MY Girlfriend Is A VAMPIRE

By obelisk_0007

31.6K 386 159

Rina may seem just your ordinary human girl. But, she is actually a vampire. Read the crazy adventures of a v... More

MY Girlfriend Is A VAMPIRE
[ 1st ] Bite
[ 2nd ] Bite
[ 3rd ] Bite
[ 4th ] Bite
[ 5th ] Bite
[ 6th ] Bite
[ 7th ] Bite
[ 8th ] Bite
[ 9th ] Bite
[ 10th ] Bite
[ 11th ] Bite
[ 12th ] Bite
[ 13th ] Bite
[ 14th ] Bite
[ 15th ] Bite
[ Something Right ] Special Chapter
[ 17th ] Bite
[ 18th ] Bite
[ 19th ] Bite
[ 20th ] Bite
[ 21st] Bite
READERS, PLEASE READ TT __ TT
DECISION NG AUTHOR : Let the story resume...
[ 22nd ] Bite
[ 23rd ] Bite
[ 24th ] Bite
[ 25th ] Bite
Author's Note
[ 26th ] Bite
[ 27th ] Bite
[ 29th ] Bite
[ 30th ] Bite

[ 28th ] Bite

582 7 13
By obelisk_0007

[ 28th ] Bite

Rina’s POV

Pagkatapos kong linisin ang sugat ko, at lagyan ito ng benda, pumasok na ako ng school. Mahapdi parin ang likod ko dahil sa mga sugat, pero ayaw ko namang mamiss ang pagpasok sa school.

Buong klase, magisa lang ako. Si Khael...si Khael, nandoon, nakaupo sa malayo. Parang iniiwasan nga niyang tingnan ako eh. Somehow...mas masakit ang ginagawa niya kaysa sa mga sugat ko. Ang sarili kong-, teka, ano ang itatawag ko sa kanya ngayon?

Hay...matatawag ko pa ba siyang boyfriend? Kaya ba niyang tanggapin? That his girlfriend is a vampire?

Obviously hindi. Iniwan niya ako kahapon. Kinatakutan - or is it pinandirihan? - niya ako kahapon.

Ang sakit sa dibdib ng nararamdaman ko ngayon. Parang may pumipiga sa puso ko habang iniisip siya. Sinasaktan... at alam kong ako ang nananakit sa sarili ko ay ako. King matututunan ko lang na bumitaw...kung matututunan ko lang na bitawan na si Khael.

Tama. Kailangan ko nang bitawan si Khael. Kasi...nahuhulog lang ako sa kanya lalo, at alam ko naman na hindi niya ako kayang saluhin.

Masyado nang lumalalim ang nararamdaman ko. Kapag hindi ako titigil, pakiramdam ko ako na mismo ang malulunod dito. At, walang makakapagligtas pa sa akin...

Napatingin siya sa akin, at nagtama ang mga mata namin ng sandali. Sabay pa naming iniwas ang mga titig namin.

Bakit dito na kami humantong? Bakit ganito na ngayon?

Naalala ko dati. Lokohan, tawanan, at kung ano ano pa. Nakangiti ako lagi...pero naging ganito na ang lahat...

...nang dumating si Larxene.

Dapat bang isisi ko kay Larxene ang lahat? Totoo naman eh. Nagkagulo lang lahat nung dumating si Larxene...

Pero kahit ganun, hindi ko dapat isisi sa sarili ko. Dapat kasi...inamin ko na lang? Pero matatanggap naman kaya ni Khael ang totoong ako?

Nacocontradict ko na ang sarili ko. Haaaay...

Narinig kong pipindutin na ang bell. Nagmadali akong tumayo, at sa oras na papalabas na ako ng room namin, tumunog na ang bell pang tapos ng klase.

Iyan pa ang isa kong problema. Dati naman kailangan kong magconcentrate para magamit ko yung mga bagay na meron ako kapag bampira eh. Pero bakit ngayon, kahit hindi ako nageeffort, nagagamit ko na?

Mas malakas na ang pangamoy ko. Sa loob pa lang ng room, naaamoy ko na ang niluluto sa cafeteria. Mas malinaw na din ang mata ko. Hindi ko na kailangan ng salamin, kahit nasa likuran ako ng room. Mas malakas pandinig ko. Nakita niyo naman kanina, narinig ko yung pipindot sa loob ng office. Nasa 3rd floor kami, pero ground floor yung offices.

Ano na ba ang nangyayari sa akin?

Pagbaba ko, nakita ko si Larxene, magisa. Nothing new, lagi namang magisa yan eh. Parang ako lang. Nginisian niya ako nang makita niya ako.

Bumili na lang ako ng pagkain ko. Sandwich lang atsaka can ng soda. Tapos umupo ako sa isang bench. Naglalaro si Khael ng volleyball sa hindi kalayuan. Umupo ako kung saan maaraw. Siguro kapag nakita niya akong nakaupo sa ilalim ng araw baka hindi siya matakot kahot bampira ako. Haay nako...aasa na naman...

Kumagat na ako ng sandwich, pero parang nahirapan akong lumunok sa taong nakita ko.

Si...

Si...

Si...

Si...Drake...

Paano yan nakapasok sa school?

Naglalakad siya papalapit sa akin, nakangiti. Nakagat parin ako sa sandwich, pero nginitian ko siya. Hahaha muntanga lang eh. Malapit na sana siya sa akin, pero bigla siyang hinarang ni...Khael...

Napatigil sa paglalakad si Drake. Nagtinginan sila ng masama ni Khael. Tapos nagusap na sila.

Malakas na ang pandinig ko...pero ayaw kong pakinggan ang pinaguusapan nila. Ayaw ko. Baka...masyadong masakit. Siguro kahit na galit si Khael kay Drake, ayaw niyang palapitin si Drake sa isang taong katulad ko...sa isang bampira katulad ko...kasi delikado ako.

Napatakip ako ng tenga. Masakit na ang ginagawa ni Khael ngayon. Ayaw ko nang marinig ang mga pwedeng masasakit na bagay na sinasabi niya kay Drake...baka hindi ko na kayanin...hindi ko na kaya...baka umiyak ako sa harap ng madaming tao ngayon...

Tumayo na ako. Nakita kong napatingin si Drake sa akin, tapos tumango. Tumalikod na siya at naglakad palayo.

Drake...akala ko...akala ko iba ka eh...akala ko nandyan ka palagi para sa akin...kaibigan kita, diba?

Bakit nasasaktan ako ngayon? Parang...katulad ng sakit na nararamdaman ko kay Khael? Nararamdaman ko...habang pinapanood kong maglakad si Drake palayo sa akin. Siguro kasi...inakala ko na nandyan siya para sa akin lagi. Hindi pala.

Umalis na ako, iniwan ko na yung pagkain ko. Magkukulong muna ako sa CR ng girls. Hindi ko na kaya eh. Masakit na talaga...

A/N: SHORT UPDATE LANG. Saturday or Sunday ipopost ko kaagad yung 29th Bite

Continue Reading