Clash Between Campus Royaltie...

By wonrangkei

374K 9.3K 1K

Cold vs Hot Play Girl vs Snobber Bully vs Cranky Childish vs Casanova War-freak vs Troublemaker They have a c... More

Characters and Prologue:
Author's NOTEU: 📝
• Chapter 1 •
• Chapter 2 •
• Chapter 3 •
• Chapter 4 •
• Chapter 5 •
• Chapter 6 •
• Chapter 7 •
• Chapter 8 •
• Chapter 9 •
• Chapter 10 •
• Chapter 11 •
• Chapter 12 •
• Chapter 13 •
• Chapter 14 •
• Chapter 15 •
• Chapter 16 •
• Chapter 17 •
• Chapter 18 •
• Chapter 19 •
• Chapter 20 •
• Chapter 21 •
• Chapter 22 •
• Chapter 23 •
• Chapter 24 •
• Chapter 25 •
• Chapter 26 •
• Chapter 27 •
• Chapter 28 •
• Chapter 29 •
• Chapter 30 •
• Chapter 31 •
• Chapter 32 •
• Chapter 33 •
• Chapter 34 •
• Chapter 35 •
• Chapter 36 •
• Chapter 38 •
• Chapter 39 •
• Chapter 40 •
Questions for Royalties
Short Announcement
Answers from Royalties

• Chapter 37 •

4.9K 142 32
By wonrangkei


Chapter 37: Old Selves

❄❄❄❄❄

Xana's POV:

He really did ran outside. I expect that.

Hindi naman masakit. Tss! Oo hindi, manhid ako di ba? I'm also a The-hell-I-care person so I probably don't care.

"Xana, gusto mong tingnan kung ano na naman yung eksenang gagawin ng bitch na yun?" Tanong sakin ni Leslie.

"Sure, It sounds dramatic" Walang gana kong tugon at lumabas na.

Sumunod naman yung ilan samin dahil makikiusyoso rin sila. Narating namin ang mawalak na field kung saan kitang-kita si Keisha. Marami na rin ang mga estudyanteng nakatingin sa kanya ngayon, yung mga teachers naman pinapababa na siya pero matigas ang mukha ng isang 'to.

And there she is, standing on the edge of the Presly's rooftop. Tsk! Such a scandal maker. Tss!

"Why is she up there?" Rinig kong tanong ng isang estudyante.

"Probably making a scene para mapansin ni Kyle" Sabi naman ng kaibigan niya. I agree with that. Well, she succeed because as Maru mentioned her name he really ran outside as fast as he could even though he was peacefully sleeping beside me.

"Teka, si Kyle ba yun?" Tanong ni Edward at tinuro yung isa pang gago na nasa rooftop.

At talagang pinuntahan niya ang gaga, Tss! Magsama sila. Sabay silang magpakamatay, magpapaparty talaga ako.

"Yeah, that's him being a hero this time" Walang gana ko sabi.

But I was just wondering, when did they became close? Like really close, 'cuz I didn't see that coming. And! That jerk barely talk to her, like she's just an aquaintance for him.

Tss! Fine, he's indeed mysterious. He has a lot of secrets, like this one. He agreed to break up with me just to be with her, which I actually didn't expect. And they were already messenging each other (according what Zia told us) another and, they both have a secret.

But the hell I care. Tss!

"Keisha, stop!" Rinig naming sambit ni Kyle.

"Ayoko nang mabuhay, Kyle! Lagi na lang nila ako inaapi, dahil inagaw daw kita kay Xana!" Sigaw ni Keisha.

"So dramatic, nakakasuya" Kumento ni Leslie at umirap pa.

"Who told you that?!" Tanong ni Kyle na may bahid ng galit? Wow! Pwede pala yun?

"All of them! They told me na kaya daw naghiwalay kayo ni Xana dahil nilandi raw kita" Umiiyak na sagot ni Keisha, hindi ko naman maiwasang mamangha.

Mamangha sa galing niya sa pag-arte, tangina! Eh totoo naman yung sinabi nila eh. Kung hindi siya nangielam edi sana ayos pa kami. Tss!

"Bakit hindi ba?" Tanong ni Yisa kaya natawa sila, bukod sakin... at kay Daryl.

Speaking of Daryl, may mali rin sa lalaking 'to. Hindi na lumalapit at pinapansin si Leslie, ah! Nabasted pala kahit di pa umaamin. Tanga rin kasi 'tong si Leslie, ayaw daw sa seryosong relasyon pero mahal si Daryl. Ano daw? Punyeta nakakagigil, puro na lang problema.

Isa pa 'tong si Sav at Edward, nagkainitan. Edi hindi na nagpapasinan, mukhang nadala sa nangyare sakin at ayaw nilang mangyare sa kanila yun.

Buti na lang itong dalawa, si Yisa at Zia, walang pakielam at nalalapitan pa rin yung natirang dalawa. Edi sila na ang walang problema, pwe!

"Wag mo silang pakinggan, Keisha dahil hindi totoo yun" Pare-parehas naman kaming napanganga sa sinabi ni Kyle.

Hindi totoo yun? Eh ang dami ngang nakakita nung away nung Sabado.

"Talaga?" Napataas naman ako ng kilay ng biglang mag-iba yung expression ng mukha at tono ng pagsasalita ni Keisha.

Is she a psycho? Her expression changed that fast like a crazy girl. What the hell?

"Yes, now please get down" Sabi ni Kyle kaya napangiti siya at tumakbo papunta kay Kyle pagkatapos ay niyakap na parang bata.

"That's gross" Kumento ko at umalis na.

Hindi ko nagustuhan ang nasaksihan namin. Medyo masakit tingnan pero kakayanin, now I'm numb.

**

"Una, nakakadiri yung nangyare kanina. Pangalawa, magaling sa pag-arte si Keisha acting like an innocent. At pangatlo, she looks like a psycho when her expression changed" Sabi ni Leslie pagka-upo na pagka-upo niya sa tabi ko.

Nandito kami ngayon sa cafeteria for lunch. Hindi namin kasama yung apat na lalake dahil kokomprontahin nila yung gago ngayon, malay ko kung bakit.

"Oo nga, mukha siyang takas sa mental" Sabi ni Zia.

"Lagi naman siyang mukhang takas sa mental" Tugon ni Sav sa sinabi ni Zia kaya nag-apir sila.

"Pero may kakaiba kanina kay Keisha eh" Biglang sabi ni Yisa.

"Kakaiba? Ano naman?" Tanong nung tatlo, syempre taga-kinig lang ako sa kanila. Kung kinakailangang sumabat, gagawin ko na lang.

"She looks depressed nung nasa rooftop siya, parang aping-api. Tapos maya-maya, bigla siyang ngumiti na parang wala siyang balak magsuicide at niyakap pa si Kyle. Like, para siyang si Harley Quinn" Sabi niya kaya napakunot kami ng noo.

"Yung dahil sa obssession nagiging baliw na?" Tanong ni Zia.

"Siguro, pero yung kinilos niya talaga kanina ay hindi natin inaasahan" Sabi niya.

"Maybe she became a psycho all of a sudden" Sabat ko kaya napatango sila.

"Baka nga ganun pero hindi pa tayo sigurado" Sabi ni Sav kaya kumain na lang kami.

Baka mawalan pa kami ng gana kapag pinagpatuloy pa namin yung usapan tungkol dun sa psycho bitch.

**

"Oh god! Savannah, stop!" Awat ni Leslie pero hindi siya nakinig

"Gago ka! Alam kong babae ako pero kaya kita patulan kahit maskulado ka pang hayop ka" Sabi pa ni Sav. Nananatili akong nakasandal sa pader habang nakatingin kay Sav na inaawat ni Zia at Leslie, si Yisa naman hindi alam ang gagawin.

"Uy Savie, stop na" Sabi ni Yisa, hindi siya makalapit kay Sav dahil nasaniban na siya ng War-freak Sav.

"Sav, tama na! Mawawalan na yan ng mukha" Awat ni Zia. Pero dahil nabastos si Sav, hindi siya nakinig at nagpatinag.

Hinayaan ko na muna sila dyan, kailangang turuan ng leksyon ang lalaking bastos. Another thing, I'm watching a fight scene... live.

"Hoy! Hoy! Hoy! Itigil niyo na yan" Pare-parehas naman kaming napatingin sa sumigaw. Walang iba kundi yung hari ng mga unggoy, si Kyle.

"At bakit ako makikinig sayo?! Binastos ako ng hayop na 'to kaya kailangan niyang magdusa sa mga kamao ko!" Sigaw ni Sav at akmang susuntukin na ulit yung lalake nang tumakbo papalit sa kanya si Kyle at pinigilan ang kanyang braso.

"Kapag sinabi kong tumigil na, tumigil ka na. Away na naman yang ginagawa mo, wala ka ng nagawang matino. Umalis ka na, Jordan" Matigas na sambit ni Kyle kaya palihim akong napa-irap.

Siya nga wala ring ginawang matino, pinigilan ba namin siya?

"Eh pakielam mo ba?" Maangas na tanong ni Sav at hinarap si Kyle. Balik sa dating Savannah Torres, yung maton.

"Mukhang bumalik ka na sa dati, Savannah. Gusto mo bang bumalik na ang lahat sa dati?" Hamon ni Kyle. Mas mabuti na siguro yun.

"Oo, para lagi kong mabangasan yang pagmumukha mo" Sabi ni Sav.

"Sige, maghintay ka mamaya. May idedeklara ako sa lahat ng estudyante, at sa pagkakataong ito hindi niyo na maiiba ang desisyon ko" Sabi niya at biglang tumingin sa direksyon ko, malamang sakin siya nakatingin ngayon.

"Gusto niyo ng away? Sige, pagbibigyan ko kayo" Yan ang huli niyang sinabi habang nakatingin sakin bago siya tumalikod at umalis. Umayos naman ako ng tayo at tiningnan ng masama ang imahe niyang papalayo samin.

"Want a second clash? Okay then, we're in" I mumbled as an evil smirk appeared on my face.

"Sigurado ka ba, Xa-Xa? Malaking gulo na naman 'to" Tanong ni Yisa kaya nilingon ko siya, bahagya naman siyang napakapit sa braso ni Leslie nang lingunin ko sila.

"I don't care, let's just give him what he wanted" Sabi ko kaya tumango sila.

I expect this to happen.

And we can't give up this time.

**

"Ano?! Bakit ulit kayo magkakaroon ng clash, Ate?" Gulat at takang tanong ni Xian nang mabalitaan niya mula sa kanila ang sinabi kanina ni Kyle.

"Because of what happened, I decided to bring back the clash. But this time, it'll be more intense and challenging. Girls, sorry to say but all of you are our slaves once again. And boys, you can have some more fun starting today"

Punyetang yan. Tss!

"Edi balik sa lahat dati?" Tanong ni Xian.

"Probably, gago kasi yung ex ng Ate mo" Sabi ni Leslie kaya natawa sila.

"Pero dahil siguro sa nangyare at sa mga napagdaanan natin, mas malala siguro ang Second Clash" Sabi ni Yisa kaya napatango sila.

"Second Clash. Maybe this time, more painful" Sabi ko bigla.

"Wag naman sana, magbabakasyon kayo sa ospital sige ka" Sabi ni Xian.

"Ano ka ba, Xian? Your Ate is here, and your Ate is a Medical Student kaya pwede niya kaming gamutin kung sakali" Sabi ni Zia but I disagree.

"Nah, I'm too lazy to treat your wounds if ever" Sabi ko at sumandal sa sofa.

"Ay puta!" Biglang bulalas ni Sav kaya napatingin kami sa kanya.

"Sav, avoid swearing" Paalala ni Leslie pero syempre, dahil basagulera ang isang 'to wala siyang pakialam sa sinabi ni Leslie at inirapan lang siya.

"Why?" Tanong ko sa kanya, hindi naman kasi siya mapapamura kung wala siyang nakita o naalala o narinig o nakalimutan.

"Second Clash. Ibig sabihin, babalik tayo sa dati? At ibig sabihin ba nun, pati yung dating ugali natin kailangang bumalik?" Tanong niya kaya napa-isip ako.

Minsan na lang makipagbasag-ulo si Savannah nung naging magkakaibigan kaming sampu. Si Zia naman, ganun pa rin ako pang-aasar pero nabawasan ng 10% dahil madalas niyang asarin si Jevin, ang pinakapikon sa lahat ng pikon.

Si Yisa, uhmmm she changed a bit... like she's not that childish anymore, pero andun pa rin yung hilig niya sa mga cute na bagay at kulay pink. Si Leslie naman, nabawasan ang pagiging mapaglaro niya sa--*ehem*-- pag-ibig (yuck), ganun pa rin yung bilang ng ex-boyfriends niya dahil na-stuck siya kay Daryl... noon.

Ako? Wala namang nagbago sakin.

"Xa, madalas kang ngumiti noon" Sabi ni Leslie kaya napa-irap ako.

Okay so may nagbago sakin... noon, madala daw ngumiti at magsalita... ng Tagalog. Letse! Tss!

"Well, I guess The Old Queens are back" Sabi ko sa kanila kaya napangisi si Sav, nagflip hair si Leslie, pumalakpak si Yisa at napasuntok sa ere si Zia.

"Mukhang hindi na magbabago ang isip niyo ah" Sabi ni Xian kaya tinapik ko ang balikat.

"Sorry Young Lad, but no one can stop us from giving up this time" Sabi ko sa kanya kaya napatango na lang siya.

Second Clash?

Hmmm, it'll be fun... and violent.

**

"It hurts, you know" Reklamo niya. Tss! Kasalanan ko bang masugatan siya?

"It's not my fault" Malamig kong sambit kaya inirapan niya ako. Tss! Dukutin ko mga mata mo eh.

"Aray! Sinasadya mo bang diinan?!" Inis niyang tanong.

"Nope, it hurts because it's a wound. Not because I'm pressing it" Walang gana kong sagot.

Dude, it's Kyle. Kailan ako gaganahang magsalita kapag siya ang kaharap ko?

He's here at the clinic. Probably because he's hurt, nakipag-away sa basagulerang si Savannah tapos nadanggi niya yung tray na hawak nung isang estudyante tapos nahiwa siya ng bread knife. Like shit.

"Masakit, Xana" Reklamo niya ulit. Nakafocus ako sa paggamot ng sugat niya kaya di ko alam kung nakatingin siya o hindi. Pakielam ko naman.

"Mas masakit yung ginawa mo" Wala sa sarili kong sambit.

"And I'm sorry for that" Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"I don't forgive you" Matigas kong sambit at bumalik sa paglilinis ng sugat niya.

Nagtataka kayo siguro kung bakit ako ang nandito para gamutin siya. Ako kasi ang nagdala sa kanya dito, at pagdating namin walang nurse (lunch break rin kasi nila) kaya wala akong nagawa kundi gawin 'to.

"Alam ko yun, pero sana maintindihan mo ang ginawa ko. Keisha needs me, Xana. She needs me because--"

"Just shut your mouth, nandito ako para gamutin ka at hindi makinig sa walang kwenta mong paliwanag" Malamig kong sambit para mapatigil siya sa pagpapaliwanag.

Ayokong marinig ang explenation niya, masyadong masakit sa tenga. Baka hindi ko kayanin.

"Yan, okay na. Bumalik ka na sa classroom dahil may klase pa tayo" Seryoso kong saad kaya tahimik siyang tumango at nauna nang lumabas.

He's still the Kyle I knew. But not the Kyle I loved.

Lumabas na rin ako ng clinic pagkatapos kong linisin lahat ng ginamit ko sa paggamot sa sugat ni Kyle. Literal naman akong nagulat nang makita yung ginamot ko sa tapat ng clinic door.

"Why are you still here?" Hindi ko na napigilang magtaka dahil mukha siyang may hinihintay.

"Well, iisa lang naman yung room natin kaya napag-isipan kong sabay na tayong pumunta dun sa ayaw at sa gusto mo" Sabi niya kaya napa-iling ako.

He declared the Second Clash, and here he is, going to our classroom with me. Ridiculous.

"Is it just me or they actually together?" Napa-irap naman ako sa bungad ni Leslie.

"Waaahhh! Kayo na ulet?" Na-eexcite na tanong ni Yisa.

That question wants me to puke.

"Nagkataon lang na parehas kami ng room, at hindi ibig sabihin nun kami na ulit. Dahil hindi na mauulit yon" Seryoso kong sabi kaya namuo ang nakakabinging katahimikan.

"T-Tama naman si Xana" Nag-aalangan na pagsang-ayos ni Kyle.

"Tss" Tipid kong tugon at pumunta na sa upuan ko para umupo.

Kami? As in kaming dalawa ni Kyle? Magkakabalikan?

That would be a miracle. And it barely happened. And I will also won't let that happen.

I'm contented.

One heartbreak is enough for my heart.

******

To Be Continued...

__________________________

So ayan na po, ang hinihintay niyong chapter. Bale, 3 chapters left. Hihe!

That's all!

Jal ga, Yeoreobun!

Continue Reading

You'll Also Like

15.5K 1.9K 35
"It's not about how she changed my bad attitude but she gave me a reason to changed myself into good." -Whyrhus Alcomendras A/N: Places, and Scenario...
3.8K 325 90
Part of a Highschool life is have a crush.Si Anica Mhae Ramos has a crush on a famous basketball player and also a hearthrob.Ilang years siyang nagin...
34K 327 18
Paano kung mag ka gusto sa isang tulad mo ang COLD,GWAPO,MAYAMAN, at higit salahat MAY-ARI ng SCHOOL na pinapasukan mo? PAANO KUNG ISA ITONG GANGSTE...
214K 9K 50
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...