The Jerk is a Ghost

By april_avery

13.6M 607K 135K

Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay... More

The Jerk is a Ghost
The Jerk: One
The Jerk: Two
The Jerk: Three
The Jerk: Four
The Jerk: Five
The Jerk: Six
The Jerk: Seven
The Jerk: Eight
The Jerk: Ten
The Jerk: Eleven
The Jerk: Twelve
The Jerk: Thirteen
The Jerk: Fourteen
The Jerk: Fifteen
The Jerk: Sixteen
The Jerk: Seventeen
The Jerk: Eighteen
The Jerk: Nineteen
The Jerk: Twenty
The Jerk: Twenty One
The Jerk: Twenty Two
The Jerk: Twenty Three
The Jerk: Twenty Four
The Jerk: Twenty Five
The Jerk: Twenty Six
The Jerk: Twenty Seven
The Jerk: Twenty Eight
The Jerk: Twenty Nine
The Jerk: Epilogue
The Jerk: Special Chapter

The Jerk: Nine

401K 18.3K 3.4K
By april_avery

Nine,

Magdidilim na nang makauwi ako sa bahay. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Nadatnan kong nakaupo si Dad sa couch sa sala at nanunuod ng weekend news. Si Mama naman ay nasa kusina. Nalanghap ko agad ang magiging dinner namin.

"Hey, Dad." bati ko.

Napalingon siya sa akin. "Saan ka galing, anak?"

Sumilip si Mama mula sa kusina. "Nakauwi na si Mindy noong hinatid namin ang Mama niya. Bakit ngayon ka lang, sweetie?"

All of a sudden I want to hug my parents. "Nagpasama kasi yung classmate ko, Ma." sagot ko.

"Nagpasama saan?" asked Dad inquiringly, his lawyer instinct kicking in.

"Sa Hospital." I mumbled. You can never lie in front of Dad. "Sinamahan ko siya na bisitahin yung classmate namin na kasama sa accident."

Umaliwalas naman ang mukha ni Mama. "Oh, kamusta na ang classmate niyo?"

I shrugged and tried to sound unconcern. "Comatose." Iniba ko agad ang usapan. "Nasaan nga pala si Danny?"

"Nakikipag laro sa mga apo ni Lala. Tawagin mo na siya at kakain na tayo."

Tumango ako at bumalik sa labas. Pagbaba ko sa balcony paalis na ang pulang sasakyan sa driveway sa kabilang bahay. Mukhang pauwi na ang anak ni Lala na si Mrs. Herera at mga apo nito.

Kumaway ako saglit sa bintana ng sasakyan nang makita ang mukha ng five year old na si Ella na kumakaway sa akin. Ngumiti ako kay Mrs. Herera bago dumerecho sa pinto ni Lala. Eksakto naman na bumukas ang pinto at lumabas ang dalawa.

"Nandito na pala ang ate mo, Danny." Lala told my little brother. Napansin kong may hawak na plastic ng assorted candy si Daniel gaya ng lagi niyang iniuwi kapag pumupunta siya kay Lala.

Kumaway si Lala sa paalis na sasakyan bago humarap sa akin. "Nasaan na ang kasama mo, Delia?"

Natigilan ako sa pagpupunas ng bibig ni Daniel na may chocolate. "Kasama ko?" She never insisted on calling her Granny or anything resembling her real age. "Nasa bahay na si Mindy, Lala."

"Hindi si Mindy ang tinutukoy ko. Yung kasama mong umalis ng bahay niyo kanina. Yung lalake."

Natigilan ako at halos mabitawan ang panyong hawak ko. "Lalake?"

Tumango ito nang nakangiti. Napatingin siya sa bintana ng kwarto ko sa second floor. "Kaninang tanghali ka pa niya hinihintay sa kwarto mo."

Nanlaki ang mga mata ko. Nakikita niya si Ashton! "Nakikita mo siya, Lala? Y-Yung lalake?"

She shook her head as if to say no. Naguluhan ako. "Hindi ko siya nakikita, Delia. Nararamdaman ko siya."

Nagpalipat lipat ng tingin si Daniel sa aming dalawa ni Lala. "Danny, pwede bang mauna ka na sa bahay? May pag uusapan lang kami ni Lala." Kumunot ang maliit niyang noo at nag pout. "Sige na. Susunod ako." halos pakiusap ko.

Inalog alog niya ang plastic na hawak niya na para bang pinag isipang mabuti ang sinabi ko. "Okay." he muttered saka siya tumawid sa bakuran ni Lala papunta sa balcony namin. Nang buksan ni Dad ang pinto, kumaway ako at sinabi na susunod ako agad. Nang pareho na silang nasa loob ng bahay humarap ako kay Lala.

"Lala, alam mo ba kung ano siya?"

Naupo si Lala sa paborito niyang rocking chair na kulay pink. "Ang alam ko lang hindi siya tao." malumanay sa sagot niya. "Masyadong manipis ang presensya niya para maging tao."

"Lala, nakakakita ka ng mga multo?"

Marahan siyang natawa. "Iba ang multo sa mga espirito, Delia. Ang asawa ko ay isang multo. Ang kasama mo ay maaaring isang espirito. Espirito na wala sa kanyang katawan."

I never knew Lala has this ability. Ang buong akala ko mahilig lang talaga siyang mag-imbento ng kwento para sa mga apo niya at kay Daniel. Hindi ko alam na maaring totoo ang mga yun.

"Kung ganun matutulungan mo ba siya, Lala? Alam mo ba kung bakit siya nandito?"

Nakangiti siya sa akin na para bang napaka normal na bagay ng topic namin. "Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan?"

"Pero wala siyang nasabi sa akin. Hindi niya alam ang nangyari sa kanya. Wala siyang maalala sa araw ng aksidente at bago ito."

Lala gently leaned on her rocking chair. "Then it's really unfortunate, isn't it? Dahil ang alam ko dito nakasalalay kung makakabalik pa sila."

Natahimik ako sa sinabi niya. Makakabalik si Ashton. Hindi ako dapat magduda doon. Pero paano kapag hindi niya nagawa ang dapat niyang gawin?

"Lala, sa tingin mo anong kinalaman ko dito? Bakit ako lang ang nakakakita at nakakarinig sa kanya?"

She faced me with a mysterious smile. "Bakit hindi mo tingnan? May mawawala ba sayo kung tutulungan mo siya?"

Naalala ko si Reese at Micko, ang mga sinabi ni Reese at ang iba pang kaibigan ni Ashton. Malaki ang mawawala sa akin. Magugulo ang buhay ko. Mahihirapan na akong iwasan sila. Pero... Pero paano si Ashton?

Noong gabing yun nakatitig ako sa kisame at ini-isip ang sinabi ni Lala sa akin. May rason kaya hindi makabalik si Ashton. Pero wala sa amin ang nakaka alam kung ano ito. At kung ano man yun, magagawa niya kaya ito kahit wala ang tulong ko? Bigla akong nakonsensya sa ginawang pag iiwan sa kanya. Nasaan kaya si Ashton sa mga oras na ito?

Nagising ako kinabukasan ng mas maaga pa sa alarm clock ko. Pag gising ko, naupo ako sa kama at napatingin sa kwarto, umaasa na bigla nalang susulpot si Ashton kung saan. Pero wala siya. Kagabi hinintay ko din ang pagdating niya. Pero naging tahimik ang pagtulog ko. Walang kahit anong ingay at gulo. Mukhang wala na talaga siyang balak kausapin ako.

Matapos magbihis at kunin ang mga gamit ko, pumasok ako sa kusina. Nandoon si Dad at si Mama.

"Someone's early." My Mom said.

"Nasabi ng kapatid mo na may kasama kang lalake kahapon." pasimpleng tanong ni Dad habang nakaharap sa laptop. "Is that true?"

Pakiramdam ko nasa court room ako kapag binabangit ni Dad ang tanong na yun. Is it true that you have an affair with this man? Is it true that you murdered this woman with a scissor? Well you get the picture.

Bumuntong hininga ako. "Dad, Danny is just messing around."

"Pero sabi ng kapatid mo nakita daw ito ni Lala." Mom chirped in. I mentally face palmed. Si Daniel talaga.

"It's just a misunderstanding, Ma." I answered.

I'm not exactly lying. Hindi naman nakita ni Lala si Ashton in the first place. Naramdaman niya ito. And we had this deal last night. Nangako siyang walang pagsasabihan ng tungkol kay Ashton.

"I will ask Lala then." Mom said with a smile as if expecting me to reveal the truth once and for all.

I smiled sweetly. "Sure, Ma."

Sumabay ako kay Dad sa pagpasok gaya ng dati. Bago kami umalis napatingin ako sa second floor kung nasaan ang kwarto ko. Still no sign of Ashton. Bumuntong hininga ako at pumasok sa loob ng sasakyan. Nakarating kami sa harap ng gate ng school. Hindi pa man ako nakakababa nang naririnig ko ang pangalan ko.

"Delia!" Tumatakbo si Mindy papunta sa akin. Nakita ko sa likod niya ang sasakyan ni Mrs. Melany na pabalik na sa direction ng street nila.

"Whoa. Ang aga mo ata." nakangiting bati ko.

She smiled while panting. "Bawal malate. Part of the counseling." sagot niya. Nagpaalam kami kay Dad bago naglakad papasok sa school.

Ang buong akala ko, kami na ang pinaka maagang pumasok. Pero nang mapatingin ako sa parking lot, the place is uncharacteristically full. Nakita ko ang ilan sa mga kaklase ko na tila inaantok pa habang nag uusap sa labas ng kanilang mga kotse.

Meanwhile sa flag ceremony, medyo nagkagulo noong sinabi ng Principal ang tungkol sa nangyaring accident last weekend. Madami parin ang hindi alam ang nangyari, especially lower years. But coincidentally all the seniors are unusually quiet. Lalo na noong sinabi ang pangalan ng mga casulaties, two are from Saint Augutus, and the worst case is from Jefferson High.

Out of nowhere napatingin si Reese sa akin nang sabihin ang pangalan ni Ashton. Sandali lang ito but it was enough to make me tensed. Naalala niya ba ako from the Hospital? Crap. And here I was thinking na sa dami ng mga bisita sa kwartong yun nakalimutan na niya ako.

"Why do they always have to remind us about that certain moment? Can we just all move on?" Mindy muttered while we line up to our respective rooms.

Gusto kong sabihin kay Mindy ang nangyayari at nakikita ko. But it seems like I'm breaking an essential rule or something. Baka may mangyaring hindi maganda kay Ashton kapag ginawa ko yun.

"Hey, kanina pa malalim ang ini-isip mo."

Mindy poked my back. Nasa room kami at naghihintay ng last subject before lunch. I peel away my gaze from Ashton's vacant seat. Dati lagi kong ini-iwasan na mapatingin doon. Pero ngayon pilit ko itong tinititigan, hoping that if I stared hard enough he will suddenly pop out of nowhere.

"It's nothing. Naaantok lang ako." sagot ko.

Some people are worst than what I feel. Mapapansin mo kung sino ang kasama sa accident. Ilan sa kanila nakatunganga lang buong umaga. Ang dating mga life of the party halos hindi nagsasalita. Karamihan din napapatitig sa bakanteng upuan ni Ashton Montecillo. The school reminds them of the accident more than anything. And for sure bumalik ang pagiging traumatized nila sa nangyari.

Dumating ang lunch at pumunta kami ni Mindy sa usual table namin sa sulok. Wala ang dating ingay ng cafeteria gaya ng huli kong natatandaan. I gripped my tray of food as I passed the popular table. Last Friday lang nandoon si Ashton kasama ng barkada niya at nagtatawanan.

Narinig ko ang usapan sa kabilang table namin. "Mabuti lang yan sa kanila." tukoy ng isang lalake. "Para maiba naman. Kung tutuusin kasalanan din naman nila ang nangyari."

Tumango ang kaharap nitong babae. "Kailangan pa kasi ng ganitong aksidente para magtino sila."

"Pansin mo, walang pinagtripan ang grupo nila ngayon." another girl said. "Even that bitch Reese is laying low. Sana everyday ganito."

Gusto kong tumayo at sabihin na hindi dapat sila humihiling ng ganung bagay. But I can't deny the fact that they have a point. Mas madami ang nakakagalaw ng maayos dahil hindi sila nag aalala na mapapansin ng isa sa grupo. And for the first time napansin ko na ang cafeteria ay para sa lahat. Hindi lang para sa grupo nila Reese at Micko.

"Ano bang problema ng Reese na yun? Bakit ba siya tingin ng tingin dito?"

Muntik kong mabitawan ang orange juice na ini-inom ko. Tiningnan ko ang tinutukoy ni Mindy pero sa iba na siya nakatingin. Bumubulong si Reese sa isa sa mga kasama niya.

"Kanina pa ba?" tanong ko.

Tiningnan ako ni Mindy na nagtataka, her mouth full of chunks of cookies. "Sort of." Nanlaki bigla ang mata niya. "Baka naman alam na niya ang pinag gagawa natin sa Hospital."

I shrugged. "Imposible yun." I said as casual as possible. "The nurse didn't even know our names."

"Sabagay." sagot nito at nagpatuloy sa pagkain. Samantalang ako nawalan na ng gana.

Natapos ang araw na iniwasan kong makasalubong si Reese at Micko sa corridor and even sa loob ng classroom. Pakiramdam ko isa na ito sa pinakamahabang school days na naranasan ko. Pag uwi ko sa bahay, nandoon na si Mama at Daniel. Nasa sala sila at mukhang gumagawa ng assignment.

"May brownies sa kusina, sweetie, kung gusto mong mag meryenda."

Tumango ako at sinabing ilalagay lang sa taas ang gamit ko. Pumasok ako sa kwarto ko at wala sa sarili na pinatong ang mga gamit ko sa kama. Paalis na sana ako nang may magsalita.

"Hey,"

Lumingon ako sa sulok ng kwarto at nakita siya. Si Ashton na naka lean sa wall ko at pinag mamasdan ako. I open my mouth to say something pero walang lumabas sa bibig ko.

"What?" he asked.

"Akala ko hindi ka na magpapakita sa akin," I answered almost in a whisper.

Nag tss siya. "Para namang may pagpipilian ako."

Pilit kong hindi pinansin ang sinabi niya. Kailangan kong masanay sa walang modo niyang ugali kung gusto ko siyang tulungan—

"Sorry na."

Natigilan ako at napatitig kay Ashton. Wait, what? Bumuntong hininga siya at napakamot sa ulo.

"Kahapon sa Hospital," sabi niya. "Tama ka. May pagka gago ako."

Eh? Si Ashton Montecillo nagso-sorry sa akin?

"Kalimutan mo na yun," sagot ko. What am I supposed to say? This is really awkward.

Ngumiti siya sa akin. That signature smile of his, half grin and half amused smile. "Kapag nakabalik ako, babawi ako sayo."

***

Author's Note:

Imagine Reese's reaction kapag nalaman niya ito lol. Some ships are sailing haha! I'm starting to love #DelTon.

Thanks for reading guys! Until the next update!

@april_avery

Official twitter hashtag: #TJIAG

Continue Reading

You'll Also Like

134K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...
6.1M 267K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
1.3M 57.1K 42
Kingdom University Series, Book #4 || Learning from this guy is not as easy as I thought it would be.
62.5K 2K 6
Huwag kang maghahamon sa gitna ng dilim. Huwag mong uusyosohin ang hindi mo kayang makita. At huwag mong hanapin ang hindi mo kayang harapin. Tatlong...