Everything I Want [BOOK 1]

By barbsgalicia

3.6M 89.9K 12.9K

[COMPLETED] Alam niyang bawal, pero hindi pa rin napigilan ni Isabela Santiaguel na magkagusto sa Club DJ at... More

Everything I Want
PROLOGUE
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26.1
Chapter 26.2
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1
Chapter 30.2
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
BOOK TWO: Everything I Need

Chapter 18

59.7K 1.9K 492
By barbsgalicia

ISABELA

"What's the name of his club again?" I asked Lukas.

"Third Base. Naka-ilang tanong na kayo niyan sa 'kin."

"I'm sorry." Umayos ulit ako ng pagkakaupo rito sa loob ng kotse. "Kinakabahan lang talaga ako."

Pupuntahan ko na kasi si Arkhe ngayon. Sabi pa ni Lukas, malapit na raw kami kaya mas lalo akong hindi mapakali rito sa sasakyan. My palms are sweating and I'm feeling something in my stomach, like butterflies.

Kagabi, hinanda ko naman na ang mga sasabihin ko sa kanya at sa tingin ko, kaya ko nang makapagpaliwanag nang maayos. Ang hinihiling ko lang talaga ay sana pakinggan niya 'ko. Handa akong sabihin sa kanya lahat-lahat ng nangyari hanggang sa maintindihan niya kung bakit ko ginawa sa kanya ang bagay na 'yon noon.

Sinandal ko ang ulo ko rito sa upuan. Isa na lang ang mas inaalala ko ngayon — that Nikola.

Alam kong hindi pa naman sigurado si Lukas kung 'yon nga talaga ang current girlfriend ni Arkhe, pero natatakot pa rin ako. Paano kung sila nga? Ayokong sabihin ni Ark sa 'kin mamaya na hindi na kami pwede kasi may bago na siyang mahal. Hindi ko pinilit na makauwi rito sa Pilipinas para lang marinig 'yon.

I closed my eyes and took a deep sigh. Ayoko na nga muna 'tong isipin. Baka sumakit lang ulit ang ulo ko. Mas kailangan kong mag-focus sa pagkikita namin ni Arkhe.

Umayos ulit ako sa pagkakaupo at nilabas naman ang compact mirror ko galing sa bag. Binuksan ko ang ilaw dito sa loob at tiningnan sa salamin kung maayos pa ba ang itsura ko. Ngayon na lang yata ulit ako nakapag-ayos nang ganito. Napabayaan ko kasi ang sarili ko no'ng nandoon ako sa New York.

Nag-retouch ako ng gamit kong peach-colored lipstick tapos humarap kay Lukas na katabi ko lang. "How do I look?"

Ngumiti lang naman siya.

"You didn't answer me. How do I look?"

"Maganda."

Ako naman ang napangiti. "Is my outfit okay?" I'm wearing a white floral dress.

"It's good. Kaso hindi ba kayo lalamigin?"

"I have my cardigan with me. Susuotin ko na lang kapag nilamig ako." Tiningnan ko ulit ang mukha ko sa compact mirror. "Lukas, you already saw that Nikola in person, right? Is she really pretty?"

"Hmm, maganda rin naman."

"Is she prettier than me?"

Tinitigan niya ako. "Mas maganda kayo."

I chuckled. "Baka naman sinasabi mo lang 'yan kasi ako ang kausap mo."

Hindi na siya sumagot, ngumiti lang siya.

Binalik ko na ang mirror ko sa bag at humarap ulit sa kanya. "Why are you so stiff? Pwede ka namang magsalita at sumagot nang normal. 'Di ba sabi ko sa 'yo, hindi mo naman ako kailangan masyadong galangin?"

"I know. But you're still my boss."

"Stop that. Alam kong hinire kita para bantayan ako, pero gusto ko pa ring maramdaman na pwede kitang maging kaibigan. Besides, I don't feel like I have friends. I mean, real friends."

Ngumiti lang ulit siya sa 'kin. "Sige, kung anong gusto mo."

"Thank you."

Pinatay ko na ang ilaw at nilipat ang tingin ko sa bintana pagkatapos.

Itong si Lukas, wala naman talaga siyang experience sa pagiging bodyguard. I met him in New York three years ago. Mabait siya at magaan ang loob ko sa kanya. Kaya nga no'ng sinabi niyang interisado siyang magtrabaho bilang bagong head bodyguard ko, mabilis akong pumayag kahit na alam kong wala siyang background sa gano'n. My sister just trained him along with my other new bodyguards.

Nagpalit kasi ako ng mga tao pagkatapos no'ng nangyari kay Morris. I don't know, I just felt like they weren't really loyal to me. Dito kay Lukas, saglit ko pa lang siyang kakilala pero ramdam kong tapat siya sa 'kin. Alam kong pwede ko siyang pagkatiwalaan.

"Miss Isabela," biglang tawag niya naman sa 'kin. "We're here."

Napatuwid agad ako ng likod. Tumingin muna ako sa bintana at saka hinanda ang gamit ko. Nandito na nga kami. Gantong-ganto 'yung itsura ng club sa pictures.

Naunang bumaba ng sasakyan si Lukas pagkaparada namin sa tapat. Gusto niya munang itanong sa staff nitong Third Base kung naroon na ba si Ark at kung pwede itong makausap. Kabubukas pa lang kasi nitong club ngayong 8PM, pero nagba-baka sakali ako na baka dumating na ang may-ari.

Pagkabalik sa 'kin ni Lukas, pinagbuksan niya agad ako ng pinto at inalalayan sa pagbaba.

"Is he there already?" tanong ko.

"Wala pa. Pero sabi ng nakausap ko, parating na rin daw. Sa opisina na niya sa loob tayo maghintay."

Nakahinga ako nang maluwag. "Okay." Tapos sumabay lang sa kanya papasok dito sa Third Base.

MARAMI-RAMI NA RING tao rito sa loob kahit na kabubukas pa lang. Nilibot ko ng tingin ang buong lugar.

I just feel so proud. Hindi naman ako ang nag-tayo nitong club na 'to pero pakiramdam ko ang saya ko pa rin na nagkaroon na ng ganito si Ark. The place is nice. I love the high ceilings and the neon lights. Gusto ko rin 'yung malaking dance floor sa gitna at yung naka-elevate na DJ platform sa unahan. I could imagine Arkhe performing there.

Pinapasok kami ngayon ng isang staff dito sa may kwarto sa bandang likod. I guess this is Ark's office.

"Ayos lang ba kung dito muna kayo maghintay?" tanong sa 'kin nitong staff. "Parating na rin si boss Arkhe."

"Yes, this is fine. Thank you." Dumiretso ako sa upuan na katapat ng desk at saka umupo.

"Do you feel comfortable?" tanong naman sa 'kin ni Lukas.

Ngumiti ako sa kanya. "Yes. Nate-tense lang, pero kumportable naman."

"Okay. Maghihintay na lang ako sa labas." He bowed down and walked out of the office.

Naramdaman ko na ulit ang pamamanhid ng mga palad ko. Parang iba na nga ang kaba ko ngayon, mas lumala kumpara kanina.

I just took out my compact mirror from my bag again. Tiningnan ko ulit ang itsura ko. Tsk, hindi na talaga ako mapakali. I put on some pressed powder. Nilabas ko rin ang dala kong suklay para ayusin ang buhok ko na binlow dry ko lang kanina.

Matagal-tagal din akong naghintay rito sa loob, hanggang sa bigla na lang ngang bumukas ang pinto nitong kwarto. Pumasok 'yong lalaking gustong-gusto ko nang makita.

Napa-ayos agad ako ng upo. Parang maiiyak na lang ako bigla dahil nakita ko na ulit siya.

He really didn't change much. Lumapad lang ang katawan niya at medyo nag-mature ang mukha niya gaya ng mga nasa pictures — pero siyang-siya pa rin 'yung lalaking kinabaliwan ko noon.

Halata namang hindi niya ine-expect na makita ako. Natigilan siya at napatitig sa 'kin, pero ang bilis din niyang umiwas ng tingin. Dumiretso lang siya ng pasok dito sa loob.

Napayuko na 'ko. Gusto ko sana siyang titigan nang matagal kasi sobrang na-miss ko siya, pero iba ang dating niya. He looks pissed kahit na wala pa naman akong sinasabi. Mas lalo tuloy akong kinabahan, parang hindi ko na yata kayang magpaliwanag.

Pinatong niya ang dala niyang laptop dito sa desk at walang ganang umupo sa upuan. "Totoo palang nakabalik ka na. Akala ko nangti-trip lang si Jewel no'ng tinext niya 'ko."

I looked up at him. "S-she texted you?"

"Oo. Hindi ba kayo nagkita?" His voice sounds emotionless and cold.

Umiling na lang ako. Napapaisip ako kung paano nalaman ni Jewel. Nakita ba 'ko nito nang hindi ko napansin?

"Ba't pala nandito ka sa club ko?" Biglang tanong ni Ark habang binubuksan na ang laptop niya.

I cleared my throat. "I...I just came here to see you."

"Ah. Bakit?"

Hindi ako nakasagot, umiwas lang ako ng tingin. Ramdam kong wala siyang ganang makipag-usap. Ni hindi niya nga ako tinitingnan e. Nakatutok lang siya sa ginagawa niya sa laptop.

Maya-maya lang, narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Kumusta ka naman?"

Binalik ko ang tingin ko sa kanya. "I'm good."

"Parang nangayayat ka. Nagkasakit ka ba?"

I didn't respond, I just smiled bitterly. "By the way..." I changed the topic. "...your club looks nice. First time kong nakapasok dito."

"Salamat. Pinagpursigihan ko 'to. Mahirap na kasing masabihan na walang pangarap e."

Napayuko ulit ako. Sobrang tinamaan ako ro'n, biglang namanhid ang mga kamay ko.

Siya naman, tumuloy sa ginagawa niya na parang wala lang. Napansin ko pa siya na binuksan 'yong drawer niya sa desk at kumuha ng USB cable. Kinabit niya ang phone niya sa laptop niya at bumuntong-hininga lang ulit. "Kelan ka pa nakabalik dito sa Pilipinas?"

"Uhm, a few weeks ago."

"Ah. Sinong kasama mong bumalik, 'yung asawa mo? Ano nga uling pangalan no'n?"

"Morris. He's not my husband."

"O, hindi pa kayo kasal? Akala ko magpapakasal kayo. Kaya ka nga nakipag-hiwalay sa 'kin, 'di ba?"

Hindi ako sumagot, I was just looking at him. Halatang matindi pa rin ang galit niya sa 'kin kahit na ilang taon na ang lumipas. Pansin ko rin sa itsura niya na ayaw niya talaga akong makita ngayon. Kanina pa nakakunot ang noo niya e. Sobrang seryoso ng dating niya, ibang-iba sa palabirong Arkhe na nakilala ko.

I took a deep sigh and composed myself. "Arkhe, I'm sorry kung bigla na lang akong nagpakita ngayon pagkatapos ng mga nangyari dati. The reason why I came here is because I really wanted to talk to you and explain to you everything."

"Hindi mo naman na kailangang magpaliwanag."

"But I need to explain. Just listen to me first so you'll understand . . ."

Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko kasi bigla na lang siyang tumayo.

Tinanggal niya ang pagkaka-kabit ng phone niya at pagalit na sinara ang laptop. "Pasensiya na, hindi na kasi ako interisado diyan sa kung ano mang gusto mong ipaliwanag. Marami na 'kong iniisip ngayon na mas importante pa diyan. Tsaka wala rin akong oras na pakinggan ka. Dumaan lang talaga 'ko rito sa club, aalis na rin agad ako kasi may dadalawin pa 'ko."

Binitbit niya ang laptop niya at dire-diretsong lumabas dito sa office nang hindi man lang ako tinitingnan.

Nanghihina ang mga tuhod ko pero pinilit ko pa rin siyang sundan bago pa siya makalayo. Natigilan nga lang ako rito sa may pintuan kasi nakita ko siya na kausap yung staff na nagpapasok sa 'min kanina.

"Sa susunod 'wag na ulit kayong magpa-papasok ng ibang tao ro'n sa opisina. Lalo na 'yong babaeng 'yon." Sabay alis na niya nang tuluyan dito sa club.

Ang bilis nangilid ng luha sa mga mata ko. Hindi ko na siya kinayang sundan, pero si Lukas, bigla na lang lumapit sa 'kin at inalalayan ako sa braso. "You should follow him."

"N-no. He doesn't care anymore."

"Sundan mo siya. Masyado pang maaga para sumuko." Marahan niya na 'kong hinila para tumuloy ako sa paglalakad.

Nagpaubaya lang ako pero ang totoo, wala na talaga akong lakas ng loob na harapin at kausapin ulit siya.

Sumakay kami sa kotse at agad na inutusan ni Lukas ang driver namin na sundan ang sasakyan ni Arkhe.

Ako, napatitig na lang sa kawalan. "He still hates me."

"Anong sinabi niya sa 'yo?"

"Hindi na raw siya interisado sa kung ano mang ipapaliwanag ko." Pumikit ako at hinilot ang noo ko. "Lukas, I'm so down right now. Nakita mo sana ang itsura niya kanina habang magkausap kami, halatang mainit pa rin ang ulo niya sa 'kin."

"Baka nabigla lang siya kasi nagpakita ka ulit pagkatapos ng ilang taon."

"I don't know. 'Yung mga salita niya rin, alam kong dinaramdam niya pa rin hanggang ngayon 'yong mga sinabi ko sa kanya dati. Masakit pa rin para sa kanya." I looked at him with tears still forming in my eyes. "May pag-asa pa naman ako, 'di ba?"

Tumango siya. "Huwag kang panghinaan ng loob. Sinusundan na natin siya ngayon, kausapin mo ulit siya."

Pumikit ulit ako at sinandal ang ulo ko rito sa upuan. Hinilot ko ulit nang tuloy-tuloy 'tong noo ko.

"Are you okay?" tanong niya naman.

Tumango ako.

"Sumasakit na naman yata ang ulo mo. Kung gusto mo, gawin na lang natin 'to sa ibang araw. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo kung hindi mo kaya."

"No. I'm fine. Ituloy natin 'to."

"Are you sure?"

"Yes."

Tama kasi siya — it's too early to give up. At dapat naman talaga asahan ko nang magiging ganito kahirap na kausapin si Arkhe. Kailangan kong tatagan ang sarili ko.

Tumuloy kami sa pagsunod sa kotse ni Ark.

Iniisip ko kung saan ba siya papunta ngayon. Ang sabi niya, may kailangan pa raw siyang dalawin. Mukhang mas importante ito kaysa sa pakikinig niya sa mga sasabihin ko.

Pumasok kami sa isang subdivision. Nagtaka na ako kaya tinanong ko na si Lukas. "Who lives here?"

Hindi niya naman ako sinagot.

Napansin ko na lang na huminto na si Arkhe sa tapat ng isang bahay. Kami naman, tumigil dito sa kalapit na kanto para hindi niya mapansin.

"Sinong pinuntahan niya rito?" Binuksan ko nang kaunti 'tong bintana sa side ko para mas makita si Ark.

Lumabas siya ng sasakyan at sumandal lang sa pinto noon. Mayamaya ay sumilip pa siya sa relos niya na para bang may hinihintay siyang dumating.

Kinutuban na 'ko. Is it Nikola?

Siya ba 'yung nakatira ro'n sa bahay na hinuntuan ni Arkhe at 'yung sinabi niyang kailangan niyang dalawin? Tumingin ako rito sa paligid, pero wala naman akong nakitang paparating na babae.

"Mukhang dapat nga yata talaga, pinagpaliban muna natin 'to," biglang sabi naman nitong si Lukas.

Tiningnan ko siya. "Why? Is there a problem?"

Hindi na naman siya sumagot.

"Lukas? Ano bang meron at gusto mo na 'kong paatrasin?"

"I'm sorry. Hindi ko alam na dito pala siya pupunta."

"Bakit, sino ba kasing nakatira rito?"

Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago sumagot. "Isang beses ko pa lang 'tong napuntahan, pero kung hindi ako nagkakamali, diyan sa bahay na 'yan nakatira si Nikola Arenas."

Bumagsak ang mga balikat ko. I knew it. Hindi ko na siya sinagot at binalik ko lang ang tingin ko rito sa bintana.

"Miss Isabela? I'm really sorry. We can go home if you want."

"No. It's okay, I can do this. Ikaw na ang nagsabi 'di ba, na 'wag akong panghinaan ng loob? Kailangan kong tiisin ang sakit."

Ilang saglit pa ay may napansin na akong babae na dumating dito sa street. Napaayos agad ako ng upo. "Is that her?"

Kinilala din naman muna nitong si Lukas. "Yes, that's Nikola."

Sinara ko na 'tong bintana para hindi niya ako mapansin, pero mukhang hindi niya naman talaga ako mapapansin kasi nakayuko lang siya habang naglalakad. Para siyang wala sa sarili.

Natauhan lang yata siya no'ng makita na si Arkhe na nag-aabang sa tapat ng bahay niya. Pinuntahan niya si Ark. Nag-usap sila ro'n sa tabi ng kotse.

Tsk, nakaka-paranoid 'to. Gusto kong malaman kung anong pinaguusapan nila — mukhang seryoso, e. Binuksan ko na lang ulit 'tong bintana as if na maririnig ko sila galing dito.

Pinipilit kong hulaan kung anong mga sinasabi nila sa isa't isa hanggang sa nagulat na lang ako sa ginawa ni Arkhe. He grabbed Nikola's face and he kissed her torridly on the lips.

Sobrang kumirot ang dibdib ko at hindi ko na lang namalayan, tumutulo na pala ang mga luha ko.

TO BE CONTINUED

Love this chapter? Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter! And please don't forget to include #EIW in all your posts/tweets.

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 187K 29
Unable to move on from the break up, girly and sassy Mika goes through the hoops and pretends to be a boy just to win her ex-boyfriend back. But when...
53K 1.6K 19
TAO ba o AHAS ang pumapatay sa bayan ng Antonio del Pilar?
6.9M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
203K 11.9K 31
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...