The Billionaire's Obsession

By JFstories

20.9M 513K 143K

What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ] More

Prologue
Hendrick Montemayor
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Huling Kabanata
Epilogue
H
THE BILLIONAIRE'S OBSESSION
MSAGA

Kabanata 23

330K 8.8K 2.5K
By JFstories

"WHAT THE HELL are you doing here?!" Sa condo niya naabutan ni Hendrick si Ava. Hindi niya na tinanong kung paano ito nakapasok. Dumiretso na siya roon at hindi na siya makapaghintay na palayasin ang makulit na babae; malamang kasi ay gulo na naman ang gagawin nito.


Agad itong lumapit sa kanya. Maamo ang mukha. "I'm so sorry, Hendrick..."


Umismid ang mga labi niya. He knew better.


"I'm sorry, please..." She held his hand. "I'm sorry for giving up on you... Hindi ako naging matapang at matiyaga sa 'yo."


Lalong nagdilim ang mukha niya. Itong babaeng ito, ito ang sumpa sa kanya. Ayaw niya na nga itong makita ngunit balik pa rin nang balik. Akala niya nang magpunta na ito sa Milan ay hindi na ito babalik.


Ang maamong mukha ni Ava ay nag-transform sa isang mabalasik na mukha, her true self. "Sino bang pinagmamalaki mo, ha? Iyong bayarang fiancée mo?!"


"Shut up, Ava," mariing bigkas niya. "Sabihin mo ang kailangan mo at umalis ka na ng bansa." Kung gusto nito ng bahay, lupa, kotse, yate, chopper o pera, ibibigay niya. Kahit isang buong isla, kung gugustuhin nito, ibibigay niya. He just wanted her to leave the country for good.


Nagtungo siya bar counter ng condo at nagsalin ng alak sa shot glass. Ngunit mabilis na inagaw ni Ava sa kanya ang shot glass at inihagis iyon sa kung saan.


"What the hell?!" Galit na binalingan niya ito.


"Hendrick... Hanggang kailan mo ba ako gaganituhin?! Na parang balewala ako?! Ako... Ako ang mahal mo, di ba? Kaya nga bumibili ka ng mga babae to satisfy you dahil hindi mo kayang magseryoso sa mga babae. You are not happy dahil malayo ako sa 'yo... Pero nandito na ako ngayon, bumalik na ako... Hindi ka na mag-iisa... I still love you!"


Umatras siya palayo ngunit humabol ito at yumapos sa kanya.


"Hendrick, I love you. I am so sorry for not realizing it sooner..." Sumubsob ito sa dibdib niya at umiyak. "Please, let me love you... Let me be your princess again..."


Princess? Wala siyang matandaan na naging espesyal ang tingin niya rito kahit kailan. Ava was just his childhood acquaintance. Kasosyo sa isa sa mga negosyo ng daddy niya ang daddy ni Ava. Madalas ito sa kanila. Dagdag pa na kung saang school siya naroon ay naroon din ito. Palagi itong nakasunod hanggang sa mag high school sila. She was obsessed.


"I am engaged now, Ava," he said to her.


Natigilan ito at nanalim ang mga mata. "To that whore?"


Hinablot niya ang braso nito at mariing pinisil. "Say that again."


Napangiwi si Ava sa sakit. Nanlalaki ang luhaan nitong mga mata. "Hendrick, you are hurting me..."


Paharabas niya itong binitiwan na halos tumalsik ito.


Luhaang napailing si Ava. "You're crazy..." anas nito na bakas sa mukha ang takot sa kanya. "You are still crazy..."


"You know that I am," he said coldly. "Leave, Ava. Leave while I can still control myself."


"Fuck you, Hendrick!" galit na sigaw nito at saka dali-daling binitbit ang bag palabas ng kanyang condo.


He gritted his teeth as he looked at the closed door. He was seeing red. Mabuti wala na si Ava dahil masasaktan niya talaga ito.


He didn't want to see her again. Why the hell did she come back?


Kumikirot ang ulo na napasalampak siya sa sahig. Seeing Ava again was causing his head to hurt. She was making him remember the things that he didn't want to remember ...


"Oh, fuck!" hiyaw niya at pinagtatadyakan ang lahat ng gamit na maabot niya. He didn't stop not until everything was shattered.






12 years ago...


"LABAS!"


Nagtagis ang mga ngipin ni Hendrick nang sumigaw si Kuya Teody or Teodoro Salonga. He was his driver and bodyguard. Ilang buwan na itong namamasukan sa pamilya niya. Ito ang naghahatid at sumusundo sa kanya sa Dalisay High School kung saan siya nag-aaral at graduating na ngayon ng 4th year high school.


He couldn't believe it at first. Teody seemed nice in his 6-six months as his driver. He wanted to think that he was only messing with him right now but the forty-year-old man looked dead serious.


"Lumabas, sabi kayo!" bulyaw nito sa kanya at sa katabi niyang dalagita, si Ava.


Uwian. Galing sila sa eskwelahan. Sumabay na naman si Ava sa service niya. Iisa ang way ng inuuwian nila sa bayan ng Dalisay. Bago makarating sa Hacienda Montemayor kung saan siya nakatira ay dadaan muna sa private subdivision sa kapitolyo kung saan naman nakatira si Ava. Madalas itong sumabay kahit pa may sarili itong service, idinadahilan na mas gusto nito na kasama siya.


Palagi niyang itinataboy si Ava ngunit matigas ang ulo nito. And now, nadamay pa tuloy ito sa pagkidnap sa kanya.


"H-Hendrick, I'm scared..." mangiyak-ngiyak na humawak sa braso niya si Ava. "Please, do something..."


Anong pwede niyang gawin? Their kidnapper was carrying a gun. Kung nag-iisa lang siguro siya at wala si Ava ay pwede siyang makagawa ng paraan. He earned his Taekwondo black belt last year, kung tutuusin ay pwede siyang sumugal at manlaban. But he couldn't risk Ava's safety.


Bukod sa dala-dalang baril ay batid niyang may alam din sa martial arts si Teody. He was not his driver and bodyguard for nothing.


Nang makalabas sila ni Ava sa kotse ay ipinagtulakan sila ni Teody papasok sa isang bahay na may matataas na pader. Labas na ito ng bayan ng Dalisay.


"Bilisan niyong maglakad!" Itinulak sila ni Teody papasok sa bahay na walang kagamit-gamit maliban sa mahabang kahoy na sofa. "'Wag niyo akong artehan, bawal ang maarte kung ayaw niyong gilitan ko kayo ng leeg!"


Lalong napakapit si Ava sa kanyang braso. Takot na takot ito at ayaw bumitiw sa kanya.


Marahan niyang tinapik ang kamay nito upang kahit paano ay pakalmahin ang dalagita. Hindi nila pwedeng inisin ang kanilang kidnapper dahil posibleng totohanin nito ang banta. Kailangan nilang maging maingat kung gusto nilang makatakas nang ligtas.


Pinapasok sila ni Teody sa isang kwarto na ang tanging gamit ay isang malaking kahoy na papag. Ni walang electric fan sa loob at ang ilaw ay maliit na dilaw na bombilya.


Tinadyakan siya ni Teody sa likod dahilan upang masubsob siya sa sahig ng kwarto. Bago siya makatayo ay naramdaman niya ang paghawak ng lalaki sa kanyang kaliwang paa. Paglingon niya ay saka niya natuklasan na ipinosas siya nito sa haligi ng malaking papag.


Nagtitili si Ava ngunit sinampal ito ni Teody. "Manahimik ka, napakaarte mo!"


Akmang sasampalin ulit ito ng lalaki nang sumigaw siya. "Please, don't hurt her!"


Binitiwan ni Teody si Ava at napalugmok ito sa sahig habang sapu-sapo ang namumulang pisngi. Putok at duguan ang gilid ng mga labi.


"Please, Kuya Teody, don't hurt Ava. Wala siyang kasalanan sa 'yo. Ako ang gusto mong kidnappin, right? I am willing to cooperate."


Umismid si Teody. "Mabuti. Bukas ay tatawagan ko na ang mga magulang mo para sa ransom. Ipapakausap kita sa kanila at gusto ko na madaliin mo sila na maghanda ng pera."


May kinuha ito sa gilid ng papag at nang ilabas ay mahabang tali na mula sa pinagtagpi-tagping retaso ng tela ang kanilang nakita. Nagpapasag si Ava nang hilahin ito ni Teody ngunit sa huli ay naigapos din ng lalaki ang mga kamay ng babae sa kabilang paa ng mabigat na kahoy na papag.


"Walang magtatangkang tumakas sa inyo! Hindi niyo magugustuhan kapag nasagad ang pasensiya ko!" Lumabas ito ng kwarto at pabalibag na isinara ang pinto pagkatapos.


Naiwan sila ni Ava sa kwarto. Gustuhin man niya itong lapitan ay hindi niya magawa, magkalayo sila ng pwesto at hindi niya ito abot.


Sa buong oras ay walang ginawa ang dalagita kung hindi ang umiyak lang. Pakiramdam niya'y kargo niya ito. Hindi naman talaga ito dapat madadamay sa masamang balak sa kanya ng kanyang service driver kung hindi ito sumabay sa kanya.


"We'll be okay Ava. We will be saved." Wala siyang magawa kung hindi ang payapain ang loob nito sa pamamagitan ng salita.


He was afraid too but he knew he needed to be strong for the both of them. Sa kanya ito kukuha ng lakas. Isa pa, wala ring dahilan upang maging mahina siya. Kailangan niyang maging matatag kung gusto niyang makatakas silang dalawa.


Sa pagod at kakaiyak ay nakatulog nang nakaupo si Ava. Nakasandig ito sa gilid ng papag. Siya naman ay nag-iisip ng paraan kung paano maiisahan ang kidnapper nila.


Umaandar ang oras at ayaw niyang magsayang ng panahon. Past 9:00pm na ayos sa suot niyang wrist watch. Nanghihina na siya sa pagod at gutom. Hindi nila alam kung ano ang tunay na plano sa kanila ni Teody kung sakali mang magtagumpay na ito sa pagkuha sa ransom money.


Tiningnan niya ang paligid. Naka bakal na grills ang bintana ng kwarto kaya walang ibang pwedeng daanan kung hindi ang pinto. Malamang na nakalock din ang pinto mula sa labas.


Nilingon niya ang natutulog na si Ava sa kabilang parte ng papag. Hilam ang luha sa mga mata nito. Hindi ito makakaalis sapagkat mahigpit ang nakagapos dito na pinagdugtong-dugtong na makakapal na tali.


Wala siyang makitang kahit ano na pwedeng ipangsungkit sa posas na nasa kanyang kaliwang paa. Ilang ulit niya na kaninang sinubukang iangat ang papag ngunit hindi niya kaya. Mabigat at solido ang kahoy na paahan ng papag.


Napa-tsk siya. There was no other way than to negotiate with their kidnapper. But the big question was how?


Anong pwede niyang sabihin upang mauto si Teody?




BUMUKAS ANG PINTO ng kwarto at iniluwa ang nasa kwarenta anyos na si Teodoro Salonga, ang service driver at bodyguard ni Hendrick at kanilang kidnapper ni Ava. Pawisan ang lalaki at namumula ang mga mata.


"Did you call my parents?" agad na tanong niya rito.


"Oo." Lumapit ito sa kanya at tinutukan siya ng baril sa noo.


Nang magtama ang mga mata nila ni Teody ay natiyak niya na namumula nga ang mga mata ng lalaki. He couldn't be wrong, nakatira ito.


Mula sa labas ng kwarto ay nakarinig siya ng boses ng babae. "Iyong binatilyo, dalhin mo rito Teodoro!"


"Narinig mo?" tila baliw na sabi ni Kuya Teody sa kanya. "Dalhin daw kita sa mahal na reyna."


Mahal na reyna? Sino ang tinutukoy nito?


Kinalas nito ang posas sa kanyang paa at kwinelyuhan siya sa suot niyang school polo. Muntik pa siyang masubsob nang itayo siya ng lalaki. Sa tagal niyang nakaupo ay nangalay ang kanyang mga binti.


Tinutukan siya ulit nito ng baril. "'Wag ka nang magtangkang tumakas, papatayin ko 'yang girlfriend mo," tukoy nito sa natutulog na si Ava.


Hindi niya na ito itinama na hindi niya girlfriend si Ava. Sumunod na lang siya rito nang hilahin na siya nito palabas ng kwarto.


Dinala siya nito sa kabilang kwarto. Nagulat siya nang makilala ang babaeng nakahiga sa kama na naroon—si Ate Thalia!


Nakangisi at katulad ni Teody ay namumula rin ang mga mata ng nasa early thirties na babae. Ito ang batang cook nila sa mansiyon. Wala pa itong isang taon na namamasukan sa kanila. May itsura ito, may katawan, kaya hindi na siya nagtataka kung bakit sinusunod ito ni Teody na tila isa itong reyna.


Sa kanang kamay ni Thalia ay may hawak itong Nokia N71 phone. "Kausap ko ang mommy mo."


Itinulak siya ni Teody palapit kay Thalia at pagkatapos ay tinutukan siya ulit ng baril. "Kausapin mo ang mommy mo."


Ini-loud speaker ni Thalia ang phone. Narinig niya ang garalgal na boses ni Donya Doreen Cassandra Montemayor, his mother.


"H-Hendrick, my baby?! W-where are you?"


"Mom..." His hands balled into fists upon hearing his mother's cry.


"My baby... my bunso... don't hurt him, please..."


Humahagulhol na si Donya Dorcas sa kabilang linya kaya may umagaw rito ng telepono. Kasunod nilang narinig ay ang baritonong boses ng kuya niya, si Isaac Montemayor.


"Hendrick, are you okay? Don't worry, little brother, we are doing our best here to save you. We will do everything to get you out of that place—"


Hindi natapos ng Isaac ang pagsasalita nang sumabat si Teody.


"Hindi ko gusto ang naririnig ko, Senyorito Isaac." Nakasimangot ang mukha ng kanyang kidnapper. "Ang lagay ay parang tatraidurin niyo ako. Sinasabi ko sa inyo, hindi niyo mababawi nang buo si Senyorito Hendrick hangga't hindi niyo ibinibigay ang ransom money na hinihingi ko!"


"Hayup ka, Teody! Ibalik mo ang kapatid ko!" sigaw ni Isaac. Galit na galit ito. "Pinagkatiwalaan ka naming hayup ka!"


"Ibabalik ko naman kagaya ng sinabi ko. Pero sumunod din kayo sa usapan. Limangpung milyong piso ang kapalit ni Senyorito Hendrick. Barya lang sa inyong mga Montemayor iyon."


"And about Ava," sabat ni Donya Dorcas, his mother. "W-wag niyo ring sasaktan si Ava, pakiusap..."


"Sabihan niyo ang mga magulang niya," si Thalia ang sumagot. "Sampung milyon naman ang kapalit ni Ava. Kayang-kaya ng mga magulang niya iyon dahil mayaman din naman sila. Pero maari naman na kayo na rin ang sumagot."


"Right!" nakangising sambit ni Teody. "Pagsamahin niyo ang ransom. Bukas tatawag ulit kami para pagusapan kung saan magkikita."


Puputulin na sana ni Thalia ang tawag nang makarinig kami ng pag-aagaw ng telepono sa kabilang linya, kasunod ay ang boses ng isang babae.


"I'll make it doble. One hundred million pesos," tuwid at matapang ang boses ng babae.


Napalunok siya nang makilala ito. It was his older sister, Aria Montemayor-Saavedra. Mukhang kararating lamang nito.


Nagkatinginan sina Thalia at Teody.


"100M plus 20M. I can ready the cash in an hour, but you need to return Hendrick and Ava tonight."


"Hindi pwede," sagot ni Thalia nang makapag-isip-isip. "Bigyan niyo kami ng panahon. Saka hindi kami nakakasiguro na hindi niyo kami tatraidurin, lalo ka na Senyorita Aria, tuso ka!"


"'You think I will risk my brother?" balik ni Aria sa matigas na tono.


"Please, we want our brother now!" isa pang boses ng babae ang nagsalita. "Magbabayad kami ng doble and we will guarantee you na hindi kami mangta-traidor!"


Ang namumulang mga mata ni Teody ay kumislap nang makilala ang boses ng nagsasalita. "Senyorita Gabriella..."


Galit namang sumagot ang Ate Gabb niya. "Fuck you, Teodoro! 'Sabi ko na nga ba hindi ka mapagkakatiwalaan!"


Napahagikhik naman si Teody. "Ano ba iyan, Ma'am Gabb, napakaganda mong babae at napaka-sexy tapos malala ka pa sa akin kung magmura!"


Tila naman nainis si Thalia sa pakikinig sa usapan ng mga ito kaya pinatay na nito ang tawag. Galit na binalingan ang kasabwat na si Teody.


"Tangina ka, Teodoro! 'Sabi ko na nga ba't may gusto ka kay Senyorita Gabriella!" singhal nito.


"Thalia, naman!" Napakamot ng ulo ang lalaki.


"Malagkit ang mga tingin mo sa kanya! Palagi kitang nahuhuli! May pagnanasa kang walanghiya ka!"


"Tumahimik ka!" naiiritang sigaw rin nito sa nagwawala nang si Thalia. Nakalimutan na yata ng mga ito na naroon pa siya.


Sumisingasing sa galit si Thalia. "Ano? Dahil maganda at sexy ang babaeng iyon? At ano? Dahil hindi ako kasing kinis niya?! Putang ina ka, Teodoro! Maganda naman ako! Bakit hindi ka makontento?! Pwes pag nakuha ko na ang ransom niyang mga iyan ay uubusin ko ang pera sa pagpapaganda! Makikita mo, mas gaganda pa ako sa malditang Gabriella na iyon!"




IBINALIK na si Hendrick sa kabilang kwarto at gising na rin si Ava. Kinalagan niya ito sa pagkakatali dahil hindi na siya ulit ipinosas ni Teody.


"Are you okay, Ava?" tanong niya sa dalagita.


Nanginginig na tumango ito. "B-bakit hindi ka na nakaposas?"


"Nakalimutan siguro." Tila sabog na sabog ang lalaki na basta na lamang silang iniwanan ni Ava sa kabilang kwarto. Ang malas lang dahil hindi nito nakalimutang i-lock ang pinto mula sa labas.


"Are we going to escape, H?"


"Yeah. Pero pinag-iisipan ko pa kung paano. Nakalock ang pinto at wala akong makitang pwedeng magamit para buksan iyon." Sinipat niya ang nakabukas na bintana, bakal ang grills niyon mula sa labas.


"W-what time is it?" Suminok si Ava. "I'm starving..."


"Past 1:00 am." Inalalayan niyang makatayo si Ava.


Kapwa sila wala nang lakas dahil ni hindi man lang sila pinakain ng kanilang mga kidnappers. Maski tubig ay hindi man lang sila pinatikim.


"Don't worry, Ava. Siguradong gumagawa na ng paraan ang mga pamilya natin para iligtas tayo. Pero gagawa pa rin tayo ng paraan para makatakas. Hindi tayo pwedeng maging kampante at maghintay lang."


Maalinsangan ang paligid. Hinubad niya ang suot na school polo at iniwan ang white t-shirt. Si Ava naman ay ginamit na pangtali ng buhok ang putol na bahagi ng ipinantali sa mga kamay nito kanina.


"Ahhh... Oh...."


Nakaupo sila sa gilid ng papag nang mula sa kabilang kwarto ay makarinig sila ng mga ungol. Nagkatinginan sila ni Ava.


"What's that?" Nanlalaki ang mga mata ng dalagita.


"Stay there, I will check." He stood up from the edge of the wooden bed.


Yari sa semento ang paligid ng kinaroroonan nila, maliban sa kadikit nilang kwarto. Isa lamang manipis na plywood ang nagsisilbing dibisyon. Naroon sina Thalia at Teody. Lumapit siya roon at nang makitang may siwang ay sumilip siya.


"Ohhh... Ahhhh...." Palakas nang palakas ang ungol na mula kay Thalia.


Yes, it was Thalia. He could see her from the hole. She was naked and her heavy breasts were bouncing as she moved on top of Teody.


"Ang sarap, Thalia... Ang sarap mo talaga... Ahhh, bilisan mo paaaa...."


"Ahhh, Teody... Masarap talaga ako... Mas masarap ako kaysa sa pinapantasya mong si Senyorita Gabriella... Ah... Oh... Lalabasan na ako..."


Napanganga siya sa nasasaksihan. The two were having rough sex! He should be disgusted but why the hell he was feeling the opposite ?!


JF

Continue Reading

You'll Also Like

24.4K 581 42
She's a girl like me Girls love girls series I
174K 6.4K 60
Michaela Singh is a naturally born singer and musician. She is bold with her words as she always speaks her mind. Everybody tells that she is born fo...
7.6M 224K 37
Published Under Bliss Books The Magnate Series #1: "Broken vows is the same as shattered mirrors, leaving those who touched them hurt and bleeding, s...
129K 1.5K 20
𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓 | 𝐑-𝟏𝟖 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult langu...