KABANATA 05

1.4K 46 0
                                    

LUNA'S POV

Nasa tuktok ako ng puno ngayon, naka-upo sa isang sanga at pinagmamasdan ang buwan. Ang bilog na buwan.

"Kahit kailan kita silayan, napakaganda pa rin ng buwan," nakangiting sabi ko habang nakatitig dito.

"Ngunit walang tatalo sa iyong kagandahan, Luna," rinig kong sabi ng isang bampirang wari ko ay lalaki sapagkat napakakisig ng kanyang boses.

Nilingon ko ang lalaki at nakatayo siya sa bandang kaliwa ko. Nakatungtong siya sa sanga. Pilit kong inaaninag ang kanyang mukha ngunit hindi ko masilayan. Idagdag mo pa ang madilim na palidid.

"Sino ka? Bakit ka narito?"

"Hindi na mahalaga kung sino ako. At kung itinatanong mo kung bakit ako naririto, gusto kong masilayan rin ang magandang buwan," makahulugang sabi niya.

"Bakit hindi na mahalaga kung sino ka? Masamang bampira ka, hindi ba?! Sumagot ka!" sigaw ko at ibinukas ang aking palad at mayroong lumabas na kulay pulang mahika.

"Kung masamang bampira ako, patay ka na ngayon," malumanay na sabi niya.

"Malay ko ba kung nais mo akong gawing bihag," sabi ko sabay umirap.

"Baligtad ang iyong pahayag, kamahalan. Ako ang iyong bihag," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi mo?! Sino ka ba?" asar na sigaw ko sa kanya.

"Ako lamang ang lalaking patuloy na umaasa sa iyo kahit alam kong mayroon ka nang mahal na iba. Ako lamang yung bampirang walang ginawa kung hindi mahalin ka ng lubos. Ako lamang ang makasalanang bampira na sa iyo'y patuloy na umaasa."

Naririnig ko ang kanyang paghikbi. Tatayo sana ako sa sanga upang lapitan siya subalit dinuro niya ako kaya napatigil.

"Huwag mo akong lapitan, baka kung anong magawa ko sa iyo," sabi niya at umalis.

Mula sa senaryo na naka-upo ako sa sanga ay nagbago ang paligid. Madilim ang paligid. Tumatakbo ako at mayroong humahabol sa akin ngunit hindi ko makita. Mayroon akong nakitang hagdan at umakyat dito na walang pag-aalinlangan.

Lumingon ako sa aking likuran. Wala na ang humahabol sa akin kaya napahinga ako ng maluwag. Tumigil ako sa pagtakbo ngunit pagharap ko ay nakita ko ang lalaki sa aking harapan.

Hindi ko nakikita ang kanyang mukha sapagkat natatakpan nito ang kanyang mga mata at ilong. Ang tanging nakikita ko lamang ay ang kanyang bibig.

"Ako na lamang ang iyong mahalin, Luna. Mahal na mahal kita," sabi nito.

"Hindi! Si Phobos lamang ang—" hindi niya ako pinatapos magsalita.

"Papatayin ko siya! Paaptayin ko siya," malademonyon sabi nito at tumawa ng malakas.

Nagbago muli ang paligid at nakita ang aking sarili na naka-upo sa ilalim ng puno, umiiyak, puro kalmot, sira-sira ang damit, at nakatitig sa pulang buwan.

"Ano, Luna? Sasama ka ba sa akin o hindi?" bulong ng lalaki. Nasa likuran ko siya at nababatid kong nakangiti siya, yung malademonyong ngiti.

"Hindi, k-kahit kailan, hinding-hindi ko siya ipagpapalit s-sa sakim na tulad mo!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak.

"Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging sakim. Hindi mo ba naiintindihan na uhaw na uhaw ako sa iyong pag-ibig? Kung minahal mo lamang ako, hindi ako magiging ganito."

My Vampire Guard (COMPLETED)Where stories live. Discover now