It's Complicated

By AillexSkcy

55.7K 1K 94

Jerk at maattitude ang tawag ng marami kay Kai Alejandro, isang babae na lumaki sa bansang Spain ngunit kinal... More

Reminders
Prologue
Chapter 1: Weird
Chapter 2: Café Morina
Chapter 3: Safety first
Chapter 4: Goodluck
Chapter 5: With her
Chapter 6: I miss you and I love you
Chapter 7: Puesta de sol (SUNSET)
Chapter 8: Ex
Chapter 9: Jealous
Chapter 10: Tutor
Chapter 11: Anu Tayo na?
Chapter 12: Earrings
Chapter 13: Goldy Kai
Chapter 14: Can't Wait
Chapter 15: Late
Chapter 16: Perfume
Chapter 17: Ela's Career
Chapter 18: Photoshoot with my EX
Chapter 19: The Kiss
Chapter 20:
Chapter 21: The Party
Chapter 22: Dalagang Pilipina
Chapter 23: The Meet Up
Chapter 24: EMERGENCY
Chapter 25: I Love You
Chapter 27: Unforgettable Moment
Chapter 28: Charm
Chapter 29: I still love you
Chapter 30: Love Team
Chapter 31: New Concept
Chapter 32: The International Model Collide
Chapter 33: KAIBIGAN
Chapter 34: Nightmare
Chapter 35: Omelette
Chapter 36: Delicioso
Chapter 37: Confused
Chapter 38: Trending
Chapter 39: Still confused
Chapter 40: Text
:( Chapter 41: I LOVE YOU, GOODBYE :(
Chapter 42: Nonsense Deal
Chapter 43: Safe
Chapter 44: Don't make me worry
Chapter 45:
Chapter 46: Your Lips
Chapter 47: Laura and Abbie
Chapter 48: I am still your best friend and you are still my best friend
Chapter 49: I have something to tell you <3
Chapter 50: Vanilla Lace
Extra Chapter
Epilogue
Book Announcement
Book Two of It's Complicated

Chapter 26: Hiccup

563 15 0
By AillexSkcy


Chapter 26: Hiccup

.
.
.
.

Ela's POV

Nakasandal si Kai sa pader habang tulala ng dumating ako. Katatapos lang ng kanilang shots, agad naman akong inayusan ni Lexa.

"Mabuti at ngayon ka lang." Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Bakit? Anong meron?" Napaisip ako kung ano na naman ang nangyari habang wala ako. Teka, baka may bago na namang model, or bagong photographer? Wait, baka naman may paparty si Miss Hikari? Teka, para naman saan ang party? Haist Ela, mukha ka ng party.

"Ah wala, palate late ka kasi. Teka ano bang sunod na theme?" Teka don't tell me may pasabog na naman ang Jane na yan, haist nakakainis talaga 'tong si Lexa.

"Sweet." Tipid kong sagot, kasi tatlo kami nina Kai at Jane sa theme na ito. Ayaw ko munang mag isip ng posture, dahil gusto ko pa ring malaman ang sinasabi ni Lexa. Mas maganda kasi kapag on the spot na para di makahindi kung sino man ang katabi ko mamaya.

"For sure may magaganap na namang nakaka intense." Intense? Ano ba ang gusto mo talagang sabihin Lexa? Naku, patay ka sa akin kapag nalaman ko pa iyan sa iba. Lalo kung tungkol sa akin.

"Pwede ba Lexa. Ano ba talaga ang gusto mong sabihin? Kanina ka pa kating kati, at kanina pa din ako hula ng hula kung ano ba ang gusto mo talagang sabihin."

"Hala, usok na ang ilong. Chill ka lang, sasabihin ko naman sayo. Pero mamaya na, nausok na din kasi ang ilong ni Jera. Baka kainin ako no'n." Napatingin naman ako sa photographer namin, masama ang tingin sa aming dalawa ni Lexa.

"Siguraduhin mo lang na hindi bad news ang sasabihin mo."

"Basta mamaya na, kailangan ko pang tapusin ang make up mo."

Pagkalipas ng sampung minuto ay agad na din akong binihisan ni Lexa. Dress ang suot ko na baige, si Jane naman ay naka mini skirt ng itim habang si Kai peach. Ang cute ni Kai sa dress niya, naalala ko tuloy noong nagkakilala kami sa una kong trabaho. Ang cute din niya sa suot niyang peach shirt, hay iyakin pa siya no'n. Lagi kasing sa akin siya tumatakbo kapag naiyak siya. Napapangiti na lang ako sa tumatakbo sa utak ko, ang best friend ko na tanggap ako kahit ano pa ako. Ang swerte ko sa kanya, dahil nakilala ko ang tulad niyang mabilis magtiwala at maaasahan sa bagay na hindi kayang ibigay ng iba. Like, time, care, love, comfort lahat na yata. Kaya sana huwag samantalahin ng kung sino man ang kabaitan ng babaeng ito. Ang swerte ng makakasama niya sa buhay, ang bilis kasi niya makagets sa mga bagay na hindi siya sanay.

"Ela, pagitnaan niyo si Kai!" Sigaw ni Jera mula sa dilim, nasa aming tatlo kasi ang lahat ng ilaw kaya di namin sila maaninag.

Inangkla ko ang kamay ko sa braso ni Kai, tiningnan niya ako at nginitian pero bigla siyang bumaling sa kabila. Tiningnan ko naman kung ano iyon, si Jane na nakangiti kay Kai habang hawak ang beywang ni Kai. Ano bang ginagawa nitong si Jane? Tanong ng isip ko habang nakatingin sa babaeng iyon.

"Ela and Kai, magharap kayo!" Sinunod ko naman ang utos ni Jera, pero itong si Jane gumawa ng eksena. Inilapit niya ang mukha niya sa balikat ni Kai, kaya kapag lumingon si Kai magtatama ang kanilang ilong.

"Very good Jane!" Pagpupuri ng photographer kay Jane. Napansin kong hindi mapakali si Kai, kaya hinila ko siya ng kaunti para makalayo siya kay Jane.

"Nice Ela! One more shots!" Kinuha ko ang kamay ni Kai at hinawakan iyon, ngumiti si Kai gayundin ako. Salamat Kai dahil naging parte ka ng buhay ko bilang kaibigan ko, sana huwag kang magsawang inindihin ang feelings ko. Salamat sa lahat ng pagpunta kapag nababaliw na ako sa taong mahal ko na tila may iba ng mahal, sana hindi ikaw ang nagugustuhan niya. Hindi ko kayang makita ka na kasama ang mahal ko, pero hindi mo naman siguro magagawa sa akin ang bagay na iyon lalo pa at best friends tayo.

"Okay, for the last shots. Love spell naman, sa may terrace tayo guys!" Tanong ko lang nakalunok ba ng microphone ang photographer namin? Ang lakas kasi ng boses niya. Abot siguro hanggang sa labas ng milky way.

.
.
.
.
.

Natapos din agad ang love spell theme. Sa susunod na linggo ang release ng magazine na ginagawa namin ngayon at baka next week bumalik na din ako sa Europe para sa photoshoot ko. Hay sana magtagal pa ako dito, para masulit ko ang mga panahong wala ako sa tabi ni Jane.

"Wala munang uuwi sa inyo, dahil may party tayo."  Pagpapaalala ni Miss Hikari.

"Yun naman!" Sigaw ni Jethro sa bandang likuran.

"Dahil last photoshoot na natin ngayon. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat, especially sa tatlo nating model. Hindi man natin matalo ang Photographics Company for sure makakapasok tayo sa top 10."

"For sure yan ma'am." Pagsang ayon ni Rea sa boss namin.

"Erin, saan ba tayo?" Bulong ko sa katabi kong si Erin na abala sa pagcecellphone.

"Si Miss Hikari po kasi ang nagpareserved ng bar kung saan tayo magpaparty. Kaya hindi ko po alam kung saan." Magalang naman nitong sagot. Abala si Lyn at Lexa sa pag aayos ng make up kit, habang si Jaime naman ay kausap si Rea na halatang excited mamaya sa party.

"Miss Hikari pwede po bang hindi pumunta?" Rinig kong bulong ni Kai kay Miss Hikari.

"At bakit naman?" Takang tanong ni Miss Hikari kay Kai.

"Sige ikaw na ang bahala diyan Erin." Lumapit ako kay Kai, at halatang nagulat siya.

"Kai sumama ka na, last bonding na natin 'to." Nakangiti kong sagot, napakunot naman ang pareho niyang kilay ng tingnan ako.

"Don't worry Kai, di naman tayo magpapakalasing."

"Oo nga, tsaka advance celebration natin 'yun for the upcoming event." Pag sang ayon naman ni Miss Hikari sa akin. Ano na naman kaya ang reason ng babaeng ito at ayaw sumama?
Bulong ko sa sarili ko habang nakangiti sa best friend kong si Kai.

.
.
.
.
.

Kai's POV

Ayaw kong sumama sa party mamaya, hindi naman totally sa ayaw ko gusto ko lang kasing umiwas. Lalo pa at nalalapit na ang event sa station at dito sa Fuchsia Graphics Company, mabuti na lang at iisang bansa ang pagdadausan ng event pero magkaibang lugar sa Sidney, Australia.

Sakay na kami ng kotse patungo sa bar, pero wala parin ako sa sarili ko dahil sa mga nangyari kanina. Ayaw ko ng isipin ang mga pangyayaring iyon, pero paulit ulit binibigkas ng isip ko ang mga sinabi ni Jane sa akin.

I heard what she said before the seductive theme gets over. Malinaw na malinaw ang mga salitang binitawan niya, kaya nagkakaganito ako. Kahapon may isang bagay akong nalaman about sa kanya, then makikisabay pa ang mga salitang paulit ulit na umaalingaw ngaw sa utak ko.

I Love You
I Love You
I Love You
I Love You

Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa photoshoots kanina, mabuti na lang at hinila ako ni Ela palayo kay Jane kaya medyo nakaiwas naman ako. Sana naman hindi ko maencounter ang bagay na nalaman ko kahapon.

Flashback

"Kai, sorry pero di ko talaga kayang iwasan siya."

"Mahal mo pa ba?" Tanong ko sa kaibigan ko habang umiiyak, ito ang itinawag sa akin ni Kuya Arden.

"Yes, and I know she still love me too."

"Paano mo naman nasabi?"

"I kissed her, and she responds." Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Ela, halata namang mahal niya pa rin si Jane. Pero may oarang kirot sa dibdib ko ng malaman na nagrespond si Jane.

"Edi mahal ka pa rin no'n, huwag ka ng umiyak at magdrama diyan mahal ka pa no'n." Nakangiti kong sambit.

"Paano ka nakakasigurado?"

"Diba ikaw na ang nagsabi, tsaka sa pagkakaalam ko wala pa ulit manliligaw yun. So meaning baka hinhintay ka lang niya na gumawa ng first move."

"Baka nga, pero paano kapag nadala lang siya? Malay mo mayroon na siyang iba?"

"Ano ba Ela? Huwag mo munang isipin ang bagay na iyan, tsaka kung meron man ako ang makakaharap niya. Dadaan muna siya sa mga kamay ko, walang pwedeng manakit sa kaibigan ko."

"Ang swerte ko talaga sayo, salamat Kai. Kaya love na love kita e. Nga pala, kasama natin si Lexa sa event. Teka nasimulan niyo na ba yung request niya."

"Oo nga pala, baka hindi na daw, kasi paalis na kayo next week, diba?"

"Oo nga e, so paano 'yun?"

"Kumuha na lang siya ng kaunting video ko at ininterview ako, okay na siguro yun."

"Oo nga, di naman maarte si Lexa. Alam mo bang crush ka niya?" Nagulat ako sa sinabi ni Ela.

"Ano ka ba Ela? Subukan mo lang na ereto ako sa kanya, patay ka sa akin."

"Ito naman, crush ka lang naman. Tsaka mabait yun."

"So anong gusto mong iparating."

"Wala, tara kumain na nga tayo. Teka nasaan ba si Ally?"

"Kasama ni Kuya Arden, may bibilhin daw." Sagot ko, nandito kami sa bahay ng kuya ni Ela. Hindi kasi kami pwedeng tumambay sa restaurant dahil madaming customer.

End of Flashback

.
.
.
.

"Kai kanina ka pa tulala diyan!" Sigaw ni Rea habang sumasayaw na parang bulate.

"Kai hindi ka ba iinom?" Umiling iling lang ako, ayaw ko munang lasahan ang alcohol sa ngayon. Kilala ko ang sarili ko kapag lasing walang matatandaan at wala sa sarili kaya ayaw kong uminom sa ngayon. Lalo pa at kasama si Jane, tsaka walang magdadrive sa amin ni Ela. Kilala ko ang babaeng iyon, mas mabuti na kung hindi na muna ako uminom para ako na ang magdadrive pauwi.

Patuloy sa pagtugtog ang malakas na kanta ni Dawin sa dance floor. Kanina ko pa napapansin si Jane, paulit ulit ko siyang nahuhuli na nakatingin sa akin. Kaya lumipat ako ng upo, humarap ako kay Lexa na halata namang tuwang tuwa ng lumapit ako sa kanya.

"Tinginan mo si Ela, parang tanga sa dance floor." Natatawa niyang sambit.

"Lexa, sayaw tayo." Yaya ni Jethro.

"Kai sama ka."

"Hindi na." Sagot ko.

"Sige, okay ka lang diyan?" Tumango tango naman ako bilang sagot.

"Kai bantayan mo muna ang gamit natin ha?" Utos ni Miss Hikari sa akin. Tumango tango nalang ako sa utos niya, ako na lang kasi ang naiwan sa table namin, di ko sure kung pumunta din ba si Jane sa dance floor, nakatalikod kasi ako sa kinauupuan niya kanina.

"Kuya isa ngang pineapple juice." Order ko sa waiter na dumaan sa harap ng table. Iniabot naman agad niya ang isang baso ng juice. Humigop ako ng kaunti no'n at napatingin sa dance floor kung saan nag eenjoy silang lahat sa pagsayaw. Wala doon si Jane, teka bakit ko ba hinahanap ang babaeng iyon?

"Kai." Nagulat ako ng may humawak sa beywang ko mula sa likuran ko. Bigla akong nag init dahil sa bigat ng katawan ng yumakap sa akin mula sa likod. Hindi ko makilala kung sino iyon dahil iba ang boses at amoy alak na.

"Gu-gusto na *hiccup* kita." Iniharap ko ang sarili ko, at nagulat ako ng makita ang mukha ni Jane. Nakapikit siya at namumula na ang mukha.

"*hiccup*."

Continue Reading

You'll Also Like

7.6K 235 43
University Series #01: Charlotte Grace Reyes & Flair Keyne Ross "She's the girl who own my lips." ©shaitamad Allrightreserved2K21
111K 1.8K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
26.3K 1.2K 53
Lorraine and Tanya Alcavar, the twins of Alcavar Dynasty in the business industry was involved in a love triangle with Janice Montecarlo. Lorraine Al...