My Vampire Guard (COMPLETED)

بواسطة LashKayrian

55.5K 1.6K 56

Bampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuh... المزيد

MY VAMPIRE GUARD
SIMULA
KABANATA 01
KABANATA 02
KABANATA 03
KABANATA 04
KABANATA 05
KABANATA 06
KABANATA 07
KABANATA 08
KABANATA 09
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 29
KABANATA 30
WAKAS
A/N

KABANATA 28

1K 34 1
بواسطة LashKayrian

EUROPA'S POV

"Ang ganda nyo po, kamahalan," nakangiting sabi ni Titania habang inaayos ang aking buhok.

"Bagay na bagay po sa inyo ang suot ninyong itim na bestida," nakangiting dugtong pa nya. Nginitian ko na lamang siya at tinignan anv sarili sa salamin.

"Ayan, tapos na po ang pag-aayos ko sa inyong buhok, kamahalan," sabi nito.

Nakarinig kami ng katok mula sa pinto ng aking silid kaya dali-dali siyang tumakbo doon at binuksan.

"Kamahalan, ipinapatanong ng mahal na reyna kung handa na po kayo sa pagpunta ninyo sa mundo ng mga tao," rinig kong sabi ni Triton kaya napatayo ako at nilingon sya.

Magkapatid sina Triton at Titania Valluen. Isang kawal si Triton at tagapag-silbi naman si Titania.

"Oo," tipid kong sagot at ngumiti ng bahagya.

Nilisan namin ang aking silid at sinimulang tahakin ang silid ni ina.

"Anak," bati ni ina nang makita niya ako. Niyakap niya ako at ngumiti ng malapad.

"Ina," bati ko rin.

"Handa ka na bang tumungo sa mundo ng mga tao at sunduin ang iyong nanay Elara?" nakangiting tanong nito. Ngumiti ako at tumango.

"Opo," sagot ko.

Napag-usapan kasi namin ng aking tunay na ina na si Luna na patirahin at dalhin na rin dito sa aming kaharian si nanay Elara. Wala naman nang kaso sapagkat isa na syang Aklirah. At tsaka Aklirah man o Arusseb, maaari nang pumasok sa aming kaharian. Kung dati ay bawal dito ang mga Arusseb, ngayon pwede na.

Naglakad na kami patungo sa bahay ni nanay. Ilang araw na rin kasi kami hindi nagkikita.

"Malapit na po tayo," rinig kong sabi ni Triton.

Malayo pa lamang ay natanaw ko na ang aming bahay. Kapag nasisilayan ko ito, bukod kay nanay ay may naaalala akong iba pa.

Si Callisto...

Pagkatapos ng digmaan na naganap sa pagitan ng mga rebelde at nga kawal ng ikalawang kaharian ay hindi ko na siya muling nasilayan.

Hindi ko alam kung bakit sya biglang nawala. Sana man lang nagpaalam sya sa akin, hindi ba?

Tsaka yung pangako niya sa akin na hindi nya ako iiwan, nasaan na? Bakit ngayon nawala sya.

"Kamahalan? Mayroon po bang problema?" tanong ni Titania. Ngumiti lamang ako at umiling.

Kung alam nyo lang na sobrang hirap na iwanan ka ng taong nangako sa iyo. Pero sa kabilang banda, nandoon pa rin yung thought na babalik sya. Na baka nagbakasyon lang. Sana nga bumalik na sya.

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa harap ng bahay ni nanay Elara. Napangiti naman ako nang Makita ang mapupulang rosas sa bakuran nito.

“Luna,” sabik na bati nito at yumakap kay ina.

“Nako, Europa, anka. Ang tagal kitang hindi nakita,” sabi nya sa akin at yumakap. Hinalikan nya pa ako sa noo na lalong nakapagpangiti sa akin.

Ngunit bakit ganito? Kahit nakangiti ako ay parang mayroon pa ring kulang?

“Elara, nais kong sabihin sa iyo na inaanyayahan kita na tumira na kasama ko at ni Europa. Hindi ka naman na iba sa amin,” sabi ni  ina dito na ikinangiti naman ni nanay Elara.

“S-sigurado ka bas a iyong sinasabi, Luna? Ano na lamang ang sasabihin ng iyong kabiyak kapag nalaman niya ito?” alalang tanong ni nanay.

“Nag-usap na kami. Sa totoo nga ay siya pa ang naggsabi na doon akna lamang tumira sa amin. Nais ka rin niyang makilala at Makita upang mapasalamatan sa ginawa mong pag-aalaga sa aming anak,” paliwanag ni ina.

“Ang simpleng salamat ay sapat na. Hindi mo naman ito kailangang gawin,” nakayukong sabi ni nanay. Ngumiti ng malapad si ina.

“Kulang ang salitang salamat sa mga nagawa mo sa akin, sa amin ng anak ko. Alam kong ayaw mo rin na mapahiwalay sa kanya kaya… Ayan, magkakasama na tayo doon,” nakangiting sabi ni ina.

“Nay, hindi rin po ako sanay na wala ka. Please, nay? Pumayag na po kayo,” singit ko sa usapan nila.

“Makakatanggi ba ako kapag ikaw na ang naki-usap?” nakangiting sabi nito sa akin.

“Titania at Triton, tulungan nyong ayusin ni Elara ang kanyang mga gamit,” utos ni ina at pumasok sila sa loob ng bahay at sinimulan nang ayusin ang mga dadalhin na gamit ni nanay.

Ilang sandali lang ay natapos na sila at naghanda na kami upang lisanin ang lugar na ito at magtungo sa aming kaharian, sa unang kaharian.

“Ganito pala ang itsura ng unang kaharian kapag nasa loob kana,” puna ni nanay nang makapasok na kami dito.

“Maganda… Ang ganda dito,” dugtong pa niya kaya napangiti ako.

“Noon kasing nakapunta ako dito ay doon lamang ako sa labas, doon sa may lagusan,” kwento niya.

“Nanay, tara po. Ililibot kita sa loob ng aming mansion,” nakangiting saad ko.

“Sige, mag-ikot muna kayong dalawa. Mayroon lamang akong pupuntahan sandali,” paalam ni ina.

“Mas maganda pala ito kapag nasa loob kana,” puna niya.

“Ang gaganda ng mga banga nyo dito,” nakangiting sabi niya nang makita ang mga nakahelerang mga banga.

“Tara po, nay. Mas marami pa pong magagandang mga banga doon,” sabi ko at hinatak siya sa direksyon kung saan marami pang mga banga.

“Alam nyo ba na galing pa iyan sa aming kanuno-nunuan?” sabay kaming napalingon ni nanay sa nagsalita.

“Ama,” nakangiting sabi ko at yumakap sa kanya.

“Kamahalan,” rinig kong sabi ni nanay at yumuko.

“Ikaw pala si Elara. Alam mo ba na matagal na kitang nais makita?” nakangiting sabi ni ama.

“Gusto kong magpasalamat sa iyo. Sa mga nagawa mo para sa aking anak,” pahayag nito at sinuklay ang aking buhok gamit ang kanyang kamay.

“Ginawa ko almang po ang dapat. Kahit sino naman po siguro ay gagawin rin ang aking ginawa,” sagot nito.

“Pinapahanga mo ako,” makahulugang sabi ni ama.

“Sige, mag-ikot lang kayo dito. Lalabas lamang ako at mayroong aasikasuhin,” pagpapa-alam nito sa amin.

“Tara nay, labas na po tayo dito. Doon naman po tayo sa iba,” sabi ko at lumabas na kami sa silid na iyon.

“Opo, kamahlan,” rinig naming sabi ng isang pamilyar na boses. Napansin ko ring napahinto si nanay sa paglalakad.

“Parang pamilyar ang boses na iyon,” bulong niya.

“Ina, nandyan na po pala-“

“Himalia? Ikaw ba iyan?” gulat na sabi ni nanay.

Teka, paano niya nakilala si Himalia?

“Elara?” sabi ni Himalia. Tumakbo pa ito papunta kay nanay at niyakap sya.

“Ang tagal nating hindi nagkita. Kamusta kana?” tanong ni nanay sa kanya.

“Magkakilala kayo?” wala sa sariling tanong ni ina.

“Oo, Luna. Kaibigan ko siya ngunit isang araw, hindi na siya bumalik at nagpakita sa akin,” si nanay.

“Paumanhin kung hindi na ako nakabalik. Isinarado kasi ang lagusan patungo sa mundo ng mga tao kaya hindi ako nakabalik,” si Himalia.

“Kung gayon, siya pala ang tinutukoy mong kaibigan?” nakangiting tanong ni ina.

“Oo, siya ang unang kaibigan kong Aklirah,” sagot naman ni nanay.

“Kay liit nga naman ng mundo, akalain mo, nagkita pa tayo,” si Himalia.

Hindi ko alam kung bakit parang biglang kumirot ang puso ko.

“Ina, nanay, may pupuntahan lamang po ako,” paalam ko at umalis.

Pumunta ako sa ikatlong palapag ng manyon na ito. Humawak at sa bakod nito at dinama ang hangin na dumampi sa aking balat.

“Nasaan kana ba kasi, Callisto? Bakit hindi ka pa rin nagpapakita sa akin?” tanong ko sa kawalan.

Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang mga panahon na magkasama pa kami. Noong mga panahon na palagi siyang nandyan para iligtas ako. Nandyan para kulitin ako. Dalhin ako sa lugar na magugustuhan ako. At higit sa lahat, nandyan siya para bantayan akko.

Pinahid ko ang mga luhang tumulo. Sinubukan ko rin na pigilan na umiyak ngunit wala akong nagawa. Muli nanamang bumuhos ang aking mga luha.

Minsan ng ay napapa-isip ako. Nais kong tumungo sa mga panahon na magkasama pa kami. Doon sa panahon na hindi pa ako isang prinsesa.

Pero sa tuwing naalala ko ang pangako niya sa akin ay hindi ako nawawalan ng pag-asa.

“Ilang araw ko pa bang kailangan maghintay sa iyong pagbabalik?” tanong ko sa hangin.

“Balik kana. Please, Calli. Isipin mo naman na mayroong naghihintay sa iyo… Hinihintay kita.”

Natawa naman ako sa aking mga pinaggagagawa. Parang nasisiraan na ako ng bait. Pati hangin ay kinakausap ko na.

Napatingala naman ako sa kalangitan. Pinagmasdan ko ang bilog na buwan at mga bituin.

Napangiti ako nang maalala na sa tuwing kabilugan ng buwan ay minamalas ako.

“Kapag ba minalas ako ngayon at napahamak, darating ka kaya?” natatawang sabi ko. Umaasa na sana ay naririnig niya ako.

“Kapag ba may sibat na papalapit sa akin ngayon, kaya mo itong harangin? Kapag ba umakyat ako sa puno ng mangga at hindi makababa, tutulungan mo ba ako? Kapag ba hinarang ako nga mga masasamang bampira ay ililigtas mo ako?”

Napangiti na lamang ako ng mapait. “Bakit nga ba umaasa pa ako sa iyong pagbabalik?” natatawang sabi ko sa aking sarili.

Napangiti ako ng mapait. Muli kong sinulyapan ang buwan at pinilit na ngumiti. Sinusubukan kong itago ang aking tunay na nararamdaman.

Ipinikit ko ang aking mga mata at niyakap ang aking sarili.

“Callisto,” bulong ko.

Naramdaman kong may yumakap sa akin kaya napamulat ako. Agad akong tumingin sa aking likuran ngunit walang bampira.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Bakit ba umaasa ako na siya iyon?

“Babalik ka pa ba?” tanong ko sa kawalan.

Naghintay ako ng sagot ngunit wala. Eh ano pa nga bang aasahan ko eh wala naman akong kasama? Natawa na lamang ako ng bahagya.

Paalis na sana ako ngunit napahinto nang maramdaman kong umihip ang malakas at malamig na hangin.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

2M 69.1K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
14.3M 622K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...
1.5K 281 55
The concept of parallel universes is a theoretical idea in physics and cosmology. While it is an interesting concept to explore, there is currently n...
13.7K 821 55
A probinsyana girl named Bejay that born to be a girl's scout that accidentally caught the attention of the hottest and sexyiest famous vlogger/strem...