Clash Between Campus Royaltie...

By wonrangkei

374K 9.3K 1K

Cold vs Hot Play Girl vs Snobber Bully vs Cranky Childish vs Casanova War-freak vs Troublemaker They have a c... More

Characters and Prologue:
Author's NOTEU: 📝
• Chapter 1 •
• Chapter 2 •
• Chapter 3 •
• Chapter 4 •
• Chapter 5 •
• Chapter 6 •
• Chapter 7 •
• Chapter 8 •
• Chapter 9 •
• Chapter 10 •
• Chapter 11 •
• Chapter 12 •
• Chapter 13 •
• Chapter 14 •
• Chapter 15 •
• Chapter 16 •
• Chapter 17 •
• Chapter 18 •
• Chapter 19 •
• Chapter 20 •
• Chapter 21 •
• Chapter 22 •
• Chapter 23 •
• Chapter 24 •
• Chapter 25 •
• Chapter 26 •
• Chapter 27 •
• Chapter 28 •
• Chapter 29 •
• Chapter 30 •
• Chapter 31 •
• Chapter 32 •
• Chapter 33 •
• Chapter 34 •
• Chapter 35 •
• Chapter 36 •
• Chapter 37 •
• Chapter 39 •
• Chapter 40 •
Questions for Royalties
Short Announcement
Answers from Royalties

• Chapter 38 •

5.2K 137 33
By wonrangkei


Chapter 38: Chaos

💢💢💢💢💢

Savannah's POV:

Pare-parehas kaming nakatingin kay Xana, na kasalukuyang nagbabasa ng libro at wala yatang balak na lingunin kami.

Gusto namin ng kasagutan.

Kung bakit sila magkasama ni Kyle pagpasok nila dito sa room.

Eh ang pagkakatanda ko, nasugatan si Kyle tapos dadalhin lang daw ni Xana si gago sa clinic at iiwanan na dun.

Eh bakit magkasama pa rin sila kung iniwanan lang ni Xana si Kyle don?!

"We need explanation, Xana Deign" Sabi ni Leslie kaya Xana. Seryosong tiningnan naman ni Xana si Leslie at bumuntong hininga.

"I treated his wounds, no nurses, lunch break" Sabi niya at bumalik sa pagbabasa.

"Eh bakit kailangan sabay pa kayong pumasok? Nakita namin kayo na magkasama" Sabi naman ni Zia. OA na kung OA, pero big deal sa amin yon. Ex ni Xana si Kyle kahit 3 months pa lang sila noon. Pero kasi! Ang ex, ex na. At balik-baliktarin man ang mundo, ex pa rin ni Xana si Kyle. Kaya big deal talaga samin yon!

"He told me that we should go together, we're in a same room. So no need to refuse" Sabi niya habang nagbabasa pa rin.

"Eh bakit kasi hindi ka pa umaalis don?! Nananadya ka eh!" Sigaw ko kay Kyle, kita ko naman ang pagkunot ng noo niya hudyat na nainis na ang loko.

"Eh pakielam mo ba?! Masama bang sabihan siya na sabay na kaming pumasok?!" Inis niyang tugon.

"Oo! Kasi kakasabi mo lang na tuloy ang pesteng patakaran na yan kahapon tapos ngayon sasabihan mo si Xana na EX mo na sabay na kayo pumasok! Ano ka, bobo o tanga?!" Sigaw ko at padabog na tumayo.

"Kailangan ba na ipaliwanag ko lahat sa inyo ang mga desisyon ko at bakit ko gagawin yon?! Eh paano kung gusto ko lang?! Hindi naman siya tumangi!" Ganti pa niya kaya lalo akong nainis.

Oo, mababaw na kung mababaw ang dahilan ng pag-aaway namin. Eh bakit ba?! Sinaktan niya si Xana tapos ilang araw lang ang lumipas niyaya niya nang sabay silang pumunta sa classroom?!!! 'Tol! Hustisya! Hustisya ang kailangan hindi simpleng pag-aya lang! Taena naman oh!

"Kyle naman! Automatic na yon! Hindi na kayo mag-jowa! Tigilan mo na si Xana! Layuan mo na siya!" Naiinis ko pang ganti.

"Paano kung yon ang gusto kong gawin?! Kailangan ko pa bang hingin ang permission mo bago ko kausapin si Xana? Savannah, kaibigan mo lang siya! Hindi ka niya nanay!"

"Oo hindi niya ako nanay! Pero hindi lang niya ako basta kaibigan! Bestfriend ko siya, Kyle! Pero tinuturing ko na siyang kapatid, kaya sapat na yon na dahilan para pagbawalan ka namin sa paglapit kay Xana!"

"Bakit kailangan mong mangielam, Savannah?" Pare-parehas naman kaming napatingin sa nagtanong, lalo naman akong nainis nang makitang si Edward ang nagsalita.

"Eh ikaw? Bakit mo kailangang mangielam sa pag-aaway namin? Hindi ka kasali dito, Suriano! At napakapakielamero mo talaga, di ba sabi ko sayo wag mo na 'kong papakielaman?! Eh ano yang ginagawa mo?!" Inis kong saad.

"Ganito na 'ko noon pa, Savannah. Ano babaguhin ko pa sarili ko para di na kita pakielaman at magkaayos na tayo? Savannah, hindi ka kawalan at wala ka lang sa buhay ko" Natigilan naman ako sa sinabi niya.

"You just crossed the line, Edward. But let me tell you, wala ka rin naman sa buhay ko. Isa ka lang stranger na kahit kailan hindi ko na kikilalanin pa ulit" Matigas kong sambit at akmang lalabas na ng room nang biglang may pumasok mula roon.

Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang naging reaksyon ko nang makita kung sino yun.

"Kyle, pwede ba kitang makausap?" Tanong niya.

"A-Ano ba yun, Keisha?" Tanong ni Kyle. Yep, it's Keisha. Yung baliw na balak magpakamatay kanina pero nang kumprontahin ni Kyle eh umakto na parang walang nangya--

"Yuck"

"Kadiri yun ah"

"That's gross"

"Eeww!"

"Sakit sa mata tangna"

Kaming lima ang nagsabi nun. Si Leslie, Zia, Xana, Yisa at ako.

"Kailangan talaga sa harap namin kayo maghalikan?" Inis na tanong ni Leslie pero hindi siya pinansin nung dalawa at lumabas na ng room.

Yun na yon? Taenang yan, pagkatapos nilang maghalikan sa harap namin aalis lang sila ng ganon-ganon lang?! Depungal na yan.

"I gotta go" Napatingin kaming lahat kay Xana nang sukbitin ang bag niya tapos lumabas din.

"Uy Xa! San ka punta?" Pahabol na tanong ni Zia.

"CR" Rinig naming sagot niya kaya hindi na namin siya pinigilan.

"Pansin ko, ang hilig niyang pumunta sa CR" Sabi ko at umupo sa upuan ko.

"Dun niya lang kasi nalalabas lahat ng sama ng loob niya" Sabi ni Leslie habang inaayos ang buhok niya.

"Seryoso?" Tanong ni Adrian.

"Yep, she's always like that kaya and minsan nilalabas niya ang galit niya through an object" Sabi ni Yisa.

"Hindi ko gets" Sabi ni Jevin.

"Ibig sabihin kesa makasakit siya ng tao, bagay na lang ang ginagamit niya para mailabas ang galit niya. For example, susuntukin niya ang pader at hahayaan niya lang na magdugo ang kamay niya" Sabi ni Zia kaya medyo napanganga si Jevin at Adrian. Wala namang pakielam yung dalawa eh, ganun din naman kami sa kanila kaya ayos lang.

"Paano kung gawin niya ulit yon mamaya?" Tanong ni Yisa samin.

"Siguro naman hindi, baka iiyak lang muna siya sa loob ng isang cubicle and then mag-aayos siya ng sarili" Sabi ni Zia.

"Parang imposible naman nun. May pagkamisteryosa si Xana, Zia. Kaya hindi natin alam kung ano ba talaga ang gagawin niya sa loob ng C--" Hindi naman natapos ni Leslie ang sasabihin niya ng may estudyanteng sumigaw.

"Queens! Queens!" Pare-parehas kaming napatingin sa tumatawag samin, si Trisha kasama si Nella.

"Oh, bakit?" Tanong ni Leslie sa kanya

"Yung girls' restroom, naka-lock!" Sabi ni Nella habang hinihingal.

"Ano naman?" Tanong ko.

"N-Nandun sa loob si Queen Xana!" Kaagad kaming kumaripas ng takbo palabas ng room pagkabanggit na pagkabanggit ni Trisha ng pangalan ni Xana.

Naabutan namin ang tapat ng CR na may nakapalibot na mga estudyante at teachers, panay katok nila pero walang sumasagot sa loob.

Pinadaan naman kami ng mga estudyante para makapwesto kami sa tapat ng pinto.

"Girls, nasa loob si Xana. Kanina pa kami katok ng katok pero ayaw niyang buksan ang pinto" Sabi ng teacher kaya tumango kami.

"Xana! Buksan mo naman yung pinto oh!" Tawag namin sa kanya pero imbis na boses niya ang marinig namin....

"Salamin ba yun?" Takang tanong ni Zia. Rinig namin ang pagkabasag ng salamin.

"Oh my gosh! She's punching the mirror!" Sabi ni Yisa kaya lalo kaming nataranta at pinagkakatok ang pinto.

"Xana! Open the door, Xana Deign! Please open it!" Utos ni Leslie habang pinapalo na ang pinto.

"Anong nangyayare dito? Sinong nasa loob?" Napatingin kami kay Aries nang makarating siya sa tabi namin kasama yung dalawa.

"Nasa loob si Xana, ayaw niyang buksan yung pinto at nakakarinig kami ng pagbasag ng salamin" Sabi ko sa kanila.

"Unlock the door, 'couz! Hey Xana!" Sigaw ni Aries.

"Eh kung sipain niyo kaya?" Suggest ni Charles kaya nagkatinginan kaming apat.

"Pwede naman, pero nakapalda kami" Sabi ni Leslie.

"Kami. Kami na lang ang sisipa" Sabi ni Kirby kaya tumango kami at umatras, ganun din naman ang mga estudyante na nakikiusyoso sa nangyayare.

"On the count of three. One, Two, Three!" Sabay-sabay nilang sinipa yung pinto, bumungad naman saming lahat ang magulong CR.

May basag na salamin, sirang pinto ng cubicle, basang sahig... na may mangilan-ngilan na bahid ng dugo...

Du-Dugo?

"Oh my! Xana!" Hindi naman na napigilang maiyak ni Yisa nang tumumbad samin ang walang malay na katawan ni Xana.

Magulo ang buhok, maduming uniform na may dugo-dugo pa, at yung kamay niya, may sugat.

Damn! Anong ginawa mo, Xana Deign?

**

Ako, si Yisa, Leslie, Zia, Xian, Aries, Charles at Kirby ang nasa labas ng ER. Nandito kami ngayon sa ospital dahil malala yung nangyare kay Xana. Hanggang ngayon ay naiiyak pa rin si Yisa dahil sa pag-aalala kay Xana.

Minsan lang namin siya makitang magkaganito, bihira niyang saktan ang sarili niya. Bago mangyare 'to, yung pagkakasuntok niya sa pader nung nakulong kami sa Storage Room ang huling beses na saktan niya sa sarili niya.

Bukod sa pagdudugo ng kamao niya, may mangilan-ngilang hiwa ang nakita namin sa braso niya, pero ang pinakamalala ay yung sa palad niya. Malalim ang sugat niya don at ayaw tumigil sa pagdugo, kaya siguro nawalan siya ng malay.

Tahimik lang kami naghihintay dito sa labas ng ER habang chinecheck nila ang Vital Signs ni Xana.

Tanging paghinga lang namin ang maririnig bago bumukas ang pinto ng ER. Lahat kami ay kaagad na napatayo at nilapitan ang doctor.

"Doc, kamusta po si Ate Xana?" Tanong ni Xian.

"Her cut on her palm is too deep, and we need to undergo surgical stitching and we did. Aside from that, she got unconcious because of lack of rest and over-fatigue" Sabi ng doctor kaya napabuntong hininga kami.

"U-Uhmm, kailan po siya magigising?" Tanong ni Aries.

"After 8-10 hours due to her less rest" Sabi niya kaya tumango kami.

"Can we move her to a private ward?" Tanong ni Leslie.

"Yes, sasabihan ko na lang ang ibang nurses na dalhin na siya sa isang private ward. For now, please excuse me" Sabi ng doctor kaya tumango kami bago siya umalis.

Sabay-sabay naman kaming napabuntong hininga dahil sa sinabi ng doctor.

"Sabi na eh, hindi okay si Xana" Sabi ni Kirby.

"Buong akala natin, hindi siya naapektuhan ng todo sa paghihiwalay nila ni Kyle. Pero anong ginawa niya? Nilihim niya yung totoo niyang nararamdaman para hindi tayo mag-alala sa kanya" Sabi ni Charles.

"You are right, she hid it from us" Sabi ni Leslie.

"Pero bakit kailangan niyang saktan ang sarili niya?" Tanong ni Aries.

"Ar, don't you know? She is a secretive person, hindi siya mahilig magsabi ng totoo niyang nararamdaman" Sabi ni Yisa.

"Can't we confront her sometimes?" Tanong ni Xian, ramdam na ramdam naman namin ang pag-aalala at awa sa boses ni Xian.

"Kahit anong gawin natin, Xian. Hindi natin mapapaamin si Xana, depende na lang kung siya mismo ang magsasabi satin" Sabi ko kaya malungkot na napatango na lang si Xian.

Lumipas ang mahigit limang oras, nalipat na sa pribadong kwarto si Xana at hindi naman kami nakapasok pang muli dahil kailangan naming bantayan si Xana.

6 hours nang walang malay si Xana, at sa anim na oras na yun, nakabantay lang kami sa loob ng kwarto.

Kinakailangan namang pumasok nila Aries kaya kaming anim na lang ang nandito sa loob. Pagod na napasandal naman ako sa sofa na nasa kwarto habang kumakain naman ng mangga si Zia at Yisa. Habang si Leslie, natutulog din. Tapos si Xian, nakatanaw sa bintana habang nagsasoundtrip.

Pare-parehas naman kaming napatingin sa kama nang biglang may umungol mula rito. Pinagmasdan namin si Xana na dahan-dahang minumulat ang mga mata at nilibot ang tingin.

Kaagad naman kaming lumapit sa kanya at tinanong kung ayos na ba ang pakiramdam niya.

"I'm fine" Pare-parehas naman kaming napasimangot sa sagot niya.

"Xana, stop lying" Sabi ni Leslie at umupo sa tabi ng kama.

"I am not lying" Pagmamatigas niya.

"Xana Deign, alam naming hindi mo sasaktan ang sarili mo kapag hindi mo na kinakaya ang galit o sakit na nararamdaman mo. Kaya umamin ka nga, bakit mo ginawa yon?" Seryoso kong tanong pero hindi siya sumagit at nanatiling naka-iwas ng tingin.

"Xana naman, alam mo bang tinawagan namin ang school ni Xian para ibalita ang nangyare sayo? He was in the middle of his class nang malaman niya ang nangyare, at talagang umabsent na siya sa mga susunod pa niyang klase para bantayan at alamin ang nangyayare dito sa ospital" Pag-mamakaawa ni Zia kaya napabuntong hininga si Xana at biglang tumungo.

Hinintay naman namin kung may sasabihin siya pero umabot na ng sampung segundo hindi pa rin siya umiimik. Ibubuka na sana ni Yisa ang bibig niya ng biglang tumingin saming anim si Xana.

"I was hurt" Panimula niya kaya nanatili kaming tahimik para makinig.

"No... I am hurt, hindi ko na kinaya. Even though I am telling you that I'm fine, deep inside I am really not. My whole body got so much affected the time I saw them kissed a-and... and honestly, I am being secretive because I don't want you to get worry. A-And m-my he-heart... can't take it anymore when I saw them kissed once again" Hindi kami nakaimik sa sinabi niya pero lalo kaming natameme nang bigla siyang umiyak.

Woah! Ang ganitong side ni Xana, bihira naming makita. Oo mukha siyang emotionless, pero yun ang yung way niya para itago ang totoo niyang nararamdaman.

Iba talaga 'tong babaeng 'to, andaming tinatago. Ang hirap din kasi niyang kumprontahin, kakarampot lang ang isasagot niya at yung iba pabalang pa. Bibira mo lang siya mapapaamin, misteryosa ika nga nila.

"Kahit mukha akong walang pakielam sa ginagawa ni Kyle at Keisha, ang totoo nyan nasasaktan na talaga ako. Na gusto ko ako yung nasa tabi niya, na ako yung kasama niya, pero hindi eh, hindi na nangyare pa ulit yun" Dagdag pa niya. Wala naman silang nagawa kundi icomfort si Xana.

"But I'll try my best to move-on, and probably I will just distract myself to other things and forget him. It'll be easy"

Yan naman ang huli niyang sinabi bago niya sabihing nagugutom na siya. Oh di ba? Pagkatapos magdrama, sasabihin niyang gutom siya. Ka-galeng!

Kinagabihan ay na discharge na rin sa ospital si Xana, si Tita Sheena ang nagbayad ng hospital bills tapos ito namang si Ateng Lamig gusto na kaagad na pumasok kinabukasan. At dahil mapilit at 'di namin siya mapipigilan, edi ayun kasama naming pumasok kanina.

Sa ngayon...

Pa'no ba 'to?

Uhhh kaya ngayon...

Rambol muna ang papanoorin namin....

"Gago ka talaga!" Tengene, ang hirap palang awatin ni Aries kapag galit?

"Ako na lang lagi ang sinisisi niyo kapag may nangyayareng hindi maganda sa kanya! Ako na lang lagi!" Isa pa 'to, gumaganti pa kasi.

"Bakit?! Ikaw lang naman ang nag-iisang tao na kayang saktan ang pinsan ko! Bakla ka yata eh!" Sige, asarin mo pa. Alam mo namang mainitin ulo niyan.

"Bakla?! Eh gago ka rin pala eh!" Kitams? Gulo talaga ang aabutin ng dalawa 'to.

"Wala kasing ibang ginawa kundi saktan si Xana! At siya lang ang nag-iisang babae na sinasaktan mo! Kaya bakla ka talaga!" Sige lang, tuloy niyo lang.

"Kasalanan ko bang ganun ka-sensitive si Xana para ganun siya masaktan?! Kasalanan ko ba na saktan niya rin ang sarili niya dahil sakin?!" Ay! Oo, pre. Kasalanan mo. Seryoso.

"Oo kasalanan mo! Dahil ikaw lang naman ang nanakit sa pinsan ko!" Ang gulo ng cafeteria. Sayang yung oras, yung pagkain, at yung mga lamesa't upuan.

"Pero hindi lang dapat ako ang sisihin niyo! Dahil hindi lang naman ako ang masama sa mundo!" Aba't--! Naganti talaga.

'Tooooooooool! Kahapon aksidente, ngayon away. Punyeta! Ang chaos ng Presly! Nakaka-stress!!!

******

To Be Continued...

____________________________

Yo wazzup? Wazzup? Ayan naaaaa! Away-away naaaa! Kasalanan si Kyle, chareng! So 'to na yung update na hinihintay niyong lahat.

Dalawang chapters na lang, mga 'preee!

Pagkatapos ng dalawang chapters, may surprise ako hahahaha!

Geh! Done!

Continue Reading

You'll Also Like

20.9K 506 74
What will happen if a group of girls met a bunch of medjo hambog na boys? Is there a fight to bet or a love story to wait?
26.5K 649 21
Stanford Academy~ The Best and Powerful academy in the whole world there are some branches but this is the real one. In this academy 4 Campus Princel...
170K 5K 50
NOTE: This story is written in filipino. Masipag akong magupdate kaya there's no reason para mabitin. If you find this story interesting please dont...
235K 7.8K 51
Shayne Falco is a nerd who fell inlove with Bernard Gonzales, the campus heartthrob. Loving the heartthrob is not easy, she told herself to never giv...