Part 3: Locked in a Locker

551 15 5
                                    

Part 3: Locked in a Locker

Sleeping beauty's POV

Patay!! saan naman kaya ako magtatago? nakakainis naman oh..

Sa lahat naman ng tao na makakasalubong ko siya pa. yang manlolokong lalaking yan, yang sir*ulo na adik na g*go na ex boyfriend ko. EXBOYFRIEND KO! nakikipaglaplapan- kadiri nakikipag halikan nalang pala. nakikipaghalikan siya sa ibang babae sa school nila tapos ngayon hahabol habulin niya ako.. Manika ba ako? na gagamitin niya lang pag gusto niya ? brr.. nakaka-sira ng araw

"Hoy wag mo takbuhan napapagod ako sayo eh!" Sigaw nung manyak na  humahabol sa akin, mapapagod ka? wala akongpaki-alam!

"HOY ka rin, tama lang yan para ma-exercise yang mga taba sa katawan pati na rin sa UTAK mo!" Sira ulo ka kasi kaya yan ang napapala mo, dahil sayo naubos ang baon ko na pang one week dahil sa pag-inom! Sino ba naman kasing lalaki ang maghahanap pa ng iba kapag may syota na kasing ganda ko at may lakas ng loob  pa na sabihing playboy siya ang panget naman!

Oo nga no... bakit ko nga ba siya nagustuhan  eh mas gwapo pa nga yung lalaking tumulong sakin nung nakaraang araw.. so bakit nga ba ?? Ginayuma siguro ako nito

"M-- "  Huminto ako bigla. Tumingin sa kanya

".. sa wakas tum-igil ka na rin" Ang weak naman nito.. parang konting takbo lang hinihingal na. Hindi na nga gwapo, weak pa. 

"So ano? makikipag balikan kana?" Sira na talaga ulo ng lalaking to, na disintegrate na siguro sa kakalandi niya sa mga Pokpok sa school nila. Kaya kayo boys, mamili naman kayo ng LALANDIIN niyo hindi yung nag e-eni-mini-mo lang kayo!! gaya ng lalaking to

"Kawawa ka naman "Nginitian ko siya. Para kang aso na iniwan ng amo

"Sabi ko na nga ba di mo ko matitiis" Dagdag pa niya. Ngumiti lang ako

*Bagsh!!*

"Ang kapal din ng naman ng apog mo noh?" Sinikmuraan ko siya. As in yung malakas na suntok sa sikmura! Kulang pa yan para sa ginawa mo grrr

"Aray! Loko kang babae ka ha lumapit ka dito! " Halaka nagalit ang bakulaw haha. tsk  tsk. pumatol daw ba sa babae? Halos mamula na ang mata niya sa galit.. ano to cartoons? haha

"Wahh!" kumaripas ako ng takbo papalayo sa kany, Balik sa dati ang problema ko. SAAN AKO MAG TATAGO? Nasan na ba kasi si bestfriend ??

kung kailan kailangan mo tyaka nawawala =_=

*tingin sa kaliwa *        Locker rooms

*tingin sa kanan *         Office ng teachers

*tingin sa harap *          Mahabang hallway na mukhang walang katapusan

*tingin sa likod *        Isang lalaking kamukha ni shrek  ang hinahanap kung saan ako nagpunta

Ang choice ko? kaliwa!! since ito ang pinaka malapit na room at paunti na ng paunti ang distansya ko mula sa humahabol sakin. Wala pa kong balak na makain ng buhay no.. lalo na kung yung kakain sakin ay isang katulad niya

ONE WORD: Kadiri.

*slam *  Pumasok na ako sa loob ng locker room na napili ko, or lets say unang nakita ko. Atleast safe na ako kahit saglit lang.. Diba?

Narinig ko ang yapak niya, pinigil ko ang paghinga ko. Gawaing bata yan, sabi kasi nila pag hindi ka gumalaw at huminga parang naging invisible ka na rin. Tignan natin kung effective talaga siya.. Nung sumilip ako sa salamin ng pinto..

NAKITA KO YUNG MATA NIYA! Sinipa nya yung pinto at hinanap ako. Nagkatagpo yung mata namin at ang huling nakita ko bago ako lamunin ng kadiliman ay ang nakakatakot niyang mukha...

J-O-K-E-!

Wala na siya, sinubukan niyang buksan tong pinto ng locker room pero ni-lock ko. Syempre inisip niya na impossibleng makapasok ako sa nakalock na pinto kaya umeskapwera na siya papalayo

Dahil wala na ang humahabol sakin ay makakapagrelax na ako, pagkakataon ko na to para tignan kung anong laman ng locker room na pinasukan ko.

Ang kalat naman dito.. may nakakalat na shirt, sapatos, towel, basahan, meron pang bunging suklay... at ano to, maliit na radyo? pati ba naman to iniimbak lang nila dito. Sayang naman, mukha panamang bago kaya akin nalang to. Hehe

Ang lalaki naman ng t-shirts na to. Sino kaya gumagamit ng mga locker na to... Sana hindi basketball players kasi nahahanginan ako sa mga senior sa Varsity ng school namin eh. Mga masyadong feeling

 "Hoy pre bilisan mo!"

 "Tara na gusto ko na magpalit"

Hala may papasok sa loob nito! Teka wala naman silang susi kaya pano sila makakapasok? Ngawa ko pa magcross arms pero kinain ko lahat ng inisip ko nang makarinig ako ng click mula sa pinto

O.O)

'panic' 

(>‘o')>

'panic'

<(‘o’<)

'panic'

(>‘o’<)

'TING! ' may lumitaw na lightbulb sa ibabaw ng ulo, alam ko na kung saan ako mag tatago. Hindi naman na siguro ako nila mahahanap dito.

Malakas na bumukas ang pinto, narinig ko pa ang pag tama nito sa pader, shocks ang lakas ng nagbukas nun ah. Parang galit lang. Masikip tong pinagtataguan ko pero mabango ang amoy. Kanino kaya to? Type ko yung amoy ng pabango niya. Nakaka-inlove

"Hoy mga adik , alam niyo na ba lahat ng steps?"

"Oo alam na namin un" Tugon ng isa 

"Oo nga nandyan naman si Julian para turuan tayo eh"

SHEMAYYYYYYYYY! boys locker room pala to!

o(╥﹏╥)o

Delikado ako, kung may guardian angel man ako please patnubayan mo po ako at sana hindi katulad na lalaking kamukha ni shrek ang mga lalaki sa kwartong ito. Marami pa akong gustong gawin sa buhay

AMEN !

"Ewan ko sa inyo, bakit ba lagi nalang kayo umaasa sa kanya?"

*budump*  Marami pang nagsulputang boses. Mga pito siguro sila, tapos puro lalaking-lalaki pa yung tunog

"Idol kasi namin siya"

*budump*  Maya-maya may tumapat sa locker kung saan ako nag tatago. OO, nasa loob ako ng locker.. buti na nga lang malalaki lockers dito sa school namin. Life Size siya, kaya kasya ako kahit pa nakatayo ako

"Heh, bilib kayo sakin no?"  Etong boses na to pamilyar sakin, Hindi ko nga lang maalala kung sino nagmamay-ari

*budump* Yung aninong nakita ko kanita dumaan lang, kinabahan ako doon! Ano nalang mangyayari sakin pag nalama nilang may babae dito sa locker room nila? Baka sabihan pa nila akong naninilip!

 "Haha uto-uto si Julian ! " 

"Ouch ha ! Huhuhu "

"hahahahha"  

Nag tawanan silang lahat. Kailan ba sila aalis? Mga kuya doon na kayo sa labas magtawanan! masosofucate ako pag tumagal pa kayo dyan. Baka magulat nalang kayo na may bangkay sa loob ng isa sa mga lockers niyo, tapos syempre pag namatay ako mumultuhin ko kayo kasi kayo may kasalan!

Habang busy ako sa pakikipag-usap ng nakamute sa utak ko ay biglang bumakas yung locker. Shit! (≧o≦)

"Uh... hi?" Pabulong kong sabi

 O∀O) ------>(¬_¬) ... Siya

*Creek!*

Dancer My Lovesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن