In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [5]

154K 4.1K 640
By chiXnita

-5-

Third Person's POV

KINUHA NI Angel ang nakapatong na black leather jacket sa couch katabi ng rounded-glass table sa sala ng kanyang condo. She took one more glance at herself on the full-length mirror between the abstract painting and seraph's statue. She's wearing a black plain top, denim pants and dark leather boots. Isinuot niya ang jacket para kumpletuhin ang getup. May misyon siyang gagawin sa araw na 'to.

Lumabas siya matapos masatisfy sa ayos niya. Pinindot niya ang 'G' button sa elevator. May mga iilang tao sa loob. Pinasadan siya ng tingin. Pasimpleng lumayo ang mga ito sa kanya.

Nang makarating si Angel sa ground floor dali siyang lumapit sa nakapark niyang itim na big bike at sumakay doon. Mahilig siya sa mga madidilim na kulay.

Pupunta siya sa bahay nina Tita Xyria, Xhaiden's mom. Gusto niyang maliwanagan. Matapos niyang malaman ang kalagayan ni Xhai, hindi na nawala sa isip niya na kailangan niyang kumilos.

Dalawang araw na ang lumipas simula nang kidnapin ni Angel si Xhaiden sa isang restaurant, kung kidnapping ba talaga ang tawag sa ginawa niya. Oo, siya ang gumawa. Hindi niya naman plinano. Kaso may bumubulong sa kanya na kailangan niyang gawin kung gusto niyang matulungan si Xhaiden.

Sinuot niya ang black helmet. Pinaandar niya ang makina habang binabasa ang pang-ibabang labi, bago pinaharurot ang big bike.

Mahigpit ang pagkakahawak ni Angel sa manibela. Binilisan ang ginagawang pagpapatakbo, passing the different kinds of vehicles that comes on her way. Umilaw ang red sa stoplight pero binalewala niya. Nilagpasan niya ang isang truck na naglalaman ng flammable gas. Napangisi na lang siya nang marinig ang sunod-sunod na busina ng mga sasakyan na iniwanan niya.

Gusto niya pa sanang mag-enjoy kaso may mas importante siyang kailangang gawin.

Napamura na lang si Angel nang maalala ang eksaktong nangyari, two days ago, when she abducted Xhaiden.

_..._..._

"NASAAN AKO?" bungad na tanong ni Xhai nang magising pagkatapos ng mahigit tatlong oras.

Nagkibit-balikat si Angel, hindi nag-abalang sumagot. Hindi rin makatingin nang maayos kay Xhai dahil nakokonsensiya.

"Gel, ano'ng ginawa mo? Nasaan ako?" Inilibot nito ang paningin sa silid na kinaroroonan nila. Pinipilit na maupo sa kama. Siya naman nakaupo sa pang-isahang couch.

"Nasa hospital ba ako?" Muling tanong ni Xhai. Siguro napansin nitong kulay puti ang halos lahat ng bagay na naririto. Hindi pa rin siya sumagot. Hinayaan niya lang na ang wall clock ang mag-ingay.

"Gel, sumagot—"

Bumukas ang pinto. Iniluwa niyon ang isang babaeng nakapusod ang buhok. Nakasuot ito ng kulay puti kabaliktaran ng suot niyang halos puro itim.

Sa wakas dumating na rin ang kanina pang hinihintay ni Angel. Si Mrs. Brenda Flores, Brix's mother. Ito ang magiging doctor ni Xhaiden, kung doctor ba talaga ang tawag sa profession nito.

"I'm not sick," sigaw ni Xhai na nagpabalikwas sa kanya. Akma na itong tatayo. Pinigilan agad ni Tita Brenda.

"Stay there, honey. You don't have a fever or anything but you need to rest. You look shattered and exhausted," sabi ni tita na mababakas sa tono na bihasa ito sa ganitong profession.

Si Tita Brenda ay hindi literal na doctor. She's a psychologist slash psychiatrist. Alam nila ni Xhaiden ang bagay na 'yon dahil kaibigan ito ng mga parents nila. Kaya gano'n na lang ang pagprotesta at pagpapanic sa mukha ni Xhaiden.

"I'm not crazy, Tita Brenda!" Napasigaw ulit si Xhai. Napatayo si Angel pero pinigilan siya ni Mrs. Flores. Ngumiti ito kay Xhai at lumapit. Sinuklay nito ang buhok ni Xhaiden habang marahang pinapat ang ulo.

"Who said you're crazy? I'll kill him..." pagbibiro ni Tita Brenda. Hindi man lang ngumiti si Xhai. Kinakabahan naman si Angel dahil alam niyang may maling nangyayari sa kaibigan.

"Gel, I need to go home now. Hinihintay ako ni Grant..." baling nito sa kanya na parang nakikiusap kaya umiwas agad siya ng tingin. Humihikbi na kasi ito.

Akala niya magagalit si Xhai sa kanya, pero si Grant pa rin pala ang iniisip nito. Napabuga siya ng hangin, out of frustration.

"Angel, hintayin mo kami sa labas. I'll talk to Xhaiden first," utos naman ni Tita Brenda kaya agad siyang tumalima.

"Gel, don't—" protesta ni Xhai pero lumabas na siya't daling isinarado ang pinto. Umupo siya sa mahabang bench na nakalagay sa gilid ng pinto. Hindi niya marinig ang usapan ng mga 'to sa loob dahil sound proof ang silid.

Matapos ang mahigit isang oras, bumukas ang pinto. Tumambad sa paningin niya si Tita Brenda. Sumilip siya sa loob.

"She's sleeping," anito nang mapansin na kumunot ang noo niya sa muling pagsarado nito ng pinto.

Lumunok si Angel. Ipinunas ang mga palad sa skirt niya bago pinakawalan ang tumatakbong katanungan sa isip niya. "May 'DID' po ba siya katulad ni Xyrene?" prangkang tanong niya dahil ayaw niya nang magpaligoy-ligoy pa. May sakit kasing Dissociative Identity Disorder si Xyrene o mas kilala sa tawag na... split personality. "O may sakit na talagang 'kamartiran' at isa si Xhai sa biktima, tita?" pagbibiro niya para mabawasan ang tensiyong nararamdaman niya.

Ngumiti si Tita Brenda sa kanya at tinap ang balikat niya. "Wala siyang 'DID', honey, you don't have to worry." Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Sigh of relief. "But..." Awtomatikong nabura ang nagbabadyang ngiti sa labi niya.

"B-but?" Biglang nanginig ang boses ni Angel. Ayaw na ayaw niya ng "buts" kasunod ng "what ifs".

"She has OLD," dagdag nito.

­­_..._..._

IPINARK NI Angel ang big bike sa tapat ng malaki't magarbong kulay maroon na main gate ng mansion ng mga Roa. Tinanggal niya ang helmet bago ikinabit sa manibela.

Hindi na siya nag-abalang magdoorbell. May guard naman na nagbabantay sa gate. Agad siya pinagbuksan dahil madalas siyang nandito. And family friend.

"Good morning, Ma'am," bati ng guard.

Tumango lang si Angel. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Huminto sa tapat ng isang fountain na nakalagay sa gitna ng well-preserved garden.

Muli siyang nagpakawala nang malalim na hininga nang maalala kung paanong nalaglag ang kanyang panga nang banggitin ni Tita Brenda kung ano ang OLD.

_..._..._

"SHE HAS OLD?" ulit ni Angel sa sinabi ni Tita Brenda. Hindi niya alam kung ano'ng ibig nitong sabihin. Baka naman nabingi lang siya pansamantala't mali ang pagkakaintindi niya.

"Yes." Tumango-tango pa ito.

"What's OLD, Tita?" she asked to clarify things. Kinakabahan siya. Malakas ang kutob niya na hindi niya magugustuhan ang sasabihin nito.

"Obsessive-Love Disorder..." Nagtatanong ang mga mata niya kaya bago pa siya magtanong muli'y sinagot na nito ang bumabagabag sa kanya. "Xhaiden has an Obsessive Love Disorder which sometimes called Obsessive Love Addiction. This condition can be classified as an obsessive-compulsive disorder (OCD). But the thing is... Xhaiden isn't obsessed with things. She's obsessed with Grant. And in her current state... she's willing to do or give up everything, even her life, just for him."

Natutop ni Angel ang bibig. Muntik na siya mapatang-ina nang malakas. Kaso ayaw niyang masupalpal ni Tita Brenda. Mahigpit niya na lang na ikinuyom ang mga kamao hanggang sa pumuti ang mga 'to. Hindi kayang iproseso ng kanyang utak na obsessed si Xhaiden sa isang gago.

_..._..._

UMAYOS SI Angel nang pagkakaupo sa five-seater na sofa at tumingin sa chandelier na nakasabit sa itaas. Pumikit siya saglit. Nagpakawala ng hininga bago tumitig kay Tita Xyria, mommy ni Xhai, na nakaupo sa pang-isahang couch katapat niya.

Napangiwi ulit siya nang makita ang ayos nito. Parehas silang naka all-black pero mas maganda namang tingnan ang ayos niya. Kung siya mala-action ang pormahan, ito akala mo Halloween party ang pupuntahan.

Magsasalita na sana si Angel pero naunahan siya nito... "How's your vacation, Angel? I heard you have a boyfriend now? Paano ang anak ko?" Nanlaki naman ang mga mata niya. Alam niyang nagbibiro lang ito. Wala naman siyang boyfriend.

Tangina! Aalat muna ang asukal bago ako magboboyfriend... ulit, naisip niya.

"Don't cuss, Sweetie! It ruins your pretty name." Ngumiti ito't natulala naman siya.

Nakalimutan niya, psychologist nga rin pala ito. Hindi lang nagtrabaho katulad ni Tita Brenda. Kaya wala ring silbi na pumunta siya rito para ipaalam na may OLD si Xhai. Simula pa lang, alam na nito. Ito rin kasi ang nakadiskubre na may DID si Xyrene.

Ipinaliwanag kay Angel ni Tita Brenda kung ano ba talaga ang OLD. Isa itong disorder na ang taong meron nito'y hindi kayang kontrolin ang sarili sa oras na maobsess sa isang bagay o tao. Ang problema si Xhai... obsessed kay Grant.

"You can ask me anything you want. I knew that this would happen but I didn't expect it to be this early. You really impressed me." Ngumiti na naman ito. "Nakikita ko na gusto mong bali-baliin ang mga boto ko sa katawan nang napagdesisyunan namin ni Hellix na ipakasal si Xhaiden kay Grant kahit na si Xyrene ay unconscious."

"I'm sorry, Tita..."

Bumalot ang katahimikan. Nilaro niya ang straw na nakalagay sa basong may laman na juice. Tumiklop ang dila niya. Kahit na hindi na siya magtanong alam na niya ang sagot ngayon.

"It's hard to accept that both my daughters have psychosomatic disorders." She saw tears rushing all over her face. Napayuko na lang ulit siya.

Bata pa lang sila may DID na si Xyrene o mas kilala sa tawag na multiple identity disorder or split personality. Alam na nilang lahat ang bagay na 'yon. Kaya noon pa lang masyado na silang protective pagdating kay Xyrene... lalo na si Grant.

Kung tutuusin walang tatalo sa pamilyang Roa sa sobrang closeness at sweetness na meron ang mga ito. Kahit na anong pagsubok ang dumating, matatag pa rin. Tita Xyria is weird na aminado itong hobby lang talaga nito ang mangolekta ng mga creepy stuffs pero mahal na mahal ito ni Tito Hellix.

Xyrene and Xhaiden, best twins of all time, 'yan ang title na ibibigay niya sa mga 'to dahil hindi kaya ng kambal iwan ang isa't isa. Parehas ang mga 'to ng taong minahal, iyon ang masaklap. Mahal ni Grant si Xy kaya nagpaubaya si Xhai. Kahit na palaging nananakit si Xyrene sa tuwing umaatake ang sakit nito, wala lang iyon kay Xhaiden. Kung tutuusin ang best friend talaga ni Xhaiden ay si Xyrene at hindi silang dalawa ni Brix. Kaso hindi alam ni Xyrene na mahal din ni Xhaiden si Grant.

Then Xyrus Helle Roa came, ang anak ni Tito Hellix sa labas. Nagka-anak ito noon bago pa man ito magpakasal kay Tita Xyria. Pero dahil nga almost perfect ang family na meron sila, tinanggap nila si Xyrus sa buhay nila three years ago na kasalukuyang may inaayos sa Japan ngayon. Malay niya kung ano'ng inaasikaso nito't hindi niya rin alam kung kelan ang balik nito.

Okay naman sana ang lahat? Kaso nangyari ang insidenteng 'yon last year na nagpabago sa maayos na takbo ng buhay na meron sa pamilya Roa.

I know everything happens for a reason and every problem has a solution. But this is too much. They don't deserve this at all.

"Kaya naming tanggapin ang sakit ni Xy. Pero bakit pati si Xhai?" Hindi pa rin tumitigil sa pagpatak ang mga luha ni Tita Xyria.

Napatayo siya't lumapit dito. Niyakap niya nang mahigpit. Hinimas ang likod nito dahilan para mas lalo itong mapahagulgol.

"Xyrene's still on coma." Gumanti ito ng yakap sa kanya. Hindi niya na kailangang sumagot. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito lalo na't ina ito. "I can't handle this anymore. I'm about to give up."

Inalo niya ito. "Don't say that, Tita. I know you can. Ang tapang n'yo kaya." Hinawakan nito ang mga balikat niya't inilayo siya.

"I need to let this out. Can you just listen to me, Angel?"

Wala sa sariling napatango siya dahil sa aura ng mukha nito. Umupo siya sa gilid ng pang-isahang couch na inuupuan nito. Hinapit niya ito papalapit para iparating na makikinig siya.

"Malala na ang condition ni Xhaiden," umpisa nito na nagpaistatwa sa kanya. Gustuhin niya mang umimik pero hinayaan niya lang ito na ipagpatuloy ang sasabihin. "Last November 26, the day that the tragic incident happened; that wasn't an accident, it was intentional."

"Tita!" Nagulantang siya. "A-ano'ng ibig n'yong sabihin?"

"After that, a month later... Xhaiden confessed to me." Tita Xyria let out a heavy sigh. "She told me that she planned it." Muli itong napahagulhol kaya napabitiw siya sa pagkakahawak dito.

"Tangina!" Mabilis niyang tinampal ang bibig. Hindi siya makapaniwala na kaya itong gawin ni Xhaiden. So matagal na ang OLD niya?

"Hingi siya nang hingi ng tawad. She planned that hiking for all of you, right?"

Napatango siya. Si Xhai nga ang nagplano na maghiking sila. Xyrene, Grant, Brix, siya at ito pero hindi niya alam na may balak itong patayin si Xy. It's impossible. Alam niya kung gaano kamahal ni Xhaiden si Xyrene. Kung dahil nga sa disorder nito... naniniwala siyang grabe na nga ang kondisyon nito.

Noong araw na 'yon, kasalukuyan silang namamahinga sa lilim ng punong acacia nang magpaalam si Xhaiden na mag-uusap lang sila ni Xyrene saglit. Pumayag sila dahil sobrang close naman ang kambal. Hindi pumasok sa isip niya na magagawa ni Xhaiden 'yon. For what?

Para lang sa gagong si Grant?

Ikakasal na si Grant at Xyrene noon. Xhaiden has OLD and don't underestimate that. Magagawa ng taong may sakit na gano'n ang lahat-lahat para lang makuha ang gusto nito. Now, she really hates the word OBSESSION.

Pagkatapos ng mga itong magpaalam, ilang saglit lang umulan nang malakas na hindi inaasahan nina Angel. Kaya sumunod si Grant. Ilang minuto lang, humabol rin sila ni Brix. Kaso hindi nila inaasahan ang nadatnan. Ayaw na niyang alalahanin.

"Because of their conditions, my twins were hurting each other without realizing it," patuloy ni Tita Xyria. "I don't know what to do, even Hellix." Patuloy pa rin ang pag-iyak nito kaya napayakap na lang ulit siya rito. "Hindi tama ang ginawa naming pagtago kay Xyrene. But she's on coma. Hindi namin nasisiguro kung walang gagawing masama si Xhai sa kanya para lang makuha si Grant." Pinunasan nito ang luha sa mukha.

"S-She even knelt in front of us, Hellix, and begged..." Lumuhod si Xhaiden? "Para hilingin na siya na lang ang ipakasal kay Grant. Sinabi niyang sa oras na hindi namin sundin ang gusto niya, magpapakamatay siya."

Muntik na siyang mapa-tangina. "She really did that, Tita?" Sinabi na rin ni Xhai ito sa kanya, pero hindi niya akalain na seryoso pala talaga ito sa bagay na 'yon.

OLD really sucks.

"Yes, we don't have a choice. Comatose si Xyrene. Hindi namin alam kung kailan magigising o kung magigising. Kaya hindi ko hahayaang pati si Xhaiden... mawala sa 'min."

_..._..._

Xhaiden Heather Roa's POV

MASAMA ANG kutob ko. Hindi ko maintindihan kung ba't ginawa ni Angel sa 'kin 'yon. Hindi naman ako baliw. Pero kung kausapin nila ako ni Tita Brenda pakiramdam ko may mali sa 'kin.

Tumunog nang malakas ang tiyan ko. Inilibot ko ang paningin sa silid. May wallclock sa pader. Wala akong ideya kung alas-tres na ba ng hapon o madaling araw. May calendar din sa tabi ng orasan kaso hindi ko alam kung anong date na.

Ilang araw na ba akong nandito? Nababahala ako. Paano kung hindi ko madatnan si Grant sa oras na umuwi ako? Doon... tiyak na masisiraan na ako ng ulo.

Bumangon ako't umupo sa gilid ng kama. Ilang oras na ba akong hindi kumakain? O baka naman araw na? Nasaan ba si Angel at ano'ng pinagkakaabalahan niya?

Gusto ko nang lumabas. Pero hindi ko mapapakiusapan si Gel na tulungan ako dahil siya ang may pakana nito. Hindi rin p'wede si Brix. Dumaan man ang jeep sa istasyon ng MRT, mama niya pa rin si Tita Brenda.

Kaya sa pagkatataong ito, si Silver na naman ang malalapitan ko. Sana lang... matulungan niya ako. Madalas siyang to the rescue 'pag kailangan ko siya.

Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng mini table katabi ng hinihigaan ko. Mabuti na lang hindi 'to kinuha sa 'kin ni Tita Brenda. Tinawagan ko si Silver. Kinabahan ako, dalawang putol na pero hindi niya pa rin sinasagot.

Sa ikaapat na try, narinig ko ang boses niya. Medyo hinihingal pa. "You... okay?" Malalim ang kanyang boses pero hindi masakit sa tainga. Mabilis ang kanyang paghinga. Ano ba'ng ginawa nitong si Silver at parang pagod na pagod siya?

"Nakakaabala ba ako? Sige... ibababa ko na lang—"

"No! Ayos lang..." Tumigil siya saglit. Narinig ko ang pagbuga niya ng isang mahabang buntonghininga. Hindi kayang sisirin.

"M-May problema ka ba?" Nag-alangan ako kung papakiusapan ko pa siya gayo'ng mukhang pasan niya ang planeta.

"Narinig ko na ang boses mo... okay na ako—" Bigla siyang umubo. Umawang bibig ko. "Ba't ka ba tumawag, daga? May problema ka na naman ba?" Tumawa siya nang mahina. Inaasar ako. Pero hindi ko makita ang expression ng mukha niya kaya hindi ako sigurado.

Tinawag niya na naman akong daga. Alam niya kasing adik na adik ako kay Mickey at Minnie mouse.

"P'wede bang itakas mo ako?" Sinabi ko sa kanya ang eksaktong kinaroonan ko. Kahit hindi ko kilala ang pagkatao niya, pakiramdam ko... safe ako sa kanya. Magaan ang loob ko. Hindi agad siya sumagot. Ang bilis ng tahip ng dibdib ko. Sana pumayag siya. Gusto ko na talagang umuwi. "S-Silver...?"

"Give me seventeen minutes..." Ibinaba niya ang tawag. Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ko sa kanya. Minsan tuloy nagtataka ako kung sino ba talaga siya? Bakit ayaw niyang magpakilala? Pero madalas... naiisip ko na mas okay na 'yong ganito.

Umibis ako sa kama. Inayos ko ang sarili. Lumabas ng silid. Nakimatyag pa ako sa paligid. Maliit lang naman ang lugar. Pagmamay-ari 'to ng mga Flores. Hindi hospital. Para siyang clinic. Mas malaki lang nang konti.

Lumabas ako ng main entrance. Gano'n na lang ang saya ko dahil nakapuslit ako sa guard na inaantok. Pumihit ako. Muntik na akong tumaob nang mabangga sa isang matangkad na bulto. Tumigil ako sa paghinga. Pero bumilis ang pagrelease ng dugo ng puso ko. Napasinghap na lang ako. Tiyak kasi na hindi na ako makakatakas nito.

"Where are you going?" Nagsalubong ang mga kilay niya. Mahinahon ang boses niya pero tila hinagisan ako ng granada.

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 64K 56
There's no such thing as a number of heartbeats. As long as your heart knows what forever means . . . It's possible that even in the afterlife, it m...
68.3K 1K 68
Kevin wants his wife to have her own sense of individuality. He wanted her to spread her wings and achieve her own dreams. He's happy to see her happ...
41.5M 828K 61
Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything turns upside down.
25.6M 304K 72
Now a published book under Summit Media. Php 195.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) 3W8L Book 2 is divided into two parts, so th...