VINCENT (Book 1 of 2) ↠ Amor...

By Chelsea_13

2.3M 36.4K 9.3K

Losing her memories in an accident, Savannah Fonacier woke up unable to trust the people around her and with... More

✨VINCENT✨
✨Umpisa✨
✨1.1 : Lost Soul✨
✨1.3: Fuck me✨
✨1.4 : Sinful Twin✨
✨1.5 : Good boy ✨
✨1.6 : Mga Paasa✨
✨1.7 : Uhaw✨
✨1.8 : Tukso✨
✨1.9 : Jedidiah Adriano ✨
✨1.10 :Intense✨
✨1.11 : Gone✨
✨1.12 : Manipulative Bastard✨
✨1.13 : My Reed✨
✨1.14 : Sorry✨
✨1.15 : Yours✨
✨1.16 : Carnal Pleasures✨
✨1.17 : The Taste of Sin✨
✨1.18 : Morning After✨
✨1.19 : Stay✨
✨1.20 : Future With You ✨
✨1.21 : Volim te✨
✨1.22 : Girls✨
✨1.23 : Questions✨
✨1.24 : Temptations✨
✨1.25 : Del Fuego✨
✨1.26 : Fernandez✨
✨1.27 : Point of No Return✨
✨1.28 : Free Fall✨
✨1.29 : Peccatum serpentis✨
✨1.30 : Mystery Girl✨
✨1.31 : It Runs In The Blood✨
✨1.32 : Honesty✨
✨1.33 : Kulot (Part One)✨
✨1.33 : Ash (Part Two)✨
✨1.34 : Hate Me✨
✨1.35 : Truth and Lies✨
✨1.36 : Possibilities✨
✨1.37 : Pagbalik✨
✨1.38 : Selos✨
✨1.39 : My Words✨
✨1.40 : Mine✨
✨1.41 : Never Have I Ever✨
✨1.42 :Fairness✨
✨1.43 : Touch Me✨
✨1.44 : Soft Kisses✨
✨1.45 : Lumiere✨
✨1.46 : Secret Couple✨
✨1.47 : Burning Love✨
✨1.48 : Only Exception✨
✨1.49 : Flowers✨
✨1.50 : First Dates✨
✨1.51 : Runaways✨
✨1.52 : Lies✨
✨1.53 : My Place (Part One)✨
✨1.53 : My Place (Part Two)✨
✨1.54 : Dreams and Nightmares (Part One)✨
✨1.54: Dreams and Nightmares (Part Two)✨
✨1.55 : My Fault✨
✨1.56 : Don't Leave✨
✨1.57 : Revelations✨
✨1.58 : Wild Ride✨
✨1.59 : Sweetest Downfall✨
✨Book 1 Epilogue : Amor Vincit Omnia✨
BOOK TWO : VINCENT (Book 2 of 2) : Amor aeternus

✨1.2 : Welcome Home✨

52.7K 1.2K 168
By Chelsea_13

1.2 : Welcome Home

"This is your home!"

"S–sa atin 'to?"

Halos malaglag ang panga ko pagbaba ko sa magarang kotse na sinakyan namin papunta sa sinasabing bahay ni Mommy. Tumambad kasi kaagad sa akin ang isang napakalaking bahay... ay hindi... ang tumambad sa akin ay hindi pala isang simpleng bahay lang kung hindi isang napakalaking mansyon.

Humalakhak lang sa akin si Mommy at mukhang natutuwa sa naging reaksyon ko. Nahiya naman ako at naramdaman ko na lang na namula at nag-init ang pisngi ko.

"Yes, dear. Do you like it?"

Akala ko noong una ay may kaya lang ang pamilya namin dahil sa binanggit ni Mommy na may kumpanya daw si Daddy dito sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa ngunit hindi ko naman akalain na parang palasyo sa laki ang bahay na 'to. Hindi ko akalain na sumusuka pala sila ng pera.

"Come, I am sure hinihintay ka na ng mga babies mo."

Nanlaki ang mga mata ko nang banggitin niya ang salitang 'babies'. May anak na ako?

Agad ko siyang sinundan dahil na-curious ako sa sinasabi niya. Sa harap ng bahay ay may fountain at may maliit na hardin kaya medyo na-distract ako habang tinitingnan ko ito. Subalit sumunod din naman ako kaagad sa loob.

Grabe, hindi ako makapaniwala sa laki ng bahay!

Bago ako makapasok nang tuluyan sa mansyon, marami akong nadaanang mga naka-unipormeng kasambahay na binabati ako. Ngumiti lang ako at tumango. Nahihiya pa kasi ako makihalubilo dahil hindi ko na sila matandaan.

"Ma... ang ganda."

Maaliwalas ang loob ng bahay. Maraming mga salamin at mga portrait din na nakasabit. Pansin ko rin na mamahalin ang lahat ng muwebles na naka-plastar sa may living room.

Ito ba talaga ang bahay ko?

Lumapit sa akin si Mommy at hinagkan ako. "Welcome home, baby. I'm really glad that you are here. Don't worry, your memories will come back to you. Okay?"

Napangiti ako at tumango. Even though I couldn't remember anything, masaya ako ngayon dahil kahit paano, unti-unti uling nabubuo ang buhay ko. And I think, sa ngayon ay makukuntento muna ako kung anong meron ako.

"I am sure you are tired. But do you want to eat first? Magpapaluto lang ako ng mga paborito mo. Wait and I'll–"

"Mommy, 'wag na po. Busog pa po ako."

May tinawag si Mommy at mabilis namang may lumapit na kasambahay sa amin. "Okay, dear. Magpahinga ka na lang muna ngayon kung hindi ka pa nagugutom." Ngumiti ako sa kasambahay na lumapit, mukhang nagulat siya sa ginawa ko.

"Ihatid mo na ang Miss Savannah mo sa room niya and be sure to give her everything that she needs okay?"

Matapos kausapin ni Mommy ang kasambahay ay bumaling ulit siya sa akin. "Rest well, dear. Mamayang gabi ay may dinner party dito sa bahay natin. We need to celebrate your recovery and homecoming. Your cousins from both sides and your grandparents as well, will be there. Makikila mo ulit silang lahat, later."

Tumango-tango ako. Nahalata kong pawang nagmamadali siya. Mukhang aalis yata. "Aalis ka ba, Ma?"

"Yes, dear. I just need to go back to the office to finish some work para naman makahabol ako sa party mamaya. Is it okay?"

Tumango muli ako at tumingin sa napakalaking staircase sa may gitna.

I couldn't wait to see my room and see my things! Baka sakaling may bumalik sa aking memory from my past!

"I suggest that you sleep first, baby. I know napagod ka from our trip. Mamaya ka na lang pagkagising mo na mag-tour sa bahay if you want. I don't want your kuya to think that you're stressed. Ako ang papagalitan no'n!"

Humalakhak si Mommy at kahit ako na gustong makisabay sa kanya ay hindi ko magawa. Hindi ko pa kasi nakikita 'yong sinasabi niyang kuya ko.

Magsasalita sana ako to ask kung pwede na ba akong pumunta sa kwarto ko, but suddenly, may narinig akong mga kahol na papalapit sa akin.

"Oh great! Here are your babies! I'm sure they missed their mommy!"

May lumapit sa aking isang husky at isang chow-chow. Halos ilingkis na nila ang buong katawan nila sa mga binti ko. Subalit hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. I felt this great fear around them. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot sa mga asong ito. Napansin agad ito ni Mommy at mukhang na-alarma.

"What's the problem, dear?"

"I-ilayo niyo sila sa akin." Nanginginig na sabi ko. I knew I was afraid of dogs. Alam ko sa sarili ko. Kasi hindi naman ako magre-react ng ganoon kung hindi, 'di ba?

Napapikit na lang ako at napakapit sa braso ni Mommy nang maramdaman ko ang mga dila nila sa paanan ko. "Ma... Mommy ilayo niyo sila..."

"Okay, okay..."

Ngunit bukod kay Mommy na inuutusan ang maid namin para ilayo ang mga aso ay may narining akong isa pang boses... boses ng lalaki na tumawag sa mga aso.

Binuksan ko lang ulit ang mga mata ko nang makasigurado akong wala ng nakalingkis sa may binti ko.

Ang una kong nakita pagkamulat ko ay ang dalawang lalaking nakatingin sa akin na para bang tinubuan ako ng isa pang ulo.

"Sebastian, Grey, what are you boys doing here so early?"

Humalakhak ang lalaking nakaluhod at pinaglalaruan ang mga aso habang 'yong nakatayong lalaki naman ay pinagmamasdan lang ako.

Hindi ko alam kung bakit ngunit kinabahan ako sa tawa at tingin nilang dalawa.

Unang nagsalita ang lalaking nakaluhod. "We have nothing to do at home, Tita. At isa pa, gusto rin namin makita itong pinsan namin." Tumingin siya sa akin at kumindat. Umiwas lang ako ng tingin.

Anong meron sa kanya?

Hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan silang dalawa. Unang tingin ko pa lang sa lalaking kumindat sa akin ay alam ko na agad na pilyo siya. Kung hindi pa ito ipinamigay ng kumikintab na diyamante niyang hikaw sa may kanang tainga at ng kanyang mala-demonyong ngisi ay ewan ko na lang kung ano pa ang ebidensya na kailangan para sabihing wala siyang magagawang maganda.

Habang ang nakatayo naman sa gilid niya at postoryosong postoryoso ay nagsusumigaw na isa siyang lalaking gustong kontrolado niya ang lahat. 'Yong mga titig niya ay parang kinakalkula niya na ang mga susunod na galaw ko at siguradong kaunting pagkakamali ko at kaunting kibot ko lang ay nakahanda na siya para punahin ako.

Subalit bukod sa nasabi kong pagkakaiba nilang dalawa, hindi maikakaila na para silang mga diyos na bumaba sa lupa. Kahit na pareho silang naka-simpleng t-shirt at pantalon lang ay hindi nito maitatago ang magaganda nilang katawan. Para talaga silang mga modelo. Miski ako na sinasabi nilang pinsan nila ay halos manliit sa sobrang kagwapuhan nilang dalawa.

"What about your sisters? Nandito na rin ba sila?"

Nagulat ako nang sumagot ang postoryosong lalaki kay mommy. His deep voice alone commands attention. Parang bawal din magkamali sa kanya. "Katherine and Kiera? Susunod na lang sila mamaya."

Hindi nawala ang pagkakatitig niya sa akin kaya naman ako na ang umiwas ng tingin at binaling ko na lang ang atensyon ko kay Mommy na ngayon ay hawak na ang mamahaling cellphone at mayroon na siyang tinetext.

"Fine, kayo na muna bahala sa baby ko, alright? I need to go and run some errands," pakiusap ni Mommy doon sa dalawa bago bumaling sa akin.

"They're your cousins, Savannah. Sebastian and Grey Del Fuego."

Kumunot naman ang noo ko. Iiwan niya ako sa dalawang ito?

"You'll be in good hands so do not worry." Nginitian niya muna ako at pinisil ang braso bago kinausap muli ang dalawang pinsan ko.

"And you two, behave and don't do anything stupid while I am away."

Tumayo na ang nakaluhod at binigay na ang mga aso sa maid na nag-aantay. Ngumisi na naman ito sa akin at sumaludo kay Mommy. "Yes ma'am!"

Tss. Pilyo talaga.

Pinanood naming umalis na si Mama sakay ng magarang BMW na sinakyan namin kanina. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Binalot na ako ng pagkailang sa dalawang pinsang kasama ko ngayon.

"Psst!"

Halos mapatili ako nang bigla na lang akong inakbayan ng lalaking may hikaw. Ngumisi muna siya sa akin bago siya umikot at tapatan ako. Halos wala na siyang tinira na personal space sa akin sa sobrang lapit niya.

"Te-teka..."

Ano bang problema ng isang 'to?

Nang alam kong nag-init na ang mukha ko sa ginagawa niyang pagtingin yata sa bawat sulok ng mukha ko ay hindi ko na matiis at lumingon na ako sa gilid.

Paglingon ko, 'yong nakakatakot na pinsan ko naman ang nakita kong nakatingin sa akin. Pero nang magtama ang mga mata namin ay parang na-bore siya at umikot pataas ang mga mata niya. Ano bang problema nilang dalawa?!

"Hey Sav, ako nga pala si Grey at 'yong robot, si Sebastian."

Napatingin ako sa kanya pero bago ko paman maibuka ang bibig ko ay bigla-bigla na lang niya akong pinitik nang napakalakas sa noo.

"Oh fuck! Bakit mo ako pinitik?!" Hindi ko sinasadyang mapamura sa ginawa niya. "Ang sakit ah!"

Tinawanan niya lang ako at umiling-iling. "Dang! Sea-bass, she's really Savannah. Kita mo? Ang dumi ng bunganga!"

Nag-init ang ulo ko. Anong ibig niyang sabihin doon? "Bakit? Hindi ka naniniwalang ako 'to?"

Nagulat naman ako nang lumapit sa amin si Sebastian at tumabi sa kapatid niya. Nakalagay ang mga kamay niya sa kanyang bulsa sa likod at mukhang nabo-bore na talaga siya sa ginagawa namin. Ngayon ko lang napansin na medyo matanda na pala siya sa amin ni Grey. "It's because you've been frightened by Sese and Riri."

"Sese and Riri?"

Inakbayan ulit ako ni Grey at nagsimula na kaming maglakad papunta sa napakalaking staircase sa may gitna. Hindi ko maiwasang hindi matuwa dahil ang bango-bango nitong si Grey. Sumunod naman sa amin si Sebastian. "Yup, 'yong chow at 'yong husky kanina."

"Hi-hindi ko rin alam kung bakit. Talaga bang sa akin ang mga 'yon?"

"Naman! Sa magpipinsan, ikaw ang pinakalokong-loko sa mga aso. They are J-man's gift to you."

Hindi ko kilala ang sinasabi niyang J-man at mukhang kahit anong sabihin sa akin ni Grey ay malilito pa rin ako kaya hindi na ako nagtanong.

"Don't worry, baka nagulat ka lang. Pero, napatunayan ko na ikaw ang pinakapaborito kong pinsan. You cuss like me!"

Tuwang tuwa siya sa akin at ginulo pa ang buhok ko na parang bata. Natawa na rin ako sa ginawa niya. Habang tumatagal ay nasasanay na ako sa ka-wirduhan nitong pinsan ko.

"And of course, ako rin naman ang paborito mo! Ganito tayo ka-close o, kung hindi mo na natatandaan." Inalis niya muna ang kamay niya na nakaakbay sa akin at minuwestra gamit ang hintuturo at ang kanyang hinlalato kung gaano raw kami kalapit sa isa't isa.

Mas lalo pa akong natawa nang batukan siya ni Sebastian. Napaka-out of character kasi nitong ginawa niya. Malayong malayo sa pagka-postoryoso niya kanina.

"Dude! Ang sakit no'n ah!"

"Tsk. Don't mind this idiot, Sav. Ako ang paborito mong pinsan at hindi siya."

Tumatawa pa rin kaming tatlo sa mga walang kalutay-lutay na pinagsasabi ni Grey nang marating namin ang kwarto ko. I felt peace na with them. Hindi naman pala nakakatakot talaga si Sebastian, at talagang seryoso lang siyang tao dahil na rin siguro sa age gap namin. Kung ako ang pinakabata sa aming magpipinsan, siya naman daw ang pinakamatanda, kaya naman may aura talaga siya na ma-awtoridad.

At ito namang si Grey, dahil mas matanda lang siya sa akin ng isang taon ay agad kaming nagkasundo. Pero, wala, hindi pa rin nagbabago ang unang pagtingin ko sa kanya. Pilyo pa rin talaga.

"Sav, wala ka talagang matandaan?"

Umiling ako sa tanong ni Kuya Sebastian.

"Kahit kami?'

Umiling ulit ako at bumuntonghininga. Kahit na gusto ko silang matandaan ay wala pa rin talaga akong mapiga sa utak ko.

Ginulo na naman ni Grey ang buhok ko at sinimulan niya akong kilitiin. Hindi ko mapigilang tumili at humalakhak sa tuwa. "Mabuti naman! Haha! Marami pa ang utang ko sa'yo e!" Hiyaw ni Grey.

Dahil dito ay nasuntok na naman siya sa braso ng kuya niya.

"Lagi ba kayong ganyan?" Halos hindi na ako makahinga sa katatawa sa kanilang dalawa.

Napangisi si Grey at mayabang na inayos ang magulo nitong buhok. "Ano, gwapo?"

Winasiwas ko ang isa kong kamay para ituro silang dalawa. "Hindi... ganyan."

Nagkibit balikat lang silang dalawa.

"O, nandito na pala tayo sa kwarto mo. Alam kong pagod ka sa biyahe niyo kaya magpahinga ka muna, Sav. Fuck. If he would see you like this, kami papagalitan no'n." Sabi ni kuya.

"Sino?"

Si Grey ang sumagot sa akin. "Syempre 'yong kakambal mo. Inutusan ba naman kaming bantayan ka? Para namang mawawala ka sa isang araw! E uuwi na siya mamaya! Ang dami pang arte!"

"Fuck off, bro. Hayaan mo na. Nag-aalala lang 'yon sa kapatid niya."

Dahil ayoko pa silang pakawalan ay napilit ko pa silang mag-stay muna kami sa labas ng kwarto ko at makipag-kwentuhan. Ayoko pang pumasok sa loob dahil may pakiramdam akong hindi ko magugustuhan ang kung ano mang nasa loob dahil sa nagsusumigaw na pink na pintuan sa labas.

"Marami ba tayong magpipinsan?"

"Sobra, minsan nga naiisip ko ang sisipag ng magulang natin. Puno 'tong mansion niyo mamaya panigurado."

"Hindi ko lang sigurado sa father's side mo, Sav. Kahit kailan kasi, hindi pa nagkakaroon ng joint celebration ang sa father's side mo but I am sure na sa side natin, marami tayo."

"Gaano kadami?"

"Let's see. Lima silang magkakapatid. Tapos 'yong si Tita ang panganay, kayong dalawa lang naman ng kakambal mo ang anak niya then next is our mom. Apat kami. Then sino pa ba? Sina Cole, Marco, Chelsea, Ash, Kaizen, ah basta marami! Papakilala ka na lang namin sa lahat mamaya."

Tumango lang ako sa kanila. Parang napakarami ko yatang kailangang malaman bago ang party mamaya. Ayokong mapahiya sa kanilang lahat.

"Sav..."

"Po–"

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Kuya Sebastian. Ikinulong niya ang mukha ko sa dalawa niyang palad at kinausap. "Hey, you're going to be alright. Okay? Mga pinsan mo naman at mga kamag-anak natin ang pupunta mamaya kaya dapat 'wag ka na mag-alala. They're excited to see you. Baby ka ng pamilya. At hindi rin naman biro ang pinagdaanan mo these past few months."

Ngumiti ako sa sinabi ni Kuya Sebastian. Sana katulad nila ni Grey ang mga pinsan namin mamaya.

"Pupunta lang kami ni Sebastian sa game room niyo ah. Matulog ka muna at magpahinga. Tonight will be crazy, I am telling you. Our clan is best known to be a bunch of crazy freaks so get ready!"

Kinindatan ulit ako ni Grey at ginulo ang buhok habang naglakad papalayo papunta siguro sa game room na sinasabi niya. Bago pa ako makapasok sa kulay pink kong kwarto ay nilingon ako ulit ni Kuya Sebastian na ngayon ay nasa dulo na ng corridor.

"Welcome home,Sav! I'm glad you're back."

Continue Reading

You'll Also Like

226K 6.8K 32
[COMPLETED / UNEDITED] 1st Installment of The Infidus Duology --- • The Wattys 2020 Winner under New Adult category • Under RomancePH's Romantic Blis...
434K 13K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
29.5K 633 16
Young Love Series #1 You're too good to be true. It feels like I'm living in a dream out of reality. I'm scared that if I blink, everything will be g...
26.9K 887 64
Have you ever experienced to love someone but you can't say your true feelings for that person? Have you ever experienced to keep those feelings insi...