The Slave Playboy (COMPLETED)...

Oleh TheRealMinieMendz

757K 17.6K 1.2K

Sa angking ganda at alindog na taglay ni Arwena ay walang lalakeng makalapit at humawak man lang. Nagtatrabah... Lebih Banyak

The Slave Playboy
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue

Chapter 12

21K 562 22
Oleh TheRealMinieMendz

Chapter 12


TANGING BUNTONG-HININGA ang ginawa ko habang nakatayo sa harap ng salamin. Papasok ako ngayon sa trabaho at alam ko na sa pagpasok ko ay hindi na si Sir Jam ang boss ko. May halong kaba at saya ngunit alam kong hindi magiging maganda ang araw na ito kaya pinawi ko ang nararamdamang saya.

Umalis na ako sa harap ng salamin matapos kong makita ang ayos ko.

Lumabas ako ng kwarto para pumunta sa kabilang kwarto. Dahan-dahan ko lamang binuksan ang pinto at dahan-dahan lang din akong pumasok. Maingat na humakbang ako na hindi gumagawa ng ingay.

Napangiti ako habang nakatingin sa batang lalake na sj James. Parang anghel na natutulog, habang yakap ang favorite niyang unan na may design ng batman. Love niya ang batman kaya lahat ng makitang may mukha ni batman ay pinapabili niya.

Naupo ako sa gilid niya at hinaplos ko ang maputi at makinis niyang balat. Minsan ko nang pinagsisihan ang lahat ng nagawa ko sa buhay ko ngunit ngayon ay hindi.

Hindi na ako nag-iisa.

Matapos ko siyang kumutan ay tumayo na ako at tahimik na nilisan ang kwarto ni James. Pinagbilinan ko nalang siya sa Yaya niya bago ako umalis dala ang kotseng naiwan na rito sa safety house.

Habang nilalandas ko ang daan patungong company ay iniisip ko ang dapat na gawin ko. Alam kong hindi magiging madali na patunguhan ngayon si Edward. Nung una ng sabihin ni Sir Jam na siya na ang magiging amo ko, masaya ako. Ngunit mula sa huling pag-u-usap namin ay nawala iyon. Doon ko lang napagtanto na hindi pala dapat akong umaasa sa sinasabi ni Edward kapag lasing siya. Kabaliktaran pala.

Nakarating na ako sa company at pinark ko ang kotse sa bakanteng parking slot. Kinuha ko ang bag ko at tsaka ako bumaba. Sinasara ko palang pinto ng may humintong red mercedez sa tabi ng sasakyan ko. Hindi ko na sana papansinin ngunit napatingin ako sa bumaba sa kotse at nakita ko si Edward. Nagkatinginan kami pero ako na ang unang umiwas. Binati ko lang ito bago ako naglakad pauna sa kanya.

Pagkabukas ng elevator ay sumakay ako. Sumakay rin siya. Kami lamang ang tao sa loob ng elevator.

Hindi ako umimik at maging siya. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang ako natagalan sa pag-andar ng elevator. Gusto ko nang makalabas dahil hindi ako makahinga.

Biglang nag-ring ang phone ko kaya lihim na bumuga muna ako ng hangin at kinuha sa bag ko ang phone. Tinignan ko ang tumatawag at napangiti nalang ako bago ito sinagot.

"Hi, Baby. How's your sleep?"

(Ma, I miss you..)

Bigla ay lumalamlam ang pakiramdam ko. Almost three years old lang siya pero marunong na siyang magtampo. Alam ko na ginagabi ako ng uwi kaya saglit na oras lang din kami magka-bonding.

"I miss you, too, baby. Don't worry, uuwi ako ng maaga ngayon, okay?"

(Okay. Don't break your promise again.)

Lihim na napabuntong-hininga ako.

"Ofcourse, baby. I love you."

(I love you, too, Ma.)

Napangiti na binaba ko na ang tawag at sinilid sa bag ang phone ko. Napatingin ako kay Edward ng bumukas na ang elevator ay sinuntok niya ang alarm tone nito bago siya lumabas.

Agad na napalabas ako habang nakatingin kay Edward na patungo sa office niya na office ni Sir Jam nung una.

"Anong nangyari?"

Napatingin ako sa maintenance na agad na nagtatakbo patungo rito.

"Nasira ata. Bigla nalang tumunog." pagsisinungaling ko.

"Huh? Kaka-check ko lang kagabi nito. At tsaka bakit basag?"

Hindi na ako sumagot at napahinga ng malalim.

Hindi ko maintindihan ngayon si Edward. Tila hindi parin siya nagma-matured. Lumapit ako sa table ko at naupo sa swivel chair.

Hindi ko na nais pang isipin at pansinin ang lahat ng kinikilos niya. Siguro kailangan kong tanggapin na iba na siya. Hindi na siya ang dating 'Edward' na patay na patay sa akin at susunod at maniniwala sa lahat ng sinasabi ko.

Inayos ko nalang ang mga dapat kong gawin ngayon. Tumayo ako para sana kumuha ng maiinom na mainit na tea. Pero hindi pa ako nakakahakbang ng marahas na bumukas ang pinto at niluwa si Edward na seryoso ang tabas ng mukha.

"Move your table in my office now!"

Nabigla ako at hindi nakapag-react. Agaran rin niyang binagsak pasara ang pinto pagkasabi niya no'n..

Binaba ko ang baso ko sa table at pumasok ako sa office niya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya at agad-agad na pinapalipat ang table ko sa loob ng office niya.

Pagkapasok ko ay napatingin ako sa kanya na kakaupo lang sa recliner niya. Tumingin siya sa akin.

"What?!"

Napahinga ako ng malalim, "Sir, hindi puwedeng basta ko nalang ipasok ang table ko rito. At mas mainam na nasa labas ako para malaman ko rin kung sino ang gustong bumisita at pumasok ng office niyo."

"Tsk. Do what I want. Secretary lang kita kaya wala kang karapatang mag-complain."

Hindi na ako nakasagot doon. Tango nalang ang naging tugon ko bago ako tumalikod.

Yeah. I'm his secretary. Secretary lang.

Lumabas ako ng office at nanghihina na napaupo sa upuan ko. Saglit na ninamnam ko ang sakit ng salitang binitawan niya. Kay aga-aga ay ang init ng ulo niya na never niya ginawa noon. Ganun siguro ang nagagawa kapag sa ibang bansa ka nag-aral. Ibang values ang makukuha mo.

Inayos ko nalang ang gamit ko imbes na kumuha ng tsaa. Kakaayos ko lang nito nung first day ko tapos ay mag-aayos na naman ako.

"Oh, Arwena, bakit ka nagliligpit? Tanggal ka agad?"

Napatingin ako kay Jonathan. Isang heartrob ng office. Balita ko nga maraming nagkaka-crush rito. At siya din ang dahilan kaya merong kapwa empleyado ko na inis sa akin. Wala namang malisya pareho sa amin ang pagtulong niya at pakikipaglapit. Masyadong madumi lang ang isip ng iba na hindi ko na kasalanan.

Umiling ako sa sinabi niya at napangiti.

"Hindi. Ililipat ko lang sa office ni Ed--I mean ni Sir Edward."

Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"Huh? Bakit raw? Hindi naman ganun ang nais ni Sir Jam noon."

Nakiba't balikat ako, "Ewan. Baka gusto niya lang na mas madali akong utusan kesa lalabas pa siya para tawagin ako."

Napatango siya ng marahan at humawak sa table ko.

"Tulungan na kita. Mabigat din ito para buhatin ng magandang katulad mo."

Nginitian ko nalang siya sa pagpapalipad hangin niya. Nagpasalamat rin ako at pinagbuksan siya ng pinto para madaling maipasok niya ang table ko.

"Dito nalang, Jonathan." turo ko malapit sa pinto.

"What are you doing?"

Napatingin kami kay Edward. At nakatingin siya kay Jonathan ng masama.

"Ah, Sir, tinutulungan ko lang po si Arwena. Mabigat ito at baka mahirapan siya."

"I don't care. Sa susunod, huwag kang makikialam kung hindi mo trabaho. Get out!"

Nabigla si Jonathan pero hinawakan ko nalang ito sa braso para akayin na palabas.

"Arwena, stay!"

Napahinto ako at napatingin kay Edward. Galit na galit siya habang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa braso ni Jonathan.

Hindi ko ma-take ang ugali niya. Pero sino ba ako para sumuway sa utos ng boss ko.

Binitawan ko ang braso ni Jonathan at tinanguan ko ito. Tipid na ngumiti siya tila ba nagtitimpi ng inis sa boss namin.

Nang makalabas si Jonathan ay tumingin ako sa table ko. Hindi ko alam kung saan ko siya ipu-pwesto. Hinawakan ko ito para i-usog dahil hindi ko naman kayang buhatin ito lalo't mabigat.

Ngunit napaatras ako at napatingin kay Edward ng hawiin niya ako at binuhat niya ang table ko. Napamaang nalang ako habang tinitignan siya na tumitingin sa paligid kung saan niya ilalagay ang table ko.

Nang makakuha ng pwesto ay tinabi niya iyon paharap sa table niya. Nang maayos niya ay nagpagpag siya ng kamay bago pinalagatok ang leeg at lumapit muli sa recliner niya at naupo.

"Sir, hindi maganda kung d'yan ang table ko--"

"Huwag mong pakialaman ang desisyon ko. Ayoko na tatayo pa ako para iabot sa'yo ang papeles o ano mang ipag-uutos ko sa'yo, kaya mainam na d'yan nalang."

Sumandal siya sa upuan niya bago itaas ang paa sa lamesa.

Wala na akong naging reklamo dahil paraan saan pa? Kung iyon nga naman ang gusto niya.

Naiilang ako dahil magkaharapan pa kami. Makasama siya sa isang room ay hirap na akong makahinga, ang makaharap pa kaya?

Tumalikod ako sa kanya para balikan ang ilang gamit ko.

"Saan ka pupunta?"

Napahinto ako sa bigla niyang pagtatanong.

"Kukunin ko lang ang gamit ko sa labas."

Hindi na siya tumutol kaya nagpatuloy na ako sa paglabas. Paglabas ko ay napapikit ng mariin dahil pinipigil ko lang ang inis na nararamdaman ko sa kanya.

Dumilat ako at napabuga ng hangin bago ko kinuha ang karton kung saan ko nilagay ang mga abubot ko sa table. Pumasok muli ako at napatingin siya sa akin ngunit hindi ko na siya pinansin at lumapit ako sa table ko.

"Tell me my schedule for today."

Malakas na nilapag ko sa lamesa ang karton at mariing kinuha ang schedule notes ko.

"Quarter one, meeting with the models. 'Yun lang."

Nilapag ko na ang notes sa table at kinuha ko na ang mga abubot ko sa box na hindi tumitingin sa kanya.

"Tsk. Bring me a coffee."

Binitawan ko ang clock na hawak ko at walang tingin-tingin na umalis ako para lumabas at pumunta sa mini kitchen rito sa office niya. Napahawak ako sa lababo bago pinakalma ang sarili ko.

He's jerk.

Gusto kong gawin ng maayos ang trabaho ko ngunit siya ay pilit na iniinis ako. Oo, trabaho ko na sundin ang lahat ng utos niya pero tila sumosobra na siya.

Kumuha ako ng baso ng kape at naglagay ng mga ingredients sa paggawa ng kape. Gusto ko man siyang gantihan sa pang-iinis sa akin sa paglalagay ng maraming kape at asukal ay hindi ko na ginawa. Kailangan ko nalang pagtiisan na pakisamahan siya dahil ayokong makarating pa kay Sir Jam ang hindi ko inaayos ang pagtatrabaho ko. Tinanggap ko ito kaya dapat ay panindigan ko.

Nang matapos sa pagtimpla ng kape ay nilagay ko ito sa saucer at tray bago ko binibit palabas. Maingat na naglalakad ako at palapit na ako ng marinig ko na may kausap siya.

"Tsk. I don't like her even love her. She's so annoying."

Bigla ay napahinto ako habang dinig na dinig ang lahat. Sobra-sobra pala talaga niya akong kinamumuhian. Para akong isang nakakadiring dumi na hindi na niya kailanman mamahalin.

Huminga ako ng malalim at naglakad na kunwari ay hindi ko narinig ang sinabi niya. Agad niya akong napansin na palapit kaya agad niyang pinatay ang tawag.

"Here's your coffee, Sir."

Nilapag ko sa table niya ang tasa ng kape. Medyo yumuko ako bago tumalikod. Dinala ko sa kitchen ang tray bago ako bumalik at lumapit sa table ko.

"Kunin mo ang lahat ng gagawin natin sa buong linggo na ito kay Miss Lorenzo."

Napatingin ako sa kanya habang nakaupo na ako sa upuan ko.

"Bakit...Sir?"

Busy siya sa pagbukas ng computer sa table niya.

"Dahil ayoko nang pinapatagal pa ng isang linggo kung kaya namang gawin ng isang gabi lang."

Bigla ay naalarma ako sa ibig niyang sabihin. Sa sinabi niya ay parang pinapahiwatig niya na mag-o-overtime kami.

"What do you mean?"

Tumingin siya sa akin, "Overtime."

Napasinghap ako at dahan-dahan na tumayo. Hindi ako puwede na mag-overtime dahil nangako ako kay James.

"Sir, matatapos ko naman ito bukas. Hihilingin ko sana na puwedeng bukas nalang, 'wag lang ngayon."

Sumeryoso siya at muling tumingin sa monitor ng computer niya.

"No."

Bigla ay napakuyom ako ng kamay. Ngunit kumalma ako.

"Sir, please--"

"I said no! Ano bang hindi mo maintindihan?"

Hindi na ako umimik. Yumuko ako at kinuha ang phone ko. Hindi ko na naman matutupad ang pangako ko. Kung alam ko lang na ganito ay hindi na sana ako nangako..

Ngunit ng maisip ko si Sir Jam ay agad na tinext ko na tulungan na makaalis ako mamaya.

Sinilid ko na ang phone sa bag ko at tumingin lang ako sa mga papeles na aayusin ko para sa meeting.

Maya-maya pa ay nag-ring ang phone ni Edward. Ineexpect ko na si Sir Jam iyon.

"Dad?..."

Napatingin ako kay Edward. Kumuno't ang noo niya bago marahas na napatingin sa akin.

"Dad, you know it's my first day--" napabuntong-hininga siya, "No...But Dad!"

Napahilamos siya ng mukha ng tila babaan siya ni Sir Jam. Tumingin na muli ako sa ginagawa ko habang lihim na napangisi.

"Nagsumbong ka kay Dad?"

Tumingin ako sa kanya bago tumayo habang bitbit ang mga papers na gagamitin sa meeting mamaya. Nilapag ko ito sa harap niya.

"Hindi ko alam ang sinasabi niyo. Heto, kagabi ko pa natapos ang gagamitin mamaya sa meeting." tumingin ako sa wrist watch ko, "It's eleven already. It's time for my break time."

"A!"

Napahinto ako sa tinawag niya sa akin.

"I mean Miss Soriano, I'm your boss, kaya ako lang ang may karapatan na magsabi kung kelan ka magbe-break o magli-leave."

Humarap muli ako sa kanya at tinignan siya. Nakita ko ang pasimpleng paglunok niya. Lumakad ako palapit sa kanya habang tinitignan ko siya ng tingin na sinisiguro kong hindi niya makakayanan.

Nang makarating ako sa gilid niya ay humawak ako sa recliner niya. Nakaya niyang makikipagtitigan pero kita ko ang pagtaas-baba ng adams apple niya. Hinawakan ko ang kurbata niya.

"So, you want me to stay here and you want me to be your lunch for today?"

"T-Tsk, n-no."

Umayos ako ng tayo at tinignan siya. Napatingin siya sa kamay ko. Dahan-dahan ko kasing inaalis ang butones ng blouse ko. Kita ko ang saglit na pagdaan ng pagnanasa sa kanyang mata.

Nang mabuksan ko ang apat na butones ng blouse ko dahilan para lumitaw ang bra at cleavage ko ay kinuha ko ang kamay niya at pinahawak ko siya sa blouse ko.

Agad na inagaw niya ang kamay kaya lihim na napangisi ako.

"Damn it! Go! Back here at 1pm or else, you will be dead."

Tinalikod niya sa akin ang recliner kaya napailing ako at binutones muli ang blouse ko.

"Thank you for your kindness, Sir." sarkastiko kong sabi bago tumalikod na sa kanya.

Kinuha ko na ang bag ko at tumingin ako sa wrist watch. Meron pa akong isang oras na nalalabi para maka-bonding saglit si James. Kaya naman ay tinawagan ko ang Yaya nito na magpahatid kay Simon patungong mall para doon nalang kami magkikita.

Pagkatapos ay tinawagan ko naman si Simon para sunduin sila James. Nakahinga ako ng maluwag at lumabas na ng elevator.

Nagmadali ako dahil tumatakbo ang oras. Bakit ba hindi ako binigyan ng mas mahabang oras ng batang iyon. Napaka-immature pa talaga.

Sumakay na ako ng kotse ko pagkalabas ko ng building at dahil parking lot agad ang bungad ko kaya agad din akong nakarating sa kotse ko. Agad na pinaharurot ko paalis ang kotse habang hindi ko mapigilan na mapangiti. Akala ko ay hindi na papayag si Edward. Hanggang ngayon ay apektado parin siya. Kaya alam kong madali kong mapapasunod siya kung kinakailangan..

PAGDATING sa mall ay naghintay ako dahil wala pa sila. Nauubos na ang oras kaya hindi ako mapalagay. Bahala nang ma-late, ang mahalaga ay matupad ko ang maipangako ko kay James.

"Ma!"

Napatingin ako kung sino yung sumigaw. Ganun nalang kaluwang ang ngiti ko ng makita ko si James.

Agad na bumitaw siya sa Yaya niya at tumakbo patungo sa akin. Nag-alala naman ako ng madapa siya kaya agad na lumapit ako rito at naupo bago siya tulungan na makatayo.

"Don't cry, baby. You are the best, right?"

Tumango siya kaya naman ay ngumiti ako at pinagpag ang damit at short na maong na suot niya. Binuhat ko siya..

"Ma, bakit po ngayon? Akala ko po mamaya pa?"

"Bakit, ayaw mo ba ngayon agad?"

Umiling siya at yumakap sa leeg ko.

"Hindi po. Gusto ko po."

Napangiti naman ako lalo, "Good. So, let's go. Dahil need ko kaagad bumalik sa office. Ngayon ay iti-treat kita ng favorite mong food."

"Yes! Thank you, Ma."

Hinalikan niya ako sa pisngi kaya napangiti ako. Lumingon ako kela Yaya at Simon..

"Salamat, tara na kayo."

"Huwag na, ayos lang kami rito. Bonding niyo 'yang dalawa." sabi ni Simon at tumango si Yaya bago ngumitim

Kaya naman ay tumango ako at humakbang na ako para pumasok kami sa mall.. Nagpababa sa akin si James at natawa ako ng hilahin niya muna ako sa bilihan ng laruan. Tuwang-tuwa siya ngunit ako ay hindi. Dahil ang nais niyang ipabili ay yung laruang baril-barilan at bombang laruan.

"Baby, hindi mo gusto ito? Batman?"

Umiling siya at hindi na binitawan ang gun at bomba.

"Ayoko na po n'yan. I like this. This is so cool than that superhero."

"Baby, delikado iyan."

"But I want this."

Napahinga ako ng malalim at pinisil ko ang pisngi niya.

"Okay, pero huwag na huwag mong paglalaruan iyan kapag hindi kasama si Yaya o ako, okay?"

Ngumiti siya, "Yes."

Sa laruan na nakatuon ang atensyon niya. Hindi ko alam na iyon na ang hilig niya. Kaya pala palaging nakabagsak lang sa sahig ang mga superhero na laruang binibili ko.

"Bang! Bang! Bang! You are dead, bad guy! I kill you!"

Narito na kami ngayon sa restaurant. At nakatingin ako kay James na pinaglalaruan na ang baril-barilan niya habang kunwari ay may binabaril. Wala pang bala ng pellet gun na iyon kaya walang matatamaan kung sakali. Pero naiilang ang mga dumadaan sa gawi namin dahil sa pinagsasabi ng batang ito.

"Baby, saan mo ba natutunan iyan?"

Tumingin siya sa akin, "Hmm, kay Dad. Gusto ko po gayahin siya na pinapatay ang bad guy na kaaway niya."

Napasinghap ako, "Baby, hindi, mali ka. Walang kaaway si Sir Jam, okay?"

"Meron po.."

Naguguluhan ako kung paano niya nalalaman ang ganun bagay. Wala naman sigurong kinukwento si Sir Jam rito.

Nawala na ang tingin ko kay James ng dumating na ang food namin. Nilapag ko sa harap niya ang spaghetti.

"James, kain na, stop muna 'yan."

Sumunod naman siya sa akin at binaba na ang laruan niya sa lamesa. Sinubuan ko siya.

"Arwena?"

Napatingin ako sa gilid ko na may huminto. At nang mapatingin ako sa mukha nito ay nakilala ko siya.

"Edgar."

Ngumiti siya, "Nice to see you again."

Kaklase ko sa college si Edgar at naging partner rin kami minsan sa activity.

"Same here. Kamusta ka na? Anong ginagawa mo rito?"

"May hinanap lang na gamit sa bookstore."

Napatango ako, "Kumain ka na ba? Sumalo ka sa amin?"

"Hindi na, o-order naman ako ng sa akin."

"Huwag ka nang umorder. Marami naman ito."

Napakamot siya ng batok at napatingin kay James.

"Oh, Pareng James, musta na, laki mo na, ah."

"Do I know you?"

Ibig kong matawa dahil sa sinabi ni James.

"Yes, you know me, Pareng James. Ako kaya ang bumubuhat sa'yo habang nasa klase ang Mama mo."

Tumingin sa akin si James tila nalilito. Ngumiti ako.

"Oo, baby, he's my friend, Edgar. At ninong mo rin siya sa binyag. Kaya call him 'Ninong' or 'Tito', okay?"

Tumango siya at bumaba sa upuan niya. Lumapit siya sa tabi ko ng ambang mauupo sa tabi ko si Edgar. Napailing ako at hinaplos ang buhok niya at tumingin kay Edgar.

"Pasensya ka na."

"Ayos lang. Nakakatuwa parin talaga siya. Ang bilis lumaki. Parang kailan lang ay baby pa siya."

Nasaksihan ni Edgar kung gaano ako nagsakripisyo ng mga panahong nag-aaral ako habang pinagbubuntis ko si James noon. Yes, he's my son. My biological son. Kahit na sinabihan ako ni Sir Jam na huwag muna akong mag-aral ay hindi ko na ginawa. Sayang ang panahon at gusto kong sulitin ang pagpapaaral niya sa akin kahit na hirap na hirap ako na magbuntis noon.

Bago pa ako mag first year ay nalaman kong buntis na ako dahil sa pag-iiba ng pakiramdam ko. Pero hindi naging hadlang iyon dahil nagpatuloy parin ako. Nagkaroon din ako minsan ng absences at hindi na ako binasag noon dahil nauunawaan ako ng mga teacher ko. Pinag summer class nila ako ng makailang buwan akong nagpahinga mula sa panganganak. Tandang-tanda ko pa na dala-dala ko si James sa school. At sila Edgar nga ang tumulong sa akin na sandaling bantayan si James habang nag-aaral ako o nag-e-exam.

Kaya malaki ang pasasalamat ko sa barkada ni Edgar. Kaya hindi ko din sila makakalimutan.

"Kamusta ka naman? Saan ka pumapasok?" tanong ko sa kanya.

"Sa isang construction site. Secretary ako ng isang engineer." napatango ako, "E, ikaw?"

"Sa isang lingerie and underwear collection company. Yung JaRa's Collection."

"Oh! Doon? Bigatin iyon, ah."

Napangiti ako, "Oo nga, e."

Pinunasan ko ang nguso ni James ng kumain siya mag-isa ng spaghetti, tila nagpapansin sa akin.

"Yung ama niya, hindi parin ba nagpapakita?"

Napatigil ako sa ginagawa kong pag-alalay sa pagsubo kay James ng itanong iyon ni Edgar. Ayoko na sana pag-usapan pa dahil sumasakit lang ang dibdib ko.

"I'm sorry kung na-offend kita, Arwena."

Tumingin ako kay Edgar at ngumiti rito para ipakita na ayos lang.

"Ayos lang, tsaka masaya naman kami kahit na ako lang."

Tumango siya at hindi na nagtanong pa na siyang kinahinga ko ng maluwag. Sinubuan ko si James na kanina pa binabatak ang blouse ko at nagpapansin.

Napangiti ako dahil nagseselos siya't si Edgar ang pinapansin ko.

NASA KALAGITNAAN na kami ng pagkain ng mag-ring ang phone ko. Sa office ang number na rumehistro kaya nag-excuse muna ako kay Edgar bago tumayo at medyo lumayo sa kanila.

"Hello, this is---"

(Bumalik ka na ngayon rin!)

Napamaang ako dahil hindi ko inaasahan na siya ang tatawag. At hindi na ako nakapagsalita pa ng babaan niya agad ako.

Napahinga ako ng malalim at bumalik kela James. Nakita ko ang masamang tingin ng anak ko kay Edgar pero ngiti lamang ang sinusukli ni Edgar.

"Edgar, I'm sorry kung mauuna na kami. Kailangan ko na kasing bumalik sa office dahil may meeting pa kami."

"Ayos lang. Hatid ko na kayo?"

Umiling ako habang kinukuha ang gamit namin at pinamiling laruan ni James.

"Hindi na, salamat nalang. Nandiyan si Simon at Yaya nito, may dala din akong kotse."

"Ganun ba.. kung gano'n ay mag-iingat kayo."

Ngumiti ako at tumango bago ko akayin na si James, na mabuti't tapos ng kumain.

"Ma! Bakit aalis agad tayo?"

Sumama ang timpla ng mukha ni James habang nagpapabigat ng lakad para hindi kami umalis sa mall.

"Baby, need na kasi ni Mama na pumasok sa office. Hayaan mo, kapag nakakuha ulit ako ng time na mag-half day ay ipapasyal muli kita."

Hindi ito sumagot at salubong ang kilay kaya napabuntong-hininga ako. Paglabas namin ng mall ay agad na lumapit ang Yaya niya.

"Yaya, ikaw na muna ang bahala kay James. Kapag ginabi ako ay painumin mo siya ng vitamins na pinapainom ko sa kanya."

"Masusunod po, Mam."

Tumingin ako sa anak ko na ayaw pang bumitaw sa akin.

"James, sama ka na kay Yaya.. Hayaan mo mamaya pag-uwi ko ay lalaruin natin 'yang baril-barilan mo."

Doon nakuha ang atensyon niya at nawala ang pagkakuno't ng noo niya.

"Promise?"

Ngumiti ako at naupo para mapantayan ko siya.

"Promise, baby. Huwag ka nang magtampo kay Mama. Lahat naman ng gusto mo ay sinusunod ni Mama, 'di ba?"

Tumango siya at niyakap ako sa leeg kaya napangiti ako na hinaplos ang likod niya.

"I love you, Mama!" hinalikan niya ako sa pisngi bago siya bumitaw at agad na tumakbo kay Yaya.

Natawa na tumayo ako at kumaway ako ng lumingon ito. Hinintay ko munang makaalis sila bago ko tinungo ang sasakyan ko. Napabuntong-hininga ako. Nais ko parin na maka-bonding si James, pero nasira iyon dahil kay Edward.

Sumakay na ako sa sasakyan at pinaandar. Agad din akong umalis ng mall at bumalik sa opisina. Gaya ng pinag-parkingan ko kanina ay doon ako nag-parking. Nakita ko na hindi na kotse ni Edward ang nakaparking doon.

Umalis ba siya?

Nakiba't balikat ako at bumaba na ng sasakyan. Sakto naman na bumukas ang elevator kaya agad na humabol ako at pumasok. Ilalagay ko palang ang susi ng kotse sa bag ko ng mapatingin ako sa pumasok.

Nabigla ako ng itulak niya ako sa pader ng elevator.

"Sir, anong--"

"I saw you with a man and child."

Dinumbol ng kaba ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Nakita niya ba kami sa restaurant? Nakita niya din si James at Edgar? Kaya ba niya ako pinapabalik agad para komprontahin.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

Sinubukan ko pang magkaila ngunit napatiim-bagang siya at mariin akong hinawakan sa balikat.

"Bukod kay Dad ay may iba ka palang lalake! At worse ay may anak ka pa sa iba!"

Hindi ko alam kung bakit pero nasaktan ako sa sinabi niya. Akala ko alam na niya. Akala ko ay malalaman niya ang lahat. Pero hindi pala. Dahil tingin niya parin sa akin ay malandi na kumabit sa ama niya at ngayon ay may lalake ako sa paningin niya at may anak.

Tinulak ko siya na kinabigla niya.

"Wala akong dapat na ipaliwanag sa'yo."

Lumapit ako sa elevator para pindutin ang isang button para mapabilis na itong elevator. Ngunit hinatak ako ni Edward at sinandal muli sa pader. Ngunit sa pagkakataong ito ay sobrang lapit niya at halos isang pulgada lang ang layo ng mukha namin.

"Tigilan mo na ang Dad ko. Tigilan mo na ang ginagawa mo. Dahil hindi kita hahayaan na lokohin mo pa si Dad at Mom!"

Galit na galit siya. Bumaba ang kamay niya sa bewang ko at mariing humawak kaya mas napalapit pa ako sa kanya.

"Bakit ka ba nagagalit? Ikaw ba ang pinagtaksilan ko? Ano naman ikagagalit ng Dad mo kung malaman niyang may iba ako?"

"Damn it! Shut up! Shut up!"

Napasinghap ako at napapikit ng mariin niyang sinakop ang labi ko. Napakapit ako sa coat niyang suot habang napahalinghing ako sa sobrang diin ng pagkahalik niya.

Naramdaman ko ang kamay niya sa hita ko at umangat ang isang binti ko ng i-angat niya iyon ka-level sa bewang niya. Napahawak ako sa balikat niya ng idiin niya ang katawan sa akin. Habang humahaplos ang isang kamay niya sa binti kong nasa bewang niya.

Napasinghap ako ng bumitaw siya sa labi ko. Taas-baba ang dibdib ko sa paghabol ng hininga ko habang napapapikit ako ng humagod ang labi niya sa leeg ko. Binaba niya ang paa ko mula sa bewang niya at naramdaman ko ang pagtaas niya sa skirt na suot ko at binaba ang garter ng panty ko.

Muli niyang tinaas ang binti ko sa bewang niya ng maibaba ang panty ko at tumingin siya sa akin habang binabaklas ang butones at zipper ng pants niya.

Walang nagsasalita sa amin. Nakatingin lamang siya sa mata ko at ako ay ganun din. Hinapit niya pa ang bewang ko at tumitig siya sa akin ng malalim.

"Ed, hindi mo maitatanggi na alipin parin kita. Alipin."

Pumikit siya at akala ko ay hindi na niya itutuloy ang binabalak, lalo't alam kong ma-pride siya ngayon. Ngunit ng dumilat siya at ngumisi ay nakaramdaman ako ng intesidad.

"Oo, alipin parin ako. At ang alipin ay ginagawa ang lahat ng gusto ng amo niya. Hindi ba't ito ang gusto mo? Pwes, pagbibigyan kita. Aalisin ko ang lahat ng lalake sa buhay mo. Aalisin ko sa ganitong paraan."

Napasinghap ako at napadiin ang kapit ko sa balikat niya. Sinamantala niya ang pagsinghap ko ng sakupin niya ang labi ko para mapusok na halikan ako kasabay ng buong diin niyang pagsagad ng kahabaan niya sa loob ko na nanunuot sa kaibuturan ko habang narito kami sa loob ng elevator.

© MinieMendz

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

5.2M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
4.7M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
1.5M 35.2K 35
Hindi naman siya kagandahan pero bakit kaya siya pa ang pinag-aagawan? Pilit niyang umiiwas pero ang mahanging hatid na dala ng mga hari ay hindi niy...
681K 10.4K 17
#Mature #Age gap #Tinaguan ng anak Mapaglaro sa pag-ibig. Kaya si Kraius, seventeen years ang naging bad luck.