The Unwanted Wife (Unwanted D...

By Aimeesshh25

1M 14.7K 1.4K

Siya ay isang babaeng simple, kalog at mapang asar. Lahat nang may kinalaman sa pagkabaliw. Siya na 'yon. Lah... More

THE UNWANTED WIFE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE

CHAPTER 54

25.1K 320 34
By Aimeesshh25

ERIN'S POV

Nakaupo kami ni Carla sa couch. Nasa kusina si Abby at kumukuha ng machichibog. Hindi ko akalaing magkakasama kaming tatlo ngayon.

"Erin.." tawag ni Carla sa'kin.

"Hmm?" Nilngon ko siya.

Mataman niya akong tiningnan. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Pag usapan niyo kaya muna."

Umiling ako saka ngumiti. "Carla, sigurado na ako. Paninindigan ko ito."

"Baka pagsisihan mo?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Alam kong pagdating ng panahon ay pagsisihan ko ito. Ayos lang, bagay naman talaga 'to sa'kin.

"Alam ko 'yan. Alam ko rin na pagsisihan ko talaga 'to. Pero buo na ang desisyon ko."

Ngumuso siya. "Sige. Mukhang wala nang makakapigil sa'yo."

"Erin!!" Napalingon kaming dalawa kay Abby na mabilis ang lakad at hawak ang cellphone niya.

"Oh?"

Ngumuso siya. Inabot niya sa'kin ang hawak. "Si Drake. Nakapatay raw ang cellphone mo."

Tiningnan ko ang hawak niya saka ito kinuha. Sumenyas akong kakausapin ko lang, tumango naman sila.

"Hello?" Mahinang ani ko.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya. "Hindi ka uuwi?" Bulong niya.

Natigilan ako. "A-Ah oo. Dito ako matutulog "

"Are you sure? Puwede naman kitang sunduin diyan." malumanay niyang sabi.

Umiling ako kahit hindi niya nakikita. "Hindi na. Uuwi rin naman ako. Para bonding na rin namin." Nanakit ang lalamunan ko.

Matagal bago siya sumagot.

"Erin.."

Napapikit ako sa tono ng boses niya. Mamimiss ko 'to.

"Hmm?" Nahihirapang saad ko.

"W-Wala naman tayong problema, diba?"

"O-Oo naman. Wala tayong problema." Tumulo ang luha ko.

Ako ang may problema.

"I miss you.."

Mahina akong natawa. "Kaalis ko lang diyan ah? Miss mo na agad?" Biro ko.

Rinig ko ang paglakad niya. "Of course. Hindi na ako sanay na wala ka rito sa bahay." Medyo inis niyang reklamo.

Lalo akong natawa. Sa isip ko, pihadong nakanguso na ito.

"Pinagtatawanan mo ba ako?"

Tinikom ko ang bibig. "Hindi ah. Para kang baliw!"

"Tss. Yeah. Because you're driving me crazy. Umuwi ka na, please?"

Natigilan na naman ako. Tila ba naglalambing ang boses niya.

"S-Sige na. Ibaba ko na." Pinahiran ko ang luhang lumandas sa aking pisngim

"Teka lang. Ang bilis naman." Reklamo niya.

"Kay Abby po itong cellphone."

"Bakit kasi nakapatay ang cellphone mo?"

"A-Ah ano.. low battery eh." Pagsisinungaling ko.

"Tss. I charge mo. Tatawag ako mamaya."

"Sige na. Bye." Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

"Wait. I have something to tell you."

"Hmm?" Tinakpan ko ang bibig.

"Ang sarap noong halik mo kanina."

Nag init ang pisngi ko. Kasabay noon ang paghalakhak niya. Napangiti ako kahit tumutulo ang mga luha ko. May ganoon pala. Masaya ka at the same time, nasasaktan.

Paano ko siya iiwan?

"Erin? Are you still there?"

Pinunasan ko ang luha. "O-Oo. Buwisit! Ang manyakis mo!"

Tumawa siya. "Ikaw kaya ang nauna!"

"Ang saya mo ah?"

Tumigil siya saglit sa pagtawa. "Mas sasaya ko kung nandito ka."

Napapikit ako. Hindi ko na kaya. Nanginig ang labi ko. Bahagya kong nilayo ang cellphone sa bibig para hindi niya marinig ang paghikbi ko.

"S-Sige na. Gagamitin na raw ni Abby. Bye."

"S-Sige, Bye. Susunduin kita diyan bukas."

Tumango ako kahit hindi niya nakikita.

"Bye." Pinatay ko na ang tawag.

Tumingin pa ako saglit sa screen ng cellphone bago pumasok ng bahay.

Naabutan ko si Carla at Abby na abala sa panonood ng movie. Kumakain din sila. Nilingon nila agad ako.

"Anong sabi?" Tanong ni Carla.

"Wala. Nangulit lang."

Tumango siya. "Matulog na tayo?"

Tumayo si Abby at ngumiti ng nakakaloko. Agad akong umatras.

"Sa iisang kuwarto ba tayo tutulog?"

"O-Oo!" Sagot ni Carla.

Nagkibit balikat si Abby saka tiningnan ang kalat sa lamesa. Dahan-dahan akong naglakad paakyat.

Alam ko na ang binabalak nito eh!

"Paunahan sa taas..ang mahuli siyang maglilinis niyan!" Mabilis na sigaw niya at agad na tumakbo paakyat.

Alerto naman ako kaya mabilis din akong umakyat. Nilingon ko si Carla na sumimangot pa bago sumunod sa amin.

"Yah! Ang daya niyong dalawa!!!!" Nakakabinging sigaw niya.

"Susunduin ka ba niya?" Tanong ni Carla.

Tumango ako at nag ayos ng buhok. "Sabi niya kagabi."

"Eh bakit, wala pa rin siya?"

"Baka na late lang." Tumayo ako at lumabas na ng kuwarto. Mabilis akong naglakad pababa ng hagdan.

"Teka, Erin! Hatid ka na lang kaya namin?" Nakasunod pala si Carla sa'kin.

"Huwag na. Ang aga pa naman."

Pumunta ako sa may pinto. Sumilip ako sa may gate kung nandiyan na siya. Pero wala pa.

"Uuwi ka na ba? Ang aga pa oh!" Sulpot ni Abby sa tabi ko. Tiningnan niya ang oras. "Jusko! 5:45AM palang oh!"

Natawa ako. "Eh gusto ko nang umuwi eh. Kakausapin ko na rin siya."

Tumingin siya sa'kin saka sa gate. "Mukhang mamaya pa ang isang 'yon. Halika, hatid na kita." Aniya at hinila ako palabas.

"Huy! Teka! Sama ako!" Sigaw ni Carla.

Inalalayan ako ni Abby paupo sa unahan. Samantalang umupo naman si Carla sa likod.

Ngumuso siya. "Ang daya! Dapat dito si Erin eh!"

"Carla! Wag ka ngang mambuwisit! Agang aga!" Si Abby.

Naiiling na lang akong natawa. "Tama na nga. Ihatid niyo na ako."

Parehas silang ngumuso. "Wow ah! Maka utos ka diyan!"

Hindi ko na sila pinansin at kinuha na lang ang cellphone sa bag. Kagabi ko pa ito binuhay at sunod sunod nga ang texts ni Red. Tiningnan ko ito at wala man lang siyang text ngayong umaga. Anyare doon?

Nagcompose ako ng message.

To: Drakey Reddy Baby❤️

Good morning. Pauwi na ako.

Sent 6:58 am.

Pauwi na akoooo, akoy pauwi na~~

Napakanta na ako ng wala sa oras. Ano ba 'yan!

"Sige. Salamat!" Sambit ko sa dalawa nang makababa ako sa harap ng gate namin.

Ngumiti naman si Abby. "You're welcome. Good luck!" Tinapik niya pa ang balikat ko.

"Erin! Huhuhu!" Nagulat ako nang yumakap sa'kin si Carla.

"Bakit?"

"Kinakabahan talaga ako sa gagawin mo. Basta ano. Hay! Ewan! Basta good luck na lang din." Tumawa ako sa sinabi niya. Matalim niya akong tiningnan. "Seryoso ako roon!" Kumalas siya ng yakap.

"Oo na! Sige. Thank you talaga."

"Balitaan mo kami ah?" Si Carla.

"Oo ba! "

Hinila na ni Abby si Carla papasok sa kotse.
"Mauna na kami, Erin. Tawagan mo na lang kami. Mag iingat ka." Aniya saka kumaway sa'kin.

Kumaway din ako sa kanya at kay Carla na nakanguso na naman.

Nang mawala sila sa paningin ko ay saka ako humarap sa gate. Kinuha ko ang susi sa aking bag at dahan dahan itong binuksan.

Huminga ako ng malalim.

Ito na. Ready na ako.

Pumasok agad ako at sinarado ang gate. Mahigpit ang hawak ko sa bag ko nang tahakin ko ang aming garden.

Nagtaka ako nang makita ang hindi pamilyar na kotse na nakaparada katabi ng kotse ni Red. Kulay pula ito. At hindi talaga siya pamilyar sa'kin.

May bisita ba siya?

Hindii ko na lang ito pinansin at tumungo na lang sa may pinto. Kinuha ko ang susi at bubuksan na sana nang mapansin kong hindi ito nakalock!

Abat! Hindi ba marunong mag lock ang lalaking 'yon?

Inis akong pumasok at lalo pa akong nainis nang makita ang itsura ng sala namin. Nakakalat sa center table ang mga bote ng alak. Nakatumba pa ang iba. Agad akong lumapit dito. Ang mga throw pillow ay basta na lang nakalagay. May mga nasa baba pa. Isa lang ang masasabi ko.

Parang binagyo ito! Gosh!

Inayos ko muna ang mga kalat. Inayos ko lahat. Aakyat na sana ako nang mapansin ang isang sandals. Nilapitan ko ito at bahagyang itinaas. Kumalabog ang puso ko. Hindi ito akin. Mabilis akong tumingin sa mga kuwarto sa itaas.

Padabog kong hinagis ang sandals na iyon at mabilis na umakyat papuntang kuwarto niya.

Tatanungin ko siya kung bakit ang kalat doon. Kung bakit may ibang kotse na nakaparada sa labas. Kung bakit may sandals na nakabalandra doon. This time, tatanungin ko siya.

Nang makarating sa pinto ng kuwarto niya ay huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Pumikit ako at hinigpitan ang hawak sa door knob saka ito dahan dahang binuksan.

Nanghina ako. Hindi ako makatayo ng ayos. Parang unti-unti akong sinasaksak ng iba't-ibang patalim. Bakit ganito? Bakit ang sakit?

Bumungad sa'kin si Red na nakahiga sa kama. May suot siyang pang itaas. Nakaunan sa braso niya ang isang babae. Hindi ko makita ang mukha. Bahagya kasi siyang natatakpan ng katawan ni Red. Nakakumot silang dalawa.

Kitang kita ko ang mahigpit na hawak ng babae sa braso ng asawa ko.

Gusto ko silang sugurin. Sampalin,  sabunutan at patayin. Pero hindi ako makakilos, hindi ako makagalaw. Para akong pinukpok sa ulo at hindi na kayang makapaglakad ng ayos.

Dahan-dahan akong umatras. Nanlalabo ang paningin ko dala ng luha. Sunod sunod ang pagtulo nito. Umatras ako nang umatras at sa hindi inaasahan...

Punyemas!

Umalingawngaw sa silid na iyon ang pagkabasag ng picture frame na nasagi ko. Tiningnan ko ito at ito 'yong picture namin ni Red noong ikasal kami. Nabasag ito. At hindi ko alam. Lalo pa akong umiyak.

"E-Erin..."

Tiningnan ko ang tumawag sa'kin. Gising na siya ngayon. Agad syang tumingin sa katabi niya at nanlalaki ang mga matang nakapatingin sa'kin. Mabilis akong umatras. Agad siyang tumayo. Tumalikod ako at akma na sanang lalabas.

"Erin!" Hinawakan niya ang braso ko.

Hinarap ko siya at binawi ang braso.
"Bitawan mo ako!!"

"Erin! Let me explain!"

Natawa ako at mabilis na dumapo ang kamay ko sa pisngi niya. Natigilan siya roon at hindi nakakilos.

"Explain? Tangina mo ka! Walanghiya!" Sigaw ko.

Lumapit siya sa'kin pero lumayo ako. "Diyan ka lang! Wag na wag kang lalapit!"

"E-Erin..pakinggan mo ako."

"D-Drake?" Natigilan ako nang marinig ang boses ng pamilyar na babae. Napatingin ako kay Red na ngayon ay napahawak sa noo.

Ngumisi ako at agad ko siyang hinawi. Bumungad sa'kin ang mukha ng anghel.

Si Clarisse.

"E-Erin?" Kinakabahang tawag niya sa'kin.

Hindi na ako nakapagsalita. Masakit pala talaga. Akala ko kung sinong babae, siya pala.

Matatanggap ko pa kung sinong babae, lalaban pa ako. Pero siya? Wala na. Alam ko ng talo ako.

Bumuhos na lang bigla ang mga luha ko. Nanghihina ako.

Tumingin ako kay Red. Hindi ko sya masiyadong maaninag dala ng luha.

"N-Na miss niyo ba ang isa't-isa?" Nanghihinang tanong ko.

Umiling si Red at akmang lalapit na naman sa'kin. "E-Erin..mali ang iniisip mo."

Natawa ako at sabay noon ang pagtulo na naman ng mga luha ko. "You missed her that much huh? Para umabot sa ganito!"

"E-Erin.. Pakinggan mo si Drake." Singit ni Clarisse.

Tiningnan ko siya. Nakapulupot sa katawan niya ang kumot. Umiling ako. Lalong tumulo ang luha ko. Pinasadahan ko siya ng tingin.

"Ang ganda mo pala talaga 'no? Hindi na ako magtataka kung bakit minahal ka ng sobra ni Red." Sambit ko.

Nangunot ang noo niya. "A-Ano bang sinasabi mo?" Mahinhin na tanong niya.

"Hindi mo alam? Hindi mo alam kung gaano ka kamahal ng asawa ko? Sobra-sobra! Na kahit ako 'yong kasama niya, ikaw ang nasa isip niya!"

"E-Erin, Tama na." Si Red. Hindi ko siya pinansin.

Tumulo ang luha ni Clarisse.

Huminga ako ng malalim. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Ilang beses akong huminga pero parang may batong nakabara.

Tumawa ako. "T-Teka. Bakit ba ako nagagalit? "

Nagtataka siyang tumingin sa'kin. Nilingon ko si Red. Mapula ang mga mata niya.

"Ako ang may kasalanan sa inyo." mahinang sambit ko.

"Erin, please. L-Let me explain hmm?" Ani Red. Nagsimula siyang lumapit sa'kin. Umatras ulit ako. Hindi ko siya pinansin.

"A-Ako ang may dahilan kung bakit kayo naghiwalay. Ako ang may kasalanan. Dapat hindi ako nagagalit diba? Sino ako para makaramdam ng sakit? Eh sobra sobra nga 'yong naramdaman niyo. Nawasak kayong dalawa dahil sa'kin..." Humagulhol ako sa iyak. Hirap na hirap akong magsalita.

"E-Erin, don't say that."

Umiling ako sa kanya. "H-Hindi. Dapat matagal ko na 'tong ginawa. Dapat hindi ako pumayag, sana hindi ko kayo nasira. I'm sorry, R-Red."

Tumingin siya sa'kin at nagulat ako ng tumulo ang luha niya. "What are you planning to do? E-Erin!"

Lumunok ako at mariing pinikit ang mga mata saka dahan-dahang lumuhod sa harap niya.

"Oh my God!" Bulalas ni Clarisse, napatakip pa siya sa kaniyang bibig.

Agad na dinaluhan ako ni Red at pinilit akong tumayo. "N-No! Don't do this. Please baby, stop it." Bulong niya sa akin. Nanghihina siya at hindi ko iyon maintindihan.

Umiling ako at saka tumingala sa kanya. "P-Patawarin niyo ako. "

Pumikit si Red at napasabunot sa buhok. Paulit-ulit siyang umiling.

"Fuck! Bullshits!"

"Patawarin mo ako, Red. Sorry kung nagulo ko ang buhay mo. Sorry kung naging pabigat ako. Sorry, kung dahil sakin sana may pamilya na kayo ni Clarisse." Sunod sunod ang pag agos ng luha ko. Mabilis akong yumuko at halos hindi na makahinga sa nararamdaman.

Nagulat ako nang makita ang dalawang paa niyang lumuhod sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin.

Lumuluhang mga mata ni Red ang bumungad sa akin.

"Stop this b-baby. You're hurting me. Wag mo nang sabihin 'yan. Pakiramdam ko, h-hihiwalayan mo ako." Nanghihinang aniya. Halos hindi niya mahawakan ang mga kamay ko.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko akalaing makikita ko siya sa ganitong sitwasyon. Lumuluha at tila hinang-hina.

Dahan-dahan akong tumayo, binalewala ang sinabi niya. Napatawa pa ko nang mawalan ako ng balanse. Hindi ko alam kung paano pa ako nakakatawa sa mga oras na ito.

Tumingala siya sa akin. Pulang-pula ang mga mata.

"Akala ko..pag nagtagal tayo, magugustuhan mo rin ako." Nangingilid ang panibagong luhang sambit ko.

Hindi nagsalita si Red at nanatili ang tingin sa 'kin.

"A-Akala ko.. makakalimutan mo na siya. Akala ko mamahalin mo rin ako. Pero mali ako." Pinahiran ko ang luhang walang tigil sa pagbuhos. Nginitian ko siya. "Ang tanga ko diba? Kasi, umasa ako kahit malabo. Kahit walang pag asa, umasa ako. Pero kahit anong gawin ko..wala eh. Hindi ko siya mapapalitan diyan." Tinuro ko ang puso niya.

Tumulo ang luha ni Red. "M-Mahal mo ako, diba? Baby?"

Mabilis akong tumango. "O-Oo! Mahal kita. Sa sobrang pagmamahal ko sa'yo, handa akong magpakatanga. Pero narealize ko na 'yong sobrang pagmamahal ko sa'yo hindi pa rin sapat para maging akin ka."

Naalerto siya sa sinabi ko. Mabilis siyang nakatayo kahit nanghihina siya.

"Salamat sa kapatid mo. Nagising ako sa kahibangan ko. Nagising ako na sana noon ko pa dapat ginawa."

Kumunot ang noo niya. Dumaan ang takot sa mga mata niya. "W-What does that mean?"

Ngumiti ako sa kanya kahit nahihirapan na ako. Gusto ko nang matapos ito.

"R-Red..tanggap ko na. Tanggap ko nang hindi tayo para sa isat-isa."

Natigilan siya at naguguluhang tumitig sa'kin. "A-Ano bang sinasabi mo? Erin.." nagtangka siyang lumapit ngunit agad akong umatras.

"M-Mahal kita, Red at handa akong magparaya para sa inyo." Saad ko at mabilis na kinuha ang bag at maingat na kinuha roon ang brown envelope. Inabot ko 'to sa kanya.

Narinig ko ang pagsinghap ni Clarisse sa likod ko.

Dumilim ang tingin ni Red doon bago inangat ang tingin sa akin. Namuo ang luha sa mga mata niya. Paulit-ulit siyang umiling.

"H-Hindi! Hindi mo 'yan gagawin!"

"Natatandaan mo ba ito?" Itinaas ko ang hawak ko. "Y-You gave me this two years ago. Sinabi mo sa'kin na pirmahan ko pag dumating na ang Lolo mo. Ito 'yong oras na, kakatapos lang ng kasal natin. Ito na, t-tinupad ko na ang gusto mo." Inabot ko sa kanya ang hawak ko.

Galit niya itong hinawi at tumitig sa'kin.
"Wala na 'yang saysay! Hindi ko tatanggapin 'yan! What the hell, Erin! Bakit ginagawa mo ito sa akin? Baby.." humina ang boses niya sa dulo.

Nilukob ng sakit ang puso ko sa itinawag niya.

"Kasi kailangan, Red. Matagal ko na itong pinag isipan. At buo na ang desisyon ko."

"No..please. Tell me, May nagawa ba ako?" Lumuluhang tanong niya.

Natawa ako sa tinanong niya. Tangina, Red. Kagagawa mo lang.

Bahagya kong nilingon si Clarisse na nakatakip ang kamay sa kanyang bibig at umiiyak.

"Noong gabing nakita ko kayong naghahalikan." Natigilan sila.

Mabilis na napatingin sa'kin si Red.

"Damn..you saw us."

Tumango ako. "Kitang kita ko, Red. Kitang kita ko lahat. Kung paano ka umiyak nang haplusin mo ang pisngi niya. Kita ko sa mga mata mo na...m-mahal mo pa rin siya. Kaya nung gabing 'yon, nagdesisyon ako."

Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. "E-Erin! Pakinggan mo ako ah. Mali ang iniisip mo." nagsusumamong sambit niya.

Pinigilan ko siya sa pagsasalita. "Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Naiintindihan ko, kahit masakit intindihin." Huminga ako ng malalim. "Huwag niyo nang pahirapan ang sarili niyo. Alam kong mahal niyo pa rin ang isa't-isa at hindi niyo na kailangang tumanggi sa'kin."

Kinuha ko ang kamay niya, nginitian ko siya at dahan-dahang inabot ang hawak ko. Paulit ulit siyang umiling.

"B-Baby, I don't want this." bulong niya.

Nginitian ko siya kahit sobrang sakit. Kahit nadudurog ako.

Mabilis akong lumabas ng kuwarto 'yon. Napatigil ako dahil sa pagbuhos ng mga luha ko. Kailan ba ito titigil?

Sobrang sakit. Akala ko kung sinong babae, akala ko kung sino lang. Si Clarisse pala.

"E-Erin.." napatayo ako nang tuwid at pinunasan ang luha ko bago muling lumingon sa kanya.

Nakatayo siya habang hawak ang envelope na binigay ko. Nadurog ang puso ko nang makita ang pulang pula niyang mga mata. Nanginginig ang kamay niya.

"H-Hindi ko kaya..." Mahinang saad niya. Tila bulong na lang iyon.

Napapikit ako.

"Hilingin mo na ang lahat...huwag lang 'to."

Umiling ako. "R-Red, ginagawa ko ito para maging masaya ka. Para makabawi sa naging kasalanan ko sa'yo. Natatandaan mo ba 'yong sinabi ko sa'yo na pag dumating ang Lolo mo tapos na ang tungkulin ko."

Sarkastiko siyang tumawa. "Sa tingin mo magiging masaya ako sa desisyon mong 'to? Ano ako? Laruan na lang ba ako na pag dumating ang may ari, ibibigay mo na lang ako ng ganoon kadali?!"

"R-Red oo, kasi siya ang nagmamay ari sa'yo."

"Erin, alam kong ang laki ng kasalanan ko. Pero pakinggan mo naman ako. Wag ganito. Hindi ko kaya..." Sunod sunod ang pagtulo ng luha niya.

Umiling ako. Gusto ko na lang umalis.

"Wag mo na akong paasahin kung sa huli, hindi mo naman ako kayang mahalin." lumuluhang sambit ko sa kanya.

Tumalikod ako sa kanya. Ready na sana akong bumaba ngunit natigilan ako nang maramdaman ang mainit na katawan ni Red na bumalot sa akin. Niyakap niya ako mula sa likod.

"Wag mo akong iwan.." tumindig ang balahibo ko sa bulong niya.

Umiyak ako nang umiyak. Humigpit ang yakap niya sa'kin.

"Mahal kita, Erin." Humikbi siya at mas lalong humigpit ang yakap sa akin. "B-Baby, I'm inlove with you.."

Napapikit ako sa sinabi niya. Hindi ako makagalaw. Kumawala sa bibig ko ang impit na pag iyak ko.

Tumalon sa tuwa ang puso ko. Dahil sa wakas, nasabi niya na. Sinabi niya. Kaso hindi ko alam kung paniniwalaan ko. Hindi ko na alam.

Hinawakan ko ang braso niyang nakapulupot sa'kin. Dinama ko saglit ang init ng katawan niya. Ang sarap ng yakap niya.

"Mahal na mahal kita.." bulong niya. Ngunit imbis na matuwa, lalo lang akong nasaktan.

Hindi ko alam kung bakit.

Kumalas ako at hinarap siya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Pag usapan natin 'to please? Hindi tayo maghihiwalay."

"P-Pero huli na." Malungkot na sambit ko.

Napamaang siya sa sinabi ko. Nabitawan niya ang kamay ko.

"A-Ano?"

"Huwag mo na akong lokohin. Alam kong sinasabi mo lang 'yan para hindi ako mawala sa'yo. Tama na. Ito naman talaga ang dapat gawin natin."

"Erin..pero totoo ang sinabi ko. I am inlove with you..." Nasasaktan niyang sambit.

Hindi ako bingi, narinig ko ang sinabi niya ngunit hindi magawang maniwala ng puso ko. Parang nilukob iyon ng kakaibang sakit kaya kahit ang masasarap na salita ay hindi na nito maunawaaan.

Hinawakan ko ang pisngi niya. Punong puno ito ng luha. Pinunasan ko ito, pumikit siya sa ginawa ko.

"I love you, Red. Wala akong ibang hiling kundi ang maging masaya ka." Hinaplos ko ang pisngi niya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"I am now setting you free."

Nalaglag ang panga niya at napatitig sa'kin. Kumirot ang puso ko nang tumulo na naman ang luha niya. Sandali ko pa siyang tiningnan bago ako bumitaw at tuluyan syang talikuran.

Hindi ko na kayang makita ang mga mata niya.

I'm sorry, Red.

Sobrang sakit lang talaga.

Pag hindi pa ako umalis, baka mamamatay na ako sa sakit.

Hindi niya na ako nahabol dala ng panghihina. Mabilis akong tumakbo palabas ng gate. Nilingon ko saglit ang bahay.

Kung saan nagsimula ang lahat.

Diretso ang lakad ko palabas sa lugar na ito.  Napatili pa ako nang bumuhos ang malakas na ulan. Lalong lumakas ang pag iyak ko. Pati ang langit, dinadamayan ako. Ayos na rin, at least hindi kita ang pagluha ko.

Nakalabas ako ng subdivision ng payapa. Malakas pa rin ang ulan. Basang basa na ako at wala akong pakialam. May dumaan na tricycle.

"Heto akooo, basang basa sa ulan..Walang masisilungan, walang malalapitan...~~~"

Buwisit na kanta! Nanadya talaga!

Tumakbo ako ng mabilis. Bahala na kung saan ako pupunta. Naririnig ko ang pagbusina ng isang sasakyan. Hindi ko ito nilingon.

"Hey! Magpapakamatay ka ba?" Inis ko itong tiningnan.

"Oo! Halika! Sagasaan mo na ako!" Sigaw ko.

Tumigil ang sasakyan at bumaba ang bintana nito. "W-What the? Erin?"

Tiningnan ko siya ng maayos.
"C-Carl Dino?"

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 36.4K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
881K 30.3K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
3.6M 97.7K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...