Dancer My Loves

By camiiechan

7.8K 167 104

A side story about a girl and A mischievous Dancer. Magkakaroon to ng extended edition hehe More

DML
Part 1: Weird girl
Part 2: She wakes up. on the wrong time
Part 3: Locked in a Locker
Part 4: Still locked in the lockers
Part 5: High Heels
Part 6: tickets
Part 7 : Ice cream Monster
Part 8 : Decision
Part 9: The contest
Part 10 : Exposed
Author's note

Part 11: Dancer My Loves

335 9 7
By camiiechan

Part 11: Dancer My Loves

Here I go,

Scream my lungs out and try to get to you,

You are my only one.

I let go,

There's just no one that gets me like you do

You are my only,

My only one.

Ngumiti ako ng marinig ang chorus nito. Sa siyam na buwan na nilagi ko sa America, hindi ako nagsasawang iplay ito. Lalo na ngayon na babalik na ako ng Pinas.

Sayang, kung naging kami sana ni Sleeping Beauty, sana kasama ko siya ng halos isang buong taon dito.

Sayang, hindi niya nakita si Liberty.

Sayang...

Mahal ko pa naman yun. Sana nakita ko yung malapad niyang ngiti habang binabagtas namin ang mga daan sa New York. Marinig ang mga tawa niya tuwing manunuod kami ng mga comedy flicks at higit sa lahat ay ang maramdaman na ako ang dahilan ng pagtawa at kasiyahan niya.

Kahit hindi ko alam ang pangalan niya. Sana nakasama ko siya. Sana sabay kaming gumala dito. Sana kilala niya na parents ko. Sana nasabi kong mahal na mahal ko siya.

Pero dahil sa isang katangahan, yung trip na masaya sana ako, nagkagulo na.

Mas okay pa sana kung hindi na lang ako pumayag na pumunta at kausapin yung pamilya nung babaeng pinipilit sa akin. Kung Hindi lang sana nakasalalay ang kumpanya ng Ama ko hindi sana ako aalis. Nang dahil sa pagbabanta ng kososyong iyon ay may tao tuloy akong nasaktan at iniwan.

Pero bumalik naman ako, diba ?

Sa siyam na buwang dumaan, mahal ko parin siya. Bawat picture niya, hindi ako nagsasawang tignan. Sa ngiti niya, kumakabog ang dibdib ko na para bang nasa harapan ko lang siya. Sa kanya ako kumuha ng dahilan para bumangon sa umaga.

At siya rin ang dahilan ng pagtulog ko ng mahimbing.

Kung hindi ako nagpakatorpe sa nararamdaman ko, sana naging kami.

Pero sana hindi rin siya sumuko. Sana tinatagan niya lang ang loob niya.

Kung naging kami, sana may dahilan na ako para umatras ng tuluyan sa kasalan.

Sana siya yung haharap sakin sa altar at susuotan ko ng singsing.

'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

Nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ko, hindi ko na alam kung anong mararamdaman. Magulo ang isip ko at hindi maitatagong kinakabahan ako. Ganoon parin pa ang ugali niya? Eh yung itsura niya? kahit ano pang maging itsura niya ay maganda parin siya para sakin. Pupunta kaya siya sa tagpuan namin? Nakapaghintay kaya siya?

Kaya ko kaya?

Pinaglaruan ko ang maliit na box sa kamay ko. Binigyan na ng taning yung pagdedesisyon ko. Kailangan ngayon, may pipiliin na ako. Kung hindi ko siya aayaing magpakasal ngayon, mapupunta ako sa babaeng hindi ko naman gusto.

Sana pumayag siya, kasi siya na lang ang gusto ko.

Siya lang ang babaeng pinangarap kong makasama. 

9 months akong nagulila sa kakulitan niya. Tinamaan kasi talaga ako. Kung sinu-sino nang pinakilala sakin pero wala. Kahit na gaano pa kayaman o kaganda ng mga ipinapakilala sakin ay wala paring nakapantay sa kanya. Walang kahit ano at sino.

Umuwi ako sa dati kong condo. Walang nagbago 'ni isa sa mga gamit ko. Pati ang mga litrato ay nasa lamesa parin. Malinis ang buong lugar at gaya ng dati walang alikabok sa makikita kahit pa sa sulok. Pinatili nilang maayos ang condo ko.

Namiss ko 'to, napakarami kong alaala dito.

Iniwan ko yung maleta sa sala at dumiretso sa kwarto. Ala-siete na ng gabi, konti na lang. Hawak-hawak ko parin yung maliit na box.

Sleeping beauty... Papakasalan mo ba ako kahit hindi ko alam pangalan mo?

Humiga ako sa kama. tumitig ako sa kisame

Naalala ko dati

Dito siya nagising at dito ko siya unang pinagtripan. 

"I'm still sexy.. DO YOU STILL WANT ME?" Sabi ko sa kawalan. Kung nandito kaya siya at inaasar ko, ano naman kayang ekspresyon ang mangyayari sa mukha niya.. Sa napakaganda niyang mukha.

Dito rin nangyari yung.....

Ayoko nang alalahanin.

Buti nalang talaga kumatok yung kapitbahay.. kundi..

Napokpok ko ang sarili kong ulo habang napatawa sa naalala.

Ano ba 'tong iniisip ko?!

Manyak na ako.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko, makapunta na nga lang sa park. Mas mabuti na ang mas maaga. Gustong-gusto ko na kasi siyang makita.

Lumabas ako ng nakasimpleng t-shirt at maong lang. Wala na sigurong makakakilala sa akin dahil maski ang mga kagrupo ko, hindi alam na babalik na ako. Nag-announce rin sila ng pag-alis namin sa stage ng isang taon at pagkatapos nun, nabalitaan kong dinudumog na ng fans ang kalaban naming grupo.

Dahil hindi naman kalayuan ang park sa condo ko, nakarating agad ako dun. Umupo ako sa pambatang swing at tinitigan ang box na hawak ko. 4th year na siya. May nakilala kaya siyang mas higit sa akin? Meron na kayang iba?

Naiyukom ko ang kamao ko at napapikit. Pano kung meron na nga? Pano kung hindi na kami pwede?

Basta tatatagan ko ang loob ko at aayain ko siya, by hook or by crook.

Kung hindi siya pumayag, bahala na sa maswerteng babaeng ipapakilala sa akin. Kailangan ko lang ng go signal mula sa sleeping beauty ko at ako na mismo ang lalayo sa kanya. Sabi ko nga dati ' I'll take whatever her answer is' at may isang salita ako

"Ranz, dito ka maghintay ha!" Isang pamilyar na boses. Tumalon ang puso ko sa narinig. Dumating siya..

Pero sino si Ranz? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako.

"Okay babe."

Sleeping Beauty's POV

"Ranz, dito ka maghintay ha!!" Sabi ko sa katabi ko. Pumunta na kasi ako sa park at sinamahan ako ni Ranz, kapitbahay namin. Kaibigan ko siya at hanggang kaibigan lang yun. Tutal kilala ko rin naman kung sino yung babaeng gusto niya eh, kilalang kilala =]

"Okay babe."

Binatukan ko siya ng napakalakas, pero wala manlang siyang reaksyon. Lagi naman, kahit na Hilahin mo buhok niya, suntukin o sikmuraan mo pa yan hindi siya maglalabas ng reaksyon.... depende nalang kung malakas yung pagkakasuntok sa kanya to the point na mamimilipit siya

Ayun na naman kasi ang 'Babe' niyang tawag sa akin.

Isa daw kasi akong pig na nasa city! T__T

Ang sama nito! Parang si Jules!

UWAAAAAAAH AYAN NA NAMAN YAN!!!

Naluha tuloy ako. Lagi ko nalang kasi siya naalala pati na rin yung mga sinabi ko sa kanya dati. Alam ko kasi na masakit yung mga salitang binitiwan ko eh, kahit na gaano pa katatag ang isang istraktura ay bumabagsak din ito. Lahat ng tao ay may pakiramdam

"Dito ka lang ha. Bye." Sabi ko bago tuluyang pumunta sa may playground.

"Goodluck." Nginitian ko lang siya tapos naglakad na ako. Gusto ko na siyang makita. Marami akong nais na sabihin sa kanya, wala kaming komunikasyon simula ng araw na iyon

Napabuntong-hininga ako ng wala akong nakitang tao.

Dadating kaya siya?

O baka naman kinalimutan niya na ako. Baka laruan niya nga lang talaga ako... Laruang hindi pinahahalagahan.

Umupo ako dun sa isang swing. Tinignan ko ang phone ko, mag-aalas-otso na wala pa rin siya.

Naalala ko na naman tuloy yung dahilan ng paghihiwalay kuno namin. First of all, naging kami ba?

Nalaman ko nun na sisiputin niya yung pinagkasundo sa kanya. Ang sakit sakit. Akala ko kasi may something talaga between us. Anong nakuha ko?

Sinabi niyang gusto niya ako, malayong-malayo sa pagmamahal ko sa kanya. Siguro nga sobrang nasaktan ako sa ex ko kaya madaling nahulog ang loob ko sa kanya.

Pero iiyak rin kaya siya at masasaktan kapag nalaman niya na ako rin?

Kapag nalaman niyang may ipinagkakasundo rin sa akin?

 Na inoobliga ako ng mga magulang ko?

Bakit nga ba ako pumunta dito kung alam kong sasaktan ko rin siya...

Tumulo ang luha ko. Jules, kung dadating ka ngayon, aayain kitang magtanan. Kahit ako yung babae aayain parin kita. Sasama ka naman diba?

Sobrang sakit na nga nung hindi naging tayo, ano pa kaya ang makita ang sarili ko na kinakasal sa iba?

"Madz, tara na. Masyado nang malalim yung gabi." Sabi ni Ranz. Pinuntahan niya na ako dito kasi siguro nag-alala na siya.

Buti pa siya.

Isang huling punas sa pisngi ko at tumayo na ako, hindi siya pumunta. Pinakawalan niya ako, I guess oras na rin para pakawalan siya.

Ayoko ng umasa.

Ayoko nang masaktan

Higit sa lahat... pagod na akong umiyak

"Tara, Ranz." Hindi ko na siya nilingon. Ayokong makita niyang umiyak ako. Tumayo naman siya, Hindi kumikibo at parang nakikiramdam lang.

Nauna akong naglakad. Siguro kung totoo lang talaga na nabubuhay muli ang tao matagal na akong nagpareincarnate, Wala na siduro akong naalala at masaya ako sa bagong buhay na binigay. Pero hindi eh, hindi ko kayang isantabi ang pamilya ko at magpakamatay.

Gustong-gusto ko na umuwi. Pakiramdam ko patapon na ang buhay ko. 

Ikakasal ako sa hindi ko mahal?

What the fuck?!

"Ow! " Natauhan naman ako ng matapilok si Ranz at natumba sa akin. Nilingon ko naman siya at nakitang pinupulot ang isang maliit na box. Kulay itim yun.

Pinagpagan niya at binuksan.

"Mamahalin 'to ah.." Sabi niya habang sinusuri yung laman. "Sayo nalang."

Inabot niya sakin kaya kinuha ko.

Nakita ko yung laman...

Singsing..

Nanginig ang katawan ko.

Ikakasal ako sa iba.

Pano ka na Jules?

Pano na tayo?

 Wala na ba talagang pag-asa?

'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

Maagang nagising si Julian kinabukasan dahil pagkauwi niya nung gabi ay natulog agad siya. Ayaw niya na munang isipin ang babaeng mahal niya. Ayaw niyang maalala ang narinig at nakita niya. Masakit, masyadong masakit.

Wala na rin naman siyang magagawa kundi ang sumipot sa Marriage interview kinabukasan. Wala na yung nag-iisang dahilan para makaiwas siya dun.

Dumating siya sa bahay ng tita niya ng maaga. Binigyan niya ang larawan ng dalaga ng huling tingin bago siya magdoorbell. Agad naman siyang pinapasok ng maids ng tita niya.

Dire-diretso siya sa loob. Kung anu-ano nang kalokohan ang pumapasok sa isip niya. Sinabi niya pa sa sarili na magpakalunod na lang siya sa alak bago pumunta para maturn-off sa kanya yung babae o kaya pagmumukain niyang tanga at bobo yung sarili niya, pero nahihiya siya. Naisip niya rin na kailangan niyang mag-move-on.

'Kung siya nga nagawa niyang makahanap.. Ako pa kaya?' Sabi niya sa sarili. 

Wala pa man siya sa sala, rinig na rinig na niya ang boses ng tiyahin.

"Naku, pareho pala kayong iniwan ng mga mahal niyo eh. Haha. Kinwento sa akin ni Julian kagabi."

Natawa siya sa sinabi ng tita niya. Kinuwento niya nga pala dito ang nangyari bago siya tuluyang makatulog. Sobrang sama kasi ng loob niya at saktong tumawag naman ang tita niya.

Bago kasi umalis si Julian papuntang america ay binigyan siya ng papel ng tiya niya. Ang laman ng papel na iyon ang dahilan kung bakit nakabalik siya matapos ang siyam na taon, Nang dahil sa binigay ng tiya niya ay nakumbinsi ang kasosyo ng ama nila at naligtas ang kumpanya.

"Kagabi rin po? Pareho nga po kami."

Saglit na natigilan si Jules sa boses na narinig. Agad din naman siyang napailing.

'Nahihibang na ako sa kanya.'

Dumiretso na siya at nakakita ng isang babaeng naka-upo sa sofa, nakatalikod sa kanya. Napakurap siya.

Parehong-pareho ng postura ang babae at si Sleeping beauty.

Pero magkaiba sila ng buhok. Straight ang sa babae at wavy naman ang kay sleeping beauty. Kay impposible yun. Nakainom ba ako kagabi at naghahallucinate nanaman ako? Hindi ko naman siguro naisipang mag-intake ng kung ano anong drugs kagabi?

"Kinulayan mo ba ang buhok mo?" Sambit ng tita ni Jules, katabi nito ang babae at medyo nakaside view. Gusto niyang makita ang mukha ito. Para maka-sigurado

"Opo.. Auburn."

Mas lalong nahirapan si Jules sa paglalakad. Kaboses niya, kapostura niya. Lahat nalang ay naihahawig sa mahal niya.

'Konti nalang Jules.' Sabi niya sa sarili.

"Ah. Gusto ko rin mag------ Ang ganda ng singsing mo ah? Saan mo nabili?" Sabi ng tita ni Jules.

Lumapit pa si Jules ng kaunti. Parang naka-dikit yung sapatos niya sa sahig, Natitigilan siya sa mga pinagsasabi ng tita niya at sa pagkakapareho ng babae sa taong mahal niya.

"Alam mo hija, may kilala akong bumili ng gantong singsing.. Kaparehong-kapareho nito. Si......" Nakita ng tita niya ang repleksyon ng binata mula sa vase sa tabi ng dalaga.

" Oh Jules! "

Napatingin bigla ang dalaga sa kanya.

"J-J-Jules..." Pilit na bigkas nito habang nangingilid ang mga luha sa mata ng dalaga. Lumapad ang ngiti nila pareho. 

Hindi napigilan ni Julian ang sarili at niyakap ang babaeng nakatakda para sa kanya. Tinupag nga ng tiya niya ang pangakong sa susunod na ipagkakasundo siya ay sa babaeng mahal niya.

Hindi niya inasahang sa kabila ng lahat. sila parin hanggang huli.

Continue Reading

You'll Also Like

135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
20.7M 510K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
2.1M 61.2K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...