Gichan's
Kim Linn
Active Now
Gichan: Linn
Linn: yes
Gichan: ano bang nangyayari sayo?
Linn: wdym
Gichan: wag na tayo maglokohan dito. Ano bang problema mo? Bakit ganyan ka kay Sam?
Gichan: hindi nya kasalanan na ayaw ni yohan maglunch kasama ka
Linn: wala ka na dun gichan, pwede ba?
Gichan: Linn magkakaibigan tayong tatlo, ngayon ka lang nagkaganyan
Gichan: dahil lang sa lalaki???
Linn: simple lang yung hinihiling ko para sa bday ko.
Linn: gusto ko bumawi sakin si Sam!
Linn: ako yung naunang magkagusto kay Yohan pero sila parati yung magkasama
Linn: gusto ko patunayan sakin ni Sam na wala syang gusto kay Yohan
Linn: gusto ko sya mismo yung maglapit sakin kay Yohan
Gichan: Linn nababaliw ka na ba???
Gichan: Walang gusto si sam kay yohan!
Linn: alam ko
Linn: pero si yohan palagay ko meron
Linn: bakit ikaw? hindi ka nagseselos??
Linn: kilala kita gichan! diba gusto mo rin naman si Sam?
Gichan: Nasisiraan ka na linn
Linn: bakit di mo aminin?? Hindi ka nagseselos???
Gichan: Hindi ako magseselos dahil wala akong gusto kay Sam! Para na tayong magkakapatid na tatlo, bakit ganyan ka mag isip? Sinisira mo yung relasyon natin bilang magkaibigan at lalo yang relasyon nyo ni Sam.
Gichan: dahil sa lalaki
Gichan: hindi na kita kilala
Gichan: hindi ka na yung Linn na kaibigan namin
Gichan: sabagay, may mga bago ka nang kaibigan
Gichan: sige. salamat sa oras mo