My Vampire Guard (COMPLETED)

By LashKayrian

55.5K 1.6K 56

Bampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuh... More

MY VAMPIRE GUARD
SIMULA
KABANATA 01
KABANATA 02
KABANATA 03
KABANATA 04
KABANATA 05
KABANATA 06
KABANATA 07
KABANATA 08
KABANATA 09
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
WAKAS
A/N

KABANATA 26

955 38 2
By LashKayrian

EUROPA'S POV

Kasabay ng pagsara ng kanyang nga mata ay ang pagkalaglag ng aking kwintas. Ang kwintas ko na simula noong bata pa ay hindi ko natanggal. At ngayon ay natanggal na.

Ramdam ko na sumakit ang aking ulo kaya napaluhod ako at napahawak sa aking ulo. Hindi ko maipaliwanag ang sakit.

Hindi rin naman nagtagal ang sakit at pinilit kong tumayo. Humawak ako sa pader para hindi matumba.

Iminulat ko ang aking mga mata. H-hindi pwede to! Ilang beses akong kumurap-kurap at hindi pa rin ito nagbago!

"Anong nangyari sa mga mata ko? Bakit sobrang linaw ng paningin ko?" takhang tanong ko sa aking sarili.

Kahit kasi malayo na ay parang nakasilip ka sa isang telescope sa sobrang linaw.

Napatingin ako sa aking mga kamay at nakita ko na sobrang putla ng aking kulay. Sobrang kinakabahan ako sa nangyayari sa akin.

Tinungo ko ang aking kwarto at humarap sa salamin.

"H-hindi ito maaari," naiiyak na sabi ko.

Maputlang balat at tila walang buhay na mga mata. A-at... Pangil?

Napalunok na lamang ako sapagkat natatakot ako. Kung gayon ay hindi ako tao? Isa akong bampira?

Naramdaman ko na sobrang nanunuyo ang aking lalamunan. Nauuhaw ako. Gusto kong uminom.

Hindi ko alam kung papaanong sa isang iglap ay nakapunta agad ako sa kusina namin. Kumuha ako ng tubig ngunit naamoy ko pa lamang ay parang susuka na ako kaya hindi ko ininom.

Anong gagawin ko? Lumabas ako sa aming bahay at humarang sa akin si...

"Adrastea?" takhang tanong ko sa kanya.

"Kamahalan," bati nito at yumuko sa akin. Napatingin ako sa kanyang hawak. Isang baso na mayroong laman na dugo.

Hindi ko alam ngunit parang may nagsasabi sa akin na dapat ko iyong kunin at inumin.

"Alam kong nauuhaw na kayo kung kaya dinalhan—"

Hindi ko na sya pinatapos magsalita at agad na inagaw sa kanya ang baso at tuloy-tuloy kong ininom.

Noon sinasabi ko na kadiri ang uminom ng dugo pero ngayon kinakain ko rin ang mga sinabi ko. Heto ako ngayon, sabik na sabik inumin ang dugo na bigay ni Adrastea.

"Nagustuhan mo ba?" nakangiting tanong nito nang natapos kong inumin ang dugo na bigay nya.

"Anong nangyari sa akin?" naguguluhang tanong ko.

"Tao ako, hindi ba? Tapos bakit ganito? Anong nangyari sa akin?" sunod-sunod kong tanong. Buong buhay ko, akala ko tao ako pero hindi pala.

"Ipaliwanag mo sa akin ang lahat, Adrastea. Anong nangyari?"

"Namamahinga na siguro si Callisto ngayon sapagkat lumabas na at nagpakita na ang totoong ikaw," sabi nya na ikinakunot ng aking noo.

"Anong mayroon kay Callisto?"

Itinuro niya ang aking leeg kaya napatingin ako dito.

"Wala ka nang suot na kwintas. Ang kwintas na iyon ay ibinigay ko sa iyong ina at noong nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng nga rebeldeng mga bampira. Nais ka nilang makuha sapagkat mapapakinabangan ka nila at gagamitin sa masama."

"N-naguguluhan ako," iiling-iling kong sabi.

"Natanggal ang kwintas dahil namatay na ang nagsuot sa iyo nito. Kaya nawala ang pagiging isang bampira mo ay dahil sa kwintas na iyon. Nagsilbi mo rin itong proteksyon sapagkat walang ibang Aklirah na makakahawak sa iyo kung hindi ang taong nagpasuot sa iyo ng kwintas. Kaya ako, hindi ko kailanman na binalak na hawakan ka noong suot mo na iyon."

Napanganga naman ako sa kanyang sinabi. I-ibig sabihin hindi ko pa pala nalalabas noon ang totoong ako?

"Si Callisto... Sya ang pumatay kay nanay. Nagtaksil siya," parang batang sumbong ko sa kanya.

Umiling siya ng dahan-dahan at batid kong sumeryoso ang kanyang mukha. Siguro pagtatakpan nya nanaman si Callisto kasi sangang-dikit yang dalawang yan eh.

"Hindi si Callisto ang pumatay..."

Naiyukom ko ang aking kamao sa narinig. Sabi na nga ba at magkakampihan ang dalawang ito.

"Bakit alam mo pa sa akin, Adrastea? Hindi mo naman nakita kaya nasasabi mo yan eh! Tsaka huwag na nga kayong magkampihan ni Callisto! Kahit anong mangyari ay hindi ko sya mapapatawad sa kanyang ginawa!"

Tinignan ko sya ng masama. Nagsimula na akong maglakad at nilampasan sya ngunit hinablot nya ang aking braso kaya napatigil ako.

"Paano kung sabihin ko sa iyo na alam ko na ang mangyayari, kamahalan?" tanong nito kaya tumigil ang aking sistema.

"Kung alam mo naman pala na mangyayari na iyan, bakit hindi mo sya pinigilan sa kanyang balak? Alam mo di ko alam kung may sira ka sa utak o ano," nakangising sabi ko sa kanya.

"Paumanhin ngunit wala akong karapatan na baguhin ang unang nakasulat sa tadhana. Magkakagulo," nakatungong sagot nito sa akin.

"Kung gayon, hindi ako magdadalawang isip na kinunsinti mo si Callisto sa pagpatay kay nanay Elara," asar na sabi ko at binawi ko ang aking braso. Naglakad muli ako at tumigil nang magsalita sya.

"Hindi si Callisto ang pumatay... Si Calypso."

Napakunot ang aking noo. Hindi ko siya naiintindihan sa mga pinagsasasabi nya. Posible na nag-iimbento lang siya ng kwento para maipagtanggol si Callisto.

"Nagsisinungaling ka," naiiling na sabi ko at hinarap sya.

"Hindi ako nagsisinungaling, kamahalan. May kakambal si Callisto at Calypso ang pangalan niya," paliwanag nito.

"P-paano nangyari iyon?"

"Ang pinuno ng mga reblede ay si Deimos, ama nina Callisto at Calypso. Si Callisto ay lumaki sa kanyang ina at si Calypso naman ay sapilitang kinuha ng kanyang ama. Mabuting tao si Calypso... Kaya ginamitan ng itim na mahika ni Deimos upang mapasunod ang kanyang anak sa masasamang balak nito," kwento niya at nakita kong tumulo ang lha sa kanyang mga mata.

"Bakit nagrebelde si Deimos?"

"Magkaibigan dati si Phobos at Deimos. Si Phobos ang iyong ama. Ngunit nagkagulo ito nang dumating si Luna, ang iyong tunay na ina. Matagal nang may gusto si Deimos kay Luna ngunit gusto din ito ni Phobos. Gumawa ng paraan si Phobos upang makuha ang kanyang mahal at si Deimos... Hindi na sya nagkaroon ng pagkakataon na makilala sya ni Luna. Ayon ang dahilan kung bakit nagrerebelde si Deimos ngayon."

Napayuko naman ako sa kanyang isinalaysay. Ibig sabihin naging sakim ang totoo kong ama noon? Sabagay, lahat kayang isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig.

"Nagmatyag si Calypso sa iyong mga magulang. Sinusubaybayan ang bawat galaw. Hanggang sa nalaman nila ang isa sa pinakatinatago-tangong lihim ng mga Moiya. At gusto ka nilang kuhanin."

"Kaya ba dinala ako ni Callisto dito? Para ilayo sa kanyang ama?"

"Oo, at para protektahan ka," sagot nito.

"Alam ba ni Callisto na ang tatay niya ang nagrerebelde? Bakit hindi niya pinigilan?"

"Lumaki si Callisto na kinasusuklaman ang kanyang ama. Ngunit si Calypso, mapagpatawad siya kaya natanggap niya agad ang kanilang sitwasyon. Kaya si Calypso ang kinuha ni Deimos sapagkat magagamit niya ito. Ngunit hindi naman niya talaga minahal si Calypso... Ginagamit nya lamang ito sa kanyang kasamaan."

Nakita kong tumulo muli ang kanyang luha. Ngumiti ito ng mapait at tumingin sa kawalan.

"Eh yung nanay naman nila Callisto? Nasaan sya?"

"Himalia ang pangalan ng kanilang ina. Umibig si Himalia kay Deimos ngunit iniwan siya ni Deimos sapagkat ang iyong ina... Sya lamang ang mahal niya at wala nang iba."

"I-ibig sabihin, nagkagulo ang lahat noong dumating ang totoong ina ko?" naguguluhang tanong ko. Dahan-dahan naman siyang tumango.

"Pero teka, pinatay ko si Callisto. P-paano na yan? Ibig sabihin wala na sya? Dapat pala naniwala ako sa kanya na hindi sya ang pumatay. Kaya pala magkamukha sila nung nakita ko dahil yung Calypso na iyon ang may sala! Grabe! Nakakainis! Napatay ko tuloy ang hindi dapat patayin!"

Umiiyak ako ngayon. Bakit ba kasi ang bobo ko? Dapat naniwala at nagtiwala ako kay Callisto kasi buong buhay ko, sya ang nagliligtas sa akin, pero ano ngayon? Ako pa mismo ang pumatay sa kanya?

Nagpalamon ako sa galit. Bakit nga ba hindi ko inisip na posible pala na may kakambal sya?

"Gusto kong humingi ng paumanhin kay Callisto kaya lang... Huli na kasi... Kasi pinatay ko na sya," umiiyak na sabi ko.

Gusto kong yakapin sya, humingi ng tawad at bumalik sa dati ang lahat kaya lang wala eh, huli na.

Totoo pala na kapag wala na ang isang tao, doon mo lamang malalaman ang halaga nya.

"Paano kung may paraan pa para mabuhay siya? Anong gagawin mo?" nakangiting tanong ni Adrastea sa akin.

"Hihingi ng tawad... At syempre gusto kong bumalik sa dati ang lahat," nakayukong sabi ko.

Lumapit sa akin si Adrastea at hinawakan ang magkabila kong kamay. Tiningala ko naman siya at kumunot ang aking noo.

"May paraan pa para bumalik si Callisto at si Elara. May paraan pa upang mabuhay silang muli," nakangiting sabi nito kaya ang lungkot ay napalitan ng saya.

"T-talaga? Paano?" masayang tanong ko sa kanya.

Nabuhayan muli ako ng pag-asa sapagkat makakasama ko na silang muli. Salamat dahil maitatama ko na ang pagkakamali ko.

"Ikaw ang nagdadala ng banal na dugo. Kapag ininom ni Callisto at Elara ang dugo mo, mabubuhay sila. At si Elara... Mapapabilang na siya sa mga Aklirah," paliwanag niya.

"Pero Adrastea, ininom na noon ni Callisto ang dugo ko pero wala man mangyari. Sigurado ka ba talaga dyan sa sinasabi mo?" takhang tanong ko. Naaalala ko pa kasi noon. Ako mismo ang nagpa-inom sa kanya ng aking dugo ngunit parang normal lang.

"Dahil suot mo ang kwintas noong mga panahong iyon. Ibig sabihin, nawala ang lahat ng abilidad mong maging isang bampira."

"Edi ibig sabihin, ngayon ay magagamit ko na ito?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot.

Ito na ang oras upang itama ko ang aking mga pagkakamali...

Continue Reading

You'll Also Like

907 57 13
Isang multong walang ibang hinangad kundi ang makapaghiganti. Sa panahong nagkaroon sya ng pagkakataon ay magagawa nya pa kayang ipagpatuloy ang nina...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
2M 69.1K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
1.7K 406 27
Isang section ang mapapasabak sa isang hamon na hindi nila alam kung paano nga ba sila napapunta doon. Isang hamon na kailangan nilang malampasan, ku...