It's Complicated

By AillexSkcy

55.7K 1K 94

Jerk at maattitude ang tawag ng marami kay Kai Alejandro, isang babae na lumaki sa bansang Spain ngunit kinal... More

Reminders
Prologue
Chapter 1: Weird
Chapter 2: Café Morina
Chapter 3: Safety first
Chapter 4: Goodluck
Chapter 5: With her
Chapter 6: I miss you and I love you
Chapter 7: Puesta de sol (SUNSET)
Chapter 8: Ex
Chapter 9: Jealous
Chapter 10: Tutor
Chapter 11: Anu Tayo na?
Chapter 12: Earrings
Chapter 13: Goldy Kai
Chapter 14: Can't Wait
Chapter 15: Late
Chapter 16: Perfume
Chapter 17: Ela's Career
Chapter 18: Photoshoot with my EX
Chapter 19: The Kiss
Chapter 20:
Chapter 21: The Party
Chapter 22: Dalagang Pilipina
Chapter 23: The Meet Up
Chapter 24: EMERGENCY
Chapter 25: I Love You
Chapter 26: Hiccup
Chapter 27: Unforgettable Moment
Chapter 29: I still love you
Chapter 30: Love Team
Chapter 31: New Concept
Chapter 32: The International Model Collide
Chapter 33: KAIBIGAN
Chapter 34: Nightmare
Chapter 35: Omelette
Chapter 36: Delicioso
Chapter 37: Confused
Chapter 38: Trending
Chapter 39: Still confused
Chapter 40: Text
:( Chapter 41: I LOVE YOU, GOODBYE :(
Chapter 42: Nonsense Deal
Chapter 43: Safe
Chapter 44: Don't make me worry
Chapter 45:
Chapter 46: Your Lips
Chapter 47: Laura and Abbie
Chapter 48: I am still your best friend and you are still my best friend
Chapter 49: I have something to tell you <3
Chapter 50: Vanilla Lace
Extra Chapter
Epilogue
Book Announcement
Book Two of It's Complicated

Chapter 28: Charm

512 12 0
By AillexSkcy

Chapter 28: Charm

.
.
.
.

Kai's POV

Hindi ko maiwan iwan si Jane. Bagsak na bagsak siya kagabi, tapos ngayon may sakit kaya hindi ako makapasok. Nagsabi na ako kay Tita na itext ang ka office mate ko na hindi ako makakapasok. Wala namang ibang mag aalaga sa kanya dito sa condominium niya. Oo dito ako nagpalipas ng gabi, hindi din kasi ako makaalis kagabi dahil sobrang lakas ng ulan.

"Jane kumain ka kahit tatlong subo ng pagkain." Pag uutos ko sa lantutay na si Jane. Kanina pa siya gising pero ayaw niya pa rin kumain hanggang ngayon.

"Umuwi ka na, tsaka may pasok ka ngayon bakit nandito ka pa?" Tanong niya sa akin, pero nakatalikod siya sa akin. Inilapag ko sa mini table ang tray ng pagkain. Nilutuan ko siya ng mainit na soup, pero dahil ayaw niya pa rin kumain medyo malamig na siya.

Sinubukan kong tanggalin ang kumot na nakabalot sa katawan niya pero nakaipit iyon sa kanya.

"Umalis ka na! Ako na ang bahala sa sarili ko!" Pasigaw niyang sambit pero halata sa boses niya ang pangangatal. Teka umiiyak ba siya? Tanong ko sa isip ko.

"No, kagabi kapa inaapoy ng lagnat. Kailangan mong uminom ng gamot kaya kumain ka na." Mademanda kong utos sa kanya.

"Leave me alone, I can handle myself!"

"No Jane, paano ka makakasama sa event kung may sakit ka?"

"I said leave me alone! And will you please don't come closer to me!" Sigaw niyang sambit, napansin kong nasa tabi ko na pala siya, kaya medyo nagulat din ako.

"Sige, basta hihigop ka ng sabaw at iinom ng gamot." Mahina kong sambit, bago ko lisan ang kuwarto niya ay sumulyap muna ako ng tingin kay Jane na nakahiga pa rin sa kama niya.

.
.
.
.

Jane's POV

Rinig kong sumara na ang pinto, agad naman akong bumangon sa kama at lumakad patungo sa banyo. Nahihilo ako kaya medyo napabagal ang pagpunta ko doon.

Naaalala ko ang mga nangyari kagabi, mula sa paghatid sa akin ni Kai hanggang sa mga pinaggagawa ko. Inalagaan niya ako magdamag dahil nilagnat ako. Panay ang suka ko kagabi kaya nahihiya ako sa kanya. Ayaw ko pa siyang paalisin pero nasambit na ng labi ko ang mga salitang iyon kaya wala na akong magagawa. Tsaka naiinis na din ako kasi kagabi pa ako nagpaparinig sa kanya pero hindi man lang niya pinansin ang mga sinabi ko, siguro nga tama yung panaginip ko. Na ang gusto niya ay lalaki hindi katulad niyang babae.

Nang makapasok ako sa banyo ay agad akong naghugas ng kamay. Mas lalo akong nilamig, ramdam kong tila naikot ang aking paningin kaya napaupo ako. Bakit ang unfair? Bakit sobrang unfair ng kapalaran? Tanging sambit ko sa isipan ko, ramdam ko ang luhang pumapatak sa magkabila kong mata. Hindi ko na mapiligan kaya hinayaan ko ng dumaloy iyon.

"Hu hu." Tanging ingay lang ng paghikbi ko ang naririnig ko at ang daloy ng tubig sa gripo ng bath tub.

Hindi naman kasalanan ni Kai kung bakit ako napamahal na sa kanya, pero bakit ang sama ng loob ko sa kanya? Bakit kasi ako nafall sa isang tao na di ko naman sure kung mamahalin din ako pabalik? Noong di ko pa siya kilala hindi naman ako nagkakaganito ah. Ang tahimik pa ng buhay ko, at payapa pa ang isip ko. Bakit kasi nakilala ko pa siya? Bakit sa kanya pa ako nafall? Pwede namang sa iba, bakit ang tulad niya pa?

Ilang minuto akong nakaupo habang yakap yakap ang sarili. Feeling ko mahihimatay ako, pero pinipigilan kong huwag mapapikit. Sinubukan kong tumayo sa mga oras na iyon ngunit hindi ko napansin ang kaunting tubig na nakakalat sa sahig.

Blaggg!!!!

Napahawak na lang ako sa braso ko ng bumagsak ako sa sahig, kahit masakit ay mas pinili kong bumangon para maisara ang gripo sa bath tub. Napahinga na lang ako ng malalim ng maisara ang gripo sa bath tub at sumandal  doon.

Kai, I need you now.
Tanging sambit ng isip ko, pero malabong bumalik ang babaeng iyon.

Napapangiwi na lang ako kapag itutuon ko or nasasagi ang kanang braso ko, dahan dahan kong hinubad ang damit ako pero dahil malakas ang pagkakabagsak ko kanina ramdam na ramdam ko ang sakit. Mabuti na lang at nakabutones ang damit ko kaya di ako nahirapang maghubad ng damit. Hinayaan ko na lang na naka underwear ako ng lumusong sa bath tub na clear ang tubig. Inabot ko ang pink soap na panlagay sa bath tub gamit ang kaliwang kamay.

Nang makapaglagay ng pink soap ay dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko, masakit ang ulo ko, nahihilo, at walang panlasa tapos sinabayan pa ng sakit ng braso ko sa pagkakabagsak. Lalong lalo na ang sakit dito sa puso ko, I don't want to see her again or hear her name, pero bakit namimiss ko na agad siya. I want to see her, I want her beautiful smile, her scent and her everything.

Please kahit ngayon lang huwag mo munang isipin ang babaeng iyon, huwag mo munang isipin ang taong walang pakialam sayo. Ramdam ko ang pagdaloy ng luha ko sa pisngi ko habang nakapikit. Hanggang sa makaramdam ako ng antok.

.
.
.
.
.

Kai's POV

Hindi ako mapakali, gusto kong buksan ang pinto at kausapin si Jane. Pero baka paalisin niya ulit ako, madaming tumatakbo sa isip ko. Yung mga sinabi niya sa akin kagabi, yung ginawa niya kagabi, yung mga binanggit niyang salita kagabi na paulit ulit na tumatakbo sa isip ko.

Flashback

Akay akay ko si Jane papasok ng condominium niya. Bagsak na bagsak siya at wala sa sarili, kaya sinamahan ko na. Pagkapasok ng kuwarto ay inihiga ko na siya sa kama niya, naisipan kong palitan siya ng damit, basang basa na kasi ng pawis ang suot niyang damit. Kumuha ako ng damit sa cabinet niya, isang white shirt. Mabuti na lang at madilim, hindi ko kita ang katawan niya kaya mabilis kong naisuot ang shirt na iyon.

"Kai, ayaw mo ba sa akin? Nandidiri ka ba sa akin?" Hindi ko na lang pinansin ang tanong niya. Pumasok ako sa banyo, at kumuha ng isang maliit na planggana. Kumuha ako ng tubig at isang puting towel. Pagkatapos ay pinunasan ko ang braso niya, amoy alak na kasi siya. Tinanggal ko ang heels niya at kinumutan pagkatapos.

"Kai, gusto kita. Kung hindi mo ako gusto, okay lang sa akin. Kung saan ka masaya, doon din ako. Basta tatandaan mo ito, ikaw ang babaeng pinakamaganda na nakilala ko. You are the best among the rest." Napahinga na lang ako ng malalim sa mga oras na iyon. Iba din pala kapag nalasing iton babaeng ito.

"Matagal ko ng gusto sabihin sayo, pero inuunahan ako ng takot at kaba. Pero ngayon, kahit lasing ako alam ko ang sinasabi ko." After kong mapunasan siya ay agad ko ding ibinalik sa banyo ang natirang tubig, ibinuhos ko iyon sa lababo at hinugasan ang towel sabay sampay.

Lumabas ako sandali sa kuwarto para maghugas ng kamay sa kusina. Paulit ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Jane, kinkabahan ako at hindi mapakali sa mga sinabi niyang iyon.

"Huwaaaa!!!" Dali dali akong tumakbo, nakita ko na lang si Jane na nakaupo at may tinuturo. Binuksan ko ang ilaw. Nakita ko ang kulay dilaw na medyo basà sa sahig. Kumuha agad ako ng dust pan at basahan. Hindi na ako nagsuot ng gloves, hinawi ko ang suka niya gamit ang basahan. Grabe, ang baho niyon at nakakadiri. Pero tiniis ko para malinis lang iyon, tatayo na sana ako ng muling sumuka si Jane. Nasukahan niya ang damit niya kaya dali dali ko siyang pinahubad. Napatingin ako sa kanya ng maramdaman na mainit siya. Hinawakan ko ang noo niya at ang noo ko, may sinat siya kaya dali dali kong hinubad ang suot niya. Inakay ko siya patungong banyo, para doon palitan ng damit. Wala na akong pakialam kung nakahubad siya, basta mahulasan lang siya at bumalik sa normal na temperature ang katawan niya.

"Jane, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Pinaupo ko siya sandali sa tabi ng bath tub at lumabas ng banyo, tumungo ako sa cabinet niya, hindi ko alam ang ipapasuot sa kanya kaya kung ano na lang ang mahawakan ko iyon na lang.

"Kai, ayaw ko na. Hu hu hu." Rinig kong sambit ni Jane, medyo mabaho ang kuwarto kaya binuksan ko ang ionizer.

"Kai hu hu hu." Rinig kong umiiyak si Jane habang abala ako sa pagpunas ng sahig. Inispriyan ko na iyon para hindi kumapit ang amoy, pero sadyang sobrang baho talaga kaya natagalan ako sa pagtanggal ng amoy. After no'n ay bumalik na ako sa banyo dala ang isang longsleeve na di butones.

Tulog na si Jane ng bumalik ako, may bakas ng luha na dumaloy sa magkabila niyang pisngi. Naaawa ako sa kanya sa mga sandaling iyon, pinunasan ko na agad siya at binihisan. Mainit pa rin siya kaya kumuha ako ng thermometer, agad kong inilagay sa kilikili niya. Mabilis iyong tumunog, 38.1 kaya agad akong kumuha ng panibagong malinis na towel. Kumuha ako ng tap water at agad ininit  para iyon ang gamitin. Iyon kasi ang turo ni Tita kapag may lagnat hindi malamig na tubig ang dapat ipunas sa katawan ng may sakit kundi maligamgam na tap water. Mabuti na lang at meron si Jane ng tap water.

Nang lumigamgam ay agad kong ipinunas sa katawan ni Jane ang towel na iniloblob sa maligamgam na tubig. Nilalamig siya kaya kinumutan ko na after kong mapunasan ang braso at binti niya. Hininaan ko na din ang aircon para hindi lalo siya lamigin. Naaawa ako sa kanya sa mga sandaling iyon, nangangatal siya sa lamig kaya dinuble ko ang kumot sa kanya.

Napansin kong umuulan sa labas, kaya isinara ko ang sliding door malapit sa kama niya.

Bumalik ako sa banyo at nilabhan ang damit na nasukahan ni Jane, gayundin ang mga towel na ginamit ko. Habang nagkukusot ay paulit pa ring bumabalik sa aking isipan ang mga sinabi niya. Hayy maloloka na ako. Pagkatapos ay agad ko na ring isinampay ang mga nalabhan, mabuti na lang at may dryer kaya hindi natulo ang tubig mula sa tela ng damit.

Umupo ako sa sofa katapat ng kama ni Jane, mahimbing na siyang natutulog kahit alam kong nilalamig pa siya.

Paano ko haharapin ito? Paano kung sabihin niya kay Ela? Natatakot ako, teka bakit naman ako matatakot e wala naman akong nararamdaman sa kanya. Teka nararamdaman, hindi pwede. Pareho kaming babae, at kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na pumatol sa babae. Na insecure oo, pero crush or love no and never. Insecure kasi minsan naiinggit ako sa ibang babae na may mga bagay na wala ako. Kaya minsan grabe ako magpantasya sa ibang babae, yun bang gusto kong kunin kung anong meron sila. Napagkakamalan tuloy akong tumititig sa babae, kaya akala ng iba lesbian ako. But the real story, I'm not I just want to have what they had and I just want to be like them. Complete and no worries.

End of Flashback

Patuloy pa rin ako sa paglakad lakad mula sa likod ng pinto ng condo unit ni Jane, di ako mapakali.

Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Baka pumasok ulit siya sa banyo at makatulog. Dali dali kong binuksan ang pinto at dumiretso sa kuwarto ni Jane, wala siya doon. Kaya pumasok ako sa banyo. Nakahiga siya sa bath tub habang nakaloblob ang katawan sa pink na tubig.

"Jane? Jane?!" Kinakabahan kong tawag sa pangalan niya, hinawakan ko ang pisngi niya.

"Jane?! Jane?! Jane, gising?!" Nangangatal na ako sa kaba habang ginigising si Jane. Sinubukan ko siyang alisin sa bath tub. Naka underwear lang siya ng maialis ko sa bath tub. Inihiga ko siya sa sahig at pilit ginigising.

"Jane?! Please, huwag ka naman ngayon oh?! Jane?!" Mangiyak ngiyak kong sambit. Unang sumagi sa isip ko ang i CPR siya, pero hindi ko magawa lalo pa at patuloy pa ring sumasagi sa isip ko ang mga pinagsasabi niya.

Baka mamatay siya. Kai, gumawa ka ng paraan. Sambit ng isip ko habang nakatingin sa mukha ni Jane, namumutla siya sa mga sandaling iyon. Pumikit ako at hinawakan ang kamay ni Jane. Bahala na.

"Kai, bakit?" Iminulat ko ang mata ko at nakita si Jane na nakamulat ang mga mata. Di ko napansin na hinawakan niya ang pisngi ko, naramdaman ko na basà na pala ang pisngi ko ng luha.

"Akala ko hu hu.....
Di ko na napigilan, humagulhol na ako sa kanyang harap.

"Shssss tama na, okay lang ako, okay?" Niyakap ako ni Jane sa mga sandaling iyon.

Ayaw kong may mamatay ng dahil sa akin, at ayaw kong may mamatay dahil hindi ko nasagot ang mga tanong ng taong iyon.

"I'm sorry hu, sorry hu hu hu." Patuloy pa rin ako sa pag iyak sa mga oras na iyon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may namatay ng dahil sa akin. Ayaw ko ng may mamatay pa na malapit sa buhay ko, tama na ang isa at ayaw ko ng madagdagan pa.

"Tahan na, kailangan kong magpalit baka lalo akong magkasakit nito." Humiwalay ako sa pagkakayakap at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Tumayo ako at kumuha ng malaking towel sabay ipinalibot sa katawan ni Jane. Inalalayan ko siya habang rinig ko pa rin ang paghikbi ko. Ako na ang kumuha ng susuotin niya dahil alam kong nahihilo pa siya, nakatalikod ako sa kanya habang nagpapalit siya ng damit.

"Jane sorry talaga."

"No Kai, it's not your fault. And I'm fine, okay? You may turn around na." Utos niya, nakabihis na siya ng humarap ako, itinuro niya ang soup na nasa mini table at agad ko namang kinuha. Susubuan ko na sana siya ng agawin niya sa akin ang kutsara.

"Ako na ang magsusubo sayo." Utos ko para hindi niya agawin ang kutsara.

"Pasensya ka na talaga ha? Huwag mo na lang isipin yung nangyari." Sambit niya ng mailunok ang kinakaing soup. After niyang kumain ng ilan ay pinainom ko na siya ng gamot. Natulog na din siya pagkatapos, parang walang nangyari sa mga sandaling iyon. Payapa kasing natutulog si Jane habang yakap yakap ang comforter. Napatingin ako sa salamin ng ibalik ko sa kusina ang pinagkainan ni Jane, medyo pagà dahil sa pag iyak ko. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa ibang bagay, nagluto ako ng hapunan para sa aming dalawa ni Jane. Ayaw ko ng maulit pa ang nangyari, kaya isinantabi ko muna ang kaartihan ko. Oo kaartihan ang tawag ko sa mga bagay na nakakasakit sa ibang tao. Like kahapon at kanina, hindi naman kasalanan ni Jane na magustuhan ako at hindi niya din kasalanan na sa akin siya nafall. Kasalanan ko kasi ang bait at ang lapit ko sa kanya, bakit kasi may ganito pa akong charm, nakakasura lamang.

Continue Reading

You'll Also Like

64.5K 2.7K 80
Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil...
23.4K 504 37
Masarap talaga mag mahal minsan nararanasan pang sumugal para sa pag ibig. Maraming klase ng pag ibig. Minsan nga tinatawag na stages of love. Puppy...
Daddy's Girl By +

Teen Fiction

77.3K 2.5K 37
A daddy's girl who fell in love with her daddy's girl. This is a work of fiction. I made this story for entertainment and all stuffs that are indicat...
26K 669 41
Siya si Lianne Sky Redson Vergara the ruthless and heartless person, matalino at mayaman Isa kilalang personality o sa madalingsalita top one famo...