DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQ...

By kawang_gawa

2.2M 21.9K 6.5K

no soft copies ^__^ sorry po :) More

1st shot
2nd shot
3rd shot
4th shot
5th shot
FINAL SHOT
a:n/// continuation ^__^
sa kanya.... chapter 1
sa kanya chapter 2
sa kanya.... chapter 3
sa kanya.... chapter 4
sa kanya..... chapter 5
sa kanya..... chapter 6
sa kanya.... chapter 7
sa kanya.... chapter 8
sa kanya.... chapter 9
sa kanya.... chapter 10
sa kanya.... chapter 11
sa kanya.... chapter 12
sa kanya.... chapter 13
sa kanya.... chapter 14
sa kanya.... chapter 15
sa kanya.... chapter 16
sa kanya.... chapter 17
sa kanya....chapter 18
sa kanya.... chapter 19
sa kanya.... chapter 20
sa kanya....chapter 21
sa kanya....chapter 22
sa kanya.... chapter 23
sa kanya.... chapter 24
sa kanya.... chapter 25
sa kanya....chapter 26
sa kanya.... chapter 27
sa kanya....chapter 28
sa kanya.... chapter 29
sa kanya....chapter 30
sa kanya....chapter 31
sa kanya....chapter 32
sa kanya....chapter 33
sa kanya....chapter 35
sa kanya....chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
epilogue

sa kanya....chapter 34

27K 206 56
By kawang_gawa

chapter 34 

lawrence's pov

"palabasin mo ung papa ni gavin!!!" sigaw ko yan pagkapasok na pagkapasok ko palang sa kwarto ni papa, eto na lang ung alam kong paraan para makatulong ako kay gavin, alam kong hirap na hirap na sila at alam ko din na dahil un mas pinili namin ipaglaban kung ano ung alam naming tama kaysa sa makakabuti sa lahat

"anong pinag sasabi mo?" napakunot ung noo ko sa sinabi ni papa, halata mo kasi sa muka niya na mukang wala siyang idea sa sinabi ko, pero napaka imposible naman na hinde niya alam na nakakulong na si tito glen dahil narinig ko ung ibang kaopisina ni papa na tinuloy niya ung kaso ng papa ni gavin dati para makulong

"nakikiusap ako papa, ako na lang wag na si gavin, maawa ka hirap na hirap na sila, kahit ako na lang mag bayad nung kinuha niya pls pa" kakainin ko kahit anong dapat kong kainin sa oras na to, kung kinakailangan kong lumuhod sa harapan ni papa gagawin ko, makatulong lang ako kila gavin

"rence, wala akong alam sa sinasabi mo, hinde pa ba nsasabi ni mama mo na wala na satin ung pinakamalaking stock sa company nakuha na to, mr. anthony lang alam kong pangalan nun bukod dun wala na akong alam, at siya na ang gumagawa ng malaking disisyon sa company, wala na sa kamay ko un" 

"ano yang sinasabi mo? imposible un dahil alam ko 80 percent ung minana ni mama kay lolo" pinigilan ko ung sarili ko na wag lumapit kay papa dahil hinde ko alam sa sarili ko, nakakaramdam ako ng awa sa kanya, ung mga mata ksi niya parang nag sasabi ng totoo, pero napakaimposible kasi nung sinsabi niyang un sakin

"nung mga panahon na pinipilit kitang ipakasal kay princess, nag sisimula ng bumaksak ung company, di ko un sinasabi sa inyo ni mama mo dahil nahihiya ako na unti unti nang nalulugi ung company ng dahil sakin, para ksing hinde ko na kayang patunayan sa lolo mo na tama ung didisyon niya na sakin ipaksal si mama mo, kaya tinago ko lahat sa inyo" napaatras ako sa sinabi ni papa sakin, kung hinde siya ung dahilan ng pagkakakulong ng papa ni gavin sino? sino ung mr. anthony na un?

"bukas next week next month next year hinde na satin ung company, hinde ko alam kung pano un biglang lumubog ng ganun, nag ttrabaho nman akong maige pero hindi ko alam anak patawad"

inakap ako ng mahigpit ni papa, naramdaman ko sa sarili ko na kailangan niya ngayon ng tulong o tao na makakapitan, pero sa mga nalaman ko ngayon mas mukang gumulo ung isip ko, kung pati kami mawawalan na ng kapangyarihan pano na lalo sila gavin? wala nman akong pakielam kung mag hirap kami dahil sanay nman ako sa normal na buhay lang, kung tutuusin mas maganda pa nga na merong normal na buhay kaysa sa mayayaman, kung eto lang ung paraan para maayos lahat, kunin na nila lahat maayos lang lahat

"nagyong alam mo na lahat lawrence naiintindihan mo na ba?" napatingin ako bigla sa pintuan nung narinig ko ung boses ni mama, ung itchura niya alam mong awang awa kay papa na nakaupo sa sofa at sapo sapo ung ulo niya

"bakit di niyo sinabi sakin??" bakit ako lang walang alam dito?" hinde ko alam kung kanino ako titigin kung kay papa ba o kay mama, mas lalo akong naguluhan sa sitwasyon ko, alam ko din kasing kailngan ako ng pamilya ko, hinde ko nman sila pwedeng pabayaan nalang

"si papa mo ang my gusto ng lahat rence, kasi mahal ka niya, kahit di mo siya totoong tatay mahal ka niya" sabi ni mama tapos umupo na siya sa tabi ni papa, ako naiwan lang nakatayo at halos hinde ako makapaniwala sa mga nalalaman ko ngayon

"pano si gavin" halos pabulong kong sabi, pano na nga sila? nung mga panahon kasi na alam ko na si papa ang lahat ng may gawa ng lahat wala na akong magawa pano na lang kung hinde pala siya, di lalo akong walang magagawa

"hinde ko alam pero rence, eto na lang natitira satin tong bahay na to, pag nawala pa to baka hinde ko mapatawad sarili ko, lalo na sakin kayo binilin ng lolo mo" sabi ni papa sakin, alam kong sa nalaman ko ngayon, bagong problema na naman to na haharapin namin ni gavin, kung makakaya ba namin ayun ang hinde ko alam.

gavin's pov

"ma sige na po kumain na po kayo" sabi ko kay mama habang sinusubuan ko siya ng sopas na pinaluto kaninang umaga kay yaya, sabi kasi sakin ni yaya na simula daw ng nakulong si papa hinde na daw ganong kumakain si mama, lagi na lang daw siyang umiinum at umiiyak, malapit na din akong manilawa na kasalanan ko lahat ng to,

"umalis ka, dun ka na lang sa taong mag papsaya sayo kaya na namin to ng papa mo" malamig na sabi ni mama sakin, pagkatapos bigla niyang hinawi ung kamay ko

"ma naman, andito po ako" sabi ko habang pinipigilan ko na wag maiyak dahil sa sobra akong tinamaan sa sinabi ni mama sakin, pinababayaan ko na ba sila? pero ano bang dapat kong gawin para makatulong ako sa kanila? halos lahat naman ginagawa ko na pero bakit parang napakulang pa din

"umalis ka nalang gavin, hinde ko kailangan ng taong makasarili dito" 

kahit pa anong pakiusap ang ginawa ko kay mama talgang pinaalis lang niya ako sa kwarto niya, parang pinunit ung puso ko sa sakit at para din akong unti unting kinakain ng kunsensya ko, kung pano ko nagagawang mag tiis sa ganitong sitwasyon sa buhay namin, kung pwede ko nman piliin ung magpapatahimik samin, pero pano ko nman igigive up si lawrence? mahal na mahal ko siya at baka hinde ko na nman makaya pag nawala siya sakin

nung naayos ko na lahat ng gawain sa bahay, pinilit ko ung sarili ko na pumasok sa school, kailngan ko na din kasing humabol lalo na napakarami ko ng absent sa school, lalo na ngayon kailngan kong mag aral ng mabuti para patunayan sa lahat na hinde pera nilawrence ung gusto ko, at higit sa lahat kailngan ko to para kay mama at papa

"wow kung alam ko lang na ganito pla sasalubong sakin sa pagpasok ng maaga sana pala dati pa ako pumasok ng maaga" kahit mahirap pinilit kong ngumiti sa harapan ni paul, gustong gusto ng mga kamay ko na akapin siya para sabihin sa knya na nahihirapan na ako, na kailngan ko sila ngayon ni danica, pero  pinipigilan ko kasi baka sisihin lang niya ako sa disisyon na ginawa ko

"minsan alam mo gab, mas masarap ung maging hinde okey, kasi ung mga nag papangap nang okey sila kahit hinde, ayun ung mga tao na sobrang nasasaktan" napahinto ako sa paglalakad ko dahil sa sinabi ni paul, nakalimutan ko na ata na kaibigan ko din si paul at kilala ako, ganito na ba talga kahalata na sobra na akong nasasaktan? ganito ba talaga ung tinatawag nilang pagmamahal? hinde pwedeng okey ka na lang palagi kasi kasama mo nman ung taong mahal mo

"nahihirapan na ako paul" halos pabulong kong sabi kay paul sabay tungo na lang, medjo madaming tao ngayon at ayoko na makita nila akong umiiyak

"pwede mo akong kadate aba!"

kahit hinde pa ako sumasagot kay paul hinatak na niya agad ako papunta sa sasakyan niya, hinde ko din alam sa mga paa ko pero parang napakaxcited niyang sumama kay paul, hinde kagaya ng dati na alam ko sa sarili ko na napipilitan lang ako, kasi ayun ung dapat kong gawin

"paul wag diyannnnnnnnnnnnnn" sigaw ko nung iniwan ako ni paul sa isang bench at tinuturo niya sakin na umakyat daw kami sa puno, unggoy ata si paul at gusto niya sa puno pa kami, eh  ang lakas ng takot ko sa heights, tapos ung puno pa super taas pano naman ako aakyat nun

"hawak ka lang sakin dali, maganda sa taas" napatitig ako sa mga mata ni paul habang inaabot niya ung kamay niya sakin, naisip ko tuloy na sana nasa ganitong sitwasyon kami ni lawrence, na sana nagagawa namin mag saya nang walang papalit na problema

"tara na kasi babe!" napaitlag ako nung biglang nag salita si paul, hays siguro nga kailngan ko to ngayon kahit ngayon lang hinde ko muna iisipin si lawrence, ung problema namin aalisin ko muna sa sistema ko, kung ung computer nga kailngan ng refresh tao pa kaya

kahit na nararamdaman ko na nagkakasugat na ako sa kamay pinilit ko pa dinmakaakyat sa pinakataas nung puno, ganito nman ako dati pa pinipilit ko ung mga bagay kahit minsan alam kong hinde ko kaya pinipilit ko pa din

"hahahahahaha grabe ang ganda nga dito paul" sabi ko habang nakatitig ako sa baba na puro bahay at puno, ung mga sasakyan ang liliit pati na din ung tao, pakiramdam ko tuloy nasa ibang mundo ako, para akong diyos na kita ko lahat

"alam mo gab, mahal na mahal kita willing akong makatulong sa kahit na anong paraan" kahit nakangit alam kong nasasaktan ko na nman si paul, bakit kaya ganun pinilit ko nman na tignan si paul sa ibang paraan pero kahit anong gawin ko talgang sa kanya pa din ung puso ko

"paul nman" sabi ko sabay hawak ng kamay ni paul

"oh oh no need wag kang mag paliwanag gusto ko alam mo lang un gab, kasi hinde mo na ako nakakasama madalas baka hinde mo na alam na andito pa ako"

princess pov

simula ng nalaman ko na kinuha na ng pap ani gavin si gavin, alam kong malaki na nman ang problema ng kaibigan ko, mahal ko si lawrence mga bata pa lang kami dahil never ko pang naramdaman sa isang tao na tinangap ako kung sino ako, kay lawrence ko lang un naramdaman, kaya kahit na nagkakagulo sa pamilya namin hindeng hinde kami nag paapekto, kung hinde ng alang sa sakit na to ay sa pagiging makasarili ko na makasama pa si trina na matagal sana hinde n a kami nagpakasal ng peke nuon ni lawrence, sana hinde niya ngayon dinaranas lahat ng sakit.

"makakaya nila yan" napangiti ako nung naramdaman ko ung kamay ni trina sa balikat ko, kung sana lang tangap lang ung ganitong uri ng pagmamahalan dito sa pilipinas, malamang matagal ng kasal sakin si trina, mahal na mahal ko siya at bukod kay lawrence si trina lang ung tao na asa likod ko palagi sa mga panahon na kailngan ko ng kaibigan

"naawa lang ako sakanila, alam mo nman na kasalanan ko" gustong gusto ng katawan at isip ko na magpakatatag para makabawi man lang ako sa kasalanan ko kay gavin at lawrence pero kada tatangkain ko na kausapin si papa, palaging kasal namin ni lawrence ung sinasabi niya, nalaman na din ksi nila na hinde tunay ung kasal namin at gusto nilang ulitin namin un, malaking tulong daw un para sa mga investors, kung ano pa ung iba nilang dahilan wala na akong pakielam nun

"wag kang masyadong mag isip, baka makasama sayo, kita mo nman na umaayos ka na ulit" sabi ni trina habang minamasahe niya ung ulo ko, asa likod ko siya at parehas kaming nakatanaw sa palubog na araw, eto ganito ung buhay na gusto ko para kay gavin at lawrence pero hinde ko alam kung paano ko sila matutulungan lalo na't hinde ko alam kung hanggang kailan ako susubukin ng sakit kong to

-ringgggggg-ringgggggggggggg-

sabay kaming napalingon ni trina nung may biglang nag doorbell, medjo late na din kasi at wala naman kaming inaasahan na bisita,

ako na sana mag bubukas nung pinto pero pinigilan ako ni trina

"mahal andito si lawrence" napakunot ung noo ko sa sinabi ni trina, kung ano ginagawa ni lawrence dito isa lang ung dahilan nun, may problema na nman siya

"o renren napasugod ka?" nakangiti kong sabi kay lawrence, pero nung tinitigan ko ung mga mata ni lawrence nakaramdam ako ng sobrang takot, ayan kasi ung mga mata na nakita ko nung mgapanahon na makikipag break siya kay gavin

------------------------------------------------------------------------------------------------------------pls do vote and comment po,,, hinde na po ako mag aauthors note! salamat na lang po mwah

Continue Reading

You'll Also Like

48.3K 2.4K 39
Obsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to...
AURORA By Deam

Teen Fiction

31.5K 1.3K 23
NOT A FAIRYTALE SERIES 1: AURORA Because of her comatose state, Aurora De Garcia has been dubbed "Sleeping Beauty." Although, She didn't eat a poison...
441K 16.4K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
76.5K 2.6K 101
The match made in heaven will finally meet in hell. In a game called love, the winner is the loser. *** Paris Kecherz is known for being a man hater...