The Savage Casanova [Publishe...

By justbreathesofie

2.7M 20.6K 3K

A handsome and most sought bachelor, Ivo, turned away from love and become cynical against it. To drive away... More

The Savaged Casanova [fin]
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
AUTHOR'S NOTE
Announcement to Readers
Mini series vs. Book

Chapter 3

66.1K 615 141
By justbreathesofie

Habang nasa sala sina Maria Andreas at ang mga bisita niya, nasa loob naman ng kwarto si Moira at nagdedeliryo.  Dalawang araw na siyang inaapoy ng lagnat at nagsusuka.  Hindi na malaman ni Elena ang gagawin.  Dinampian niya ng basang bimpo ang noo ni Moira.  Ipinikit niya ang mga mata niya at tahimik na nanalangin sa salitang Griyego.  Nagiging mababaw na ang paghinga nito at kung anu-ano ang sinasabi.

“I am here child…”  Bulong niya sa tainga ng batang lumuluha.

“Papa...b-bakit?”  Hindi nakakaintindi ng tagalog si Elena, pero alam niyang tinatawag ng bata ang ama niya.

“Ate….wag mo akong iwan...ayoko kay tita…”  Humihikbi ang bata habang nagsusumamo.  Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng bata.  Kailangan na niyang dalin sa ospital si Moira.  Paglabas niya ng kwarto, ipinakilala siya ni Maria sa may-ari ng Yposkafa kasama ang mga kaibigan nito.  Nalaman niyang Pilipino ang mga bisita ni Maria.

Giatí?”  Tinanong ni Maria kung bakit lumuluha si Elena.  Sinabi niyang malubha na ang sakit ni Moira at nagdedeliryo na ito.

“Ano ang sinasabi nila?”  Bulong ni Iñaki kay Pavlo.  Bago pa man sumagot si Pavlo, naunahan na siya ni Elena sa pagsasalita.

“My niece, Moira is… n-not in good c-condition.  I think she might go p-peacefully…tonight…”  Hindi masyadong maintindihan ang sinasabi niya dahil pautal-utal ito bunga na rin ng pag-iyak.

“What happened to her?”  Napatingin kay Ivo ang kanyang mga kaibigan dahil nahuhulaan na nila ang binabalak nito.

“She has been sick for two days-boiling with fever and has excruciating pains in her body.  Now she is calling her dead papa and--”Nagpatuloy ang pag-iyak ni Elena.  As Ivo consoles, he conceives his Sebastian solution plan.  Her niece could be the one.  She is from a different continent and dying… she is perfect!

“Can we see her?”  Napangisi si Iñaki at napailing naman si Pavlo.  Basang basa na nila ang binabalak ng kaibigan.

“W-Why?  Are you a doctor?” Nagtatakang tanong ni Elena.

“Yes.”  Mabilis na sagot ni Ivo.  Napaubo si Iñaki at tinatago naman ni Pavlo ang pag-ngisi niya.

“Really?”  Napatingin si Elena sa dalawang kasama ni Ivo at tumango lang sila.  Matapos kausapin si Maria, dinala niya ang tatlo magkakaibigan sa kwartong tinutuluyan ni Moira.

Tinignan ni Ivo ang paligid ng maliit na kwarto.  Mukhang komportable naman ito kahit may kaliitan.  Ang maliit na liwanag ay nanggaling sa bed side lamp.  Nakahiga sa kama ang pamangkin si Elena.  Napansin ni Ivo na iba kakaiba ang ganda ng babaing nasa kama.  She is petite and slender.  Her skin is fair and unblemished.  Her face is beautiful—straight nose, lips as red as a strawberry.

“She is a beauty, isn’t she?  She got her looks from her mother.  She is a half-Greek.”  Nag-uumpisa na namang lumuha si Elena.

“What is the other half?”

“Filipino.”  Napatingin ulit si Ivo sa babae at sa mga kaibigan niya.

“Doctor…”

“..Dela Rosa.  What happened to her?  How did she get sick?”  Lumapit si Ivo sa kama at patuloy na tinignan ang babae.  Maputla ang mukha nito ang mababaw pa ang paghinga.

“She told me two days ago that her back is really painful.  After that, she had fever and was vomitting a lot--I do not know what is wrong with her.”  Patuloy pa din ang paghikbi ni Elena.  “I tried to give her medicines for her fever, but it doesn’t work.  Should we bring her to the hospital?”

“Never fear, madam, the doctor is here.”  Napaubo na lang ulit si Iñaki at si Pavlo naman iniiwasan tumawa.

“In delicate condition, it is not a good idea to bring her to the hospital.  Iñaki, where is my… medicine bag?”  Napakunot ang noo ng kaibigan niya.  “Ano?”

“Medicine bag.  I told you, I need to bring it though we are on vacation.  I need to do my hippocratic duties.”  That time, si Pavlo naman ang naubo.

“Doc, no need to do that.  I think we just have to let her rest for tonight.”  Kumalma na si Elena.  Hinawakan nito ang kamay ni Moira at hinalikan ang noo nito.

“Tomorrow, we shall bring her to the hospital---”

“--or look for a priest.”  Sabat ni Iñaki.  Umiyak na naman si Elena.  Tinignan ni Ivo ng masama si Iñaki at nasiko naman siya ni Pavlo.

“Madam, calm now, we will take care of your niece tonight.”  Ivo tries to pat her shoulders to calm her.

“I hope she will w-wake up t-tomorrow.  S-She has been to a l-lot of p-pain s-since---”  Hindi na napagpatuloy ang ni Elena ang pagsasalita.  Naawa na siya sa sinapit ng pamangkin niya.

“She just went here so she could---” Hinagod ni Ivo ang likod ni Elena.

“S-She went here t-to--”

“Madam, cease crying now.  You might get sick too.  We will take care of her.  Sleep now, madam--”

“Our very good doctor here will take care of your precious niece.”  Nakangiting sabi ni Iñaki.

“Thank you very much.”  Hinalikan muli ni Elena ang noo ng pamangkin niya bago pa man ito umalis ng kwarto.

“You do not need to worry, madam.  We will watch her like a hawk.”  Ivo assures Elena.

“Thank you very much.” Paglabas ng kwarto ni Elena, humagalpak ng tawa ang dalawang kaibigan ni Ivo.

“Ayos ang trip mo Ivo, kailan ka pa nagkaroon ng hippocratic duties?”  Nakangising tanong ni Iñaki.

“At pansin mo, he is like an angel kanina, pero ang hindi alam ni Elena, angel of death yan.”  Nakangising komento ni Pavlo.

“Sira ulo.  So, we will proceed to our plan, gentlemen.”  Nagkatinginan sina Pavlo at Iñaki.  “What plan?”  Nagtatakang tanong ni Pavlo.  Bigla namang kumatok si Maria at hinandaan sila ng mainit na inumin.  Kinausap nito si Pavlo.  Nakangiti lang si Pavlo habang kinuha ang dala ni Maria.

“Sas Efcharisto, Maria.” Nagpaalam na si Pavlo at binati ng magandang gabi si matandang kausap niya.  Paglabas ni Maria, ipinaalam ni Pavlo na ipinaghanda sila ng kape ni Maria.  Hindi ito katulad ng ibang kape.  Ang kapeng Griyego ay malapot kung ikukumpara sa pangkaraniwang kape.

“Okay, well, let’s go back to business.  The Sebastian Plan.  Men, I will marry this woman tonight.”  Hindi makapagsalita ang dalawa at napatingin sila sa babaing nakahiga sa kama.

“You aren’t serious about the plan, right?  You can’t marry her.  Namumutla na nga siya at hindi makahinga.  Sinabi pa ng tita niya, nagdedeliryo na din siya---”

“And might be dying, right?  Pavlo, she is perfect for my plan.”

Napailing lang si Pavlo at hindi makapaniwala sa balak ng kaibigan.  “Paano ka magpapakasal, wala kang lisensya.”

“That can be easily arranged.”  Napatingin si Ivo kay Iñaki.  “Right, Attorney Torres?”

“Ha?”  Nagtatakang tanong ni Iñaki kay Ivo.

“At ikaw Pavlo, as a previous captain of a ship, pwede kayong magkasal di ba?  And it is allowed in Greece—I  read it somewhere.”

“Oo pero dapat nasa barko tayo.”

“No, it is allowed to be done outside the ship.  He just needs a proper license for that.” Sagot ni Iñaki kay Pavlo.

“Perfect, Attorney Torres.  Draft the contract then send it to Geoff.  He will file it, so this marriage will be legal. Let's get started, gentlemen.”

“Are you serious about this, Ivo?  There will be no turning back.” Seryosong sabi ni Pavlo sa kaibigan.

“I am dead serious.  At bilisan na natin bago pa mamatay si...ano nga ang pangalan niya?”

“Moira ata.”

“So, where will I stand, retired captain Vera-Perez?  Here?”  Tinuro ni Pavlo at Iñaki kung saan sila poposisyon.  Pinatabi niya si Ivo sa kama ni Moira at si Iñaki naman sa kabilang tabi.  Pumwesto siya sa may paanan ni Moira.

“Parang mag-eexorcise tayo nito imbes na ikakasal si Ivo.”  Pabirong sabi ni Iñaki.

“Silence,” Pavlo says in a warning tone.

“Sorry, father, este captain.”

“Hindi pa ba mag-uumpisa?”  Naiinip na sabi ni Ivo.

“Let’s begin.  Wait, you haven’t set your eyes on her.”  Ivo gave Moira a perfunctory glance before he turns to Pavlo.  “Pwede na ba yun?”  Tumango lang si Pavlo at napapangisi.

“What?” Naiinis na tanong ni Ivo sa kaibigan.

Umiling lang si Pavlo.  “Now you are going to tell me, this is the case of love at first sight?”

“Humor me, Pavlo, you know that I don’t believe in love at first or any other kind of sight.  Hindi pa ba tayo magsisimula?  Baka umagahin tayo.” Nakakunot na tugon ni Ivo.

Napatingin si Pavlo kay Moira.  Napabuntong hininga at napatingin kay Ivo.  “Naawa ako sa kanya.  Maganda siya—kakaiba ang features niya.  Papaano kung mamatay siya?  Hindi naman niya totoong kamag-anak ang kasama niya dito ang alam ko.”  Naguguilty nang mga oras na iyon.

“Yun na nga, Pavlo.  Kung ikakasal kami, I will be her family.  I will be full responsible for her.  Ako na ang bahala sa pangpaospital niya at sa pagpapalibing sa kanya.  I am willing to do my husbandly duties for her—well , without the--”

“We know what you mean.”  Sabat ni Pavlo.  Napabuntong hiningaito at tumingin sa magandang babaing nakahiga sa kama.

“Hindi pa ba tayo mag-uumpisa?”  Pag-aapurang tanong ni Ivo.

“She should be conscious while we perform this ceremony.”  Firm na sabi ni Pavlo.

“Kailangan pa ba noon?  Naririnig naman niya tayo--”

“Dapat nakadilat siya.” Nagpupumilit na sabi ni Pavlo.

“Tsk!  Sige, sige, kakausapin ko.”  Naiinis na si Ivo sa mga pinagagawa ni Pavlo.  Mas lumapit siya kay Moira.  Sa may tainga nito at bumulong, “Miss, hindi mo ako kilala, pero---”

“Ate?” Mahinang sabi ni Moira, “ate…”  Nakita ni Ivo na bahagyang kumunot ang noo at nagsalubong ang kilay ng babaing binubulungan niya.  Hinawakan ni Ivo ang kamay ni Moira at napansin niyang napawi ang kunot sa noo nito at naging relax ang mga kilay.

“Ate...umalis na ako kay tita.  Pupuntahan kita sa bahay niyo.  Sana maging katulad mo din ako…”  May luhang kumawala sa mata ni Moira.  Hindi alam ni Ivo ang mga sinasabi ng babae at hinagod lang niya ang uluhan nito at hinawakan sa kamay.  “Sshh… andito ako.  Wag kang mag-alala.”

“A-Ate Tania?”

Oo, pupunta tayo sa Ate Tania mo.  Huwag kang mag-alala…”  Hindi na alam ni Ivo ang mga sinasabi niya pati na ang mga pangalang sinasabi niya.  Tama ang tita ng babae.  Nagdedeliryo na siya at maaring hindi magtagal ang buhay niya.

“Ano, Ivo, okay na ba?”  Naiinip na si Pavlo sa pakikipag bulungan ng kaibigan sa babaing pakakasalan niya.

“Oo.  Nagpropose na ako sa kanya, she accepted.  Now captain, marry us.”  Napailing lang si Pavlo sa kanya.  “Wow, Ivo, ngayon lang kita nakitang atat na atat magpakasal.”

“Dahil baka abutan ako ng kamatayan niya.  Ang dami mo namang seremonya, Pavlo, ikasal mo na kami!”

“Ito na nga.  Ikaw, Juan Miguel Primitivo Isabello--”

“Ivo.  Ivo lang.”  Naiinis si Ivo kapag binabanggit ang mahaba niyang pangalan.

“Hindi pwede, dapat kumpleto.”

“Napahagod lang ng buhok si Ivo, “Ang haba ng pangalan ko.  Aabutan tayo ng bukas kapag sinabi mo pa lahat yun.  Sabihin mo na lang, Ivo, blah blah, blah dela Rosa, take this woman… ganun.”

“Eh ikaw na kaya ang magkasal sa sarili mo.”  Natatawa lang si Iñaki sa dalawa niyang kaibigan.  Si Ivo naiinis kapag binabanggit ang buo niyang pangalan.  Si Pavlo naman napipikon kapag kinokorek siya sa ginagawa niya.  “Eh bakit kasi ang haba ng pangalan mo?”

“Hindi ko natanong sa magulang ko.  Proceed.”  Sensyas niya kay Pavlo.

“Again.  You, Ivo blah, blah, blah, dela Rosa, take Moira---”

“Oh bakit naging English?  Tagalog kanina ah.”  Natatawang pang-iinis ni Iñaki.  Pavlo and Ivo scowl at him.  Napayuko at tumahimik na lang si Iñaki.  Inulit ni Pavlo ang mga sinabi niya nung una at biglang sumagot si Ivo ng ‘I do’.

“Hindi pa tapos eh.”

“Yaan mo na.  Pwede na yun.  Okay na ba yun?”

“Hindi pa.  You, Moira, take Juan Miguel etcetera, etcetera, to be your husband?”

“Oo daw.”  Mabilis na sagot ni Ivo.

“Hindi ko narinig.”

“Narinig ko, oo daw.”

“Dapat marinig ko.”  Firm na sabi ni Pavlo.  Napahagod ng buhok si Ivo sa inis.  “Oh, makinig kang mabuti!”  Nilapitan niya ulit si Moira.  Hinipo niya ang noo nito ang malambing na bumulong, “Moira, may itatanong ako, just say ‘yes’, okay?”  Bahagyang minulat ni Moira ang mga mata niya.  He catches a glimpse of her sweet honey colored eyes.  Hindi niya sigurado, pero ramdam niyang nakita na niya o nameet na niya si Moira.  Hindi lang niya maalala kung saan.

“Ate?... Ate, pupunta na ako sa’yo.  Dyan na lang ako sa’yo.  Ayoko na kay--”

“Ayaw mo na sa tita mo di ba?  Kaya sasama ka na sa ate mo?”  He gently whispers in her ear.

“Oo…”  Pumikit ulit si Moira.  Tinignan ni Ivo si Pavlo, “narinig mo na Captain Vera-Perez?”  Tumango lang si Pavlo at hinanap ang singsing.

“Wala pang singsing--hinubad niya ang singsing niya at pinkita kay Pavlo.

“Hindi yan pwede, masyadong malaki---”

Napahagod ulit ng buhok si Ivo, “pwede na yan!  Bukas bibili ako.”  Sinabihan siya ni Pavlo na isuot ang singsing sa daliri ni Moira.  Napakaluwag ng singsing at hindi ito kasya sa daliri ni Moira.  Nakita niyang payat at maganda ang kamay ng ‘bride’ niya.  Nagulat na lamang siya nang maramdaman niyang hinawakan din nito ang kanyang kamay.  He feels strange at her touch.

“By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife.  Done.”

“That’s it?”

“Yes.  You are now officially NOT a bachelor anymore.”  Nakangising sabi ni Iñaki.

“Yes.  And in a few days, a widower.  Let’s call it a night.  Marami pa tayong aasikasuhin bukas.”

“Ikaw lang.  Ayaw na naming sumama sa’yo.”

“Pano ba yan, hindi ka na makakasama sa amin ni Pavlo sa bars, kasal ka na.”

“Sino kaya ang susunod na ikakasal sa atin?”  Tinignan ni Ivo ang mga kaibigan niya.  Nagtinginan lang ang dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

694K 3.4K 7
2016-2017 version Former Title: The Bet This story is completed on Dreame app with special chapters. You can search the title of the story or my drea...
2.5K 128 14
Namatay si Beckah na bata pa ang kanyang anak kaya hindi siya pumayag na agad siyang umakyat sa langit. Nanatili siya sa lupa hanggang sa naging bina...
1.1M 25.1K 34
"Where am I taking you?" Dylan asked Sandy who is drunk. "Shama ako sayo honey." He needs to be patient. "Address?" "Whala akong bhahay. Shama na lan...
877K 12.1K 34
Book 4 of I LOVE YOU, KUYA! This time, it's Clarisse and Ice Montemayor's story.