My Vampire Guard (COMPLETED)

Von LashKayrian

55.5K 1.6K 56

Bampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuh... Mehr

MY VAMPIRE GUARD
SIMULA
KABANATA 01
KABANATA 02
KABANATA 03
KABANATA 04
KABANATA 05
KABANATA 06
KABANATA 07
KABANATA 08
KABANATA 09
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
WAKAS
A/N

KABANATA 27

1K 34 1
Von LashKayrian

EUROPA'S POV

Hiniwa ko ang aking kaliwang palad. Nang umagos na ang aking dugo ay itinapat ko ito sa bibig ni Callisto. Napapikit na lamang ako dahil sa sobrang hapdi.

Maya-maya ay nasamid siya at biglang napaupo. Tinignan ko ang bahagi kung saan ko siya sinaksak. Naghilom na iyon.

"C-callisto?" nakangiting sabi ko at niyakap ko sya. Naramdaman ko rin ang pagtulo ng aking luha.

"Kamahalan," rinig kong sabi nito at niyakap ako pabalik.

"P-paumanhin sa nagawa ko. Dapat sayo ako nagtiwala k-kasi diba—"

"Ayos na iyon, kamahalan. Basta napatunayan ko na wala talaga akong ginawang masama. Tapat ako sa iyo, kamahalan," sabi nito at bunataw sa pagkakayakap. Hinarap niya ako at tinitigan.

"May nangyari po ba sa inyong masama noong wala ako?" takhang tanong nito at tinignan ako na tila ba kanyang sinusuri. Natawa naman ako at dahan-dahan na umiling.

Sya pa rin talaga yung bampira na laging bantay ko. My vampire guard.

"Huwag kang mag-alala, ayos lang ako," nakangiting sabi ko dito.

"Adrastea, paano na nyan? Wala na ang kwintas na kanyang suot? Baka may ibang bampira ang makahawak—

"Hindi na kailangan. Babalik tayo sa ating kaharian at haharapin sila," sabi ni Adrastea at tinapik ang kanyang balikat.

"Paano? Hindi natin sila kaya," mahinang sambit ni Callisto.

"Mayroon akong kilala na makakatulong sa atin... Si haring Themisto ng ikalawang kaharian."

Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Callisto noong marining niya ang pangalan ni sir Themisto.

"Pero teka lang. Si sir Themisto? Paano sya naging hari? Bakit hindi ko alam?" takhang tanong ko.

Ang buong akala ko ay isa lang siyang teacher sa school namin yun pala bampira rin sya? Hindi naman nya kami matutulungan kung di sya bampira, hindi ba?

"Mahabang paliwanagan, kamahalan. Sa ngayon, kailangan na nating buhay si Elara at maka-usap ang hari," sabi pa nya.

Napatingin naman ako sa aking kaliwang palad. Hindi ko alam kung bakit pero namamanhid ito at hindi ko maramdaman.

---

Narito kami ngayon sa tapat ng isang magarbong bahay. So, ito pala ang bahay ni sir Themisto.

"Sigurado ka ba na dito ang bahay ni si Themisto?" paninigurong tanong ko kay Adrastea.

"Opo, kamahalan. At isa pa, haring Themisto ang nararapat mong itawag sa kanya. Yumuko ka rin sa kanila bilang paggalang," pahayag nito.

"Inaasahan ko ang inyong pagdalaw," rinig naming sabi ng isang lalaki at bumukas ang malaking pinto ng magarbong tahanan.

"Kamahalan," sabay-sabay nilang sabi at yumuko. Nagtaka naman ako at yumuko na rin.

"Kamahalan, kailangan po namin ang tulong ng inyong kaharian," pahayag ni Adrastea.

"My brother! Sino ba iyang mga—What the?! Ikaw!" rinig kong sabi ng lalaking biglang sumulpot.

Nagsiyukuan ang lahat maliban sa amin ni Callisto. Nang matauhan ay gumaya rin ako sa kanila.

"Prinsipe Thyone," rinig kong sabi ni Adrastea.

"P-prinsipe ka?" takhang tanong ni Callisto sa lalaking kadarating lang.

"Anong maitutulong namin?" seryosong tanong ni sir Themisto or should I say, haring Themisto.

"Kailangan namin ng inyong mga kawal, sasalakay tayo ngayon sa mga rebelde sa aming kaharian," si Adrastea.

"Thyone, magtungo ka sa ating kaharian at ihanda ang ating mga kawal," maotoridad na sabi ng hari.

"What?! As in now na? Bawal ba na bukas na lang ng gabi? You know, kuya para naman—"

"Sige na, umalis kana," pagputol nito sa sasabihin ni prinsipe Thyone.

"Kamahalan, maaari po ba na iwanan na namin dito ang prinsesa? Nandyan naman po si prinsesa Dione upang tiyakin ang kanyang kaligtasan," sabi pa nito.

"Nay, maiwan ka rin kasama ko," baling ko kay nanay Elara ngunit ngumiti lamang sya at umiling.

"Sasama ako sa kanila, anak. Huwag kang mag-alala. Hindi ko pababayaan ang aking sarili," nakangiting sabi nito.

"Prinsesa, ihahatid na kita sa loob," sabi ng hari at tumango na lamang ako.

"Sasamahan ko na kayo," napahinto ako nang magsalita si Callisto.

"Hindi na, kaya ko na siyang ihatid," madiin na sabi ng hari at tumungo na kami sa loob ng bahay na ito.

"Dione bantayan mo muna sya habang wala kami. Huwag mong hahayaan na mapahamak siya," bilin nya dito.

"Yes uncle," sagot nito at umalis na ang hari.

"Princess, I just wanna say sorry sa mga nagawa sa inyong hindi maganda ni Rhea. I'm really—"

"Ayos na po iyon. Wala na sa akin yun at matagal ko na syang pinatawad," nakangiting sabi ko.

"N-nasaan nga pala si Rhea? Bakit wala sya dito?" takhang tanong ko at umiwas na lamang sya ng tingin.

"B-because uncle Themisto—"

"Kamahalan," rinig kong tawag ng pamilyar na boses kaya napalingon ako. Nakabukas ang bintana at batid kong doon sya pumasok.

"Callisto," nakangiting sabi ko at tumakbo papunta sa kanya at yumakap.

"Nais ko lamang magpaalam sa inyo ng maayos, kamahalan," sambit niya. Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at humawak sa magkabilang balikat ko.

"B-babalik ka pa naman, hindi ba?" tanong ko.

"Opo, kamahalan. Babalik ako at hindi kita iiwan," sabi nito.

"Mag-iingat ka."

"Paalam," muling sabi niya at hinalikan ako sa noo. Umalis na muli siya at lumukso doon sa bintana kung saan sya pumasok.

"It seems like he has feelings for you," napalingon ako sa nagsalita. Si prinsesa Dione.

"A-anong sinasabi nyo?" takhang tanong ko sa kanya.

"Nothing."

THIRD PERSON'S POV

Nagbabantay sina Elara at Adrastea sa lagusan. Nang makapasok na ang mga kawal mula sa ikalawang kaharian, kasama sina Thyone at Themisto ay nagsimula na ang pagdanak ng dugo.

"Ama, napasok tayo," humahangos na sabi ni Calypso sa kanyang ama.

"Sabihin sa lahat ng kawal na maghanda sila. Magkamatayan na kung magkamatayan," tiim bagang nitong sabi.

Agad na lumabas si Calypso at may humarang sa kanya. Si Callisto.

"Matagal na akong nangungulila sa iyo," nakangiting sabi nito.

"Kalaban!" sigaw ni Calypso at sinugod si Callisto.

"Masakit man itong gawin ngunit kailangan. Patawad," sabi nito at nilabanan si Calypso.

Aa kabilang banda, si Adrastea at Elara naman ay nakamasid sa lagusan.

"Sigurado ka ba na matatalo natin sila?" alalang tanong ni Elara.

"Wala ka bang tiwala sa kanila?" balik tanong ni Adrastea. Napayuko na lamang si Elara. Itinatago ang kanyang labis na pag-alala.

---

Ilang sandali pa ang lumipas at tapos na ang laban. Si Calypso ay nakatali at walang malay. Agad namang tumungo sina Adrastea at Elara sa loob ng kaharian.

"Saan ka pupunta, Callisto?" takhang tanong ni Elara nang bigla ito tumayo at akmang aalis.

Ngumiti lamang ito bilang sagot at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Lumabas siya ng lagusan at hindi siya nagkamali. Nakita niya ang kanyang ama.

"Callisto, anak. Tara, tulungan mo akong mag-alsa laban sa kanila. Ikaw ang magiging kanang kamay ko. Magiging makapangyarihan tayo," pangungumbinsi nito sa kanyang anak.

"Hindi ko kailangan ng kapangyarihan. Sapat na sa akin kung ano ako ngayon," walang emosyong sabi nito.

"Callisto, sumama kayo sa akin ni Calypso. Kailangan ko kayo, mga anak. Mapupunta sa atin ang unang kaharian," nakangiting sabi nito.

"Kailangan mo lang kami, hindi mo kami itinuturing bilang isang anak," galit na sabi ni Callisto.

"A-ano bang sinasabi mo, anak? Anak ko kayo at hinding-hindi ko kayo pababayaan. Napakasaya ko sapagkat nagkaroon ako ng mga anak na gaya nyo," pagpupumilit nito ngunit tinignan lamang siya ng masama ni Callisto.

"Kahit ngayon ma lang, maging isang masunurin at matinong anak ka sa iyong ama."

Napangisi si Callisto sa kanyang narinig.

"Paano ako magiging mabuting anak sa iyo kung hindi ka naging mabuting ama?"

Napayuko si Deimos at naiyukom ang kanyang kamao sa sobrang inis. Nais niyang makontrol ang sariling anak ngunit hindi niya makumbinsi.

"Magbabago ako. Kaya kong magbago basta hayaan mo akong makatakas," sabi nito sa kanyang anak ngunit natawa lamang ng mahina si Callisto.

"Ang Demonyo ay demonyo, kahit kailan ay hindi na magbabago."

Iniangat ni Deimos ang kanyang tingin sa anak. Naghahanap ng tamang salita na isasagot dito.

"Bakit ganyan ka sa akin? Hindi mo man lang ba bibigyan ng isa pang pagkakataon ang iyong ama? Hangal. Walang kwentang anak," aaar na sabi nito.

"Kung sayo lang rin naman manggagaling na wala akong kwenta, ayos lang. Wala ka rin namang kwenta," pang-aasar ni Callisto.

Mabilis na lumapit si Deimos kay Callisto at sinakmal ang kanyang leeg. Asar na asar siya sapagkat hindi na niya makumbinsi si Callisto.

"Walang silbi," nakangising sabi ni Deimos.

"Sabi sa akin ni Calypso na ikaw pa ang nagligtas at nagprotekta sa prinsesa. Bakit hindi mo na lamang sya ibinigay sa akin?! Edi sana masaya na kami ni Luna ngayon!" sigaw nito sa pagmumukha ng kanyang anak.

"Ganun pala? Ang reyna ang gusto mo kaya ka nagkakaganyan," seryosong sabi ni Callisto.

Akmang gagamitan ni Deimos ng itim na mahika ang anak upang patayin ngunit nagtataka siya sapagkat hindi niya ito magamit.

"Makasarili," dinig nilang sambit ng isang babae kaya napalingon silang dalawa.

"Kahit kailan talaga, Adrastea," natatawang sabi ni Deimos.

"Hindi mo naman kasi ako masisisi kung bakit ako nagkaganito eh," mapait na sabi ni Deimos.

Nakakuha naman ng pagkakataon si Callisto at itinulak ng malakas ang kanyang ama. Napaupo ito sa sahig.

"Si Phobos ang may sala ng lahat..."

"Hindi nya kasalanan. Kasalanan ninyong dalawa iyon," asar na sabi ni Adrastea.

Ibinuka ni Callisto ang kanyang palad at mayroong lumabas na itim na mahika.

"Paalam, ama. Pinapatawad ka na namin ni ina. Matagal ka na nyang pinatawad at ngayon, papatawarin na rin kita."

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

Ghost Love Von Aemirien

Übernatürliches

907 57 13
Isang multong walang ibang hinangad kundi ang makapaghiganti. Sa panahong nagkaroon sya ng pagkakataon ay magagawa nya pa kayang ipagpatuloy ang nina...
13.8K 821 55
A probinsyana girl named Bejay that born to be a girl's scout that accidentally caught the attention of the hottest and sexyiest famous vlogger/strem...
12.7K 625 53
"Pinagtagpo pero 'di itinadhana." Paano kung ang paglayo niya ang tangi lamang paraan para masagip ka? Handa ka bang tanggapin na hindi kayo para sa...
The Devil's Trap Von April

Vampirgeschichten

13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...