Crimson Academy: The Hidden C...

By imperial_gem

3.8K 1.4K 447

Isang daang taon ng hindi nabubuksan ang akademya ng arizon. Isang daang taon ng nakakulong ang mga maze sa l... More

Introduction
Chapter 2: Arizon
Chapter 3: Enlightenment
Chapter 4: History of Arizon
Chapter 5: The Portal
Chapter 6.1: Crimson
Chapter 6.2: Academy
Chapter 7: Gabriel Archane
Chapter 8: The Royal Elites
Chapter 9: The Mission
Chapter 10: Dark Mage
Chapter 11: Who is she?
Chapter 12: Trap Inside
Chapter 13: Special Guide
Chapter 14: The War
Chapter 15: Between Mages
Chapter 16: Safe and Sound
Chapter 17: Plan

Chapter 1: The Beginning

464 126 93
By imperial_gem

Chapter 1: The Beginning

"Alison!" rinig kong sigaw ng kapatid ko kaya agad ko naman siyang pinaningkitan ng mga mata. Inilagay ko sa maliit na plato ang sandwich na ginawa ko at agad na tinaasan siya ng kilay.

"Ano? Anong sinabi mo? Alison? Aba aba!" agad ko namang pinisil ang matataba niyang pisngi paglapit niya sa akin.

"Alison naman eh!" reklamo niya at mabilis na tinapik ang kamay ko.

"Tawagin mo nga akong ate Milo! Matuto kang rumespeto sa nakakatanda sa'yo oy!" usal ko sakanya ngunit hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"Pinapatawag ka ni daddy sa opisina niya! May importante raw siyang sasabihin sa'yo." aniya sabay kuha ng sandwich na ginawa ko.

Sinuri ko naman ang mga mata niya kung nagsisinungaling ba siya sa sinabi niya pero parang hindi naman kasi knowing Milo kapag hindi iyan nagsasabi ng totoo ay hindi talaga 'yan mapapakali.

"Bakit daw?" tanong ko ng may bahid na pagkalito sa mukha, ngunit hindi niya ako sinagot at itinuon lang ang pansin nito sa sandwich na kinakain niya.

Napa buntong hininga na lamang ako. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Tinahak ko na lamang ang daan patungo sa opisina ng daddy.

It's just weird tho. Ngayon niya lang ako pinatawag sa opisina niya. Usually kasi ay hindi iyan nagpapapasok ng kahit sino-sino sa opisina, except kay mommy. Ang opisina naman ni daddy ay matatagpuan lang din sa unahan ng kitchen kung saan ang pinto nito ay kulay pula. Hindi ko nga alam kung bakit doon nila naisipang ilagay ang opisina ni dad eh.

Nang papunta na ako sa opisina ni dad ay namataan ko si mommy sa kitchen na nagluluto kaya nagpaalam na din ako na pupunta ako sa opsina ni dad kasi pinapatawag niya raw ako. Akala ko nga ay magugulat siya kasi as what I have said earlier walang ibang pinapapasok si daddy sa opisina niya except kay mommy pero nginitian niya lamang ako at sinabing siya pala ang nag utos kay Milo upang papuntahin ako sa opisina ni dad.

Kinabahan nga ako nang sinabi ni mommy na may kailangan daw akong makita at oras na raw para malaman ko ang totoo pero sabi niya si daddy raw ang dapat na magsabi sa akin ng lahat-lahat. I don't know pero parang may nararamdaman akong kakaiba nang sinabi niya iyon pero hindi ko mawari kung ano.

Huminga naman ako ng malalim ng marating ko na nga ang opisina ni dad. Ngayon ay nakatayo ako sa labas ng opisina ni daddy at nagdadalawang isip kung papasok ba ako o hindi. Naisip kong kumatok na muna bago pumasok pero walang sumasagot. Buksan ko na lang kaya?

Hahawakan ko na sana ang door knob para pihitin ito ng bigla akong natigilan nang maalala kong sa loob ng labing-walong pamamalagi ko dito sa bahay ay ngayon lang ako makakapasok ng opisina niya which is really weird kasi ngayon ay makakapasok na ako, freely.

Napabuga naman ako ng malalim na hininga bago binuksan ang pinto at dahan-dahang pumasok sa loob. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko at ang malakas na hangin na sumalubong sa akin ng ako'y pumasok sa opisina. Naipikit ko pa nga ang mga mata ko dahil napuwing ako bigla. Isinara ko naman agad ang pinto at na istatwa ng makita ang kabuoan ng opisina ni dad.

"What?" I blurted.

Baka nagkamali ako ng pinto na pinasukan? Pero wala ng ibang silid na nandito bukod sa opisina ni dad! Napakunot noo akong tiningnan ang salamin, lababo sa gilid at isang kubeta sa gitna. Kahit titigan ko ng matagal ang buong silid ay banyo lang talaga ang nakikita ko. Hindi ito isang opisina!

Napasapo naman ako sa noo at agad na tiningnan ang pinto. Makalabas na nga! Bubuksan ko na sana ang pinto ng maramdamang ayaw gumalaw ng busol at kahit pilitin kong ikotin ito ay ayaw pa rin. Ayaw magbukas! Don't tell me sinarado nila ako dito?

"Mom! Buksan mo ang pinto!" I shouted in frustration.

"Moooom! Buksan mo hindi ito ang opsina ni daddy!" sigaw kong muli pero wala akong narinig na may sumagot sa sigaw ko o kahit yapak man lang ng mga paa sa labas.

"Mooommy! Milooooo! Buksan niyo ang pintoooo!" I shouted on top of my lungs.

Ugh! Pinag ti-tripan ba nila ako? Nakabusangot naman akong napatingin muli sa kubeta at sa salamin. Akala ko ba ito ang opisina ni dad! Napaisip naman ako bigla, dito ko talaga nakikita si daddy at mommy na labas masok. Ito ang opisina ni dad kung saan siya araw-araw namamalagi!

There is something wrong about here. Malaki-laki naman ang espasyo ng banyo at sa laki nito'y kasya ang anim na tao. Napakamot naman ako ng ulo ko ng maalalang may hangin na sumalubong sa akin kanina pagpasok ko. Pero wala naman akong nakikitang bintana.

Don't tell me ito nga 'yong opisina ni dad at dahil namumulubi na kami ay sa banyo niya nalang naisipang mag opisina? Pero imposible naman!

May ari si dad ng isang shopping company dito sa pilipinas at may tatlumpot-isang branch na siya dito sa bansa at labing-isang branch naman sa iba't ibang panig ng mundo. So imposibleng gagawin niyang opisina ang banyo for his business transactions. 'Di ba? Napabuntong hininga naman ako.

"Moooommy!" sigaw kong muli.

"If you are pranking me then it is not a good prank!" I yelled sabay irap sa ere.

For god's sake! Tiningnan ko naman ang relo na nasa kaliwang kamay ko at nakitang malapit na palang mag alas syete. Lagot! Mahuhuli pa yata ako sa first day of school!

"Mooooom! Mahuhuli na po ako!" sigaw ko at iniumpog umpog ng malakas ang pinto.

"Mooooooooommy! Buksan mo na ang pintoooo!" sigaw kong muli at tumigil nang marinig ang isang pares ng yapak sa labas ng pinto. May paparating? Si mommy na siguro ito.

"Atlast!"

Sumandal na lamang ako sa pader at hinintay ang pagbukas ng pinto. I sighed. Late na ako, great! First year college na ako ngayong pasukan and I am taking bachelor of secondary education major in english. Ang kapatid ko namang si Milo ay junior high school pa lamang, thirdyear high school to be specific.

Napatingin naman ako sa pinto ng makitang wala pa ring nagbubukas nito kaya dahan-dahan kong inilapit ang tenga ko sa pinto upang marinig kung may tao ba sa labas pero napakunot noo ako nang wala akong naririnig na kahit ano. Akala ko ba'y may paparating?

Tila nagsisimula na akong magtaka kaya hinawakan kong muli ang busol at dahan-dahan itong pinihit paikot. Napasinghap naman ako ng marinig ang pagbukas ng pinto.

Marahan kong itinulak ang pinto at sa bawat galaw ko tila bay parang may kumakalabog sa dibdib ko. Nanginginig ang buong kalamnan ko at hindi ito mapakali. Akala ko'y ang wooden wall ng bahay ang tatambad sa akin paglabas pero iba ang nakikita ko. Tumambad sa akin ang matatayog na puno na ngayon ko lang din nakita.

Nakabukas ang aking bibig na tila namamangha dahil hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Lumakad ako ng isang hakbang habang hawak-hawak ko pa rin ang busol ng pinto at tiningnan ng maigi ang paligid. Ano ito? Bakit ako nandito? Ano bang nagyayari? Sunod-sunod na tanong ko sa aking isipan.

Baka namamalikmata lamang ako? Tama! Agad akong tumalikod, babalik na sana sa banyo ngunit hindi ko na mahanap ang pinto! Napasinghap naman ako at agad na napatili. Tiningnan ko ang busol ng pinto na hawak-hawak ko ngunit naging kahoy na lamang ito ngayon!

"Aaaaaaaah!" sigaw ko ng malakas dahilan upang matumba ako at ang mas masama ay may natapakan pa akong bato na hindi ko alam kung saang lupalop nanggaling.

"Aray!" bulong ko ng maramdaman ang sakit ng paa ko, inilibot ko namang muli ang aking paningin na 'di halos mawari ang ekspresyon at napailing ng mapagtanto kong nasa gitna yata ako ng gubat.

Tumayo ako ng mabilis at agad na naglakad. Nasaang lugar ba ako? Napahawak naman ako sa aking balikat ng maramdaman ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko. Tiningnan ko rin ang mga puno na kay sobrang taas abotin.

Ngayon lang yata ako nakakakita ng mga punong sobrang taas sa buong buhay ko. Naglakad pa ako ng naglakad ng bigla akong natigil dahil nauntog ako. Napasapo naman ako sa noo ko. Ilang beses ba akong masasaktan sa araw na 'to?

"Ugh!" usal ko at napasimangot na lamang ng maramdaman na parang may tutubo na namang bukol sa noo ko.

Ano ba kasi ang nabangga ko? Dudungaw na sana ako ng napansin ko ang isang pares ng sapatos sa harap ko. Sapatos ng mga tao? May tao! Agad akong dumungaw at nakita ang lalaking seryosong nakatitig sa akin. Magsasalita na sana ako kaya lang ay naunahan niya ako.

"Sino ka?" marahan nitong tanong sa akin.

"At bakit ka nandito?" patuloy niyang tanong.

Sasagotin ko na sana siya ng bigla akong napatitig sa pagmumukha niya. Para bang nanuyo bigla ang lalamunan ko. Matangos ang ilong niya't may mapupulang labi. Ma alon din ang buhok nito't panigurado'y maraming babae ang nabibihag niya. Maitsura ang binatang ito.

"Sino ka ba at bakit ka nga nandito?"

Napapitlag naman ako ng bigla siyang nagsalita. Tila gusto niyang sagotin ko agad ang tanong niya.

"Ako si Alis-"

Teka! Dapat ba akong magtiwala at sabihin sa kanya ang tunay kong pangalan? Napaisip ako doon ah? Ay, bahala na nga!

"Ako si Alison.." sabi ko. "At sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung bakit ako napunta rito. Ang naaalala ko lang ay nasa loob pa ako ng banyo, ngunit pagbukas ko sa pinto ay nandito na ako. Sa gitna ng kagubatan!" patuloy ko at nakita ko namang parang sinusuri niya ang mga mata ko na para bang hindi siya naniniwala.

Napataas naman ang isa kong kilay. "Mukha ba akong nagsisinungaling para sa'yo?" sabay irap ko sa ere.

'Yan talaga ang ayaw ko eh. 'Yong hindi agad ako pinapaniwalaan. Napatingin naman ako sa kanya. Eh sino rin ba siya? At bakit siya nandito? Tatanongin ko na sana siya ng naunahan na naman niya akong magsalita.

"Ako si Clifford," aniya at huminto bigla. "Pero kagaya mo galing din ako sa loob ng banyo ng bahay namin na inaakala kong opisina ng ama ko kanina at napunta ako rito bigla ng lumabas ako, mahabang kwento pero iyan ang totoo. " aniya na ikinabigla ko.

Huwag mong sabihing parehas lang kami ng dinaranas? Nakita niya namang parang nabigla ako kaya ako na ang unang nagsalita, baka maunahan na naman niya ako.

"Weird pero parehas tayo! Pinapunta rin ako sa opisina ng daddy at nakitang banyo nga iyon at ng binuksan ko ang pinto palabas ng banyo ay dito ako napadpad.." sabay turo ko sa kinatatayuan ko.

"Dito sa gitna ng gubat." I snorted.

Nakita ko namang parang nagugolahan siya kagaya ko. Kaya para makaalis na kami rito ay naisipan na lang naming maglakad lakad kasi baka sakaling makita namin ang daan palabas.

Nagka-usap din kami habang hinahanap ang daan palabas ng gubat at nalaman kong same year level lang pala kami sa parehong unibersidad at sa parehang kurso. Coincidence, right?

Kanina lang din pala siya palakad lakad dito sa gubat. Napabalik naman ako sa ulirat ng mauntog ako sa likuran niya kasi bigla siyang huminto.

"Ano ba? Bakit ka ba bigla biglang humihinto? Kita mong nakasunod ako sayo eh!" singhal ko ngunit hindi niya ako pinansin.

Tiningnan ko naman kung ano ang tinititigan niya at doon ko nakita ang busol ng pinto namin ng banyo na naging kahoy, ito 'yong itinapon ko kanina. Napatakip naman ako bigla ng mapagtantong kanina pa kami pa balik balik dito. Lintek na! Naliligaw yata kami!

Nakita ko namang kinuha niya ang dalawang busol na naging kahoy at ibinigay sa akin ang isa. Don't tell me na naging kahoy din 'yong doorknob nila?

"Ano ba talagang nangyayari?" mahinang tanong ko.

Akala ko ba ay sa mga pelikula lang nangyayari ang mga ito? Akala ko ba ay sa kwento lamang may mga kababalaghan? Eh ano ito? Bakit nangyayari sa akin ito?

"Feeling ko ay pinaglalaroan nila tayo. Hindi na ito maganda." aniya na mas lalong nagpakaba sa akin.

At sinong nila? Ano ba ang ibig niyang sabihin? Huminga naman ako ng malalim at pinakiramdaman ang buong lugar. Pero ang malamig na simoy ng hangin at ang mga huni ng ibon ang siyang tangi mo lang maririnig. Lord bakit ba ako napunta rito?

I sighed. Naalala ko naman ang banyo na akala koy opisina ni daddy, imposibleng pinag ti-tripan lang ako nila mommy. Hindi sila aabot sa ganitong point kung trip lang nilang lokohin ako.

Napatigil naman ako sa pag-iisip ng marinig ang isang kaluskos sa gilid namin. Napakurap agad ako at pilit na pinipigilan ang paghinga ko. Bakit parang kinakabahan ako?

Dahan-dahan kaming napatingin ni Clifford sa gilid kung saan nanggaling ang kaluskos at nakita ang isang napakalaking puno. Wala namang tao o maski hayop kaya saan nanggagaling ang kaluskos?

Marahan naming nilapitan ang puno at ng akmang hahawakan na namin ito ay agad naming naramdaman ang malakas na hangin na parang kami ay hinihigop.

"Aaaaaaaaaaaaaaah!" sigaw ko ng makaramdam ng hapdi sa aking balat.

Ang sakit ng hangin, para ka nitong hinihigop hanggang sa mawalan ka ng hininga. Tiningnan ko naman ang paligid pero wala akong makita masyado dahil sa hangin na sobrang lakas na pumapalibot sa amin. Ang hilam din ng panigin ko.

"Aaaaaaaaaaaaah!" rinig kong sigaw ni Clifford at nakita ko namang parang may kahoy na humihila sa kanya.

Totoo ba 'tong nakikita ko? O namamalikmata lang ako? Lord, ano ba 'itong mga nangyayari sa akin? Patawarin niyo na po ako!

Narinig ko naman muli ang sigaw niya kaya agad kong inabot ang kamay niya at hinawakan ito. Hanggang sa naramdaman ko na lamang na parang may humihila na rin sa akin. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at binitawan ang kamay ni Clifford pero napakurap ako ng mabilis ng maramdamang mas hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko dahilan upang hindi ako bumitaw ngunit hindi ko kaya. Hinihila ako pababa!

Tinangoan ko na lamang siya simbolo na kailangan niyang bumitaw dahil kung hindi ay pare-pareho kaming masasaktan dahil hinihila kami pababa at dahil do'n ay dahan-dahan na niyang binitawan ang kamay ko.

Ipinikit kong muli ang mga mata ko hanggang sa naramdaman ko na lamang na parang mahuhulog ako. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ang paglapit ng paglapit ng damo sa mukha ko. Wait, 'wag mo sabihing mahuhulog ako?

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" sigaw ko ng malakas hanggang sa nahulog nga ako.

Ramdam na ramdam ko ang sakit ng katawan at likod ng mahulog ako. Teka, sandali! Napakurap ako ng mabilis ng makitang hindi ako nahulog. Pero nakalutang ako.

"Aaaaaaaaaaaaaah!" sigaw kong muli ng mapagtantong nakalutang talaga ako hanggang sa nahulog na nga ako sa damohan.

"Aray!" usal ko at hinawakan ang likod ko. Ang sakit!

Napatingin naman ako sa gilid ko ng may narinig akong dumaing. Si Clifford! Dahan-dahan akong tumayo at pinagpag ang damit ko na may lupang nakapikit. Tiningnan ko naman agad kung nasaan kami at na istatwa ng makita ang mga taong tahimik na nakatingin sa amin.

Para silang namatayan sa sobrang lungkot ng mga mata nila na makikita mo talaga kahit malayo sila at ang aura nila na sobrang tamlay. Makikita mo rin ang mga damit nilang gusot gusot at ang mga batang parang dekadakang hindi naalagaan ng maayos.

Ano bang nangyari rito?

Habang sinusuri ko sila ay napatigil ako ng makita ang napakalaking tarangkahan sa 'di kalayuan. Makikita mo talagang kinakalawang na ito at ang luma na. Inaaninag ko naman ng maayos ang tarangkahan upang mabasa ang nakasulat dito ng biglang nagsalita si Clifford sa tabi ko.

"Arizon." mahinang bulong niya.

Napatingin naman ako sa tarangkahan at nabasa ang salitang Arizon. Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman? Na tila ba hindi ko maipaliwanag?

Bakit parang may pwersang nagpapalapit sa akin sa lugar na 'to? Napatingin naman ako sa mga taong kanina pa kami sinusuri.

"Nasaan ba kami?"

Continue Reading

You'll Also Like

10M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
84.1K 4.4K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
137K 4.8K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...