The Professor's Daughter ! ✔

By iamnyldechan

156K 3.3K 198

My Boyfriend is The Professor Book 3 Dont forget to read the first 2 books before reading this. My Boyfrien... More

O n e
T w o
T h r e e
F o u r
F i v e
S i x
S e v e n
E i g h t
N i n e
T e n
S p e c i a l C h a p t e r
S p e c i a l C h a p t e r
E l e v e n
T w e l v e
T h i r t e e n
F o u r t e e n
F i f t h t e e n
S i x t e e n
S e v e n t e e n
E i g h t e e n
N i n e t e e n
T w e n t y
T w e n t y O n e
T w e n t y T w o
T w e n t y T h r e e
T w e n t y F o u r
T w e n t y F i v e
T w e n t y S i x
T w e n t y S e v e n
T w e n t y E i g h t
E p i l o g u e

T w e n t y N i n e E n d C h a p t e r

4.8K 95 9
By iamnyldechan





Ending Chapter 29

Nakaupo lang si Feena sa damuhan habang hinihintay ang mga kaibigan sina Sandro, Sam at Blake. Balak din niyang kausapin na si Zion dahil napagtanto niya na hindi niya matiis ang binata. Nabigla lamang siya sa mga nangyari at gusto niyang makipag ayos na dito.

"Feena! Feena!" nagulat ang dalaga ng marinig ang pagsigaw ng pangalan niya ng paulit ulit. Tumayo siya mula sa kinauupuan at hinanap ang pinanggagalingan ng tinig. Nakita niyang humahangos si Sam kasunod sina Blake at Sandro. Paghinto ng kaibigan sa harap niya ay hinawakan agad siya nito sa magkabilang balikat. Hindi niya alam ang nangyayari.

"Bakit? Parang nagmamadali kayo?" tanong niya kay Sam na naghahabol pa din ng hininga.

"Take this." wika nito at mabilis nilapag sa mga palad niya ang isang nakatiklop na papel. She's confused. Hindi tuloy siya makapagsalita.

"What is this?" Nasambit nalang niya.

"Its a letter. Read it while were on our way." sagot lamang ni Sandro at binitbit ni Blake ang dala nitong bag. Hinila ni Sam si Feena at  hindi niya alam kung saan pupunta. Huminto siya at kinuha ang kamay sa kaibigan.

"I'm about to see Zion kaya hindi tayo aalis." wika niya and Sam glares at her.

"You will never see Zion again kungdi pa tayo pupunta ng airport ngayon!" sigaw ng dalaga sa kaibigan. Nagulat si Feena.

"Ano?" nanlambot siya nang marinig iyon.

"Feena, makinig ka. We should go or else Zion will leave us. You don't want that to happen diba?" wika ni Sandro habang hawak ang kamay ng dalaga. Dahan dahan tumango ito. Inaya nila si Feena na sumama na sa kanila.

Pero natigilan sila sa paghangos nang harangin sila ng isang pamilyar na lalake.

"Would you mind If I take you there?" usal nito habang nakangiti.

"Papa!"sigaw ni Feena.

Ipinagmaneho sila ni Vladimir patungong NAIA Terminal 1 kung saan doon mag checheck out si Zion bago ang flight niya. Alas nuwebe ang eksaktong alis ng eroplano papuntang Spain. Kasama ng binata ang kaniyang ama.

Tahimik siya na  nakaupo si Feena sa likod ng driver's seat at sinimulan buklatin ang sulat.

Dear Feena,

If you already receive this letter, paalis na ako ngayon papuntang Spain. I'm sorry for causing you so much trouble and to your family. Mahalaga sila sa akin tulad mo, dahil sila ang tumanggap sa akin noon mga panahon ako lang mag-isa at wala pa si Papa. Salamat.

Ayoko nang mapapahamak ka pa dahil sa akin o sa mga alitan ng mga pamilya natin. I'm so grateful to have you as my friend and also Sandro, Summer and Blake. Naging makabuluhan ang college life ko dahil sa inyo.

And I asked Sandro na sana habang wala ako, bantayan ka niya. A short tempered girl na kailangan ng mahabang pasensiya, rebellious  at masungit. I told him na dapat habaan ang pang unawa sayo and always give advices so you won't do reckless decisions.

I know you can be better than that Feena.
I always have faith on you. I trust you.

When I saved you and Sandro from being hit. Nasabi ko sa sarili ko na, kaya ko pala. Kaya ko palang maging mabuting tao para sa iba. The thing my father or my auntie couldn't.
Totoo nga na pagmahal mo, gagawin mo ang lahat. And I'm happy na ikaw ang minahal ko Feena but fate tangled us.

I don't deserve it. You don't deserve me.
Goodbye Feena, I love you.

And I will love you for the rest of my life.

Zion,

Kusang  tumulo ang luha ni Feena matapos mabasa ang hand written letter ni Zion. Para siyang dinurog ng mga katagang nakalathala doon patungkol sa tunay na nararamdaman ng binata para sa kaniya.

She likes Zion. Pero paghanga lang ba talaga yon? Paghanga lang ba?

Nagulat siya nang madinig ang busina ng kotse. Huminto ito dahil sa bumper to bumper na trapiko sa kahabaan ng Edsa.

"Shit ngayon pa!" inis na ibinulong ni Sandro na nakaupo sa front seat.

"Oh my! Dapat mahabol na natin si Zion! Its almost 8:30." pag aalala ni Sam. Lumingon si Vladimir sa kabilang kalsada. Tanaw na niya doon ang airport.

"Kaya niyo bang takbuhin nalang ang NAIA? Matatagalan tayo dito. Baka makaalis na iyon..?" tanong niya sa mga bata. Pumayag ito pero lumingon siya kay Feena.

"Anak? Kaya mo ba?" natigilan ang dalaga sa tanong ng ama. Ito ba ay tanong na kaya niyang takbuhin ang airport o kaya ba niyang mawala ng tuluyan si Zion sa kaniya.

Hindi siya agad makasagot. Hawak lang niya sa mga kamay ang sulat.

"Anak?" Ulit ng ama niya.

"Opo Pa. Kaya kong takbuhin ang airport at hindi ko kayang mawala si Zion." sagot niya. Narinig iyon ni Sandro. Nasasaktan siya sa loob niya pero ang importante sa kaniya ang kaligayan nito at doon ay masaya na din siya.

Lumabas ang magkakaibigan sa kotse ni Vladimir.  Sandali muna niyang tinawag ang anak bago ito umalis.

"Anak! Mag ingat ha. And follow your heart." bilin nito at ngumiti ang dalaga.

"Salamat Pa. I love you." sagot nito at umalis na siya kasama sina Sam.

Matindi ang init ng araw na iyon. Mag aalas-nuwebe na at sumabay pa ang trapiko na papasok sa Edsa. Dumami kasi ang mga bus na nagdadaan at kasalukuyan papasok ang mga empleyado.

Hawak ni Sandro ang kamay ni Feena habang patakbo sila patawid sa kabilang kalsada.

"Sandro." tawag ng dalaga sa kaniya. Lumingon siya sandali dito.

"Why?" tanong niya habang nakatuon ang atensiyon nila sa tinatawiran.

"Thank you Sandro." humigpit ang hawak niya kay Feena. Alam niya na ang pagpapasalamat na iyon ay hindi basta tungkol sa pagtulong niya o sa pagkakaibigan nabuo. Masakit man para sa kaniya ang hindi ipaglaban si Feena, pero alam ng Diyos kung paano siya binago ng pagmamahal na natutunan niya para sa dalaga. He learned to open up to his parents again. He found friends. He trusts himself. And mostly he realized how love can change everything. From the darkness he lived with, until a light washes it away.

Nagpapasalamat siya dahil sa sandaling panahon nakasama niya sina Zion at Feena. Natutunan niya ang halaga ng pagkakaibigan at pagmamahal.

"Kuya, malapit na tayo!" Sigaw ni Sam nang makita ang NAIA airport. Nagtatakbo silang apat.

--

Nakapila na si Zion habang hatak ang nag iisa niyang luggage bag. May dala siyang leather body bag kung saan nakasilid ang ilan importanteng gamit niya. Hawak naman niya sa kaliwang kamay ang passport at plain ticket niya. Kasunod niya sa unahan ang ama na kausap ang isang attendant.

Hindi niya alam ang emosiyon na dapat niya maramdaman. Buo na ang desisyon niyang umalis pero parang may humihila sa kaniya pabalik.

"Zion." Tawag sa kaniya ng ama. Hindi siya agad nakasunod. Tulala siya at nag iisip. Napapansin na ito ni Zach.

Sumunod sa pila ang binata at inabot ang passport at ticket niya na iveverify ng attendant.
Ilan minuto nalang ang hihintayin nila bago umalis.

--

Nakapasok ang magkakaibigan sa departure area. Hindi nila alam saan uunahin hanapin si Zion.

"Saan natin siya hahanapin? Malapit na ang flight niya." natatarantang sinabi ni Sam.

"Maghiwa hiwalay tayo. Hindi tayo papasukin sa loob kapag madami tayo..Sam at Blake gawan   niyo ng paraan makapasok kami sa loob." Utos sa kanila ni Sandro. Pumayag ang dalawa at umalis na. Habang sina Feena ay humiwalay at susubukan nilang makapasok sa loob.

Nakasunod lamang siya sa binata habang palingon lingon ito sa paligid at naghahanap.

She started to tremble. Natatakot siya na baka nakaalis na si Zion kaya't hindi na nila mahanap. Pero naniniwala siya kay Sandro.

"Hindi na po kayo pupwede sa loob." nagulat ang dalawa nang harangin sila ng guard. Sa loob ay mga pasaherong aalis na para sa mga kaniya kaniya nilang flight. Malaki ang posibilidad na nandoon si Zion.

"Sir, we need to see a friend before he leave. Please kailangan lang namin siyang makausap." Kalmadong wika ni Sandro. Pero tumanggi ang matigas na guard. Mahigpit ang pagbabawal nilang makapasok sa loob. 

"Sorry po. Mga passengers lang pupwede sa loob."  Ulit nito. Sinubukan muli ni Sandro makiusap. Hindi siya titigil hanggat hindi nila makita si Zion. Feena needs to see him.

Nakatayo lang ang dalaga habang pinapakinggan si Sandro na nakikiusap. Nasa loob lang si Zion at ang tangi nilang magagawa para makita to' ay malaman lang na nandito sila sa airport at kailangan siyang makausap.

Nakarinig sila ng paging mula sa buong paligid.

The flight for Madrid, Spain will be ready after fifteen minutes. All passengers must present their ticket to our attendants.

Nagulat si Feena sa narinig. She have remaining fifteen minutes at kung hindi siya kikilos.

Zion will leave without knowing her feelings.

Tumakbo siya at iniwan si Sandro.

--

Tumayo si Zion sa kinauupuan nang marinig ang paging para sa flight nila ng ama. Matamlay siya  habang hinihila ang luggage bag at sinundan na ang ama patungo sa attendant.

Lumingon siya sandali sa entrance. He's expecting someone pero mukhang imahinasiyon nalang niya na makikita ang dalaga sa huling araw niya ng pananatili sa Pilipinas.

Natawa siya. He shouldn't hope for that dahil imposible na iyon.

Zion!

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig at umikot ang paningin niya sa paligid. Malinaw ang narinig niya. Its his name. Loud and clear.

"Anak!" Tawag sa kaniya ng ama. Mukhang narinig din nito ang pagtawag sa pangalan niya.

Zion!

He was thrilled nang marinig muli ang pangalan niya. Its from the speakers.

"Zion! Don't leave. If you hear me speaking. Its Feena! I am trying to reach you out pero sulat mo nalang ang nareceive ko. I know how you've been hurt from all the tragedies our families had for the past years. Pero hindi ito hadlang para mahalin mo ako. You've been a good friend to us. And we can't afford to lose a guy na tulad mo. Especially me. Zion, please. Talk to me. I'm outside with Sandro."

Nagulantang ang lahat pasahero sa loob habang pinapakinggan ang nagsasalita sa pager. Binitawan agad ni Zion ang hawak na luggage bag at agad nagtatakbo palabas. Hinayaan na siya ni Zach. Its his son moment naman.

Paglabas ng binata ay agad niyang nakita si Feena na nakatayo sa tabi ng front desk. Naibalik na niya ang microphone na ginamit sa pagpage sa binata.

Dahan dahan siyang lumapit dito.

"I-I'm sorry." nanginginig niyang sambit. Alam niyang mali ang hindi magpaalam sa mga kaibigan pero mas madali sa kanyang umalis na hindi sila nakikita.

"You don't have to. I should be the one." wika ng dalaga. Napansin niya ang hawak nitong papel. Its his letter.

"Nabasa mo na?" tanong niya at tumango si Feena.

"Everything. Kailangan ba talaga na umalis ka?"
Hindi nakasagot ang binata.

"I should be. Hindi ako ang lalakeng karapat dapat para sayo ngayon Feena. I need to regain myself. At para magawa yon I should leave." paliwanag niya. Hinawakan niya ang mga kamay ng dalaga.

"I told you from my letter na aalis ako. But not to give up my feelings for you Feena." nagulat si Feena." Aalis ako para ayusin ang sarili ko, and I'll be back for you Feena. Kapag umayon na ang tadhana para sa atin dalawa." ngumiti siya pagkatapos non at hinalikan ang mga palad ng dalaga.

Niyakap siya nito. At naluha sa mga bisig ng binata.

"Bumalik ka Zion. Hihintayin ka namin." Bulong niya dito."I love you Zion, and nothing will change." usal niya. Humigpit ang yakap sa kaniya nito. At sandali ay bumitaw siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga. At mariin hinalikan ito sa noo. Their eyes met and they both shared smiles.

"Kami din." nagulat ito ng makita ang mga kaibigan sina Blake, Sam at Sandro sa likuran ni Feena.

"Babalik ka Zion kundi aagawin ni Kuya sayo si Feena." biro ni Sam at natawa sila.

"Summer. Don't joke around like that. Zion will be back. And we will wait for you." wika ni Sandro.

"Group hug!" sigaw ni Blake at hinila niya ang bawat isa. Niyakap nila si Zion habang walang silang tigil sa pagtawa.

Feena saw Zion leaving for the last time. But she didn't lose hope it'll come back a better man he promised he will.

Nakatayo at pinanood ng magkakaibigan ang papaalis na eroplano na pabyahe ng Madrid.
Zion told them na kailangan niyang mag aral doon taking up Architecture he really dream of, and also continuing to perform music as his passion. Mananatili siya doon ng halos apat na taon and he's expecting na sa pagbalik niya ay may kaniya kaniya na silang landas na tatahakin.

"So what will happen next after this?" asked Sam habang nakatingala sila sa langit.

"We should study, and reach for our dreams." wika ni Feena at lumingon kina Sandro. Binalikan siya ng ngiti sa labi.

"Yes we will. I'll be a lawyer." sagot ni Sandro.

"I want to manage my own business." sagot naman ni Sam.

"Ako, gusto ko maging Doctor." wika naman ni Blake. Tinignan siya ni Sam.

"How about you Feena?" tanong ni Sandro sa dalaga.

"I just .. want to .. " natigilan siya sa pagsasalita ng makita ang ama na nakatayo sa likod nila.

"Kayong mga takas na estudyante. Baka gusto ninyong bumalik sa school para maabutan niyo pa mga subjects niyo." nagulat ang magkakaibigan sa sinabi ni Vladimir. Nadala sila sa mga nangyari at nalimutan may pasok pa sila. Nagtawanan pa at nagtatakbo sila pababa ng rooftop.

"Feena!" tawag ng ama sa anak niya. Lumingon ito sa kaniya.

"Salamat Pa." sigaw nito.



Feena will continue her journey as a college student, a friend and a daughter. Her life will never end without struggles. Dito palang nagsisimula ang lahat. But with her family, her mother Alicia, her father Vladimir na nanatili sa tabi niya ay walang problema o pagsubok ang hindi kayang lagpasan.
Everyone will left someday, pero hindi ito ang pipigil sa kaniya. At dahil natutunan niya ang pagtitiwala, pang unawa at muling pagmamahal na itinuro sa kaniya ng mga magulang at mga kaibigan. Babaunin niya ito mula sa pagbuo niya ng mga pangarap and someday her own family.

At tutularan niya ang pagmamahal na ibinigay ng kaniyang ama sa kaniya at sa buo nilang pamilya.




End.



--
iamnyldechan ♡



Continue Reading

You'll Also Like

522K 1.7K 153
Complete story Tagalog / English
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
18.1K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
84.7K 5.5K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...