The Slave Playboy (COMPLETED)...

By TheRealMinieMendz

759K 17.6K 1.2K

Sa angking ganda at alindog na taglay ni Arwena ay walang lalakeng makalapit at humawak man lang. Nagtatrabah... More

The Slave Playboy
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue

Chapter 26

20.2K 492 54
By TheRealMinieMendz

Chapter 26

PARANG ayaw magsink-in sa aking ang lahat. Naiiyak ako dahil hindi ko akalain na anak namin si Shasha. Nakita ko na ito pero hindi ko man lang alam na kaharap ko na pala ang panganay ko.

"Babe, tahan na, baka duguin ka na naman."

Inaalo ako ni Edward habang naiwan kaming mag-anak rito sa opisina ni Senyor James. Iniwan na kami ni Attorney para basahin ang sulat.

Umiling ako kay Edward, "Ayos lang ako. Hindi ko lang mapigilan." nagpunas ako ng luha, "Basahin mo na. Gusto ko nang malaman lahat."

Napahinga siya ng malalim. Tila tulad ko ay kinakabahan sa aming malalaman.

"Sabi dito ni Lolo.." sandaling huminto si Edward para huminga bago simulan basahin ang sulat, "Kaya nasa poder nila si Shasha ay dahil nakita niyang may tangkang kumuha rito. Si Ben Ross, na may matinding galit sa pamilya. Itinago niya sa atin ang kaalamang anak natin si Shasha dahil noon ay alam ni Lolo na hindi pa natin kilala ang isa't-isa."

Napahawak ako sa braso ni Edward kaya napahinto siya sa pagbabasa at napatingin sa akin.

"Ibig sabihin ay alam rin ng Lolo mo na ikaw ang gumahasa sa akin? Dahil bakit niya alam na apo niya iyon? At bakit alam niya na hindi pa tayo magkakilala?"

Bigla ay naging mailap ang mata ni Edward. At nang mapagtanto ko ang sinabi ko ay napatikhim ako.

"Sorry."

"It's okay, babe... Narito rin ang paliwanag ni Lolo tungkol tanong mo.."

Inabot sa akin ni Edward ang sulat kaya nagtataka na kinuha ko. Tumayo siya at napamulsa na lumapit sa bintana. Napatingin naman ako sa sulat at binasa.

Kung sakali man na mabasa niyo ang sulat na ito. Sasabihin ko ang dahilan kung bakit ko alam ang nangyari sa pagitan niyo. Hindi 10 years old si Edward ng mangyari ang insidente. Actually Edward is already 15 that time. Sinabi ng anak kong si Jam na na-set up ang apo ko ng mga grupong kalalakihan na gumagamit ng drugs. Nalaman ko na ang uto-uto kong apo ay naaya ng nag-ngangalang Max para mag-bar. Nilasing at nilagyan ng drugs ang inumin ng apo ko. Hanggang dinala siya sa isang bahay para gawin ang isang pangre-rape sa isang dalaga. At iyon ay si Arwena Serrano. Wala sa tamang pag-iisip ang apo ko. At dahil din sa drogang pinainom kay Edward ay nagkaroon siya ng temporary amnesia. Nagkaroon ng epekto sa utak ng apo ko dahil lakas ng droga. Hindi ko alam kung naaalala na ng apo ko ngayon ang lahat, pero natitiyak akong may ilang bahagi sa alaala niya na nalalaman na niya.

Napag-alaman ko rin, si Max at grupo nito ay tuta ni Ben Ross o nagtatago sa pangalang Tristan Abenson. 'Yung put*ngnang Ross na 'yan ang may pakana kaya tinago ko si Shasha. Dinukot nito si Shasha mula sa hospital pero naabutan namin siya at alagad nito kaya nakuha ko si Shasha. Alam niyo naman ang trabaho ko, at sinabi sa akin ng mahal kong asawa na inilim nalang muna ang totoong pagkatao ng Shasha namin hangga't hindi maayos ang lahat.

Matanda na ako para maayos na isulat ito at kung sakaling hindi na kaya ang aking asawa ang kanyang dinadamdam, ay sasama ako sa kanya ano mang mangyari. Kaya iniiwan ko itong sulat na ito kung sakaling nagkaayos na kayo at handang pagtulungan na solusyunan ang lahat.

At bago matapos ang sulat kong ito, nais kong alamin niyo lahat. Meron akong isang bagay na nakaligtaang alamin at tungkol iyon sa aking apo na si Shasha.


Nagmamahal,
James Esteban


Halos panlamigan ako ng katawan at ang luha ko ay tuloy-tuloy ng malaman ko rin ang buong katotohanan. Napahagulgol ako dahil hindi ginusto ni Edward na gawi na pagsamantalahan ako noon.

"E-Ed.."

Tumingin ako sa kanya at lumingon siya. Napahinga siya ng malalim at lumapit sa akin bago muling maupo sa tabi ko.

"S-Sabi rito ng Lolo mo.. 15 ka talaga noon? Paano? At bakit nagsinungaling ka sa edad mo?"

"Kung nabasa mo ang sulat ni Lolo, nagkaroon ako ng temporary amnesia. Hindi ko matandaan ang ilang bahagi sa buhay ko. At yung nangyari sa atin. Si Dad ang nagsabi na umakto akong sampung taong gulang. Hindi din kasi halata noon na 15 ako kaya napaniwalaan ko iyon. Sabi ni Dad ay pinoprotektahan niya ako dahil sa aking nagawa. Nung una ay naguguluhan ako para saan iyong sinasabi niyang nagawa ko at bakit niya ako pinoprotektahan. Hanggang nung una tayong magkita sa bar ay akala mo highschool ako. Oo, high school lang talaga ako pero noon ay nagtataka ako kung bakit sila Jace at Hammer ay nasa kolehiyo na. Ang sabi ni Dad ay bagsak daw ako ng ilang beses kaya ganun. Pinaniwalaan ko iyon kahit hindi ko napi-feel ang highschool.. Nito ko lang din unti-unting nakikita ang bawat pangyayari. At halos magsisisi ako kung bakit ako nagpauto sa gag*ng Max na iyon! Hindi ko sana magagawa sa'yo iyon. Wala din akong maalala sa nangyari sa atin. Basta ang palaging gumugulo sa akin ang panaginip ko nung may mangyari sa atin dahil kela Max."

Suminghap ako habang hindi makahinga sa pag-iyak. Napailing ako dahil hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari.

"N-Nasira ang lahat sa atin dahil lamang kay Mr. Abenson at kela Max."

Hinarap ako ni Edward sa kanya at niyakap kaya sumubsob ako sa dibdib niya at doon umiyak ng umiyak.

"Huwag ka nang mag-alala, si Max ay nakakulong na may sintesya na habang buhay na pagkakakulong. At ang tatlong kasama niya ay sinabi sa akin ni Daddy na pinapatay niya."

Kumapit ako sa damit niya. Hindi kailanman ako humihiling ng masama sa ibang tao pero para sa akin ay deserved nila iyon. Mga walanghiya sila!

"Kay Shasha, paano ang gagawin natin?" tanong ko at umayos ako ng upo kaya napabitaw siya sa akin. Pinunasan niya ang luha ko at tinignan ako ng mabuti.

"We need to tell her the truth."

"Paano kung hindi siya maniwala at hindi siya sumama sa atin?"

Napahinga siya ng malalim, "We don't have a choice but to forced her to live with us."

Hindi ko alam kung sasama sa amin si Shasha. Dahil nang ma-encounter ko ito ay may pagkamaldita. Baka hindi din siya maniwala na kami ang parents niya. Diyos ko, parang nasasabik akong makita siya.

"Tara, lumabas na tayo para hanapin si Shasha."

Tumango ako at inalalayan niya akong tumayo. Inaya namin si James bago kami lumabas ng opisina. Bumalik kami kung nasaan ang pamilya at hinanap talaga ng mata ko si Shasha.

"Excuse me, Mayordoma. Nakita ko niyo ba si Shasha?"

Nakasalubong kasi namin ito na naghatid ng maiinom sa naghihintay na pamilya. Wala pa ang labi nila Lola Gabriella.

"Naroon ho siya sa kaniyang kwarto, Senyorito. Mula ng malaman niyang namatay sila Lord James at Senyora Gabriella ay hindi na siya lumabas ng silid niya mula pa kanina."

Nagkatinginan naman kami ni Edward. Nakaramdam ng konting alangan na puntahan ito dahil alam naming pati ito ay lubos na nalungkot sa pagkawala ng dalawang matanda.

Pero sinubukan naming puntahan ito. Dahil kami lamang ang makakatulong rito ngayon. Kinakabahan akong napahawak sa braso ni Edward. Tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Relax. Ano mang mangyari ay alam kong tatanggapin niya tayo. Nakakasiguro akong pinalaki siya ng maayos ni Lolo at Lola."

Tumango ako dahil tama siya. Nang huminto na si Edward sa isang double door room ay mas lalo akong kinabahan. Kumatok si Edward.

"Who's that?"

Nagsalita si Shasha sa pasupladang tono.

"Can we come in first?"

"Do what you want."

Napailing si Edward sa sinabi ni Shasha. Masyado kasing matatalim ang salita nito. Hinawakan na ni Edward ang seradura at unti-unting binuksan. Napalunok ako ng ayain na ako ni Edward pumasok. Pumasok kami at bumulaga sa akin ang tila prinsesang kwarto. Parang isang buong bahay ang itsura. May sariling t.v, may sofa, may study table, may shelf, at may nakita akong dalawang pinto na nakakatiyak akong banyo at walk-in closet nito. Sa higaan niya ay tila pang king-queen size bed ang laki habang may tila siya bubong at kurtina sa bawat haligi. Napatingin kami kay Shasha na nakadukdok sa kama niya habang nakaupo sa sahig.

"What do you want?"

Tumingin ito sa amin na namumula ang mata sa pag-iyak at pisngi. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. My baby.

"You heard the news?"

Lumapit si Edward rito habang ako ay nanatiling nakatayo at nakatingin kay Shasha.

"Iiyak ba ako kung hindi ko alam. Are you nuts?"

Halos masamid si Edward at nagtagis ang bagang sa inasal ni Shasha.

"Don't talk to me like that, little kid." mariing sabi ni Edward.

Tumayo si Shasha at pumamewang na hinarap si Edward tila ba kayang labanan nito ang ama niya. No, please.

"Then open your mouth like a genius. Hate ko ang taong obvious na nga ang nangyayari, tapos itatanong pa."

Tumikhim si Edward at tila ba handa ng patulan si Shasha. Kaya lumapit ako habang hawak ko ang aking mga kamay para pakalmahin ang sarili.

"S-Shasha.."

Lumingon ito sa akin at napahinga siya ng malalim.

"What do you need ba?"

Ngumiti ako, "May sasabihin sana kami. Pero sana ay paniwalaan mo kami."

Tumaas ang kilay nito, "And?"

Huminga ako ng malalim, "K-Kung sasabihin kong kami ang parents mo, maniniwala ka?"

Tinignan ako nito sa mata at ganun din ako. Hindi ko alam ang iniisip niya at wala pa siyang reaksyon.

"Sinabi lang 'yan ni Daddy sa inyo kasi iniwan na nila ako sa inyo."

Para namang hindi ako makapagsalita at nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya.

"No. We are your parents." si Edward kaya tumingin doon si Shasha.

"No! My Daddy Lakas at Mommy Gabby are my parents!"

Umiling-iling si Shasha habang ayaw tanggapin na kami ang magulang niya.

"Do you think sa edad nilang iyon ay makukuha pa nilang ipanganak ka? Hindi ka ba nagtataka na matanda na sila para maging magulang mo?" sarkastikong sabi ni Edward. Nakita kong natigilan si Shasha, "Ngayon, sino sa atin ang dapat magsalita ng matalino?"

Tumingin si Shasha kay Edward, "But Daddy Lakas tell me that he's my father."

Umiyak na si Shasha kaya sinuway ko si Edward dahil inaaway niya ito. Hinawakan ko ito sa balikat at nagpasalamat ako na hindi niya inalis.

"Grand father, my dear."

Tumingin ito sa akin habang nakatingala at tuluyan na siyang bumigay kaya naman ay naupo ako para mas madali ko siyang mahawakan. Hinatak ko siya palapit sa akin at niyakap ko.

"Alam ko na nalulungkot ka dahil wala na si Mommy at Daddy mo. Pero huwag kang mag-alala dahil narito kami ng Papa mo ngayon. Alam ko na hindi mo parin kami matatanggap pero pinapangako namin na magiging mabuti kaming magulang sa'yo."

Hinagod ko ang likod niya at hindi ko mapigilang mapangiti dahil ngayon ay yakap ko siya. Hindi mapagsiglan ang tuwa sa aking dibdib. Hindi ko ma-explain ang feeling. Ang sarap na para bang gusto ko siyang yakapin parati dahil sa tagal ng panahon na hindi ko man lang alam na anak ko siya at matagal kaming nagkawalay.

Suminghot ito at tumitig sa akin. Ngumiti ako at pinunasan ang luha niya.

"You are my true mother?"

Tumango ako, "Yes."

Sumimangot ito, "But you looks like my Sister."

Natawa naman ako dahil ayaw niya ng idea'ng iyon.

"Ayaw mo no'n, You have a mother and sister at the same time."

Nakita ko naman na unti-unti siyang ngumiti.

"Ate Shasha!"

Lumingon kami kay James at ngiting-ngiti ito na lumapit sa amin.

"Baby James."

Yumakap si James kay Shasha, sa ate niya. Napangiti naman ako at tumayo. Tumingin ako kay Edward at napangiti rin ito bago lumapit sa akin. Humawak siya sa bewang ko kaya sumandal ako sa dibdib niya habang pinagmamasdan namin ang dalawa.

"Akala ko ay matatagalan bago niya maunawaan." sabi ko.

"Sabi ko sa'yo na natitiyak akong napalaki siya ni Lolo ng maayos."

Napatango naman ako at tinignan siya, "E, bakit kanina ay para mo nang papatulan?"

Natawa siya at napailing, "Well, hindi ko akalain na siga pala pinalaki ni Lolo si Shasha."

Natawa ako dahil tama siya. The way she talk. It's more confident and fierce.

Meron naman ako biglang naalala. Humarap ako kay Edward kaya napatingin siya sa akin.

"Ed, ano kaya ibig sabihin ng Lolo mo na alamin natin lahat. May nakaligtaan daw siya at tungkol iyon kay Shasha."

Nakiba't-balikat siya, "Hindi ko rin alam. Pero magpapatulong ako kay Daddy para malaman iyon."

Hinawi niya ang buhok ko at minasahe ang balikat ko. Napahinga ako ng malalim at napatingin kay Shasha.. Habang tinitignan ko ito ay may bahagi sa akin na para bang may nakaligtaan ako.

Napahawak ako sa noo ko at iniisip. Ano nga ba iyon?

"Hey, babe, are you okay?"

Tumango ako, "Meron lang akong inaalala.",

Napabuga siya ng hangin, "Akala ko ay masama ang pakiramdam mo. Mabuti naman.. Pero ano bang inaalala mo?"

Umiling ako at napabuntong-hininga muli, "Hindi ko maalala. Siguro maalala ko iyon kapag lubos na akong nakapagpahinga."

"Gusto mo bang magpahinga? Doon ka muna sa room ko rito."

Humawak ako sa braso niya, "Hindi na. At tara na sa labas, baka dumating na ang labi ng Lolo at Lola mo. Ayain natin ang mga bata."

Tumango naman siya at napatingin kami kay James at Shasha. Tila kahit hindi pa nila noon alam na magkapatid sila ay tila close na sila. Natawa si James habang nakikipag-kwentuhan kay Shasha. Ate Shasha niya.

"Mga anak, halika na kayo. Lumabas na tayo at baka nandyan na ang labi nila Lolo." aya ni Edward.

Napangiti ako ng makitang naiilang pa si Shasha sa tinawag ni Edward sa kanila. Magkahawak ang kamay ng dalawa na sumunod sa amin. Napangiti nalang kami ni Edward dahil kahit sa kabila ng pagluluksa ay nagkaroon ng kasagutan ang lahat.

Wala parin ang labi ng dalawang matanda ng magpunta kami sa sala pero ilang sandali din ay dumating na rin. Agad na nag-iyakan ang mga apo at manugang. Hindi ko rin mapigilan dahil lungkot ang mababakas sa buong bahay.

Pati ang mga anak namin ay umiiyak habang pinapanood na iayos ang kabaong ng dalawa. Nang maiayos ay agad na naglapitan sila Shasha. Agad na tumayo naman si Edward para buhatin si James at makita nito ang Lolo at lola nito na nakahiga na sa kabaong at wala ng buhay. Tumayo rin ako at tinignan. Parang natutulog lang sila. At kita ko na tila masaya naman ang kanilang mukha habang magkatabi. Hanggang sa huli ay hindi sila mapaghiwalay.

"Si Lolo ang nag-request na pagsamahin sila kapag sila ay pumanaw. Dati akala namin biro lang pero hindi namin akalain na sabay silang mawawala."

"Baka talagang nararamdaman na nila." sabi ko kay Edward ng maupo muli kami sa sofa habang pamilya naman nila Nicole ang sumilip.

Tumango si Edward at inakbayan ako kaya sumandal ako sa kanya. Habang sila Shasha at James ay kasama ng mga pinsan.

"Balita na sa buong organization at mga tao ang pagkamatay nila Lolo. Kaya humanda kayo dahil natitiyak kong merong dadalo at manggugulo." sabi ni Jace.

At tama nga ito. Matapos pagbigyan ang pamilya na sarilihin muna ang pagdadalamhati ay nagdatingan na rin ang tao mga bandang gabi.

Kami naman ni Edward ang umasikaso sa mga bisitang dumadating. At ang hindi ko inaasahang dadating ay babaeng akala ko nung una ay magiging kaibigan ko pero 'yun pala ay manunulot.

Lumapit ito sa amin ni Edward. Masasabi ko na iba ang ayos niya ngayon kesa noong nasa office. Sexy pero desente na black dress.

"Edward, condolence."

Bumitaw ako sa pagkakahawak sa braso ni Edward. Tutal ay si Edward lang naman ang kinakausap ni Abigail kaya umalis ako. Ngayon ay nanumbalik sa akin ang araw na nakita kong naghalikan sila, pinuntahan ni Edward ito sa bahay nito, at imbes na ako ang tawagan niya nung nasa bar siya at lasing ay si Abigail pala ang tinatawag niyang 'A' at hindi ako.

"Babe.."

Hinawakan ako sa bewang ni Edward na hindi ko akalain na sumunod sa akin. Lumingon ako para tignan si Abigail at nakatingin ito sa amin habang hindi mapinta ang mukha.

"Bakit mo iniwan ang babae mo?"

Nakita ko namang ang pag-iba ng reaksyon ni Edward. Tila ba nagtataka pa siya.

"Babe, babae? What?"

Umirap ako sa pagmamaang-maangan niya, "Nakalimutan ko nga pala na meron nga palang namagitan sa inyo ni Abigail. Hinalikan ka pa nga niya pero hindi ka umiwas. Siya pa ang tinawag mo nung lasing ka. Nagawa ko pang puntahan ka pero si Abigail pala ang kailangan mo noon."

Umiling siya, "Like what you said, siya ang humalik. At never kong tatawagan si Abigail kung lasing ako. Iniiwasan ko nga siya dahil masyadong sunod ng sunod."

Napataas naman ang kilay ko, "Kung ganun, bakit ka nagpunta sa bahay nila noong araw na may namagitan sa atin? Bakit nakita kitang akbay mo siya at naghalikan pa kayo?"

Napagulo siya ng buhok tila inis, "Sabi niya ay may alam daw siya tungkol sa'yo. E, ako naman na si Gago, lahat ng tungkol sa'yo ay pinapatulan ko. Hindi ko akalain na pinapunta niya lang ako doon para akitin. Hindi ko siya gusto o ano pa man. Matagal ng eyesore sa mata si Abigail, hindi ko lang mapalayas dahil inaanak ni Mommy."

Napalunok ako, "Inaanak? You mean malapit siya sa Mommy mo?"

Napahinga siya ng malalim, "Ewan. I don't care. Anak siya ng kaibigan ni Mommy. Pero hindi ko siya gusto. Maniwala ka, babe."

Kinurot ko siya ng halikan ba naman ako sa labi kung saan maraming makakakita.

"Oo na.. Pero ayokong kakausapin mo siya o lalapitan. Kundi.." tumingin ako sa pagitan ng hita niya na tinakpan niya.

"Anong plano mo?"

Ngumisi ako, "Hindi ka na makaka-score."

"Naman. Of course, babe. You are my boss."

Napangiti nalang ako ng lihim at tinignan si Abigail na nakatingin sa amin tila selos na selos. Hinatak ko na nga si Edward kesa makita pa si Abigail. Mamaya ay ito pa mapaglihian ko.

© MinieMendz

Continue Reading

You'll Also Like

610K 13.3K 22
Lahat ng himpapawid ay kanyang liliparin. Maging ang malalim na dagat ay kanya ring lalanguyin. Pati ang pagpapansin ay kanya na ring gagawin; makuha...
24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
896K 28.9K 35
Lucy is the kind of girl na gagawin ang lahat para mabuhay. Mula pagkabata ay lahat ng hirap ay dinanas na niya. Kasabay pa na palaging wala ang kany...
1.4M 30.6K 33
Pagiging Doctor ang pinili ni Hammer Jackson Esteban na kanyang propesyon. Isang surgeon at pinakamagaling na batang doctor. Ngunit isa rin siyang wa...