HF 2: His Thantophobia

By propername

381K 5.5K 925

He is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 29*
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epalogs
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue & Author's Note
APOLLO'S STORY

Chapter 20

8K 88 8
By propername

"Kuya Keith!"

Masiglang sinalubong si Keith ng mga bata pagkarating na pagkarating namin sa Children's Haven. Magkakasabay kaming pumunta roon. Pinayagan ni Matt si Cheska na sumama para raw may kasa-kasama ako kahit papaano. Syempre, dahil sila nila Keith ang organizers ng event, magiging busy sila at baka hindi raw ako masyadong maasikaso ni Keith.

Actually, I wouldn't mind. Pero mas masayang kasama rin ang bestfriend ko.

"Hey!" bati ni Keith sa mga bata. Lumuhod siya at sinalubong ang mainit na yakap ng mga bata.

It was a must-see. Seeing him with kids makes him look more adorable and pleasing to my eyes and heart. Ganoon din si Matt. Apparently, Luke wasn't able to show up. Hindi namin alam kung bakit. Baka abala pa rin sa pagsuyo sa matigas at malamig na puso ni Grace.

Mukhang talagang mahal na mahal ng mga bata sina Keith and vice versa. Pulos mga nakadikit ang mga ito sa kanya. They are so cute! Hindi ko tuloy ma-imagine na nagawang ulilain ang mga ito ng mga magulang nila. Ayon kasi kay Keith, 80% ng population ay iniwan nalang basta sa labas ng orphanage. Ang 10% ay mga batang naglayas dahil sa pang-aabusong natamo sa sariling pamilya. At ang natitirang 10% ay mga batang naulila nang maaga at walang kumupkop na mga kamag-anak.

"Sino po siya, Kuya?" tanong ng isang batang babae na naka-pigtails. I smiled at her.

Napatingin sakin si Keith saka ako inakbayan. "Ito si Ate Glenn. Siya yung may hawak ng dulo ng string ko."

Napangiti ako lalo. Naikwento sa akin ni Keith ang ikinuwento niya noon sa mga bata nang magtanong ito tungkol sa usaping "love life". Sinabi niya na bawat tao raw ay mayroong strings. Dalawang tao sa isang string. Minsan daw hindi lahat ng tao, nakikita agad-agad ang tao sa kabilang string dahil sobrang haba ng string. Sa sobrang haba ng string, ang tagal bago mahanap ng isa ang may hawak ng kabilang dulo. Kapag nakita mo na raw ang taong may hawak niyon, magbubuhol nang tuluyan ang string hanggang sa hindi na magkahiwalay pa ang dalawang may hawak ng isang string. That is "marriage". But of course, the average age of the kids is 10 and below so they took the story literally.

Kitang kita ko ang pamimilog ng mga mata nilang lahat. Pati bibig, nag-shape O na rin.

"Wow! Ilang years po, Kuya, bago mo nahanap si Ate?" tanong ng isa pang batang babae na may kulot na kulot na buhok.

"I don't know. 16 years old ako nang makilala ko siya eh," sagot ni Keith.

Tumango ang isang batang lalaki at nagbilang sa daliri. "One... two..." Kapagkuwan ay natingin siya sa taas habang nag-iisip. "Dahil 7 years old pa lang ako, 9 years pa bago ko mahanap yung may hawak ng kabilang string ko. Bakit ang tagal pa?"

Ginulo ni Keith ang buhok ng bata. "Ganoon talaga yun. Hindi ka rin sigurado na 16 years old mo rin makikita ang may hawak ng kabilang string mo. Basta, maghintay ka lang. Wag kang magmamadali. Ang bata, hindi pa iniisip ang mga ganong bagay. Ang nasa isip pa nila, pag-aaral at paglalaro. Speaking of laro, sino ang gusto nang maglaro?"

Mabilis na nagtaasan ng mga kamay ang mga bata na may kasama pang pagsigaw. Ang bibibo nilang lahat. Nakakatuwa. May ilang kumakausap sa akin. May ilang nakikipagkwentuhan. Meron pa ngang mga batang babae na nagpaipit sa akin. Ganoon din kay Cheska. Cheska became more fond of kids since she is going to have one, too, soon.

"Gusto ko ang anak naming panganay ay babae. Para may maiipitan din ako," sabi ni Cheska habang pinupuyudan ang blonde na batang babae.

"Eh ano ba ang gusto ni Matt?" tanong ko. Fini-fishtail ko yung buhok ng batang rich mahogany ang kulay ng buhok.

"Gusto niya ay lalaki. Syempre, ganon naman lagi. Para raw may magdadala ng apelyido niya," nakangusong sabi ni Cheska. "Anyway, kahit alin naman. Pero mas gusto ko talaga ang babae."

Bigla akong natulala... at napaisip. Kung natuloy ang kasal namin ni Keith noon, may anak na kaya kami ngayon? Kung meron man, babae kaya o lalaki? Lihim akong napabuntong-hininga.

"Hey, Glenn..."

"Hmm?" Mabilis kong binalingan si Cheska.

"Kailan niyo balak magpakasal ni Keith?"

Ang tagal bago ko nagawang makasagot. "Hindi ko alam."

"Anong hindi mo alam?"

Lalo tuloy akong nalungkot. "I-I don't know. Ever since I went back here, he haven't mentioned anything about marriage or wedding or... err."

"Baka naman may hinihintay lang siyang hint galing sayo? Ready ka na bang magpakasal sa kanya... for real?"

"Yes, of course," I instantly replied. "Hinihintay na hint?" Meron ba?

Then something popped up in my mind. I fished out the necklace inside my bag. Actually, matagal ko nang gustong isuot yun pero gusto kong sorpresahin si Keith... kung maso-sorpresa man siya. Dinala ko nalang ngayon dahil nagmamadali na kami kanina. Hindi ko na nagawang isuot.

"OMG! What's that? It's so pretty!"

Tiningnan ni Cheska yung kwintas. Kitang kita kong nagagandahan nga talaga siya doon sa kwintas. Who wouldn't? It's gorgeous!

"Sabi niya noon sakin, suotin ko yan kapag handa na akong pagkatiwalaan siya ulit. And I am trusting him for so long already but I still haven't wore that yet."

"Why?"

"Hindi ko alam kung kailan ko isusuot."

"Look, o. It's so pretty diba?" sabi ni Cheska habang pinapakita yung kwintas sa mga batang babaeng nakapalibot sa amin. Lahat sila namangha nang makita yung necklace.

"Ang ganda! Saan po yan galing? Mamahalin po siguro yan," sabi nung iniipitan ko.

"Kay Ate Glenn yan. Bigay sa kanya ni Kuya Keith," sagot ni Cheska.

"Ang sweeeeeet!" sabay-sabay nilang sabi.

"Sana mabigyan din ako ng ganyan paglaki ko!" dreamy na sabi nung isang batang babae.

"Saka na. Kapag matanda ka na, okay?" sabi naman ni Cheska.

Nanay na nanay ang dating. Iniabot na niya sakin yung kwintas.

"Ito na, girl. Suotin mo na."

"Susuotin ko na ba talaga?"

"Wag mong suotin. Sa kanya mo ipasuot."

Napangiti ako sa idea ni Cheska. Kinuha ko sa kanya yung kwintas saka huminga nang malalim.

"Go, Ate Glenn!" cheer sakin nung inipitan ko.

I beamed at her then stood up. Namamawis ang mga kamay ko habang naglalakad palapit kay Keith na nakikipagharutan sa mga bata. Pawis na pawis na siya pero ang saya-saya niya. Nang makita niyang papalapit ako, ibinaba niya yung karga niyang bata.

"Yes?" tanong niya saka nameywang.

"Favor lang. Hindi ko kasi magawang isuot sakin eh. Isuot mo nga sakin, please?"

Halatang nabigla siya nang ilahad ko yung kamay ko. Tiningnan pa niya ako sandali. Marahang napailing siya.

"I-I..."

"Isusuot mo ba o hindi?"

He smiled and took the necklace on my palm. Tumalikod ako saka niya isinuot sakin. Kinikilig ako habang sinusuot niya sakin yung kwintas. Ewan ko. Para akong teenager. Naramdaman ko nalang na niyakap niya ako patalikod pagkatapos niyang isuot sakin. Then he kissed my cheek.

"I love you," he said.

Napapikit pa ako sa kilig. Ang arte lang!

"I love you, too."

"Yiee! Ang sweet nila Kuya," sabi nung isang batang lalaki.

"Yiee!" sabay-sabay na sigaw naman nung iba.

"O, tama na ang PDA," saway sa amin ni Matt. Hinarap niya ang mga bata. "Mga bata, wag gagayahin ha? Bata pa kayo. Saka nalang."

Nagtawanan nalang kami.

The event went on. Nagpalaro sila Keith. Kami ni Cheska ang nag-a-assist sa mga bata. Mabagal lang syempre at maingat si Cheska. Mahirap na. Pati si Cheska, inaalalayan ko rin. Ang sayang kasama ng mga bata. Magagalang silang lahat. Paminsan ay makulit at pilyo ang iba pero nakakatuwa pa rin.

Sa dami ng ginawa namin, napagod na si Cheska. Matt told her to take a rest inside the car. Mag-isa nalang tuloy ako. Nakaupo lang ako habang pinapanood sila Keith na nakikipaglaro sa mga bata. Katatapos ko lang kasing mag-handa ng hapag para sa lunch. Tawa siya nang tawa. Naalala ko kanina, kahit pala talaga sa bata, ang lakas ng appeal ni Keith.

Yung isang bata, si Gigi, nilapitan siya. And then the little girl asked for a kiss. Of course, Keith was stunned. Pero dahil bata, hinayaan naman niya. He stooped down to kiss the girl in the forehead. Nag-request pa yung bata. Sa lips daw. Tumawa naman si Keith. He said, "Bata ka pa." But the little girl insisted. Keith just kissed his thumb then he lightly put his thumb on the girl's lips. Naglululuksong umalis si Gigi. I find it sweet. Pero... nakakaselos pa rin.

Glenn, pati ba naman bata?

Napailing nalang ako sa sarili ko. Selosa ko nga siguro talaga.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Si Ate Sheila pala. Siya ang nag-aalaga sa mga bata. Matandang dalaga. Hindi nagkaroon ng sariling pamilya kaya naging mahilig sa mga bata.

"Ikaw ba si Glenn?" nakangiting tanong niya. Nakangiti naman akong tumango. "Ikaw ba yung babaeng dapat ay ikakasal kay Keith?"

"Opo."

"Keith told me about what happened. Noong iniwan mo siya, madalas siyang tumambay dito. Iyon ang mga sandaling tanging ang mga bata ang nakakapagpasaya sa kanya. Sa tuwing pupunta siya rito, parating may pasa. Suntok daw ng kuya mo. Pagkatapos, iiyak siya sakin. Mahal na mahal ka niya, hija."

Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi ni Ate Sheila. Alam ko, marami na ang nagsasabing mahal talaga ako ni Keith. Maraming saksi niyon. Pero sa tuwing ikinukwento nila sakin ang mga ginagawa ni Keith sa sobrang pagmamahal niya sakin, hindi ko lang mapigilang...

"Alam ko namang mahal na mahal mo rin siya. Hinihintay ko ngang ikasal kayong dalawa. Yung totoo na. Kita mo naman kasi sa batang yan, talagang gusto nang magkapamilya. Kahit hindi niya sabihin sa akin, alam kong gusto na rin niyang magkaanak. Naisip ko nga, kung itong mga batang hindi naman niya kaano-ano, mahal na mahal niya. Paano pa kaya kung anak na niya?"

Parehas kaming pinapanood si Keith. Nakaupo siya tapos nakakakalong sa kanya ang isang batang lalaki na tatlong taong gulang. Wala silang tigil ni Matt sa pag-e-entertain sa mga bata.

"Oo nga po eh."

"Bakit nga ba hindi pa kayo magpakasal, hija? Mukha namang handa na kayo ulit."

Kanina pa ata natatanong sa akin yun ah? Bakit parang atat yung ibang makasal kami ni Keith? Sabagay. Ako rin naman eh. Gusto ko na ring makasal kaming dalawa.

"Hinihintay ko lang po siyang tanungin ako eh."

"Ah. Ganoon ba?"

"Hindi pa po niya kasi ako tinatanong simula nung magkabati na kami."

"Baka naman iniisip niyang hindi ka pa handa?"

"H-hindi ko po alam."

"Bigyan mo kasi ng hint."

Naalala ko bigla yung sinabi ni Cheska kanina.

"Paano kung hinihintay ka lang pala niyang magparamdam na gusto mo nang magpakasal?"

"Hindi pa ba halatang gusto ko na? I mean, ang sweet-sweet ko na kaya madalas sa kanya."

"O baka naman, hindi pa siya ready." Napabaling ako ng tingin kay Cheska. "Malay mo, nagdadalawang-isip na pala siya."

I glared at her.

"Malay mo lang naman. Natatakot pala siyang mangyari ulit yung nangyari sa inyo noon kaya hindi ka niya tinatanong. Baka naisip niya, tutal magkasama na naman kayo sa iisang bahay, okay na yun. Para rin naman kayong mag-asawa eh. Mahirap tantiyahin ang utak ng mga lalaki. Para rin silang mga babae kung minsan. Magaling kasi silang magtago ng feelings."

Napaisip ako. Paano nga kaya?

"Eh anong gagawin ko?" tanong ko.

"Ikaw ang magyaya sa kanyang magpakasal."

"Ha? Siya ang lalaki."

"Gaga! Nabubuhay ka sa modern generation kung saan hindi lang lalaki ang nagpo-propose. Pati babae na rin."

"E-eh..."

"Try mo. Okay lang kahit na i-reject ka niya. I-expect mo yun. Pero bigyan mo ng limitations. Lima. Hanggang limang rejections ka lang. Kapag lumampas ka roon, maghintay ka until forever hanggang sa yayain ka na niya nang kusa."

"Lima? Ang dami naman ata."

"Ang unti, kamo. Ang mga lalaki kasi, hindi yan parang babae na pabago-bago ng desisyon. Minsan, kapag sinabing hindi, hindi na talaga. Baka nga naka-lima ka nalang, hindi pa rin. Pero hindi naman porket lima ang rejections na kailangan mo para tumigil ay aabusuhin mo na. Isa-isa lang. Tiyempuhan mo siya. Malay mo, mapa-oo mo."

"Hindi ba parang kapag gusto niya talagang pakasalan ako, aalukin niya ako? Hindi ko siya kailangang pangunahan."

"Ewan ko sayo. Suggestion lang naman yun kung gusto mong makasal na sa kanya at tinatamad ka nang maghintay. Pwede mo rin namang wag i-consider yung suggestion ko."

"Glenn, okay ka lang?" untag sa akin ni Ate Sheila.

Tumango ako. "Opo."

"Mukhang napaisip ka ata sa sinabi ko ah," sabi niya. Oo nga po eh. "Anyway, lunch na nila. Tara."

Papunta na nga sila Keith dito para kumain. Hindi ko na makita yung table nang magdagsaan yung mga bata sa table. Pinunasan ko naman ng pawis si Keith. He just smiled and thanked me.

Habang nakain, inaasikaso niya yung ibang mga bata. Hindi na nga siya halos makakain sa kakaasikaso sa mga bata. Tinutulungan ko naman siya pati ni Matt at Ate Sheila. Nakakatuwa siyang tingnan kasama ang mga bata.

Keith, gusto mo pa rin ba akong pakasalan?

*

Apat na araw ang pinalipas ko. Apat na araw akong naghintay na tanungin ni Keith kung gusto ko na bang magpakasal. Bigo ako. Hindi naman siya nagme-mention ng kahit ano tungkol sa kasal. Kapag mag-o-open ako ng topic about sa kasal, ida-divert niya sa iba. Ni ayaw niyang pag-usapan namin yung kasal nila Matt at Cheska.

Nagsisimula na tuloy akong kabahan. Paano kung nagbago na nga ang isip ni Keith at ayaw na pala niya akong pakasalan?

Naisipan ko tuloy i-consider yung suggestion ni Cheska. Aalukin ko si Keith na magpakasal sa akin. Desperate time calls for desperate measure. Hindi ko na hihintayin pang siya ang magtanong. Ako na ang gagawa ng move.

Hindi lang din basta pagtatanong ang naisip kong gawin. May kaunting sexiness at seduction. Bumili ako ng susuotin ko ngayong gabi.

Nagsuot ako ng daster. Oo na! Alam ko. Ito na ang the best kong naisip na pang-seduce sa kanya. Leche diba? Ayoko kasing mag-shorts. Ang OA masyado. Daster na may magandang print at medyo maikli. Aba, never pa niya akong nakikitang mag-daster. Malay mo, maisip niya na papasa na talaga akong maging nanay.

Ganern? Papasang maging nanay kasi mukha na akong nanay? Dahilan na yun para pakasalan niya ako? Baka nga hindi pa niya ako lalo pakasalan kasi mukha na akong nanay, hindi pa man. Anyway, ang ganda ko kaya sa daster na to! Sasampalin ko siya ng isa kapag hindi siya nagandahan.

Halos makatulog na ako sa sofa sa kahihintay sa kanya. Aba. Ang tagal ni Anietas! Mabuti nalang at medyo fresh pa naman ako nang dumating siya. Talagang todo, pulbo ako. Ibinagsak ko rin muna ang buhok tapos ginulo para mas mukhang maganda. Hashtag trying-hard maging sexy.

Pagkabukas ko ng pinto, tumambad sa akin ang pagod na pagod na mukha ni Keith. Gulong gulo ang buhok niya tapos antok na antok ang mga mata. Nakasabit pa sa kanya ang lalagyan niya ng DSLR. Bukas din yung dalawang butones ng polo niya.

Syetness! Bakit parang mas sexy at hot pa ata sakin si Keith? Ang unfair! Ako, nag-effort para lang magmukhang sexy. Tapos siya, nagtrabaho lang maghapon, makalaglag-panty na lalo? Aba!

"Good evening!" bati ko sa kanya. Hindi na ako sumubok pang magpaka-seductive ang boses. Nagtry ako kanina. Nagmukha lang akong tanga.

Nagulat siya nang makita akong naka-daster. Napakurap-kurap pa siya.

"Kailan ka pa nagsusuot ng ganyan?" tanong niya tapos pumasok na ng bahay.

"Kanina lang," nakangiti kong sabi.

"Ah."

Yun lang? Hoy! Dalawang oras akong nakipagsiksikan sa palengke, makahanap lang ng magandang daster. Apat na oras din ako sa harap ng salamin, maging sexy lang sa harapan mo. Tatlong oras naman para lang mai-practice ang pagka-sexy ko... tapos yan lang sasabihin mo?

"Gusto mong kumain?" tanong ko.

"Hindi. Busog ako. Bukas nalang. Antok na antok na talaga ako," sabi niya. Pagod na pagod ang boses niya... pero ang hot pa rin. Bakit ganon? Bakit siya, ang effortless niyang magpaka-hot and sexy?

Sinundan ko lang siya nang umakyat na siya sa kwarto. Napanguso nalang ako. Wa epek sa kanya pati ito?

Eh kasi naman, kailan pa naging sexy ang pagsusuot ng daster?

Mabilis na nabuhay ang hormones ko at namula ang mukha ko nang makita ko si Keith na tanggal na ang polo at naghuhubo na ng pantalon. Nang maramdaman niya ang presensiya ko, tumigil siya. Na-sad tuloy ako. Joke!

"O-oh... T-teka. Magbibihis lang ako, Glenn. Sa labas ka muna."

Parang gusto kong humalakhak sa sinabi ni Keith. Parang girl!

"H-hindi. Okay lang. Hindi naman ako titingin," sabi ko.

Hindi na siya nagsalita. Itinuloy nalang niya ang paghuhubo niya. Syempre, bulaan ako. Nagnanakaw ako ng tingin sa kanya habang naghuhubad siya. Shocks! I closed my mouth. Muntikan nang tumulo yung laway ko.

Mabilis na nag-iwas ako ng tingin nang lingunin niya ako.

"Glenn, okay lang ba kung naka-boxers lang ako? Tinatamad na kasi talaga akong magbihis. I am so so so tired!" he said.

Oo naman! Kahit nakahubad pa.

Glenndaline Ocampo!

"O-okay lang."

"Thanks."

He resigned himself to the bed. Pagod na pagod nga talaga si Keith. Jusko! Napa-sign of the cross ako. Parang ang sarap papakin ni Keith. Ang katawan! Naku. Naku.

Tumabi ako sa kanya. Nakadapa na naman siya. Lagi yang nakadapa kapag natutulog. May tinatakluban ata. Joke!

Maghunus-dili, hija.

"Keith..."

"Hmm?"

"Hug mo ako," paglalambing ko.

He immediately turned to me then hugged me. Ang bango-bango niya talaga.

"Tutulugan mo na agad ako? Hinintay pa man din kita," sabi ko.

"Pagod na talaga ako, Glenn. Sorry. Ang dami kasi naming ginawa kanina eh."

"Ah."

"Babawi ako bukas."

"Sige."

"Wag kang magtampo ha?" Tapos niyakap niya ako nang mahigpit. Damang dama ang abs, bes!

"Hindi ah." Kinikiliti ako ng abs mo. Enebe!

"Anyway, you look cute today. Cuter, I mean. Bagay sayo ang daster."

Kinilig ako sa compliment niya pati sa husky voice niya.

"Thanks," pakeme kong sagot.

"You should wear those more often. Ibibili kita."

"Sige."

"Tulog na ako."

"Teka."

"Hmm?"

"May itatanong ako."

"Ano yun?"

Huminga ako nang malalim.

"Keith, will you marry me?"

Nalungkot ako nang hindi siya sumagot agad. Tapos... Tapos... medyo lumuwag yung pagkakayakap niya sakin.

"Why?"

Well, I wasn't expecting that question.

"Noon bang nag-propose sa akin, tinanong kita kung bakit?" medyo naiinis kong tanong.

"Hindi pero... nakakapagtaka lang. Why are you asking me?"

"Because I want to marry you."

"Yeah, I know but..."

Dahil kung hindi ako ang magtatanong, baka hindi tayo ikasal.

He chuckled then kissed the top of my head. Hinigpitan niya na uli ang pagkakayakap sakin.

"Itulog mo nalang yan. Good night."

Pinigil ko ang luha ko. Ine-expect ko naman ito eh. Pero mabigat pa rin pala sa pakiramdam ang rejection. "Good night."

"Walang I love you?"

"Wala ka nga rin."

He chuckled again. "Mahal na mahal na mahal kita. Tandaan mo yan."

"Alam ko. Ako rin naman."

Hindi na siya nagsagot. Nakatulog na ata. Ang bilis. Pagod na pagod nga ata talaga siya. Bumuntong-hininga nalang ako.

Four more.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
1.8M 76.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
2.5K 81 4
An Epistolary 💭☀️ | Summer Romance In We're Falling Back (the third book in Calgary's Lovestruck Series), Amber and Luke were one of Solana and Bren...
31.3K 1.2K 25
Ace Sean is a perfect representation of a happy go lucky freshman Civil Engineering student. Isa sa mga studyanteng ang paniniwala ay 'grades are jus...