My Vampire Guard (COMPLETED)

LashKayrian

55.4K 1.6K 56

Bampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuh... Еще

MY VAMPIRE GUARD
SIMULA
KABANATA 01
KABANATA 02
KABANATA 03
KABANATA 04
KABANATA 05
KABANATA 06
KABANATA 07
KABANATA 08
KABANATA 09
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
WAKAS
A/N

KABANATA 24

945 36 0
LashKayrian

EUROPA'S POV

"Saan ba kayo galing ni Callisto?" tanong ni nanay sa akin. Napa-iwas naman ako ng tingin sa kanya.

"Anak?" tawag niya sa akin. Pilit niyang iniharap sa kanya ang aking mukha.

"Napano ka? Bakit umiiyak ka?" alalang tanong nito bago ako niyakap. Walang lumalabas na kahit anong salita sa aking bibig. Tanging hagulgol lamang.

"Nanay, si Callisto po... A-alis sya ngayon," umiiyak na sabi ko sa kanya. Nakita ko namang natawa sya ng bahagya bago pinunasan ang aking luha.

"Nasabi na sa akin iyan ni Adrastea, babalik rin sila," nakangiting sabi nito sa akin.

"Pero nay, ang bigat ng pakiramdam ko ngayong alam ko na wala si Callisto sa tabi ko. Paano na lang kung may mangyaring masama sa akin? Walang Callisto na darating at magliligtas," malungkot na sabi ko.

"Kaya nga nandito ako eh. Hindi muna ako papasok sa trabaho ngayon upang bantayan ka. Nandito naman ako eh," nakangiting sabi nito sa akin. Ngumuso na lang ako.

"Ikaw ah, anak. Napapansin kong napapalapit ka doon sa Callisto na iyon. Nagtatampo nga ako kasi parang mas close pa kayo kaysa sa akin," malungkot na sabi nito. Natawa naman ako sa kanya.

"Nanay naman, bawal bang magkaroon ng kaibigan? Ngayon na nga lang po ako nagkaroon ng kaibigan. Kasi sa school lagi akong sinasabihan ng weird at si Callisto... Sya ang naging sandigan ko bukod sa iyo," kwento ko dito.

"Ingatan mo ito," sabi niya at itinuro ang bahagi kung saan nakalagay ang puso. Kumunot naman ang aking noo.

"Anong ibig sabihin mo, nay?" takhang tanong ko. Sa halip na agad sumagot ay ngumiti siya sa akin.

"Basta, mag-ingat ka lang palagi," sabi pa nito at hinaplos ang aking buhok.

"Nanay, anong klase po bang tao ang nanay ko?" wala sa sariling tanong ko.

Sobrang nais kong malaman kung sino ang aking ina. Kahit ba malaman kong mabuti siyang tao ay ayos na sa akin. Gusto ko lang talaga na malaman ang ugali nya.

"Napakabait ng iyong ina..." panimula niya kaya napatitig ako sa kanya.

"Kahit isa lamang akong hamak na Arusseb... Tanggap niya ako," pagpapatulpoy nito.

"Mabuti siyang ba-tao. Mas iniisip nya pa ang aking kapakanan kaysa sa kanyang sarili," kwento pa nya. Nakita ko na sumilay sa kanyang labi ang ngiti.

"Kagaya ni Callisto... Pinasuotan nya rin ako ng kwintas na gaya ng sa iyo. Ang kwintas na nagsilbing proteksyon ko noon... Ngunit wala na ngayon," mula sa pagkakangiti ay unti-unti itong nawala. Nagsimula na rin na tumulo ang kanyang luha.

"Kapag humiwalay sa iyo ang kwintas, ibig sabihin ay wala na ang nagbigay nito. Ngunit ako? Umaasa pa rin ako sa kanyang pagbabalik. Umaasa ako na makikilala mo siya at magkakasama kayo."

Iniwas ko ang aking tingin sa kanya. Sinubukan kong pigilan ang aking pag-iyak ngunit wala akong magawa. Mga taksil na luha.

"Napakalaking karangalan sa akin na maalagaan ka. At ang tanging hiling ko lang ay makapiling mo ang iyong tunay na ina. Gustong-gusto ko na makita ka niya na malaki na," humihikbing sabi nito.

Nakaramdam ako ng awa para kay nanay. Nagtatalo ang aking nararamdaman. Gusto kong makilala ang tunay kong mga magulang ngunit paano siya? Mawawalan siya ng anak.

"Nay, may litrato po ba kayo ng aking tunay na ina? Nais ko po siyang makita," umiiyak na tanong ko sa kanya.

"Sumama ka sa akin," nakangiting sabi nito at pinunasan ang aking luha.

"Ano pong ginagawa natin dito sa harap ng salamin?" takhang tanong ko kay nanay.

"Wala akong litrato ng iyong ina. Ngunit tignan mo ang iyong sariling repleksyon. Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina," nakangiting sabi nito at tumingin sa salamin.

"Mula sa hugis ng mukha, mata, ilong at maging bibig. Kamukhang-kamuha mo sya," dugtong pa nito.

Napatingin naman ako sa aking sariling mukha. Wala sa sariling hinawakan ko ang aking mukha at muling bumuhos ang aking luha.

---

Nandito ako ngayon sa bukid kung saan ko dinala si Calli para panoorin ang sunrise o pagsikat ng araw. Hapon na at papalubog na rin ang araw.

Napangiti na lamang ako ng mapait nang maalala noong huli akong nagpunta dito na mag-isa.

"Kapag ba napahamak ako ngayon dito, darating ka?" wala sa sariling tanong ko sa aking sarili. Kumuha ako ng maliit na bato at ibinato iyon sa malayo.

"Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin, Calli. Alam ko namang babalik ka pero bakit nagkakaganito ako?" natatawang sabi sa aking sarili.

Pinagmasdan ko ang kalangitan. "Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakakakita ako ng sunset... Imbes na ang kawal sa kwento mo ang naaalala ko... Ikaw... Ikaw ang naalala ko, Callisto."

Ilang oras pa ang nakalipas at tuluyan nang nilamon ng kadiliman ang kalangitan. Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan. Pinagpagan ko rin ang aking pwetan.

Sinimulan ko nang lakarin ang daan pauwi sapagkat mahihirapan akong umuwi kung magpapadilim ng sobra. Wala pa naman ngayon si Callisto. It means walang magpoprotekta sa akin kung may mangyari mang masama.

Hindi ko nalamayan na nasa tapat na ako ng aming bahay. Patunay lamang ito na wala ako sa sarili habang naglalakad.

Bago pumasok sa aming tahanan ay napasulyap ako sa mga pulang rosas na nasa aming bakuran. Kumuha ako ng isa ngunit napadaing ako nang matusok sa tinik.

"Ang malas ko naman," asar na sabi ko habang hinihimas ang dumudugong bahagi ng aking daliri.

Napatigil ako nang may maalala. Naalala ko noong nauuhaw si Callisto at sariling dugo ko ang ipinainom sa kanya. Natawa na lamang ako ng bahagya.

"Sayang, kung nandito lang sana si Callisto ngayon maibibigay ko sa kanya ang aking dugo," sabi ko sa aking sarili.

Napatingin naman ako sa kalangitan. Madilim na ito. Maraming mga bituin at bilog na bilog ang buwan.

Napahawak ako sa aking dibdib nang makaramdam ng kakaibang kaba. Siguro kaya nagsisimula nanaman ang aking kamalasan dahil bilog ang buwan.

"Bakit ba kasi ngayon umalis si Callisto?" paiyak kong sabi. Kung kailan naman bilog ang buwan doon pa nagkaroon ng lakad ang nilalang na iyon.

Maya-maya ay umihip ang hindi kalakasan na hangin ngunit ito ay malamig. Napayakap na lamang ako sa aking sarili. Naramdaman ko rin na nagtaasan ang aking mga balahibo dahil sa hangin na iyon.

Hindi ako mapakali ngayon dahil alam kong walang nagbabantay sa akin. Feeling ko kung may masamang bampira ngayon ay walang Callisto na lalabas at magliligtas sa akin.

Wala sa sariling napatingin ako sa aming bintana. Wala itong kurtina kaya kitang-kita ng aking dalawang mga mata ang isang pigura ng lalaki. Nakatalikod ito ngunit alam kong siya iyon.

"C-callisto?" masayang sabi ko at pumasok na sa aming bahay.

"Buti naman at dumating kana, Calli. Alam mo ba na medyo natakot ako kanina kasi alam kong wala ka sa tabi ko?" natatawang sabi ko sa kanya. Nakatalikod sya sa akin at hindi nya ako nililingon.

Anong problema nito?

"Hoy! Hangal ka talaga, Calli! Ano yan? Bakit ayaw mo akong pansinin?!" ubos pasensyang sigaw ko dito ngunit hindi pa rin niya ako nililingon.

Sa sobrang inis ay hinubad ko at aking tsinelas tsaka ibinato sa kanya. "Hoy, bampira!" sigaw ko pa ngunit nanatili lamang siyang nakatalikod at nakatayo.

Lalapitan ko na sana sya kaya lang may napansin ako sa pinto malapit sa kwarto ko. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang puro dugo ang sahig.

Sinulyapan ko muna ang nakatalikod at tila walang pakialam na si Callisto bago dahan-dahan na tinahak ang aking kwarto.

Nang malapit na ako ay parang ayaw kong sumilip dahil natatakot ako sa posibleng makita ko doon.

Kinakabahan ako na baka kung ano ang nasa loob ng aking silid. Gustong-gusto ko itong pasukin ngunit natatakot ako. Natatakot ako na baka... Ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimulang tumulo ang aking mga luha.

Hindi ko pa man nasisilip ito ngunit inuunahan na ako ng aking mga luha. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at lalong lumakas ang hagulgol nang makita ko sa sahig si nanay.

Puro dugo... Napakaputla ng kanyang kulay...

"Nanay! Anong nangyari sa iyo?" umiiyak na tanong ko at hinawakan ang kanyang ulo. Sinusubukan ko syang itayo ngunit hindi ko kaya.

"M-mahal na... Mahal k-kita," hirap na sabi nito at ngumiti ng mapait.

"S-sana, magkita kayo n-ng iyong ina," pagpapatuloy pa nito. Umiyak lang ako nang umiyak at walang nasabi. Hindi ko alam ang aking gagawin.

"I-iniwan na nga nya ako, pati ba naman ikaw?" naiiyak na sabi ko dito. Hinawakan niya ang aking pisngi at ngumiti.

"Patawad k-kung magpapahinga na ako... Patawad," sabi nito. Umubo siya at lumabas ang dugo sa kanyang bibig.

Nawala ang matamis nitong ngiti at tuluyan nang sumarado ang kanyang mga mata.

"Nanay," sabi ko habang umiiyak. Niyakap ko ang walang buhay niyang katawan. Umaasa ako na sana panaginip lamang ito at hindi totoo.

"SINONG MAY GAWA NITO SA IYO?!" sigaw ko. Patuloy pa rin ang pagtulo ng aking mga luha na hindi ko alam kung paano pipigilan. Ngunit sa tingin ko ay kahit anong pigil ang aking gawin, hindi ko ito mapapatigil basta-basta.

Galit na galit akong lumabas ng kwarto at nakita si Callisto. Hindi pa rin siya umaalis sa kanyang lugar. Nandoon pa rin siya.

"Ikaw ba ang pumatay kay nanay?!" tanong ko sa kanya.

"Oo, ako nga," malamig nitong sagot nang hindi ako nililingon.

"Callisto... Bakit?"

Dahan-dahan siyang humarap sa akin at umihip ang hindi gaanong kalakasan ngunit malamig na hangin.

"Isang salot. Kailangan ng mamatay," nakangising sabi nito.

Kitang-kita ko ang itim niyang awra at ang itim na itim na mga mata. Umiling ako at ibinaling sa iba ang paningin.

"Bakit?" tanong ko sa kanya ngunit hindi na niya sinagot ito at biglang nawala.

Sa lahat pa talaga ng maaaring gumawa nito kay nanay, bakit sya pa? Bakit si Callisto pa?

Продолжить чтение

Вам также понравится

FEUTERACRIA : School for Elemental Users gregoriodario

Художественная проза

15.5K 726 40
First Elementa Series A coincidence, or not. Alexis Donn was very happy after receiving a letter of admission from FEUTERACRIA during her 18'th birth...
Ghost Love Aemirien

Мистика

907 57 13
Isang multong walang ibang hinangad kundi ang makapaghiganti. Sa panahong nagkaroon sya ng pagkakataon ay magagawa nya pa kayang ipagpatuloy ang nina...
His Queen Jamille Fumah

Про вампиров

3.8M 134K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
10.9M 558K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...