Owned By The Mob Boss

By maickeyyy_

2.5K 732 14

"Kailangan mo ng pera; kailangan ko ng asawa." Si Peony Sinclair, isang workaholic na babae, ay nakilala si M... More

Prologue
Chapter 1: Waking Up
Chapter 2: Little Secret
Chapter 3: Dining Together
Chapter 4: The Contract
Chapter 5: Kind yet cold
Chapter 6: How rich is he?
Chapter 7: Decision
Chapter 8: A Breakfast with Russell
Chapter 9: Does He Know or Not?
Chapter 11: His Family
Chapter 12: Under the Dark
Chapter 13: Meet
Chapter 14: Wedding
Chapter 15: First Day
Chapter 16: 3 AM

Chapter 10: Ready

75 45 0
By maickeyyy_

PEONY's POV

Pagtapos namin kumain, gaya ng sinabi ni Luigi, namili kami ng mga gamit na gagamitin ko para bukas. Sa totoo lang, pwede ko naman suotin ang mga luma kong damit pero mas pinagpilitan ni Luigi na bumili ng bago. Pero sabagay, mayaman ang pamilya niya kaya mas mabuti kung magmumukha akong desente sa harapan nila.

Kasama namin mamili si Russell. Ayaw nga siya isama ni Luigi, nagpumilit lang din siya. Hinayaan na namin siya sumama since kaibigan naman siya ni Luigi at mukhang makatutulong siya sa'min pumili ng mga damit.

Pag-uwi, nakahanda na agad ang mga pagkain at kakain na lamang kami. Ang sarap ng ganitong buhay, 'yong pag-uwi mo may nakahanda na agad na pagkain para sa'yo. Kung pagod kang uuwi, hindi mo na kailangan paghandaan pa ang sarili mo dahil may nakahain na sa lamesa at isusubo mo na lang ang mga 'yon.

Kinabukasan, nagising ako nang marinig na may kumakatok sa kwarto. Pagbukas ko ng pinto, isang katulong ang bumungad sa'kin at sinabi na pinasusundo ako sa kaniya ni Luigi.

"Okay, mag-aayos lang ako ng sarili," sabi ko bago isarado ang pinto.

Ayon sa aking pagkaka-alala, ang babae na kumausap sa'kin ay isa sa mga katulong na pinag-usapan ako sa kitchen. Malamang ay hindi niya alam na narinig ko ang pag-uusap nila kaya kaya niya pa akong tignan sa mata. Ako tuloy ang nahihiya na humarap sa kanila kahit na wala naman akong ginawa na masama.

Sigh. Napailing na lamang ako bago pumasok sa banyo upang maligo. Alam ko naman kung bakit ako pinapatawag ni Luigi, gusto niya akong mag-ayos para sa dinner mamayang gabi kasama ang family niya.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon, para akong natatae na ewan. May pinaghalong kaba at excitement sa dibdib ko.

Matapos maligo ay bumaba na ako. Nang makita sa sala sina Luigi at Russell ay lumapit ako sa kanila. May iba pa silang kasama pero hindi ko kilala ang mga 'yon. Nang mapansin nila akong papalapit, sinalubong ako ni Luigi at hinawakan ako sa baywang habang naglalakad kami papalapit kila Russell.

Nabigla ako sa ginawa niya pero hindi ako nagprotesta. Marahil ginawa niya iyon dahil hindi pwede malaman ng mga taong kasama niya na peke ang relasyon naming dalawa. Kahit kay Russell ay hindi pa namin nasasabi ang totoo. Huwag lang sana siya magtampo kapag nalaman niya.

"She's my fiancé, Peony," pagpapakilala sa'kin ni Luigi.

May dalawang babae at may tatlong bakla, lahat sila ay ngumiti sa'kin at binati ako na tinugunan ko rin ng pagbati at pagngiti. Kapag hindi ko iyon ginawa, baka sabihan pa ako na masama ang ugali ko.

"Ito ang mga makeup artist na kinuha ko para sa'yo, si Jane at Era," sabi ni Russell at tinuro ang dalawang babae. Ngumiti lamang ako at nagpatuloy naman si Russell sa pagsasalita. "Itong tatlo naman ay ang mamimili ng susuotin mo at mag-aayos ng buhok mo, sina Chris, Carl, at Gian."

Pagtapos ng introduction, kumain na muna kami lahat. Mukhang kaibigan ni Russell ang mga kinuha niya na mag-aayos sa'kin mamaya, dahil halatang komportable na sila makipag-usap sa isa't-isa. Nag-aasaran din sila habang kumakain kami. Samantalang tahimik lamang kami ni Luigi na nakikinig sa kanila, pero may time na nakikitawa ako sa kanila unlike Luigi, poker face lang talaga.

Pagtapos kumain ng almusal, nagsimula na ang operation na pagandahin ako.

"I'll go to work, let me know once you're finished. I just have to check something," sabi sa'kin ni Luigi, pagtapos ay bumaling siya kay Russell. "Russell, you're coming with me."

"Oh, right!" Mukhang nagulat si Russell pero agad din niyang kinuha ang jacket niya at sinuot iyon.

"Please, take good care of my fiancé," ani Luigi sa mga mag-aayos sa'kin.

Alam kong acting lang naman ito pero hindi maiwasan ng mukha ko na mamula, at dahil sa pamumula no'n ay inasar ako ni Russell.

"It seems like your fiancé is thrilled," Russell teased.

Ngumuso na lamang ako at hindi na sumagot pa. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin at wala akong excuse sa pang-aasar niya. Kahit sino naman ata na sabihan ni Luigi na fiancé niya ay kikiligin.

Saglit akong tinignan ni Luigi bago muling bumaling kay Russell. "Shut up and let's go," sabi niya bago naunang maglakad.

Sinundan ko sila gamit ang mata ko hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko. Pagtapos ay bumaling na ako sa makeup artist, sabi kasi nila ay makeup muna raw ang gagawin bago mamili ng mga isusuot at bago ayusin ang buhok ko.

Paglingon ko sa kanila, malawak ang ngiti nila. Hindi ko alam kung nang-aasar sila o masaya lang sila para sa'min ni Luigi.

"Tara na?" pag-aya ko sa kanila para maibsan ang awkwardness.

Tumango naman sila at nagsimula na nga kami. Habang sina Jane at Era ay nakatuon ang atensyon sa'kin sa paglalagay ng makeup, sina Chris, Carl, at Gian naman ay nag-uusap para mamili ng mga damit na ipatitingin nila sa'kin mamaya.

"Grabi! Jackpot ka talaga kay sir Luigi," sabi ni Jane habang nilalagyan ako ng 'hindi ko alam' sa'king mukha.

"Oo nga, paano mo siya nakuha?" tanong naman ni Era na nag-a-assist kay Jane. Siya ang nag-aabot ng mga gamit na susunod na gagamitin ni Jane.

Tumawa si Jane. "Ang swerte mo, girl! Hindi mo ba alam na marami ang baliw na baliw sa lalaking 'yon? Well, isa na sa mga babaeng baliw sa kaniya ang pinsan ko na never niya pinansin."

"Aba, may gusto nga rin ang kapatid ko kay sir Luigi. Sinabihan ko na siya na wala siyang pag-asa pero wala raw siyang pakialam," kwento rin ni Era.

Tumawa ako ng pilit. Hindi ko alam ang sasabihin at hindi ko alam kung paano magrereact. Kung totoo lang ang relasyon namin ni Luigi, aakalain ko rin na ang swerte ko dahil sa mga kwento nila.

Bumuntong hininga si Jane habang umiiling. "Hindi ko nga akalain na may balak pala magpakasal 'yon." pagtukoy ni Jane kay Luigi.

"Ilang taon na kayong magkarelasyon?" Era asked which caught me off guard.

Wow. Hindi ko akalain na ganito sila kadaldal kahit unang beses pa lang nila nakilala ang isang tao. Akala ko mapupuno ng katahimikan ang paligid namin dahil hindi ko sila close, but look at them! They're asking me about our relationship, they're curious!

"U-uhm, isang taon," sagot ko, nauutal pa.

Napatigil si Jane sa kaniyang ginagawa at tinignan ako ng naglalakihang mga mata niya. "For real?! Isang taon pa lang kayo pero gusto ka niya agad pakasalan? So, ilang months na kayong engage?"

Nag-iwas ako ng tingin bago sumagot. Feeling ko unting tanong pa tungkol sa'min ni Luigi ay pagpapawisan na ako. "5 months," sagot ko.

Napatakip ng bibig si Era. "Oh, my gosh! You're so lucky, girl!"

Ngumiti na lang ako at hindi na nagsalita pa. Ano pa bang sasabihin ko? Nakaka-speechless sila kausap. Parang gusto ko muna magpalamon sa lupa sa mga oras na 'to. Hindi man lang kumuha ng tahimik na makeup artist si Russell. I mean, okay naman silang dalawa pero... I'm just not comfortable with the subject.

Pagtapos ng makeup, inayos na rin nila ang buhok ko. For my hairstyle, Carl choose a sleek low bun. He gather my hair at the back of my neck and twist it into a neat bun, securing it with pins. He leave a few strands loose to frame my face. This style is elegant and keeps my hair tidy for the family dinner.

Pagtapos pinila nina Chris, Carl, at Gian ang mga damit na gusto nilang pagpilian ko. Pero lahat ng pinili ko ay hindi nila gusto, sabi nila ay hindi raw bagay sa'kin. Pero kapag titignan ko naman ang sarili ko sa salamin ay okay naman sa'kin. Ang dami nilang sinasabi kapag hindi nila gusto ang napili ko, gusto ko na nga mainis pero nagpigil ako. Sa huli, sila na rin ang namili ng susuotin ko.

Gian handed me a dress, and at one glance, I didn't like it. It just... wasn't my taste. I mean, it feels too much for me. But as I put on the Dovecity silk sling dress that they chose, I notice how smooth and elegant it feels.

Agad kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Ang damit ay yumakap sa aking katawan, at ang malambot nitong silk na tela ay malamig sa balat ko. It's a beige color, and the neckline drapes nicely in a simple, yet stylish way. The thin spaghetti straps cross at the back, adding a touch of detail.

The sandals that go with it are just as classy. They have thin straps made of the same silky fabric as the dress, matching perfectly. The low heels make them comfortable to wear all evening.

Lumingon ako sa kanila matapos makita ang sarili sa salamin. Ayaw ko magbuhat ng sariling bangko pero ang ganda ko at dahil iyon sa kanila.

"Thank you," sabi ko.

Nagtinginan sila at ngumiti sa'kin. "See? You're prettier in that dress," sabi ni Gian.

"Thank you for making this—" naputol ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Chris.

"Oh, ayan na pala sila," ani Chris habang nakatingin sa likod ko.

Agad akong lumingon do'n, excited na makita si Luigi. Ngumiti ako nang magtama ang mga mata namin pero siya? Ayon, nakasimangot. Parang walang appeal ang itsura ko ngayon para sa kaniya. Hindi ata siya nagandahan sa'kin.

Bahagyang kumirot ang dibdib ko pero hindi ko iyon pinansin.

"Let's go," iyon lamang ang sinabi niya bago naglakad palayo.

Huminga ako ng malalim bago magsimulang sumunod sa kaniya. Narinig ko ang pag-cheer sa'kin nilang lima at natawa ako ro'n. Para saan ang pag-cheer nila sa'kin.

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang mahinang sinabi ni Russell. "You look gorgeous."

Continue Reading

You'll Also Like

rival By 🐯

Fanfiction

5.4K 103 70
magkapatid magkamukha magkaribal magkaiba ang pananaw ng iba sa kanila... isang tunay at isang huwad... dahil sa isang insidente, nagbago ng tuluyan...
754K 26.3K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
297K 10.2K 64
"If I didn't pushed Astrey Darwin Adelaide, maybe this story wouldn't be this long. I am Sydney Canberra, and this is the start of our hate to love s...
404 67 13
"I KILL FOR THE PRICE!" In a world where power rules and lines between right and wrong are constantly blurred, Rosella Dimitrea also known as "Pyre"...