CHASE (P.S#1)

Bởi Yoonworks

272K 10.8K 5.2K

"Hindi ako pumapatol sa walang boobs..." Punyeta. Xem Thêm

Notice
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
49
50
Chase
Epilogue

48

4K 155 71
Bởi Yoonworks

Bumalik...


"Remind me why we have to be here? Dapat nagdate na lang tayo e," nakangusong reklamo ni Chase habang nakapatong ang ulo sa aking hita.

Nasa tambayan kami kasama ang mga pinsan niya. May meeting kase ang mga prof kaya suspended ang klase pero magreresume din naman mamaya. Hindi ko ba alam kung bakit ang ending ay napunta kami dito lahat. Pati nga si Xantha at Cinco nandito, parehong nagbabasa. Magpinsan talaga samantalang si kuya Aedree panay istorbo kay Xantha. Medyo malaki naman tong place and madaming benches kaya kasya naman kami. Si Kuya Ice at Ulap lang ang wala, hindi ko alam kung nasaan. Dagdag mo pa si Kuya Milan na may date daw.

Napalingon ako kay ate na nakabusangot ang mukha. Okay lang kaya siya?

Nagulat pa ako ng mapalingon siya sakin. Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay.

"Quota ka na sa kakaharot sa kapatid ko Keso. O.A ka na ha. Halos samin ka na din tumira. Akala mo ba dorm bahay namin?" nadinig kong turan ni ate. Nilalaro ng isa kong kamay ang buhok ni Chase habang ang isa naman ay hawak ang aking phone. I'm bored.

Nakapikit lang si Chase at ni hindi nag abalang magmulat ng mata para lingunin ang kapatid ko.

"Kung naiinggit ka Dakota, punta ka din samin. Pasimple ka pa e wala namang pipigil sayo," sagot ni Chase at natawa pa ako ng batuhin siya ng panyo ng kapatid ko.

Umupo si Chase na ngingiti ngiti, ang isa niyang kamay ay agad niyang ipinalibot sa aking balikat at hinapit ako pausog sa kanya.

Nakagat ko ang aking labi sa kaba. Pakiramdam ko, sa bawat araw na dumadaan ay mas lumalakas ang tibok ng aking puso. Hanggang ngayon ay hindi pa din nasasanay ako puso ko sa presensya niya. Tsaka habang tumatagal ay mas lalo siyang lumalandi.

Siyempre narealize ko na talaga na marupok ako kaya go with the flow lang.

Nung isang araw muntik na kong himatayin. Naglalakad ako sa hallway ng may biglang yumakap sakin patalikod. Grabe tuloy ang simangot ni Xantha. At ang malandi na to palagi na lang hinahalikan ang likod ng ulo ko habang nakayap sakin.

Sino ba ang hindi rurupok lala na't halos lahat yata ng estudyante napapalingon samin. Lahat na lang ng kaharutan. Isa pa ay wala siyang pinipiling lugar. Laban lang ng laban. Yung mukha nga namin tambay na din board ng campus online site e.

It's just that, everything feels so surreal. Palagi niya akong sinusundo sa klase, hinahatid sa susunod, hatid sundo sa bahay. Minsan nga nababalibag na kami nila kuya Milan kase nasusuka na daw saming dalawa.

"Bakit naman ako titira sa inyo e may bahay naman kami? You stop molesting my sister. Puro ka tyansing dyan!" naiinis na turan ni ate. Eversince she openly acknowledged me as her sister, napakashowy na din niya sa pagiging protective sakin. Sometimes I find her concern so cute.

Kapag nahuhuli niyang pumupuslit si Chase sa kwarto ko ay sinisipa niya to lagi palabas tuwing umaga.

Oo, halos samin na tumira tong si Chase, specifically sa kwarto ko. But we don't really do anything besides kissing and hugging. O sige kaunting makeout but that's just about that. Madalas ay nakahiga siya sa kama ko kapag may ginagawa akong mga assignments or projects. O kaya naman we do movie nights together. Minsan din kase ay may kakatok at magugulat na lang kami na nandyan na din ang magpipinsan sa baba.

The past few weeks had been so amazing. Napupuno ang buhay ko ng pagmamahal na ni minsan hindi ko inexpect. Kase hindi naman ako dumayo dito para magkalovelife. Binigay na lang siya bigla sakin kaya pakiramdam ko sobrang mahal talaga ko ni God.

Napatingin ako sa gawi ni Chase. Sobrang aliwalas palagi ng mukha niya. Tuwing naaalala ko kung paano ko siya pinaiyak ng sobra dati ay mas lalong tumitindi ang kagustuhan kong bumawi sa kanya.

But he never lets me.

Minsan ko ng itinanong sa kanya yan. And naging sagot niya lang sakin, "Yung problema sa relationship, nangyayari talaga yan Andrea. Kalimutan mo na yung babawi ka sakin. I have faults too. May kasalanan din ako. Ayokong isipin ko na yung mga ginagawa mo para sakin ay dahil bumabawi ka lang. Gusto ko dahil mahal mo ako. Ganoon lang, dahil mahal natin ang isa't isa,"

I got so lucky.

Napansin ko ang nakakaloko niyang ngiti habang nakatingin sakin.

"Papanagutan ko naman si Andrea kaya huwag ka dyan inggitera,"

Punyeta. Parang tatalon na yung puso ko.

"Huminga ka Andeng. Gago ka Keso kapag hinimatay babae mo dyan huwag mo kaming aanuhin," si Kuya Aedree. Napahawak tuloy ako sa aking pisngi dahil si Chase ay nahatak na ako at ibinaon ang aking mukha sa kanyang dibdib.

Punyeta mamatay kayo sa inggit.

Bahagya akong umatras para simangutan si Chase pero ang walangya, balak yata talaga akong patayin dahil kinintalan naman ako ng halik sa noo. Weakness ko yun e. O lahat yata sa kanya weakness ko.

"Bilib talaga ko sa karupukan ni Andeng. Nakakaamaze," nadinig kong bulong ni Cinco. Pailing iling pa siya habang ang atensyon ay nasa libro pa din. Aawayin ko na sana siya ng magulat ako sa kumalabog. Napakapit tuloy ako kay Chase.

Ano ba yun?

"Lantis can you stop that?" Si Julio.

Sinilip ko kung ano ang tinitignan niya at muntik na kong mapamura ng marealize ko na nasa gilid pala ni Julio si Lantis. Pero bakit parang nakaupo siya sa sahig?

Ayan na naman siya, para siyang kabute na hindi lagi mapakali.

Umusod ako ng konti para masilip siya.

Para siyang nagsusulat sa sahig na ewan. E ano yung kumalabog?

Nagkibit balikat na lang si Chase.

"Kuya bakit ang tagal naman nung order mo?" umuungot na sabi ni Lexo sa Kuya Aedree niya. Nagtatantrums yung bata. Wala kase kuya Ulap niya. Palaging busy. Sabi ni Chase may tutor daw. Parang assigned ng prof para makuha ni Ulap yung isang unit niya. Kase muntik na yata niyang nabagsak yung pre-requisite na subject and binigay lang sa kanyang option is to have a study buddy.

Naalala ko tuloy yung cute na babae last time, yung si Barbara, o Bobbie ba yun. Palagi ko sila nakikita ni Ulap na nagkukulitan. Nakakatawa nga nung minsan nakita ko si Ulap na parang may tinataguan, si tanga nadapa sa kakamadali.

"Si Kuya Milan mo na lang daw magdadala, padating na," sagot ng kuya niya.

"Akala ko ba may date si Kuya? Nakadiri si Kuya. Ayokong manlait pero swear, pangit kadate. E parang kuko lang ni Grey yun e- aray ko naman kuya!"

"Gago kang bata ka. Kapag may nakarinig sayo dyan," si Julio na sinapok si Lexo. Yung isa naman hinimas himas ang batok.

"Stop hitting him," bulong ni Lantis na nakapagpadila ka Lexo sa kuya niya.

Napailing ako.

"Totoo naman kase. Kati kati din neto ni Kuya e hindi naman naggegirlfriend. Ikaw din kaya Kuya Julio. Ako talaga hindi ka mag kakababae, oh, wag mo kong hahampasin, Kuya Aedree wohhhh!"

Natawa ako sa itsura ni Lexo. Naka-ex yung braso niya na akala mo kakaratehin si Julio. Yung isa naman gigil na gigil na.

"Huwag kayong makulit na dalawa dyan,"


"Ikaw dyan ang huwag makulit. Umusod ka nga!" si Xantha naman ang nanunulak kay Aedree. Hindi ko ba alam bakit ang gulo gulo namin.

Napangiti ako. Okay lang siguro na ganito kami araw araw.

Habang nagkakasayahan ay biglang tumunog ang phone ni Chase. Tuloy lang kami sa asaran kahit pa nga binunot na niya ang phone niya. Baka si Kuya Milan niya yun.

He was reading the message on the phone at napalingon ako sa kanya ng bigla siyang bumuntong hininga.

"Are you okay?" nag aalala kong tanong. Sa tagal namin at dahil na rin madalas kaming magkwentuhan lately, nasabi na din niya mga gulo pati ng pamilya nila. Even Grey's condition.

He stared at me for a moment. Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako.

"She's coming back..." bulong niya. Nagsalubong ang aking kilay.

Sino daw babalik?

"Cheska..." dagdag niya at maging ang aking pakiramdam ay bumingat na din.

I'm not afraid of seeing Cheska again. May tiwala ako kay Chase. What I am worried about is yung effect niya kay Lantis at kay Chase na din. Nagka anxiety din si Chase dati.

My hands cupped his cheeks and smiled at him lovingly. Ayan na naman, lumungkot na naman siya. Pakiramdam ko ay kumirot ang aking puso.

Akala ko pa naman okay na. Ano na naman ang kailangan ni Cheska? Akala ko ba nagappagamot na siya doon?

--------

Malapit na matapos. :) Ang ingay niyo sa group. Sakit kayo sa bangs

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

32.8K 1.3K 125
- in which Cassandra Navarro have a crush for Raizer Montalvo the snob one, whom she shamelessly kissed on the lips when she got the opportunity, but...
2.2K 417 91
Eira is a renowned streamer, deeply passionate about playing video games. On the other hand, Kairo is widely recognized for his academic achievements...
8.3K 1.6K 39
They say, "variety is the spice of life". It adds flavor to your dull and monochromatic esse. It makes it more interesting and exciting. But not for...
3.4K 353 43
[Completed] Salem Ysabel Joson convinced herself that she was content of being numb- just generally devoid of any emotion. Given the fate that she ha...