Chapter 9

53.8K 486 35
                                    

Once she is out of the room, she breathes deeply.  The guy she married has a lot of nerve!  He gave her a fair warning about falling in love with him.  Yes, he has a dazzling smile that can render someone breathless.  It made her gasped for air when he bestowed one at her.  A stare that can melt someone instantly--like it melted her.  She needs to get her act together and stay focus.  Think of Kristoff, she reminds herself.

Tinignan niya ang labas ng study room.  May mga katabi itong kwarto pero hindi niya alam kung saan doon ang para sa kanya.  Hinahanap din niya ang taong magtuturo ng kwarto niya.  Nakita niya ang isang madilim na hallway.  Ngunit nag-aalangan siyang lumakad doon dahil walang ilaw.  Sa laki ng bahay, napansin niyang kaunti lamang ang mga ilaw dito.  Hindi niya alam kung kuripot ba  ang may-ari o sadyang mahilig sa dilim.  Nagdadalawang isip siya kung lalakarin ba siya sa pasilyo.  Natatakot siya baka may biglang bumulaga o manghila sa kanya.  Moira, be fearless, nag-umpisa na siyang maglakad papunta sa madilim na hallway.

Nanlalamig ang mga kamay niya at tumitindig ang balahibo niya habang lumalakad sa hallway.  Nahawak siya sa kanyang dibdib at pilit na pinapakiramdaman ang nilalakaran niya.

“Bakit kayo naglalakad sa dilim?”  Muntik na siya mapatalon at mapasigaw nang may biglang narinig na boses.  Nagbukas ang ilaw sa hallway.

Nakita niya ang matandang nameet niya pagpasok niya ng bahay.  Napahawak siya sa dibdib niya ang napabuntong hininga.  “Muntik na akong mahimatay sa takot.”

“Bakit kayo naglalakad sa dilim?”  Nakasimangot ang matanda habang lumalapit ito papunta sa kanya.

“Hahanapin ko sana si— ”  Hindi niya maalala ang pangalang sinabi ni Ivo na magtuturo ng kwarto niya.

“Jun.  Ako po yun, ma’am.”  Hindi siya nito tinitignan ang parang naiinis ito sa kanya.

“S-Sabi ni Mr. Dela Rosa—ni Ivo na itanong ko daw sa’yo ang kwarto ko.”

“Sumunod na lang po kayo sa akin.”  Walang ganang tono na sabi ng matanda sa kanya.  Hindi niya alam kung galit ba ito sa kanya, sa amo niya o sadyang galit lang ito kahit kanino.  Nang may ilaw na ang pasilyo, nakita niya ang mga picture frames na napalibutan ng alikabok.  Ang carpet na hindi na maaninag ang totoong kulay dahil kulay abo na ito at mukhang di nalilinisan.  Nararamdaman na din niya ang pagkati ng ilong niya dahil sa mga alikabok sa paligid.  Nahihiya din siyang itanong sa matandang kasama niya kung ilang ang mga kasambahay ni Ivo.  Parang hindi nalilinisan maigi ang bahay.  Napansin niya din na luma na ang mga kahoy sa dingding ganun din ang ibang gamit sa nilalakaran nilang pasilyo.

“Luma na ang mansyon na ito ano?” Hindi siya sinagot ni Jun at patuloy lang ito sa paglalakad.  May nilikuan ito at mabilis niyang sinundan ito.  Ang mawala sa loob ng madilim at lumang mansyon na ito ang bagay na hindi niya gugustuhin.  Tumigil ang matanda sa tapat ng dalawang malaking kwarto.

The Savage Casanova [Published under LIB] had been a mini series on TV5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon