SIMULA

5K 139 2
                                    

SOMEONE'S POV

Nararamdaman ko na ang nalalapit kong pamamahinga. Nararamdaman ko na rin na malapit ng dumating ang aking kahalili.

Mula sa ikatlong palapag ng mansyon na kinatatayuan ko, tiningala ko ang buwan.

Ang bilog na buwan.

Mabuti na lamang at bukas ang ikatlong palapag na ito at walang bubong kung kaya napagmamasdan ko ng ganito ang buwan.

Marahil, ito na rin ang huling pagsulyap ko sa buwan. Kailangan ko nang mamahinga.

Nais ko man na magtagal pa ng higit pa sa isang libong taon rito, ngunit hindi na maaari. Dahil paparating na sya.

Ang aking kahalili.

Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng pagdampi ng malakas at malamig na hangin sa aking balat. Sa aking maputlang balat na tila hindi nasisinagan ng araw.

Iminulat ko ang aking mata at muling tumingin sa buwan.

"Hindi ito maaari," usal ko nang makitang biglang naging kulay dugo ang buwan. Ipinikit ko ang aking mata at muling iminulat.

Wala na ang tila kulay dugong buwan.

"Masamang pangitain."

Nais ko mang puntahan kung nasaan ang aking anak ngayon upang balaan ngunit nararamdaman ko na ang aking panghihina.

"Kahit anong habol o hanap ang gawin ko sa aking anak, hindi ko na siya maaabutan pa," mapait na sabi ko.

Muntik na akong matumba ngunit napahawak ako sa harang at pinilit tumayo. Marahan akong maglakad patungo sa aking silid at nahiga sa aking kama.

Nararamdaman ko na ang pagbigat ng aking mga mata.

Malapit na.

Pinilit kong ibuka ang aking bibig at kinausap ang hangin na tila ba parang sasagot.

"Phobos, anak, gawin mo ang lahat upang hindi mangyari ang aking kinatatakutan. Ingatan mo si Luna... At ang susunod na magkakaroon ng banal na dugo."

My Vampire Guard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon