Badidang(Gay Story)

By Cavs34

351K 8.4K 1.3K

"Ang pagmamahalan ay wala sa kasarian.Bakla ka man,lalaki,o babae.Basta nagmamahal ka,ni kahit sino o ni kahi... More

My Love For You
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
ANNOUNCEMENT
About BOOK 2
MALAKING PASABOG

Chapter 24

4.9K 133 12
By Cavs34

Here's the update.Sana po magcomment and vote kayo after.Thank You and Enjoy !!!!
------------------

May binigay na naman sa aking sulat pero may rose na ngayon na kasama yung Mr.Pogi daw.Sino kaya to?Humanda sya kapag nakilala ko ang lalaking ito.

Pumunta na ako sa room matapos noon.Nakita ko si Misty na ang sama-sama nang tingin sa akin kaya sinamaan ko na lang din siya nang tingin.Anong tingin niya sa akin magpapatalo?Magaling ata to sa siringan.Black Belter to teh !Hahahaha.

Umupo na ako sa tabi ni Kim at ni Chaera.Agad naman akong tinanong ni Chaera tungkol sa nangyari kahapon at kung bakit ko siya sinaktan at sinabunutan.Sinabi ko na may nadinig ako na sisirain kaming magkaibigan kaya naman nasabunutan ko siya pero hindi gaya ng iba,hindi niya sinabing nagsisinungaling ako pero hindi din gaya ng iba,hindi niya din sinabing totoo ang sinasabi ko.Sabi niya kailangan pa daw niya ng ilan pang mga patunay para malaman talaga ang totoo.Buti pa sya hindi nanghuhusga agad,hindi gaya nina Kim at Philip na porket mahal yung lintang yun eh sinabi na agad na nagsisinungaling ako.Nakakainis lang !

Matapos naming mag-usap nagsimula na ang klase,nagdiscuss lang ang teacher namin sa Math at gaya pa din ng dati,tulog na naman ako samantalang si Kim ay gising na gising ang diwa.Ano kayang meron kay Kim at gustong gusto niya ang Math?I hate Math talaga kasi sabi nila MATH stands for "Mental Abuse To Human" at naniniwala naman talaga ako doon hahaha.

Matapos ng Math namin ay sumunod namin ang Mapeh namin,balita ko eh may swimming daw kami ngayon.Yes naman makakakita ako ng mga tourist spot ngayon !Whahahaha.

Pumunta muna ako sa locker ko para kumuha ng gagamitin sa swimming at sa kasamaang palad,nakatrunks lang ako at nakahubad ang upper body ko.Ni sando wala.Nakakainis masisilipan tuloy ako ngayon,omay ang breast ko masisilayan na ngayon ng aking mga kaklase.Huhuhu !

Nang kukuhanin ko na ang trunks ko at goggles,nagulat ako kasi may pulang card na naman at dalawang rose naman ngayon.Aba matinde sino ba kasi talaga tong hayop na to?Naiinis na ako ha kasi ayaw naman niyang magpapakilala.

"Sana balang araw mapansin mo din ako."binasa ko ang nakalagay sa red card grabe eh papansin naman pala tong lalaking to eh.Edi magpapampam siya sa akin papansinin lang pala eh.

Kinuha ko yung dalawang rose at nilagay ko sa bag ko kasama ng sulat.Nakakatatlo na siya ha.Balang araw talaga makikita ko siya.Promise !

Agad na akong pumunta sa may cr para magshower at par makapagpalit na din.Omay nahihiya tuloy akong lumabas kasi bakat !Huhuhu nakakainis naman eh.Bakit kasi ang laki laki nito alang kabakla ko?Hahahahaha joke.

Nahihiya akong pumunta sa may swimming pool at pagkakita ko sa kanila,tinatawanan nila ako pati na din ang linchak na higad girl yun.Bat kaya sila tumatawa ?Siguro dahil ngayon lang nila ako nakitang nakaganito.

Hindi ko na sila pinakialaman at nagtingin tingin na lang sa tourist attraction sa paligid ko.Oww ang laki nung sa isa o tapos yung sa isa pa.Omay Geee !Nasaan kaya sina Philip,Kim at Tristan?Kailagan ko din makita yung sa kanila.

*Prrrrrrtttt

Bigla nang sumipol yung teacher namin bilang pagsisimula.Nasaan na kasi sina Kim?Nakakainis naman eh hindi ko sila makita.

Nakapila na kami at naghahanda nang tumalon sa pool ng bigla akong napanganga sa nakita ko at napasahi ng WOW !!!!Ang ganda talaga ng abs nilang tatlo at ang macho macho pa.Omay g !Naglalaway tuloy ako.

"Hoy Patrick talon na !"sigaw nung teacher namin kasi ako na lang pala yung hindi nakakatalon sa pool.Nakakahiya naman !Biglang tumawa ang higad girl na yun.Grrr nakakainis pang-asar talaga siya lagi eh no?Kasura !

"Ahhh so...sorry po."sabi ko at tumalon na at nag ala Dyesabel na sa swimming pool.

Pagka-ahon ko,tumawa na naman ang halos lahat ng mga kaklase ko lalo na ang higad na iyun.Bakit kaya?Ano kayang problema nila sa akin?Sungalngalin ko mga bunganga nila eh.

"Hahaha butas yung trunks niya nakakahiya."bulong bulongan nung isang babae

"Ayyyy kita ang panty ni ate."pang-aasar naman nung lalaki

"Hahahaha butas ang trunks !"sabi nila lahat sa akin habang tumatawa

Hindi ko alam ang gagawin ko kasi napapaligiran nila ako,tawa lang sila ng tawa.Nakakarindi,nakakainis,nakaka-iyak.Bakit ?Bakit kailangan pa nila akong pagtawanan ?Pwede naman nilang sabihin ng maayos.

"Hahahahaha kawawa naman !"tawa lang sila ng tawa habang ako naman ay napaupo na sa may sahig at nakayuko doon at halatang takot na takot

"Tama na !"sigaw ko sa kanila

"Hahahahaha butas !"sigawan pa nila.Tinakpan ko ang tenga ko para hindi na madinig ang panglalait nila.

"Tama na !Parang awa niyo na."sabi ko habang umiiyak at nakaupo

"Hahahaha baklang butas !"sigaw nila habang tumatawa

Hindi na ako nagsalita at umiyak na lang nang umiyak.Hindi ko alam ang gagawin ko noon,kung tatakbo ba ako o hindi.Iyak lang ako ng iyak at iniisip na panaginip lang lahat ito,isang masamang panaginip,isang bangungot.

Maya maya,may naramdaman na lang akong naglalagay ng towel sa may likudan ko at pagtingin ko,hindi ako nagkamali,si Kim nga.Inakay niya ako patayo at dinala sa may clinic kasi iyak pa din ako ng iyak.

"Ki...ki...Kim salamat ha."sabi ko sa kanya habang umiiyak

"Okay lang yun,tama na nga yun.Diba sabi ko sayo kapag umiiyak ka mas nagmumukha kabng bakla ?Hahaha."sabi niya kaya natawa na din ako

"Nakakainis ka !Hahaha."sabi ko at hinampas siya sa braso.Sus chansing lang ako doon para mahawakan ang muscle niya hihihi.

"Bat ba kasi butas yang ginamit mo?"tanong niya sa akin

"Hindi naman to butas eh,ayos nga to kanina eh kasi bagong bili ko lang to."sabi ko sa kanya

"Eh anong nangyari dyan?Yan tuloy pinagtawanan ka pa ng mga tao."sabi niya sa akin

"Hindi ko nga alam eh parang halatang sinira to.Halatang binutas ng kung sino man."sabi ko sa kanya "Isa lang ang hinala ko."sabi ko sa kanya at tumingin ng seryoso

"Sino?"tanong niya sa akin "Si Misty na naman?"tanong niya sa akin

"Oo."sabi ko sa kanya

"Ilang ulit ko bang sinabi sayo Patrick na huwag mo na siyang siraan sa akin?Kilala ko siya at masasabi kong mabait siya."sabi niya sa akin

"At ako ano Kim?Hindi?"seryoso kong tanong sa kanya

"Hindi sa ganun ay basta.Huwag mo na ulit siyang sisiraan sa akin kasi hindi ko alam ang magagawa ko."sabi niya sa akin

Tumango na lang ako at nagsabing magpapahinga muna ako dito sa clinic.Hindi na ako nalulungkot dahil sa nangyari,nalulungkot na ako kasi ayaw niya akong paniwalaan.Ilang beses ko bang kailangan sabihin sa kanya na nagsasabi ako ng totoo?Hanggang kailan ba sya magbubulag-bulagan?

Nahiga muna ako sa kama sa may clinic at natulog.Medyo napagod din ako ngayon kailangan ko munang magpahinga.

----------------------

May nadidinig akong paparating.Unti-unting bumukas ang pinto ng clinic.Dahan dahan siyang pumasok.Sa tingin ko nurse lang ito pero bakit ganun ?Kakaiba yung amoy ng pabango niya kaya tiningnan ko agad kung sinong pumasok at nagulat ako sa nakita ko.

"Misty ?"nasabi ko na lang kasi nakita ko siya na nakatapat sa akin at may kutsilyo siyang hawak na nakatutok sa akin

Isasaksak na sana niya sa akin yun nang bigla akong nakatayo at naka-iwas sa kanya.Ano bang kailangan ng babaeng to?Wala naman akong ginagawang masama.

"Panira ka sa mga plano ko.Dapat mamatay ka na !"sigaw niya sa akin at sinusubukan akong saksakin pero mabuti na lamang at nakakaiwas ako

Tumakbo agad ako papalayo sa kanya pero bigla akong nadapa nung malapit na ako sa may pinto.Aray ang sakit ng paa ko!Bakit ngayon pa ako nadapa ?Bwiset !

Palapit siya ng palapit sa akin hanggang sa hinawakan niya ako sa may kamay at pinatayo.Nakatutok na ngayon ang kutsilyo sa may leeg ko habang siya ay nasa may likuran ko.Kyaaaaah katapusan ko na ba ?

"Please Misty huwag mong ituloy to."pagmamakaawa ko sa kanya

"Bwiset kang bakla ka !Balakid ka sa mga plano ko,mabuti na lang at hindi sila naniniwala sayo."sabi niya sa akin habang nakatutok ang kutsilyo sa may leeg ko

"Please itigil mo na to Misty."pagmamakaawa ko sa kanya

"Hindi pwede !"sigaw niya sa akin hihiwain na sana niya ang leeg ko ng bigla ko siyang siniko sa may tyan kaya naman napaupo siya sa may sahig

Tumalsik ang kutsilyo sa may harapan ko kaya kinuha ko ito.Hahaha kapag nga naman shushunga shunga !Humanda siya sa akin.Siya naman ang papatayin ko ngayon !

Unti-unti akong lumapit sa kanya at sinabing "Katapusan mo na."sabi ko sa kanya at tumawa

"Please huwag mo itong ituloy Patrick maawa ka."sabi niya at nag-iiyak pa

"Kanina nung nagmamakaawa ako nakinig ka?Ano ka ngayon?Hahah hindi uso sa akin ang salitang awa."sabi ko sa kanya at itinutok ang kutsilyo sa kanya

"Say your last words."sabi ko habang patuloy na nakatutok sa kanya ang kutsilyo

"Please huwag mo tong ituloy."sabi niya sa akin pero tumawa lang ako ng mapait sa kanya.Katapusan na niya !

Isasaksak ko na sana sa kanya ang kutsilyo pero nagulat ako kasi biglang bumukas ang pinto ng clinis at biglang lumabas doon si...si...si Kim !Nagulat siya sa nakita niya.Patay na !

"Patrick anong ibig sabihin nito?"nagagalit na tanong sa akin ni Kim

"Ki...Kim?"nanginginig kong tanong at nabitawan ko na lang bigla ang kutsilyo "Magpapaliwanag ako."sabi ko sa kanya

"Wala ka nang dapat pang ipaliwanag.Kitang kita na ng dalawa kong mata,papatayin mo si Misty."galit niyang sabi sa akin

"Hi...hindi."naiiyak kong sabi sa kanya

"Anong hindi eh kitang kita na ng dalawang mata ko?Ano bang ginawa niya sayo at ginaganito mo si Misty?"sigaw niya sa akin

"Kim hayaan mo akong magpaliwanag please."naiiyak kong sabi sa kanya

Hindi niya ako panakinggan.Lumapit siya sa nag-iiyak iyakang si Misty at binuhat ito.Bago sila umalis hindi ko inaasahan ang sinabi sa akin ni Kim na mas nagpaluha sa akin "Kalimutan mo ng naging magkaibigan tayo."sabi niya sa akin bago lumabas ng pinto

Pagkalabas ni Kim nakita ko ang demonyitang babae na yun na nakatawa.Nakakainis siya !Pero wala na akong paki sa babaeng yun,ang inaalala ko ngayon ay si Kim.Kalimutan ko na daw na naging magkaibigan kami?Hi...hindi pwede kasi hindi ko kaya,mahal ko siya.Kim bumalik ka sa akin.

-------------------------

Nandito lang ako sa may hagdanan malapit sa may locker umiiyak.Naaalala ko pa din yung nangyari kanina simula doon sa tinangka kong saksakin si Misty.Bakit ba kasi nagpadala ako sa galit ko?Bakit ba kasi sasaksakin ko siya?Bakit ba kasi ang tanga tanga ko?Grrrr !Yan uloy galit na galit sa akin ngayon yung taong pinakamamahal ko,si Kim.Hindi ko kaya,paano na ako?Yung taong tumutulong sa akin sa tuwing may mga problema ako,wala na.Yung taong nagpapasaya at nagpapangiti sa akin,wala na.Wala na si Kim,wala na siya.At kagagawan ko itong lahat !Ang tanga tanga ko talaga kahit kailan.

Iyak lang ako ng iyak dito,wala akong pakialam kung may makakita sa akin o ano bahala na sila sa buhay nila basta ako,iiyak lang ako dito.Iniiyak ko lang ng iniiyak lahat ng sakit at bigat sa dibdib na nararamdaman ko.Hindi ko talaga kaya,hindi ko kayang mawala siya.

Habang umiiyak ako,nagulat ako kasi may taong nakatayo sa harapan ko.Hindi ko makita ang mukha niya kasi nakayuko ako habang nakataklob ang mga kamay ko pero base sa nakikita ko,isa siyang lalaki.Sino kaya to?

Ini-angat ko ang mukha ko at nakita ko si Tristan.Bakit kaya nandito siya?Hindi naman sa ayaw ko siyang makita o makasama pero hindi lang ako makapaniwala na nandito siya,hindi kasi kami gaanong close kasi hindi naman kami gaanong nag-uusap.

"Bakit ka umiiyak?"tanong niya sa akin at tumabi sa may hagdanan kung saan ako nakaupo

"Wala to huwag mo na akong intindihin."sabi ko sa kanya habang nakayuko pa din ako kasi nahihiya akong ipakita ang umiiyak kong mukha.Ang haggard haggard ko na nakakainis !

"Anong wala?Eto o panyo gamitin mo muna."sabi niya sa akin

Tiningnan ko lang siya sa mga mata niya at tumango naman siya na nagsasabi na okay lang na gamitin ko ang panyo niya.

"Salamat."sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha ko

"Bakit ka ba kasi umiiyak?"tanong niya sa akin

"Wala nga to eh."sabi ko sa kanya habang tumatawa para hindi niya gaanong mahalata na may mabigat akong problema na dinadala

"Sus wala daw."sabi niya sa akin

"Hahahha hindi kasi,iniwan na kasi ako nung pusa ko,si Arf."sabi ko sa kanya para hindi na siya mag-ungkat pa ng iba kong mga problema

"Hahaha nakakatawa naman ang pangalan ng pusa mo.Arf haha !Hindi ba parang pangalan yun ng aso?"tanong niya sa akin habang tumatawa

"Haha ganyan talaga para unique.Ayun nga umiiyak ako dito kasi iniwan na ako ni Arf."sabi ko sa kanya habang nagpapahid pa ng luha.Isipin niyo na lang na si Arf ay si Kim.

"Bakit ka ba iniwan ni Arf?"tanong niya sa akin

"Eh kasi may gf na pusa si Arf ang pangalan niya Evelita at halata pa lang sa pangalan evil na agad siya eh yun dahil tinangka niya akong kalmutin,tinangka ko siyang tagain."sabi ko kay Tristan

"Ahhh tapos anong nangyari?"tanong niya sa akin

"Ayun nga nakita ako ni Arf na tatagain o sasaksakin si Evelita at nung nakita niya ako,nagalit siya at umalis kasama ang bwiset na pusa yun ang itim itim naman."sabi ko sa kanya habang nang-gigigil

"Hahaha hayaan mo na.Impostante talaga sayo yang pusa mo ano?"tanong niya sa akin

"Hindi lang importante,mahal na mahal ko ang pusang yun."sabi ko sa kanya habang umiiyak

"Hayaan mo na balang araw mapapatawad ka din ni Arf."sabi ni Tristan sa akin

"Sana nga Tristan,sana nga."sabi ko sa kanya at ngumiti

Salamat kay Tristan kasi kahit papaano,nailabas ko yung nararamdaman ko.Medyo gumaan ng konti ang bigat ng nararamdaman ko,buti dumating siya.Kahit na hindi naman talaga pusa ang tinutukoy ko kung hindi si KIm,masaya pa din ako kasi nailabas ko ang gusto kong ilabas.Salamat sa kanya,salamat kay Tristan.

------------------------

 Gabi na,mag-isa lang akong naglalakad ngayon.Hindi nga talaga ako hinintay ni Kim,grabe siya pero hindi ko din naman siya masisisi kasi muntikan ko nang masaktan yung pinakamamahal niyang babae,ang higad na yun.Mag-isa lang ako ngayon,nakakamiss yung kapag magkasama kami lagi ni Kim kapag umuwi,yung nagkekwentuhan muna kami,asaran,tawanan,lahat yun nakakamiss.Sana bumalik na siya,sana mapatawad niya pa ako.

Habang naglalakad ako,may biglang humintong puting van sa harapan ko.Nagsimula na akong kahaban ng biglang nagbukas ang van at..at nakita ko doon si Carl,yung dating nambugbog sa akin,yung may gusto dati kay Marj,sa bestfriend ko,yung galit na galit sa akin.Anong ginagawa niya dito?Huwag niyong sabihin na?

"Nandito ka lang palang bakla ka,ang tagal tagal ka naming hinanap.It's payback time."sabi ni Carl at bumaba at dinala ako papasok ng van.Tinakpan niya ang ilong ko ng isang panyo na dahilan ng pagkahimatay ko.

Pero bago ako nahimatay may nakita akong isang napakahalagang tao sa buhay ko,si Kim.Sana nakita niya ako,sana iligtas niya ako,sana.Pero impossible na,galit siya sa akin.Huwag ka nang umasa pa Patrick masasaktan ka lang,dito na siguro talaga magtatapos ang kwento mo.Ang kamatayan mo.

-----------------------------

Ayan kahit pagod na pagod po ako ngayon nag-update ako,sana naman po magcomment kayo and pati vote.Sana po nagustuhan niyo hahaha ge babye see you sa next update ko :D

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 48.3K 152
Pa-like po ng status, miss maam. An epistolary.
14K 257 39
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
349K 23.7K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
602K 15.3K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...