It's Complicated

By AillexSkcy

55.7K 1K 94

Jerk at maattitude ang tawag ng marami kay Kai Alejandro, isang babae na lumaki sa bansang Spain ngunit kinal... More

Reminders
Prologue
Chapter 1: Weird
Chapter 2: Café Morina
Chapter 3: Safety first
Chapter 4: Goodluck
Chapter 5: With her
Chapter 6: I miss you and I love you
Chapter 7: Puesta de sol (SUNSET)
Chapter 8: Ex
Chapter 9: Jealous
Chapter 10: Tutor
Chapter 11: Anu Tayo na?
Chapter 12: Earrings
Chapter 13: Goldy Kai
Chapter 14: Can't Wait
Chapter 15: Late
Chapter 16: Perfume
Chapter 17: Ela's Career
Chapter 18: Photoshoot with my EX
Chapter 19: The Kiss
Chapter 20:
Chapter 21: The Party
Chapter 22: Dalagang Pilipina
Chapter 23: The Meet Up
Chapter 24: EMERGENCY
Chapter 25: I Love You
Chapter 26: Hiccup
Chapter 27: Unforgettable Moment
Chapter 28: Charm
Chapter 30: Love Team
Chapter 31: New Concept
Chapter 32: The International Model Collide
Chapter 33: KAIBIGAN
Chapter 34: Nightmare
Chapter 35: Omelette
Chapter 36: Delicioso
Chapter 37: Confused
Chapter 38: Trending
Chapter 39: Still confused
Chapter 40: Text
:( Chapter 41: I LOVE YOU, GOODBYE :(
Chapter 42: Nonsense Deal
Chapter 43: Safe
Chapter 44: Don't make me worry
Chapter 45:
Chapter 46: Your Lips
Chapter 47: Laura and Abbie
Chapter 48: I am still your best friend and you are still my best friend
Chapter 49: I have something to tell you <3
Chapter 50: Vanilla Lace
Extra Chapter
Epilogue
Book Announcement
Book Two of It's Complicated

Chapter 29: I still love you

583 12 0
By AillexSkcy

Chapter 29: I still love you

.
.
.
.

Ela's POV

Bukas na kami pupunta ng Australia para sa event na magaganap, medyo masakit pa rin ang ulo ko dahil sa kalasingan kagabi. Sa bahay ni Kuya muna ako tumuloy habang nagpapahinga, maghapon na ako dito pero wala pa rin akong natatanggap na balita tungkol kay Jane. Ang sabi ni Lexa sobrang bagsak ni Jane kagabi kaya nag aalala ako sa kanya. Nabanggit din ni Lexa na hinatid siya ni Kai kaya napanatag naman ako.

"Oh ano na naman yang iniisip mo diyan?" Napatingin na lang ako kay Kuya habang naghihiwa siya ng karne ng isda.

"Wala kuya, medyo masakit pa rin ang ulo ko."

"Hay naku Ela, kilala kita."

"Alam ko Kuya Arden kung sino ang iniisip niyan." Sabat naman ni Ally habang abala sa paghalo sa niluluto nila. Actually Ally is my cousin, pero parang kapatid na din namin ni Kuya dahil dito na siya lumaki sa amin. Patay na kasi ang mga magulang ni Ally kaya kami ni Kuya ang kumupkop sa kanya, ang sabi din kasi ng mga magulang namin. Syempre ayaw namin na maranasan niya yung naranasan namin noon, kaya nga nag ibang bansa ako para sa pag aaral ko at sa pag aaral ni Ally. Tapos sinabayan pa ng pagkalugi ni Kuya sa pinatayo niyang restaurant, mabuti na nga lang at nakahanap agad ako ng trabaho kasi bawat sahod ko pinapadala ko dito sa Pilipinas para kay Kuya at kay Ally, and thank goodness kasi may pinatunguhan ang pagtatrabaho ko kahit papaano nakabangon ang restaurant ni Kuya, tapos ako mas dumami ang endorsement.

Napilitan lang talaga akong mag ibang bansa, ang totoo nga niyan ayaw kong magtrabaho sa ibang bansa kasi malayo sa pamilya ko, kay Kuya tsaka new society and new environment yung kailangan kong matutunan. Pero ginawa ko pa rin para lang makaahon ang restaurant ni Kuya, tsaka makatapos si Ally sa course niya gayundin ako.

Noong una nga extra lang ako, pero ginawa ko pa rin para lang kumita. Nagkayud ako, nagpart time halos lahat ginawa ko makapag ipon lang ng ipapadala sa Pilipinas. Muntik pa nga ako masangkot sa drug dahil nagtry akong magtrabaho sa bar bilang dancer, nagwaitress din ako sa isang fast food pero hindi pinalad kasi masyado daw akong attractive sa mga customer kaya naghanap ako ng ibang mapapasukan, nangatulong din ako pero gayundin ang sinabi. Nagtrabaho din ako sa palengke bilang vendor ayos naman kaso napaka inggitera ng boss ko, bakit daw ako palagi ang hinahanap ng mga suki? E kasalanan ko ba na maganda ako at sexy, hindi naman diba? Ang last kong inaplayan ay ang sales lady sa sikat na mall sa Spain, pero hindi sales lady ang pinagawa sa akin. Ako ang ginawa nilang model sa mga damit then iyon pala ang nararapat na trabaho sa akin, after a week nagboom pataas ang sales ng kompanyang iyon, hanggang sa may mga nag isponsor sa akin tapos yung partner ng mall na iyon ay ang sikat na H&M at ang Hollister. Kaya mas ginanahan akong ipagpatuloy ang pagtatrabaho ko. Pero bago iyon pumasok ako sa acting workshop doon ko nakilala si Lexa, siya ang naging mentor ko para mabuksan yung isip ko na hindi ko kailangan magpabebe, kailangan kung anong sabihin ng director or photographer dapat sundin ko para mas makilala ako.

Ang akala ng iba mataas na agad ang sweldo ko noong una, pero pahirapan pa bago ko nakamit ang mataas na sweldo hanggang sa naging kilala na ako. Then doon ko ipinagpatuloy ang pag aaral ko, at doon ko nakilala si Kai. Noong una ko siyang nakilala di ko masyado mawari ang emotion niya. Jerk pa nga ang tawag sa kanya ng mga kaschool mate ko, kaya syempre hindi ako lumalapit sa kanya. Ang sabi kasi ng iba, mapapahamak daw ako kapag kasama ko ang babaeng iyon, pero noong tumagal hindi naman iyon ang nangyari, kasi mas naging independent ako at natuto na tumayo sa sarili kong mga paa.

Siya ang naging sandalan ko habang mag isang nakikipagsapalaran sa Spain, minsan nakikitulog ako sa kanila pero minsan syempre nahihiya ako kasi sila na din nagpapakain sa akin. Tapos dumating pa yung araw na nagka issue ang kontrata ko sa pagmomodel ko dahil sa isa naming kaklase na masyadong naiingit sa kagandahan ko. Mabuti na lang at nasolve iyon bago ako grumaduate, tinulungan din kasi ako ng Mommy ni Kai na isa sa mga stockholder ng companyang pinapasukan ko.

"Ayaw mo ba talagang kumain?" Bumalik ako sa kasalukuyan ng tapikin ni Kuya ang balikat ko. Kanina pa pala luto ang pagkain, ibig sabihin kanina pa rin ako kwento ng kwento about sa naging buhay ko sa Spain.

Ngayon ay magdadagdag  si Kuya ng tatlong branch pero sa akin ipapangalan, kasi ako naman daw ang tumulong sa kanya na ibangon ang restaurant niya. May sarili na din business si Ally kaya kaming tatlo ay kumikita na at may kanya kanya ng mga bahay. Bago ako umalis sa Spain ay bumili ako ng bahay at lupa, kasi next week babalik na ako ng Spain. Kasi patapos na ang kontrata ko dito sa Pilipinas after the big event.

.
.
.
.
.

Kai's POV

Umuwi din ako matapos kong mapainom si Jane ng gamot, kukuha na ako ng gamit at babalik sa condo unit ni Jane kasi hindi pa siya pwedeng iwanan lalo pa at pabalik balik ang lagnat niya. Tulog siya ng iwan ko kaya dali dali akong tumungo sa bahay at kumuha ng gamit.

"Kamusta si Jane?" Medyo nagulat ako ng biglang sumulpot si Tita sa likuran ko.

"Okay naman na po, kaso pabalik balik po ang lagnat niya e." Sagot ko naman habang abala sa pag aayos ng gamit.

"Nagtext sa akin si Gia. Next week na sila makakabalik."

"Opo after ng DJ collide sa Sidney."

"Nga pala Tita, doon po muna ako matutulog sa condo unit ni Jane. Maaga po kasi ang alis namin bukas, then next week pp ang balik namin, kasabay na po namin sina Tita Gia at Tito Simon."

"Oo nga para mabantayan mo si Jane. Ito pala ipainom mo sa kanya, para mabilis mawala ang lagnat niya." Iniabot ni Tita ang isang box na may nakalabel na medicine kit. Kinuha ko iyon at ngumiti kay Tita.

"Tsaka ito, alam kong mabilis kang sakitan ni tiyan. Binilhan kita kanina sa palengke, tsaka yung favorite mong candy."

"Tita nag abala pa kayo, pero thank you po. Kaya love na love ko kayo." Sabay yakap kay Tita, biglang sumagi sa isip ko na ngayon pala ang uwi ni Mommy pero bakit hindi siya tumatawag sa akin. Binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan kung may missed call ba, pero wala kaya biglang nagbago ang expression ng mukha ko.

"O bakit bigla ka namang lumungkot?"

"Ah wala po." Ngumiti ako at muling niyakap si Tita.

"Sige po, baka gising na si Jane. Babye Tita."

"Babye nak." Pabulong lang ang sinabi niya pero rinig kong tinawag niya akong anak. Siguro nabingi lang ako, kaya hindi ko na lang pinansin.

Umalis na ako at bumalik sa condo ni Jane, pagkadating ko nakaupo siya sa sofa habang nanonood ng TV. Ibinaba ko ang maleta ko at bag kaya napalingon si Jane sa kinatatayuan ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko habang nakatingin sa akin si Jane.

"Akala ko iniwan mo ako."

"Dito muna ako matutulog, nagpaalam na ako kay Tita Gia. Kuman ka muna para mainom mo na rin ang gamot na binili ni Tita Andrea."

"Sige." Tumayo siya mula sa sofa ngunit bigla siyang natumba, dali dali ko siyang pinuntahan at tinulungang makatayo.

"Ayos ka lang?" May pag aalala kong tanong.

"Yeah I'm good."

"Baka hindi ka makatayo ng matagal sa event."

"No I can handle myself, kaunting pahinga lang at kain mawawala din ang pagkahilo ko." Lumakad na siya at pumunta sa kusina, hinainan ko na siya at ibinigay ang gamot na binili ni Tita Andrea.

.
.
.
.
.

Kinabukasan, maaga akong gumising at ipinaghanda ng makakain si Jane. Mabuti na lang at normal na ang temperature niya kaya napanatag na ako.

After no'n ay maaga din kaming tumungo sa airport kung saan iyon ang tagpuan, nandodoon na ang iba naming kasamahan at tanging si Ela na lang ang hinihintay.

Maya maya pa ay dumating na si Ela, magkatabi kami ni Ela sa upuan habang si Lexa naman ang katabi ni Jane.

Pero dahil pumaparaan si Ela nakipagpalitan siya kay Lexa, kaya si Lexa ang katabi ko ngayon habang si Ela ang katabi ni Jane. Ewan ko pero parang minsan naiinis na din ako kay Ela, ayaw na nga sa kanya ni Jane pero pinagpipilitan niya pa rin na angkinin si Jane. Hindi naman sa nagseselos ako, tsaka bakit naman ako magseselos, kaibigan ko si Ela at ayaw kong mag away kami ng dahil sa love love na yan. Ang akin lang, ayaw na nga ni Jane sa kanya kaya huwag na niyang ipagpilitan.

.
.
.
.
.

Lexa's POV

9 hours ang biyahe kaya 9 hours kong makakatabi si Kai dito sa eroplano. Mabuti na lang at nakipagpalitan na si Ela sa akin, kasi pabalik na kami ni Ela sa Spain after ng event na ito kaya gumagawa na ako ng paraan na mas mapalapit kay Kai. Matagal ko na siyang crush pero dahil sabi ni Ela na si Kai ay mas straight pa sa buhok ko, nagdalawang isip ako kasi matagal na akong nagpapantasya sa kanya. Matagal ko na siyang gusto, pero dahil sa sinabi ni Ela medyo napaisip ako na mahirap siya hulaan kong magkakataste ba siya sa katulad niya ng gender.

Pero sa nakikita ko parang si Jane ang nakikinabang kay Kai, kasi lagi silang magkasama kaya siguro may paraan na ako para mapalapit ako kay Kai at malaman ko kung may taste din ba siya sa katulad ko. Kahawig niya kasi yung ex ko, pero iba ang ugali ni Kai sa ex ko kaya mas naattract ako sa kanya.

.
.
.
.
.

Jane's POV

Tumalikod ako kay Ela ng makipagpalitan siya kay Lexa, ayaw kong tumabi sa babaeng ito. Kaya umiiwas na ako habang kaya ko pa. Bakit kasi number 10 ang pinili ni Kai na number, sabi ko 9 ang piniliin niya pero mas gusto yata niyang katabi ang Lexa na iyon. Haist kahit inalagaan niya ako ng dalawang araw hindi ko pa rin siya papansinin.

9 hours pa naman ang biyahe, hay maboboring ako nito. Makalipas ang 2 oras, naisipan kong magbanyo kasi kanina pa ako naiihi pinipigilan ko lang.

Nang makapasok ako sa banyo ay biglang may kumatok sa pinto. Alam na ngang may tao kakatok katok pa. Naiinis kong sambit habang itinataas ang pantalon.

"Wait lang." Pagbukas na pagbukas ay agad na pumasok si Ela.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya. Bigla siyang umupo sa toilet bowl ako naman napatalikod na lang. Hindi ko naman pwedeng buksan ang pinto kasi nakaupo na siya.

Nang marinig ko ang flush ay agad kong pinihit ang doorknob pero hinawakan ako ni Ela sa braso ko at iniharap sa kanya.

"Jane ten minutes please?" Pagmamakaawa niya habang hawak ang braso ko.

"Ano ba ang sasabihin mo?" Naiinis kong tanong sa kanya. Bigla niya akong hinalikan sa labi kaya napapikit ako, pero pinigilan kong huwag gumanti. Kasi si Kai na ang gusto ko, wala na akong nararamdaman sa kanya.

"I still love you." Sambit niya ng inilayo niya ang labi mula sa akin. Hindi ako nakasagot kaya muli niya akong hinalikan. Pero sa pagkakataon iyon umiwas ako at dali daling lumabas ng banyo.

.
.
.
.

Ano bang akala niya sa akin madadala sa mga labi niya. No way, si Kai lang ang pwede humalik sa maganda kong labi. Sambit ng isip ko.
Pero gusto ba ni Ka ang labi mo? Tanong din ng isip ko.

Nakatungo akong bumalik sa upuan ko, nilingon ko ang kinauupuan ni Kai. Tulog siya habang nakasandal sa bintana. Napabuntong hininga na lang ako saga sandaling iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

23.5K 504 37
Masarap talaga mag mahal minsan nararanasan pang sumugal para sa pag ibig. Maraming klase ng pag ibig. Minsan nga tinatawag na stages of love. Puppy...
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.8K 236 43
University Series #01: Charlotte Grace Reyes & Flair Keyne Ross "She's the girl who own my lips." ©shaitamad Allrightreserved2K21
64.5K 2.7K 80
Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil...