala talagang ibang nakakapasok dito sa Arizon kung hindi kayo mga Aiona at kung hindi kayo mga Aiona ay baka isa kayo sa mga kauri ng iba pang mage." aniya kaya mas lalo akong nagugulohan.

"Hindi kita naiintindihan." wika ko sa mahinang boses.

 Bakit ba kasi ako napunta rito? Kanina lang ay nasa bahay pa ako eh.

"Sa madaling salita niyan ay isa kayong mage dahil nakapasok kayo rito at may abilidad kayo. Imposible rin kasing makapunta kayo rito dahil ang lagusan ng Arizon sa labas ay mahirap hanapin at tanging ang mga may kapangyarihan lamang ang makakakita at makakapasok dito." aniya sabay turo sa malaking puno na nasa likuran namin. Teka 'eto 'yong puno kanina ah!

"At naalala niyo? Diba nakalutang kayo sa ere kanina? 'Yon ang abilidad ng kapatid kong si Ryler. Ang levitation. May abilidad siyang pagalawin ang mga bagay gamit ang hangin sa pamamagitan ng kanyang pag kontrol." patuloy niya.

Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya o baka ayaw lang talagang mag sink in lahat ng sinabi niya sa akin tungkol sa mga ability, levitation, kapangyarihan. At kami may ability? Isa kaming mage? Oh for god's sake! Ayoko na. Ayoko na sa palabas na 'to!

"Ano bang sinasabi mo? Anong mage? Ability? Wala kami niyan at pwede ba huwag na kayong mag acting kasi hindi maganda. 'Wag niyo nga kaming pinaglololoko! Gusto lang naman naming makalabas dito!" singhal ko dahilan upang matahimik sila.

Hays! What now? Ayoko nang makarinig ng mga kalokohan. Normal akong tao at nag a-acting lang sila. That's it!

"Anong kagulohan ito?" rinig kong wika ng isang maskuladong lalaki sa likuran ko. Na para bang pamilyar ako sa boses nito. 

Hindi kaya?

"Dad!" bulaslas ko pagtingin ko ng makita ang pigura niya at agad na nilapitan siya.

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko. 

Tinig niya lang talaga ay alam ko na siya nga si dad. Pero bakit ganyan ang suot niya?

"Ano 'yang suot mo daddy? Bakit ka naka pants na pang makaluma at ang damit mo bakit 'yan ang suot mo?" takang tanong ko dahilan upang matawa siya.

"Alison anak hindi ko alam na mabilis mo lang pala mahahanap ang Arizon. Hindi talaga ako nagkamali. Anak nga talaga kita." aniya kaya napatahimik ako.

So don't tell me alam niya ang lugar na 'to?

"Dad, anong ibig mong sabihin?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot at nginitian niya lamang ako.

"Ryler, Brianna. Nakita niyo na pala ang anak ko. Siya si Alison ang sinasabi ko sa inyo." pakilala niya sa akin sa babae na kausap ko kanina at sa kapatid niyang si Ryler nga.

So kilala nila si dad? At kilala ni dad silang dalawa? Ano ba nagugulohan ako!

"Haring Ignacio magandang araw po. Siya po pala ang anak niyong si Alison. Kaya po pala ay naninibago siya sa buong lugar at parang hindi makapaniwala sa mga pinagsasasabi namin." sabi ni Brianna kay Dad. 

Ano raw? Tama ba ang pagkakarinig ko? Haring Ignacio? Si dad tinawag niyang Hari?

"Oo, huwag kayong mag alala. Sasabihin ko na sa kanya. Sige na bumalik na kayo sa mga gawain niyo." utos naman ni Dad at agad  naman silang nagsi-alisan sa kinatatayuan nila.

At ang mga taong tinitingnan kami kanina ay naglaho lamang na parang bula. Makikita mo rin na parang nag-iba ang awra nila. Kanina ay mukhang namatayan ngayon ay parang ang awra nila ay may nabuhay galing sa patay. Napatingin naman ako kay Clifford na kanina pa tahimik sa gilid ko.

"Ay dad si Clifford nga pala. Nakasabay ko siya kanina papunta rito at kagaya ko parehas din kaming galing sa bahay at napunta rito." sabi ko sabay busangot sa kanya at napatawa na naman siya. 

Ano bang nangyayari kay daddy? Palagi na lang nakatawa?

"Ikaw pala ang anak ni Anton. Clifford Devera right?" tanong ni Dad at iniabot ang kamay ni Clifford for a handshake.

Tumango naman si Clifford at sinalubong ang kamay ni Dad. 

"Opo, ako nga po. Magandang araw po." sabi niya naman, magsasalita pa sana si dad ng pinutol ko na kaagad ang pag-uusap nila at agad na tinanong siya.

"Dad, sabihin mo nga sa akin ang totoo? Pinagtitripan niyo ba ako? Bakit ba tayo nandito? At ano ang lugar na 'to? Nakakatakot!" sabi ko sabay turo sa paligid na parang walang kabuhay buhay.

Nakita ko namang parang nag-iba ang mood ni daddy nang sabihin ko iyon. May nasabi ba akong mali?

"Sundan niyo na lang ako Alison, sa opisina na tayo mag-usap." aniya kaya wala na kaming nagawa at sinundan na lamang siya.

Ilang minuto lang ang nakakalipas ng marating na rin namin sa wakas ang opisina raw ni daddy. Pumasok kami kanina sa tarangkahan at nalaman ko kay dad na ang lugar na 'to ay tinatawag nilang Arizon.

At hindi nga yata nagsisinungaling sina Brianna sa mga sinasabi nila kanina. Pero I don't think na maniniwala ako sa sinasabi nila about sa mga may abilidad and such.

Hindi ko na rin gaanong pinagmasdan ng mabuti ang kabuoan ng Arizon pagpasok namin sapagkat litong-lito pa rin ako sa mga nangyayari. Basta ang alam ko isa pa rin itong normal na komunidad na makikita mo kagaya sa isang probinsya.

May mga bahay na sakto lang yata ang apat na tao. May mga pagamutan, kainan, maliit na pamilihan. Mga normal na makikita mo sa paligid pero ang kaibahan nga lang. Dito sa Arizon ay parang napag iwanan ng kabihasnan.

Walang teknolohiya. Wala silang mga modernong kagamitan. Lahat ay makaluma.

"Umupo muna kayo Alison, Clifford." sabi ni daddy sabay turo sa dalawang upoan na nakaharap sa mesa niya.

Inilibot ko naman ang tingin ko sa opisina ni dad. Maliit lamang siya para sa isang opisina. Sa gilid makikita mo ang nakasabit na parol. Bakit walang ilaw dito?

"Dad? Wala po bang kuryente rito?" takang tanong ko at nakita kong tinangoan niya lamang ako. Kaya napakunot noo ako.

Lumapit naman agad ako kay Clifford na ngayon ay nakaupo na at tumabi sa gilid niya dahil 'yon lamang ang bakanteng upoan.

Nakita kong huminga ng malalim si Dad dahilan para kabahan ako. I think mahalaga ang sasabihin niya.

"Alison, anak. Clifford." panimula ni daddy ngunit tahimik lamang kaming nakikinig ni Clifford sakanya.

"Ang lugar na tinatapakan niyo ngayon ay ang Arizon. Lugar ito ng mga mage o ng mga taong may kapangyarihan na hindi tanggap sa mortal na lugar."

'Yan din ang sinabi sa'kin ni Brianna kanina. Don't tell me parehas lang sila ng sasabihin? Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni daddy.

"Anak, huwag ka munang magsalita, patapusin mo muna ako at gusto kong buksan ninyo ang inyong isipan ukol rito. Huwag kayong matatakot sa malalaman niyo." usal ni dad kaya wala na akong nagawa at tumahimik na lamang.

"Sa tingin ko ay nabanggit na ni Brianna sa inyo na walang nakakapasok dito sa Arizon kapag hindi kayo Aiona o hindi kayo kabilang sa tatlo pang mage." panimula ni dad kaya tumango naman kaming dalawa ni Clifford. 

Oo nga sinabi nga 'yon kanina ni Brianna pero hindi ako naniniwala. Kasi bakit naman ako nakapasok right? Eh normal na tao naman ako at sa tingin ko di naman totoo ang mga magic, kathang isip lamang iyan.

"At sa pagkakataong ito dahil kayong dalawa ay nakapasok ibig sabihin may kapangyarihan kayo at isa kayo sa mga mage. Syempre dahil anak ka namin ng mommy mo Alison siguradong sigurado na isa kang Aiona." huminto siya sa pagsasalita at tiningnan muna ako ng maigi bago nagpatuloy at inilipat ang tingin kay Clifford na taimtim na nakikinig sakanya.

"Hindi ko naman alam kung pure blood na aiona ka talaga Clifford kasi ang mama at papa mo ay hindi parehas. Si Anton ay isang aiona at si Christina, mama mo ay isang aria. Pwedeng makuha mo ang dalawa nilang kapangyarihan o pwede ring makuha mo ang pagiging aiona o isang aria."

Napasapo naman ako sa noo ko.

"Dad? Are you okay? Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?" tanong ko kay Dad ngunit nginitian niya lamang ako ng mapakla.

"Ayaw ko na sanang masali ka sa mundong ito Alison pero wala akong magagawa. Isa ka sa mga Aionang biniyayaan ng angking taglay at makakatulong sa Arizon. Alam kong mahirap paniwalaan pero anak.." huminto si dad at bumuntong hininga.

"Hindi tayo kagaya ng nasa isip mo, hindi tayo normal na tao."

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 100K 93
After seeing her daughter taken, Claret is resolved to begin a quest to rescue Divina from the clutches of an ancient demon named Atlas, even if it c...
1M 62.3K 78
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
72.1K 2.7K 36
Geca Rella, a die hard fan of a romance and mafia novels that full of red flag male leads. Highest Ranking: #2 in Reincarnation #13 in Fantasy #1 in...
4.9M 117K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...